Nag start ako mag benta ng damit last week, at legit naman ung seller kasi may gc kami tapos kanina pag check ko ng gc namin na removed na ako tapos chinat ko siya na hindi pa dumadating order ko 1 week na tapos biglang unavailable na siya. Hahaha jusko ang liit na halaga pero nakuha pang eh scam. Hindi niya alam na libo na ung na scam sakin dati pa kaya sanay na ako. Hahaha pero sayang pa din, hindi ung pera kundi ung tiwala ung sinayang niya.
5 comments
Daming ganyan sis di nya alam sa kanya din ang balik niyan..hayst..
Hays hindi nalang kasi sila mag banat ng buto
Dami ganyan..mas masakit mga joy reserver lalo sa food..dami scammer kahit saang sulok
Nku sayang sis... Kya ako ung mismong kilala lng ang pinapaordr ko ng aking simplng negosyo.
Ouch. Anong damit yan sis? Tama hindi pera ang sayang kung hindi yung tiwala na binigay mo. Ang tiwala ay priceless.