Salamat sa pag-iingay pamangkin.Dahil sayo kumpleto araw namin.

0 10
Avatar for Zcharina22
2 years ago
Topics: Stories

Aminin pag may bata sa loob ng buhay, nagiging maingay ang buong bahay.

Umaga palang nag-iingay na ang aming pamangkin. Tita siya ng tita at tito. Actually, siya yung gumigising sa amin minsan nakakahiya pero nangyayari talaga.

Sabi niya tita "no kukulit ako" ibig sabihin hindi daw siya magiging makulit sa aming bahay. Bago kasi siya pinapayagang pumunta sa aming bahay pinagsasabihan siya ng mommy niya na huwag siyang makulit. Opo naman siya ng opo, pero ang totoo makulit talaga siya pero okay lang mas masaya nga kung siya ay makulit kaysa naman natahimik siya sa isang tabi diba.

Dahil wala pa tagala kaming tunay na pamangkin mula sa aming pamilya mismo, giliw na giliw kami sa kanya at talagang komfortableng-comfortable siya sa amin at sa aming bahay. Yung tipong hindi na siya nahihiya hindi kasi lahat ng aming pamangkin ay ganun. Kung gusto niya ng bread tita penge bread sabi niya , kung minsan nag-uunahan pa kaming bigyan siya. One time linalagyan ko palang ng palaman yung bread niya hindi na siya makapaghintay sabi niya "tita tama na" natawa ako kasi ang cute cute niyang tingnan. She really made my day everytime na nasa bahay siya.

Minsan, nag-away kami ng kapatid ko nagkasagutan kami ganun , biglang sumulpot yung pamangkin namin sabi niya "tita tama na" ako kasi yung narinig niyang nagtaas ng boses. Imbes na magalit pa ako wala na, nawala na yung galit ko tumatawa na ako kasi talaga, nanglungkut-lungkotan pa talaga siya. Love na love niya kasi yung tito niya kasi ine-spoiled siya.

Mag-aapat na taon na siya sa Oktubre. Dapat nag-aaral na siya ngayon eh kaya lang stress na ang mommy niya sa kuya niya kaya hihintayin nalang daw niyang mag face to face learning. Sinubukan ko siyang turuan minsan pero sabi niya "no si kuya lang module". Ayaw niya talaga pero buti nalang marunong naman siyang mag distinguish ng mga color at alam niyang kantahin yung Alphabet kasi ang pinapanood ko sa kanya sa cellphone ay yung kantang ABCD. Tinuturuan ko din siyang magbilang ganun din ang ginagawa ng mommy niya. Mas marami pa kasi yung time niya sa bahay kaysa sa kanila which is okay lang dahil saya naman ang hatid niya sa amin.

Natatawa talaga ako sa kanya pag naririnig niya ang mommy niyang pinapagalitan niya yung kuya niya dahil sa module sabi niya sa mommy niya "mama tama na, kuya iyak". Minsan humihinto talaga ang mommy niya pero may pagkakataon ding hindi dahil pati pamangkin kong maliit nadadamay nadin sa galit ng mommy nila. Natahimik nalang kami kasi stress ang mommy nila.

Nasasanay na talaga kami sa presensiya ng pamangkin namin araw-araw. Pag wala siya o kaya' y nagbakasyon sila sa probinsiya nila ng ilang araw hinahanap-hanap namin siya. Parang hindi kasi kumpleto ang araw namin kapag hindi namin narinig boses niya. Ganun din daw siya kwento ng mommy niya hinahanap din niya kami. Ang saya lang sa pakiramdam na hinahanap-hanap kadin pala ng pamangkin mong maliit.

Sabi nila habang bata pa ang bata sulitin na ang pagkakataong makasama sila dahil pag lumaki na daw sila hindi mo na sila mahagilap at baka mahiya na sila sa inyo. Hindi mo na sila mauuto tulad ng dati.

Isang araw natawa ako sa kapitbahay namin, nagtambay ako sa baba kasi mainit sa loob ng bahay. Habang umuupo ako narinig ko ang isang nanay na nagrereklamo sa kanyang mga anak "sabi niya noong bata kayo ako ang umuuto sa inyo ngayong malaki na kayo ako na ngayon inuuto niyo". Sabi niya pa " Noong bata pa kayo, kayo ang source of joy namin pero ngayon, sakit na kayo sa ulo" May pinapagawa ata yung mga anak niya sa kanya na medyo nawirduhan siyang gawin. Nagalit siya ng konti pero ginawa naman niya, sumaya lang mga anak niya.

Ganun kasi mga bata diba madali pa silang pakiusapan, pakisamahan at madaling maniwala sa nakakatanda. Kasi hindi pa nila alam na jinojoke lang natin sila. Pero kapag nag-kaisip na wala na ikaw na yung linoloko nila.

Hindi ako tsismosa nagkataon lang na malakas yung boses ng kapitbahay namin. Nakarelate ako doon sa sinabi ng nanay na totoo naman talaga. Ang mga bata source of joy yan pero noong lumaki na maraming mga anak na ang nag who-who you na sa kanilang mga magulang ang sakit para sa isang magulang ang ganun pakiramdam.

Sana pamangkin namin hindi lumaking ganun. Oo, source of joy siya sa amin araw-araw kasi ang cute niyang ngumiti, kahit hindi namin maintindihan gumagawa siya ng paraan para maintindihan namin siya. Minsan vinevideo namin siya habang kumakanta ng bahay kubo at ABCD at sinesave namin yun para maipakita kami pag lumaki na siya. Game na game din siyang magtiktok at natutuwa namin kami dahil sa kakulitan at kacutetan niya.

Sana nga lumaki siyang may confidence siya sa sarili niya. At sana lumaki siyang mabait na bata at sana hindi siya makalimot hanggang sa pagtanda niya.

Stay kulit at cute pamangkin! Salamat sa pagpapasaya sa amin araw-araw.

1
$ 0.09
$ 0.09 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
2 years ago
Topics: Stories

Comments