ano ba yan ang init talaga ngayong araw na ito grabe, pero halos araw-araw nalang din mainit lalo na sa kwarto namin kaloka.
Joined 15 June 2020 · 79 posts
Be positive & Goodvibes lang
120 KT
0 KT · 43¢ received · 0 KT given
ano ba yan ang init talaga ngayong araw na ito grabe, pero halos araw-araw nalang din mainit lalo na sa kwarto namin kaloka.
Maging masaya tayo Ber months na, pero kahit kailan ay hindi ako naging especial sa buong buhay ko. Nawalan ako ng mga taong nandyan lagi sa tabi ko. Nawalan ako ng halaga sa kanila. Alam ko minsan gusto ko din maging especial, minsan gusto ko din may maipakita pero papaano? Sana ngayong darating na pasko makapag pa rebond ako kahit hindi ako especial, makabili ng bagong damit. Pero paano mangyayare yun kung aasawa ko lang ang mag ttrabaho.? SiYa lang din inaasahan namin sa pang araw-araw na pamumuhay at gastusin dito sa bahay. Ang hirap ng taong bahay lang, minsan gusto kong gawin ang mga bagay na ginagawa ko noon.
Ayoko na Ang hirap ng ganito, yung walang makakaintindi sayo, wala kang makausap. Sa twing nag aaway kami, hindi na kami mag iimikan, kahit matulog sya kase alam kong wala din naman syang pake sakin, ako nalang nakakaintindi ng sarili Ko. Parang gusto ko ng sumuko sa mga oras na to. Ayoko ko na wala din naman pag uusapan pa. Ang sakit sakit sa pakiramdam...😭😭😭😭
Challenge Naranasan nyo na ba na gumawa ng gawaing bahay mag isa? Yung tipong may kasama ka sa bahay pero sila mismo ang hindi tumutulong sa gawaing bahay. Ako kahit may asawa na hindi ko naramdaman na maging prinsesa, maliban nalang kung mag kakasakit ako. Sa totoo lang nahihirapan din ako bilang isang magulang, lahat sa akin, ang hirap pala maging ilaw ng tahanan pero kinakaya ko dahil sa anak namin. Dati nag rereklamo ako na kesyo ako nlang lagi ang gumagawa. Pero now nasanay nako ako lahat lahat. Pero minsan nakakaramdam din ako ng pagod at pagtitiis. Lahat pala ng ito ay isang challenge sa buhay ko. Sana kayanin ko pa, sana maappreciate din nila lahat ng ginagawa ko. Masaya kung masaya pero minsan nakakawalang gana na talaga ang mabuhay. Pero dahil sa may anak na ako, nagiging matibay ako at mas lalo pang tumitibay.
Life must go on Yung hindi na talaga ako natutuwa sa buhay ko ngayon, ako na nga ang nag effort ako pa yung napasama. Super nakakabadtrip talaga.
Sunday Good morning sunday, its a nice and lovely day for me.
Lagi nalang ako... Heto na naman ako, dami iniisip lahat sakin sa bahay, magluto, maghugas ng pinggan, mag-alaga, mag linis ng lahat lahat ng kalat, maglaba at mag silbi araw-araw.. kailan din ba ako pag sisilbihan sa bahay ? Kailan kaya ako makakabili ng personal hygine ko ? yung makakapag relax din ako makapag salon din kahit papano. Ewan ko ba, minsan nawawalan na ako ng gana sa ibang bagay pati dun sa mga kausap ko minsan sa messenger. Feeling ko ang babaw ko, feeling ko lumiliit na mundo ko.
Thursday Good morning po sa lahat its thursday na naman. Good vibes lang lagi and think positive tayong lahat.
business While working this hour, i just drink my favorite milktea.
COC Clash of Clans is my most game favorite than mobile legnends. 8 years and still playing the COC.. Very nice and easy to play.
Feeling Okay Medyo okay na ako, sana mag tuloy-tuloy na ito. Basta may pinapanood ako at kasama ko ang asawa at anak ko. Sila ang nag papasaya sa akin.. Thankyou Lord.
Ang hirap Kilala ko ang sarili ko, hindi ako yung tipo na nag papaawa o mag mamakaawa paera lang masabing kumampi sakin, lalayo nalng ako sa mga taong hindi ako maintindihan at hindi ko ipag sisiksikan ang sarili ko sa kanila. Dati mabait ako tipong hindi ako marunong magalit, pero dahil sa naramdaman ko wala na yung dating ako yung nag papakumbaba. Sila na yung magaling, sila na yung laging tama. Kahit sarili mong kapatid kinikwestyon ka sa mga nararating mo o kahit wala pa man. Hindi naman talaga kami ganito dati, parang hindi ako kilala ng kapatid ko akala mo laging galit sa kanya. Hindi din nag papatalo, nakalimutan na yata na kapatid nya ako. Sige nga sabihin nya nga sa harap ko para magkaalaman. Hindi ako plastik na tao, may paninindigan sa tamang paraan, wag lang ako kakantiin kundi matitikman nya din ang gusto kong iparating sa kanya. Nakakasawa yung mga taong pabiktima na akala mo walang ginagawa. haysst... ang hirap maging ako, wala na nga akong narating bakit mananapak pa akong ng tao. Sige sila na ang may narating, sila na ang magaling. Kung sa bagay sino ba naman ako na nangangatwiran lang naman.
Sino ba ako ? 27 years old walang narating sa buhay, walang maipagmalaki, walang silbi sa pamilya, pero maswerte dahil may anak at responsableng asawa. Walang maitulong sa asawa pero kayang gumawa ng gawaing bahay at pag silbihan ang anak at asawa. Kailan nga ba ako huling naging masaya at tumawa? Yung sitwasyon ko sa sarili ko na kahit kailan hindi ko maipagmalaki sarili ko sa ibang tao pati sa asawa ko. Ang hina ko, ni hindi ko man lang nagawan ng paraan yung mga dating dalaga pa ako. Wala din naman gumabay sa akin kundi sarili ko lang. Naging independent ako, minsan makasarili pero nasa tamang paraan naman. Sabi nila mahina daw akong umintindi, walang silbi naman sabi ng tatay ko . Wala man lang pampagandang mabili kahit anong skin care routine. Kung tutuusin gustong gusto ko ng mag trabaho, gusto ko nang mag aral ulit kaya lang huli na ang lahat, face the reality na hindi ko talaga maabot mga pangarap ko. Minsan gusto ko nang sumuko kase wala akong ibang alam gawin, ang hirap para sakin na wala din naman makikinig ng kwento ko, lahat sila bc lahat sila puro gadget ang hawak at maglaro, samantalang ako, nag papaubaya nalang sa kanila kahit na ang hirap para sakin, yung hindi ko mailabas ung expression ko na nahihirapan na ako, pero gayunpaman pinipilit ko parin maging masaya. hindi ko talaga deserve lahat ng bagay na wala ako eh, siguro ganun nalng talaga harapin ko at pagsilbihan nalng sila sa paraan na alam ko at makakabuti para sa kanila, kahit na wala na yung mga bagay na gustong gusto ko, kase alam ko doon lang sila magiging masaya. Wala na din siguro akong karapatan sumaya..
Pangako Sayo Sobrang ganda pala ng teleserye ng Pangako Sayo, intense lahat ng mga nangyayare 2015 pa nag start pero bakit ngayon ko lang napanood? Ibat-ibang character ang mga kasali sa isang teleserye. Nakaka 78 episode na ako. Iba talaga ang kapamilya pag gumagawa ng teleserye.
kdrama Nakakawala ng stress kapag nanonood ako ng Kdrama Series, hindi ko na inisip ang mga problema. Isang impluwensya sa akin ang panonood nito, simula pa noong 2015 nag umpisa na akong manood ng kdrama.
Luho Isa sa wala ako sa sarili ko ang maraming luho, di ko alam kung bakit lumaki ako ng walang hinihingi ng kahit ano sa magulang ko. Isa lamang akong ordinaryong babae na nabuhay sa mundong ito at pinalaki ng aking mga magulang na simple lamang. Ang pagiging simple lang ang naging maayos na paraan, ako yung tipong hindi mahilig sa mga bagay na nakikita ko sa ibang tao, marahil minsan may mga gusto ako pero hindi ko din naman nakukuha kahit na may asawa nako. Sanay na ako sa ganung senaryo, kaya nag hahanap ako ng online bussiness para kahit papaano makatulong din sa aking asawa at hindi sya mabigatan.
Maulan Isang hapong maulan, ako ay nag aalala sa aking asawa na nag tatrabaho para lang makabayad sa mga pinaguutangan namin, sana panginoon makauwi po sya ng ligtas huwag nyo po siyang pabayaan.
Subukan mo Kung natatakot kang sumubok umakyat, paano mo makikita ang magandang tanawin. Natatakot kang mahulog? Hindi ka pa nga nakaka akyat, nag aalala ka nang mahulog? At kung sakaling nasa tuktok kana, bat ka magpapahulog eh pwede ka namang kumapit nang mahigpit, pero kung sa pagtanaw pa lang sa tuktok, takot ka nang sumubok, tanggapin mo na lang na habang buhay ka lang sa baba at araw-araw na tatanaw sa mga taong hindi naging duwag sa pagkuha ng kanilang mga pangarap. Kung ikaw nga mismo takot kang kunin ang mga pangarap mo, wag mong asahang itutulak kapa ng ibang tao para sa mithiin mo. Pero ngayon pa lang sasabihin ko sau na wag kang matakot umakyat at abutin ang nasa taas, kasi hindi mo to gagawin ng mag isa, marami kaming iaangat ka at hahatakin ka pataas, dahil kung paano namin naakyat ang tuktok ay ituturo naman namin ang eksaktong daan upang maiwasan na ikay mahulog at maligaw. TIWALA LANG! MAY AWA ANG DIYOS!
Ang Pinakadakilang Pag-ibig Sa Lahat Bilang isang anak ay isa sa pinaka dakilang pag-ibig ng aking ina ang kanyang pagmamahal. Isang bagay na hindi matutumbasan ng kahit anong bagay at hindi mapapantayan ng kahit sino. Simula pa nung bata ako ay siya na ang napagmulatan ko hanggang sa ako ay lumaki sa kanyang pag aaruga. Patunay yan ng kanyang pag aaruga, pagmamahal, pagiging responsable sa lahat ng oras. Ito ay sobrang aking pinag papasalamat dahil may ina akong handa ibigay ang lahat maitaguyod lang kaming mag kakapatid. Salamat sa panginoong may kapal, sana bigyan nyo pa po ng mas mahabang buhay ang aking ina at lakas pa ng pangangatawan.
Pagiging Mapagbigay Ako yung taong ni minsan hindi nag damot sa kung anong meron ako. Pero sa sobrang mapagbigay ko pala, hindi na naging maganda ang mga kinalabasan. Kapag ako naman ang may hiniling hindi din naibibigay, dahil sa ano ? mahal ? o sadyang walang interes ? Habang tumatagal wala na akong silbi sa buhay, yung ibigay mo ang lahat pero parang walang nakakaappreciate sayo, yung ginagawa mo na ang lahat para lang maging masaya sila.
Pagkalungkot Ang hirap magpanggap na okay ako, pero dinadaan ko nalang sa paglilibang katulad ng pakikipaglaro sa aking anak, panonood ng kdrama o kaya panonood ng blog ng mga sikat na youtuber. Minsan napapawi ang aking nararamdamang lungkot. Ano nga ba ang minsang nararamdaman kong lungkot? madaming dahilan kung bakit ako ganito, alam ko naman na may sarili na akong pamilya, kung tutuusin nga swerte ko na dahil andyan sila para sakin. Pero bakit ganon may mga bagay akong gusto pang gawin pero di ko na magawa dahil may anak na at asawa na ako, sa totoo lang nawalan na ko ng gana sa ibang bagay, yung dumating na sa puntong wala na din akong masabihang kaibigan, kahit kamag-anak o kahit ang aking asawa hindi ako makapag sabi ng problema o kaya ng aking nararamdamang lungkot minsan, dala lang kaya ito ng hirap ng buhay ? Minsan napapaisip ako na wala akong kwentang tao sa mundo na to, dati rati may trabaho ako nkakabili din naman ng mga kailangan pero kapos parin. Lalo pa ngayong nagaalaga nalang ako ng anak at taong bahay nalang din. Hindi nalang ako nakakapag sabi sa asawa ko ng nararamdaman ko kase alam kong wala din naman syang pakialam sakin, kaya minsan naiiyak nalang ako. Yung pakiramdam na wala naman akong karamay, pero binabalewala ko nalang ito madalas, sa araw-araw na ginagawa ko gawaing bahay, paglalaba, paglilinis, pagluluto, pagpapaligo sa anak at pagpapakain sa aking anak, yang ang mga paulit ulit kong ginagawa na kahit nakakasawa na ay ako lang din ang kikilos kahit minsan nakakatamad na. Kinahihiligan ko lang sa pagkakaroon ng raket ay si read cash kung saan kumikita din ako pero nagagastos din, gustuhin ko man ipunin pero hindi talaga kaya hindi din sapat kinikita ni mister dahil madami din utang, hindi ko na din mabili mga personal needs ko dahil alam kong mas may kailangan pa akong bilhin sa bahay at para sa anak ko. Minsan gusto kong magpaganda pero wala din naman pambili, mas unahin ko nalang talaga pagkain kesa sa magpaganda, kase sa totoo lang ayoko din pabayaan ang sarili ko, ayoko na din kase humingi sa asawa ko dahil alam ko namang hindi nya din naman maibibigay mga gusto ko. Naiiyak ako sa pagkakataon na to, dito ko lang nailalabas ang hinain ko sa buhay kahit na alam kong walang nakikinig sakin. Ang hirap maging tao, kaya pakiramdam ko ang malas ako at walang kwenta.
Sales Lady Isa sa pinakamahirap na trabaho na aking napatunayan sa aking buhay, ang pagiging sales lady sa isang Sm. Taong 2011 nang ako ay nag simulang mag apply at pumasok dito sa Harrison, hawak ang mga produktong Christmas lights kung saan ako ay seasonal lamang. Isang karanasan na hindi ko din makakalimutan sa akng buhay, isa din akong natuto sa pagbebenta ng mga ito. Usapang pagbebenta ang aking puhunan rito at hindi ko ito kinakahiya sapagkat dito ako natuto makisalamuha pa sa maraming tao. Maging sa aking mga kasamahan. Ang sarap din sa pakiramdam na kahit nakatayo ng walong oras sa isang araw ay nakakabenta parin ako at kasiya siyang karanasan talaga. Nag papasalamat ako sa ate ko dahil sya ang nag bigay sakin ng lakas ng loob para makapasok sa isang kumpanyang ito, ako ay kumukuha na din ng karanasan upang lumawak ang aking kaalaman. Hindi lang sa gusto ko magkasahod kundi ang gusto ko din ang aking ginagawa.
Buhay Estudyante Isang bagay ang aking natutunan hindi lang sa loob ng aming pamamahay, ito ay ang matuto din sa loob ng paaralan. Ang daming naging karanasan sa pag aaral, dati rati gusto lang natin mag laro ng mag laro para lang malibang. Natututo akong makisalamuha sa mga kaibigan, kaklase at mga guro sa paaralan, madami din naging insipirasyon sa pag aaral, may mga nakukuha din akong akademya sa paarala, naging parte din ako ng isang club, maging isang sekretarya sa isang klassroom, at maging isang officer ng CAT. Nakakamiss talaga ang lahat dahil naging parteko na ng buhay ko ang pag-aaral. Sa kabila nito ay, may mga hinangaan din ako at humanga din sa akin ng hindi ko masyadong kilala. Ang sarap lang sa pakiramdam na may ganoong klase at karanasan. Isa naman sa mga nagustuhan ko ang pagiging isang sekretarya ng classroom, kahit na nakakapagod din ang mag sulat sa pisara ay naeenjoy ko parin ang karanasan na iyon. Maging ang pagiging CAT officer ay isa sa pinakamalaking hamon na aking buhay high school, ang sarap lang din sa pakiramdam na kahit mahirap ang mga hamon na binibigay ay madami at naging disiplinado din ako sa aking sarili, kasama ang aking mga malalapit na kaibigan, sila din ang naging pangalawang pamilya ko sa hirap na mga hamon, pag dadamayan sa mga oras na wala ka, at pagkakaisa ng isang mabuting kaisipan at may pagmamahalan ng bawat isa. Hindi ako nag sisi na sumali sa isang club ng CAT dahil kapag gusto mo talaga, gagawa ka ng paraan para makasali dito, dahil gusto ko din disiplinahin ang mga batang estudyante na na matuto din sila isang araw.
Pagpapatawad Alam natin na madami din sa atin ang nagkakamali, pero hindi naman talaga maiwasan ang pag aaway. Lahat ng bagay sa mundo ay mayu dahilan at kung kaya tayo ay naririto. Ang sarap mag mahal ng taong mahal na mahal din tayo, ngunit sa kabila nito bakit nga nag kakahiwalay ang mag kasintahan ? Madaming dahilan kung bakit hindi ba ? Ito ay marahil na ibat-ibang kwento sa likod ng relasyon. Hindi talaga maiiwasan ang mag kamali ng paulit ulit ngunit ito ay pag subok lang sa atin, wala naman talagang perpektong relasyon sa mundo. Sa aking palagay, nasubukan ako ng tadhana at madami din napagdaanan sa isang relasyon kung saan ay hindi maipaliwanag. Ang pagbabago ko sa pakikitungo sa isang relasyon ay naayon sa aking karanasan. Ang hirap maging ako, pero natutu akong mag patawad sa kabila ng mga nangyare sa aking partner. Kahit ganon ang nangyare talagang tadhana na ang nag uugnay sa amin at kahit alam kong mahirap ang pagsubok na iyon ay aking kinaya parin, bakit ? dahil sa isang pagkakamali natin ay doon tayo natututo. Iba iba din ng kakayahan kung paano panghahawakan ang isang relasyon, dahil hindi naman laging masaya, hindi naman laging malungkot, pag bibigayan, paguunawaan at titiwala, at higit sa lahat dapat ay laging nasa sentro ang panginoon.
Dalaga na Siya Parang kailan lang nasa sinapupunan palang kita, ngayon malikot kana at marami ka nang alam. Isa sa pinakamakulit at matalinong bata ang dumating sa aming buhay. Isa sa pinakamasayang pakiramdam ang makapiling ko ang aking anak. Ang sarap sa pakiramdam na alam nya din na mahal na mahal namin sya ng kanyang papa. Madami din kaming natutunan sa anak namin, maging isang responsableng magulang sa kanya at natutunan kong magkaroon ng maraming dahilan para mas mahalin pa namin sya. Hinding hindi ako susuko at hinding hindi ko susukuan ang aking anak para lang sa ibang bagay. Siya ang lahat sa amin. Salamat din sa panginoon at pinagpala nya kami ng isang anghel sa buhay namin.
Kapamilya Isa sa pinakamahirap mawalan ng pamilya, isang pag subok na madami na din napagdadaanan. Marahil madami sa atin ang nalungkot sa pagkawala ng isang estasyon at pinatay na ang parangkisa. Sa aking opinyon ay hindi maiwasan ang maging emosyonal, karapatan naman talaga ng bawat isa ang magkaroon ng kalayaan n lmihijjjjjjjjjj
China Bubonic Plague What is Bubonic Plague? It is caused by bacterial infection, was responsible for one of the deadliest of epidemics in human history. It is called the Black death which is about 50 million people accross Africa, Asia and Europe in the 14th Century. According to state reports, Byanbur patients a herdsman is an quarantine with a stable condition. They were official also investigating a second suspect case according to China. The Bubonic Plague are once the worlds most feared disease, but now its easly treated. In the first case was reported as a suspect bubonic plague. At hospital in Urad Middle Banner, in Byanbur City. It is not clear why the patient are might become infected. Bubonic cases are rare, but there are still few, of the disease from time to time.
Libangan Isa sa mga hindi mawawala ang paglilibang, katulad na lamang ng paglalaro, pag iinuman, panonood ng palabas at kung ano ano pa. Masasabi natin na ang lahat ng ito ay mula pag kabata pa lamang ay isa sa mga nagustuhan nating gawin sa pang araw-araw na ginagawa. Lahat tayo nakaranas na ng nabanggit ko sa itaas, ito ay upang malibang tayo at maunat ang ating mga buto. Pero mas mahirap lang ay kapag nasobrahan tayo sa paggamit ng mga bagay na hindi dapat tumagal. Nakasanayan na natin ang mga bagay na ating ginagawa, isa din sa paglilibang ang pag kanta, upang masanay ang ating boses. Ang sarap sa pakiramdam na nakakpag libang tayo sa mga oras ng tayo ay may pinagkakaabalahan sa araw-araw, mga problema na minsan kailangan itabi. Gumawa tayo ng mga hakbang upang mapanatili natin ang ating mga sarili ng masaya.
Pagkawala ng isang anak Isa sa hindi ko malilimutan ang mawalan ng isang anak, marahil bawat isa sa atin ay pinangarap ang magkaroon ng isang anak. Isang anghel ang dumating sa aming mag asawa taong 2015, ako ay nakunan ng anim na buwan noon. Sobrang pagdadalamhati ko sa aking anak na nawalay, pagkalugmok sa karimlan at hindi ko lubos maisip na mawawala nalang sya ng isang iglap. Ako ay nag tatrabaho sa isang kumpanya ng tahian, pagod at hindi pwedeng umuwi basta basta sa trabaho para lang kumita para sa pamilya. Sa mga sandaling iyon ay hindi na namalayan ang pag hina ng aking nararamdaman ang aking baby sa loob ng tiyan ay napapagod din pala. Inabuso ko ang tabaho, pinakamahirap sa lahat ay uuwi ako ng sobrang gutom at talagang walang ibang mag aasikaso, sobrang stress ko talaga noon, minsan nag aaway pa kami ng aking asawa dahil sa isang maliit na bagay lamang. Ang hirap sa pakiramdam na mawalan ako ng isang anghel, kung saan bubuo na kami ng isang pamilya. Hindi ko akalain na mangyayare sa buhay ko ito, hindi ko din naisip na humingi ng tulong sa iba dahil sa nakakahiya. Nag bago ang takbo ng buhay ko, ang hirap pala mawalan ng anak.
Life of seller We can say a seller is also a frontliner, they are firm ang have a life affirming-attitude. Other people are undermining their marketing skills. There are different circumstances in life just to earn a living. Different items are offered to make a profit. I salite online sellers who do and work their way up to make their families happy. Life just goes on to prosper. A wise and blessed morning to all of us.