read.cash Log in
@Zhamia

Bulaklak

Naalala ko tuloy nung ako ay makatanggap ng bulaklak noong ako ay elementary pa lamang. Merong isang tao na nagkagusto at nanligaw, nagulat nalang ako ng binigyan nya ako ng bulaklak at ak ay nasurpresa sa kanyang ginawa. Nakakatuwa lang din na sa edad nya na yun ay kaya nya nang ibigay ang lahat para lang mapasaya ako, sa mga oras na yun ay madami din sa aming mag magkaklase na humihiyaw at kinikilig, akoy nag tataka sa kanyang ginawa, inilagay nya pala ang bulaklak sa aking bag ng hindi ko alam. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mahihiya ba nun ng mga oras na yun. Hanggang sa tuksuhin na ako ng mga kaklase ko at sabi nila ay bukan ko na daw ang bag ko, at pag bukas ko ay ayun na nga at isang pirasong bulaklak ang aking nakita sa loob ng aking bag. Bigla nalang ako nahiya sa kanya pero naappreciate ko din ang ginawa nya. Yung nauunawaan mo na ang mga bata noon na ginagwa parin ng mga lalake hanggang ngayon.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.