Nag try ako mag hanap ng hiring sa job hiring page dito samin, mostly ng nandon call center at networking madalang lang ako nakakita ng vacancy sa mall at mga establishments. Sa isip isip ko pano pag nag trabaho na ako, sinu mag aalaga sa mga bata? Edi hahanapan ko sila ng yaya kaso baka ung sahod ko sakto lang sa sahod ng yaya at sa allowance ko papasok sa trabaho. Ang dami kung what ifs pero nag hanap pa din ako at ito na nga may nakita akong hiring sa hgprime isa syang company para sa mga pharmacist at ung hiring nila marketing staff at medical representative, bigla akong napaisip why not subukan ko wala namang mawawala eh. At pag submit ko ng resume nag email back agad sila ng exam need ko daw sagutan un kasi don malalaman kung makaka proceed ako sa interview. Ung exam nila logic, grammar at vocabulary tapos may time limit pa natatawa ako kasi mahina talaga ako sa spelling lalo na ang tagal kong naging tambay kaya nagulat ako ng nag email sila na for interview na ako bukas, hahaha hindi ko akalain na mapapasa ko ung exam at hindi ko rin sure kung matatanggap ako pero atleast nag try diba. Kaya goodnight na mga kaingay, thank you lord for this day. Goodluck sakin bukas :)
2 comments
nku feeling ko po ay matatanggap ka jn goodluck po hehhee
Among work sis? Nakataposnka naamn at a ng college sis kaya keri mo yan.