Water Shortage Araw araw nalang nawawalan ng tubig dito samin, sobrang perwisyo na talaga lalo na at ang init init ng panahon ngaun. Mga nakaraan araw hapon bumabalik na ung tubig pero ngaun jusko 11pm na wala pa ding tubig, pagod kana nga buong maghapon tapos aantayin mo pa kung kelan babalik ung tubig edi mapupuyat ka nanaman. Hays bahala na matutulog na ako, sana bukas tanghali na nila patayin ung tubig kasi madalas 8am patay nanaman. Hay buhay dami na ngang problema ng mundo dumagdag pa ung water shortage. Napaka stress ng June 1 ko mga ka squad kaya hindi ako naging active dito, hindi talaga nawawalan ng problema eh pero laban pa din sa buhay. Talo ung susuko, kaya goodnight na sa inyo.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Kasama na ata talaga natin ang problema sis.