Eksena before the surprise. Me: wala ka talaga cake la, maulan kasi. Lola: Hindi naman kasi kayo ng produce Me: Aba may pa produce pang nalalaman. Hahaha Bawi nalang next year la. Lola: Sad face tapos drama look pa. After ilang minuto dumating na ung car surprise sa kanya. Delivery: Hello la may cargo po kayo, kaso need niyo pong bayaran ung product kasi COD po. Lola: Naku wala po akong pera, kulang pa pambili ng gamot namin. Delivery: Pano po un la kailangan niyo pong bayaran para makuha niyo ung cargo. Lola: Me (ako ung tinutukoy niya) bayaran mo muna me wala akong pera Me: Hala la kulang pera ko. Delivery: Sige la, paki check nalang po ng sasakyan para makita mo ung laman ng cargo. Ay ayun na umiyak na ng umiyak sis lola, hahaha ung akala niyang wala siyang cake un pala 3 tapos may pa chocolate at money bouquet pa siya. Sobrang priceless ng ngiti ni lola, habang pinagmamasdan ko siya napapaluha din ako sa saya. Sobrang deserve niya talaga ung mga ganito. Happy 79th birthday to this amazing women. We love you so much la.
1 comment
Happiest birthday sa lola mo sis.. wow! 79 na sya at ang lakas pa tingnan