Yung account kong na-ispam sa noise.cash binalik after one week! Salamat noise.cash!

Avatar for Zcharina22
2 years ago

Napakasaya ko ngayong araw kasi yung account ko sa noise.cash nakakareceive na ng tips ang account ko.

Mag-iisang linggo na simula nong na-ispam ang account ko sa noise.cash. Nalungkot ako pero hindi lang pala ako marami pala kami. Parang bumalik ako sa simula yung nagpopost ako araw-araw pero walang nangyayari hanggang sa isang araw ay napansin din. Ganito ang naramdaman ko nong spam ako.

Sa Isang linggong naka spam ang account ko, nawalan ako ng ganang magpost ulit. Noong mga unang araw medyo ganado pa, kahit walang tips nagpopost parin ako pero nong tumagal na bigla akong naghina sa nakikita ko na walang tips.

Inoopen ko lang account ko para sa pa give-away ni sir AyaMedel pero hindi ako pinalad kasi mga active daw ang priority nila expected na sa akin na hindi ako mananalo kasi hindi naman ako active sa channel nila. Pero kahit ganun sumasali pa rin ako, trying my luck na baka mapili din. At ayun, nagulat nalang ako noong makita kong may $0.15 na tips yung post ko. Akala ko bumalik na sa dati yung account ko hindi pala premyo ko pala sa pagive-away ni sir Aya Medel.

Eto yung post ko sa FSFG ang mechanics ay magpost lang ng kahit ano basta siunsunod ang rules.Sa awa ng Diyos napansin ni Shellyberry ang post ko kahit hindi ako active sa channel nila.

Bihira nalang talaga ako magpost sa noise kasi nga akala ko wala ng pag-asa kaya nagrerenoise nalang ako ng mga post na nagugustuhan ko at nagtitip na lang ang ginagawa ko. Pero kahit ganun may mga time pa rin na namimiss kong magpost kaya nagpopost ako ng updates tungkol sa akin. May naglilike naman kaya lang walang value ang heart nila kaya nakipag interact nalang ako sa ibang users para hindi ako mabored.

Eto yung ginagawa ko nagrerenoise ng mga post na nagustuhan ko kahit wala akong natatanggap ay okay lang. Kapag may ginagawa ka kasi sa account mo sa noise nagiging active ka na rin sa noise.cash

Binalak ko ding gumawa ng other account kasi nasasayangan ako sa earnings everyday eh kahit konti atleast nakakaipon ng pakonti-konti. Ang konti kapag inipon yan dumarami. Kaya lang inisip ko yung rules na one account only kaya pinagtyagaan ko nalang yung account ko.

Dahil walang earnings sa noise.cash nagfocus ako sa read.cash. Nakakapagsulat ako ng 2 articles a day pero ang tip ni random rewarder ay medyo mababa siya. Nakakalungkot pero the fact inapvote niya ay malaking blessings na yun. Kaya imbes na madismaya nagpasalamat nalang ako kasi may opportunity silang binibigay para maka-ipon ng BCH na libre. Oh Diba? Saan ka pa? Halos wala ng libre ngayon.

Bihira nalang akong maka $1 sa isang article hindi tulad ng dati but still thankful to this platform its a great earning site.

Nagpopost nalang ako sa noise para ipromote yung mga article ko. Nagbabakasaling may magbasa sa pinagsusulat kong walang kwenta.lol.

Inoopen ko account ko sa noise para lang ipromote mga article ko para kahit papano may magbasa ng article ko hehe.

Hindi ko naaachieve yung goals ko na $0.50 sa noise kasi wala na akong natatanggap na tip. Dati goals ko everyday is $2 a day noong panahong okay pa account ko pero ngayon mahirap ng iaacchieve ang $0.50. Baliktad na kasi yung nangayayari eh sa isang like dati ang value ng heart ay $0.01-0.05 ngayon ang $0.01 ay likes na ng sampung katao ang laki ng agwat kaya medyo nahirapan na akong makapag ipon sa noise hanggang sa na spam account ko, no earnings na mula kay noise.

Goingback sa account ko sa noise, hindi ko talaga inakala na babalik pa sa dati ang account ko. Noong nakita ko kanina sa notification ko na you've got 0.004 from users nagtatalon ako haha call me OA pero yun talaga naramdaman ko.

surprised notification in my account.
Eto yung nagbigay saya at sigla ko ngayong araw. Sa wakas nakakatanggap na ako ng tip.

Sino ba naman ang hindi sasaya diba? Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala kaya nagpost ako ulit baka mamaya paasa lang pala sa awa ng Diyos hindi naman hehe.

Yung akala mong walang ng pag-asa pero binalikan ka niya. Yung akala mong iniwan ka na niya pero bumalik. Yung akala mong hindi na siya babalik pero bumalik para bigyan ka ulit ng rason para sumaya. haha lol

Noise.cash thank you for bringing back my account.Godbless you and more power. Hindi ko talaga inaasahan to.

May natutunan lang ako, may pag-asa pa rin pala kahit na spam na account mo sa noise. Yung iba kasi napapansin ko pag hindi na sila nakakareceieve ng tip nagbabago na sila ng account. Muntik ko din itong gawin kaya lang nakakabagot yung magsimula ulit tapos the fact na strictly one account only hindi ko na tinuloy. Inisip ko na lang na tapos na ang journey ko sa noise pero himala kasi ngayon nakakareceive na ako ng tips kahit $0.001 okay na yun naiipon naman yan kaysa zero talaga.

Huwag mawalan ng pag-asa sa noise.cash na kahit na spam man kayo ibabalik at ibabalik pa rin ang account niyo sa dati. Keep believing lang at maging active parin sa noise.cash makipag-interact lang kayo sa mga members kahit walang tips in time manonotice din kayo ng admin katulad ko. Goodluck po!

Thank you noise.cash para sa pangalawang pagkakataon para makaipon ulit ng BCH.

15
$ 5.38
$ 5.10 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @wrabbiter
$ 0.10 from @Kryptlook
+ 2
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
2 years ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Congrats po at ok na ulit account niyo. Sana sa bumalik na din sa dati yung account ko sa noise. May pakonti konti naman na kaya tuloy lang ang pag iingay.

$ 0.00
2 years ago

Oo dati kasi as in zero earnings talaga siya dati may 0.00 something pa akong natatanggap hanggang sa nawala na ngayon na lang ulit bumalik 0.00 something pa rin pero may mangilan ngilan na nakakabigay na ng 0.01 pero karamihan 0.00 something pa rin pero okay na rin magandang rason para magsimula ulit hehe.

$ 0.00
2 years ago

Namotivate tuloy ako mag noisecash ulit. Ilang bwan ko na yatang inabandona kasi naspam. May pag asa pa pala

$ 0.00
2 years ago

opo, karamihan na po bumabalik na sa dati yung account nila nakakareceive na sila ng tip sabi nila maging active lang daw yun daw yung sikreto nila..Try niyo po ulit buksan yung account niyo paunti unti po manonotice din po kayo ng admin katulad ko po...Goodluck po.. Thank u po sa upvote..Godbless po.

$ 0.00
2 years ago

Thank you sa advice. Try ko.

$ 0.00
2 years ago

cge po. Goodluck po!

$ 0.00
2 years ago

Congrats po. Mag-ingat na po sa susunod .

$ 0.00
2 years ago

opo hehe..salamat po.

$ 0.00
2 years ago

Yeaah same po tayo, I was marked as spammer kaya ang liit po ng mga nakukuha ko every post ko. Minsan nga kahit madami ang like ang liit ng nakukuha ko. Kaya I stoo muna until now and yung payo po sa akin ng isang author dto is mag comment lang muna at post kahit isa sa isang araw. Gusto ko syang i try mamaya. And gusto ko din i try ang tip mo na mag renoise

$ 0.00
2 years ago

More than one week pala akong nakaspam 9 days, oo nagstop din akong magpost doon pero ginagawa ko nagrerenoise nalang ako yun lang tapos nakikipag interact sa other users 0.001 parin natatanggap ko at yung iba walang value hanggang ngayon mostly yung hindi ko sinubscribe yung may value ang heart nila kaya kapag nagtitip ako ng bago hindi ko na sila sinusubscribe para yung like may value hehehehhe pansin kolng to ha....by the way thanks a lot sa upvote mo. hoping na maging okay na account mo sa noise.cash napansin ko din bumabalik na account ng karamihan baka isa ka na doon jeje

$ 0.00
2 years ago