Talo pa din sa Go trade!

9 17
Avatar for Zcharina22
1 year ago

Si kalat boy may sipon I mean iyong pamangkin naming 1 year old. Iyong nanay niya kasi masyado niyang tinututok si AM sa electricfan. Kagabi dalawang electricfan iyong nakatutok sa kanila tapos naka number 3 pa. Grabe din kasi ang init kagabi parang walang katulad.

Napagalitan iyong nanay niya kasi gastos na naman sa gamot. Agad silang nagpabili ng Disudrin para sa sipon ni AM para maagapan agad mahirap na kasi baka lumala pa. Magwawater theraphy nalang sana siya kaya lang linuluwa naman niya iyong iniinom niya. Buti nalang hindi na masyadong mainit ngayon hindi na kailangang tutok sa electricfan si AM magdamag. Nakakaawa naman kasi siya kapag mainit baliktad-siya ng baliktad hindi niya makuha iyong gusto niyang puwesto.

Ganun paman salamat pa din sa Diyos dahil naging hyper or aktibo pa din si AM kahit may sipon siya. Sana bukas wala na iyong sipon niya para maging mas comfortable pa siyang maglaro.

Mas napagalitan pa ang nanay ni AM ng mawala niya ang payong ni Ate. Matibay pa naman iyong defolded na payong na iyon. Ako din nasasayangan dahil bago lang iyon at regalo ni ate iyon sa amo niya. Madali lang sana mahanap iyong payong kung nakabisado ni ate iyong plate number ng tricycle na kanyang sinakyan kanina kasi kabisado naman namin iyong grahe ng tricycle dito kung saan siya sumakay. Kutang-kuta si Ate today kasi maraming beses siyang napagalitan pero kahit ganun nakikita ko naman na nakikinig siya at nagpapakumbaba.

Anyways grabe iyong Go-Trade account ko lahat sila nakaredtide wala manlang kumita kahit isa dami kong talo huhu.

Ate ko nag invite sa akin diyan kaya lang namali ako ng stocks na binili tatlo lang iyong stocks na may dividendo the rest wala na. Sayang ngayon ko lang nalaman ang dividend na yan kahit negative siya may percent pa din silang binibigay o may kita ka pa din. Lagi ko binibisita yan nagbabasakaling masell ko siya kahit wala na sanang kita mabawi lang iyong capital sana kaya lang lagi naman silang negative nasasayangan ako hehe. Para din sanang ibuy sa stocks na may dividend haha. Kailan kaya ako magkakaincome diyan sa go trade na yan.

3
$ 0.01
$ 0.01 from @Jeansapphire39
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
1 year ago

Comments

Wla akong go trade at pass muna ako sa invest invest ksi laki na talo ko tlga.

$ 0.00
1 year ago

Ako din po stop muna din ako hehe

$ 0.00
1 year ago

Gusto ko din matutunan ang trading hehehhe.

$ 0.00
1 year ago

Basic lang po iyang ginagawa hindi po yang kagaya sa mga forex trading hehe.

$ 0.00
1 year ago

Kumusta na si pamangkin mo sis? Hindi talaga maganda pag nakatutok sa electric fan tyaka hindi din maganda pag itutok yung likod sa electric fan pag pinag pawisan.

$ 0.00
1 year ago

Ayon sinisipon pa din sis.. Ngayon hindi na tutok iyong electricfan sa kanya umiikot na hehe

$ 0.00
1 year ago

Ganun ba sis. Painumin ng gamot sis. Oo sis hindi talaga maganda pag electric fan sis.

$ 0.00
1 year ago

Mukhang nawala naman na iyong sipon niya ngayon thanks God

$ 0.00
1 year ago

Thanks God nawala na sis. Hirap pa naman magka sipon sis.

$ 0.00
1 year ago