1st day of duty Ayon tumigil na ung ulan kaya aalis na ako para mag duty hindi sa office kundi sa tupad, hahaha dito lang kami sa chapel maglilinis, natawa nga ako kasi sabi ni lolo sa wakas makakabunot na din daw ako ng damo, hahaha sorry naman hindi kasi ako naglilinis dito ng damo samin si lola kasi gumagawa non kaya ngaun maeexperience ko na daw. Tinatawanan nga ako ni mama kasi maglilinis daw ako binalewala ko nalang kasi dito sa bahay pagod nga ako kakalinis ng bahay ng walang bayad don pa kaya na may sahod, 10 days lang naman kaya laban, pinatulog ko muna ung mga bata para hindi si lola mahirapan mag bantay.
4 comments
Kasali rin ako sa tupad dati mate. 3,100 lang na pay out ko hehe pero okay narin kesa wala
May Ganyan din saamin sis ewan ko kung nakasali kapatid ko ..kaya mo yan..sis ikaw paba basic lang sayo yan 2 hours lang sa Ilocos may 350 na sile eh sa isnag araw
Nangati ung kamay ko sis sa damo, hahaha hindi kasi ako sanay sa damo eh nagngati talaga ako pag nakakahawak
Ayieee sis kakatapos ko lang mag ganyan.Kakatuwa noh talaga ganyan uniforme buong pilininas.Goodluck sis yakang yaka mo yan.Sayang din yan.Magkano kaya rate nyo dyan.Ang nakuha ko payout ay 4350 hehe