Umuwing pagod at Sawi!
Hows your friday ended? Sumama ako sa parade ng mga kandidato dito at hindi ko akalaing nakakapagod at napakainit. Next time hindi na ako sasama. Sabi kasi nila may artistang darating lol. Mayroon naman pero sa dami ng tao hindi mo sila makikita haha.
Sa kalayuan namin sa venue hindi namin narinig iyong ralling naganap. Tsk! Tsk! poor us! Halos isang oras din kaming naglakad ah tapos ganun ganun lang uwiang sawi hehe. Ano ba kasing meron sa mga artista na willing-willi akong sumama sa mga matatanda dito lol.
4pm nagsimula ang parade at nakarating kami sa venue mga 5pm na. Hindi ko akalain na maraming ng tao sa venue maraming mas nauna sa amin. Sinubukan naming sumiksik sa harap pero ang hirap dumaan kaya ang ending umuwi nalang kami kaysa naman makipagsiksikan pa. Hindi na uso ang social distancing pero mas mabuti na iyong mag-ingat. Not to mention may ubo't sipon pa ako lol.
Sa aming pag-uwi may nagbigay ng libreng tubig buti naman dahil kailangan ko iyon dahil kating kati na iyong lalamunan ko. Nakalimutan ko kasing magdala ng tubig at buti nalang hindi umulan dahil wala din akong dalang payong. Medyo sulok-sulok iyong venue malayo sa high way kaya lumakad ulit kami. Dahil pagod ako bumili ako ng tatlong balut dahil gutom na din ako lol.
Pagdating sa bahay pinagtawanan ako dahil wala daw akong napala which is true naman haha inaamin ko naman. Next time hindi na ako sasama manonood nalang ako ng live nila kung mayroon.
Hello kamusta friday niyo po?
Inispend ko lang friday ko sa school ahhah. Nakakapagod din eh akya maaga akong nakatulog kagabi ahahha