Prove Them Wrong!

3 15
Avatar for Zcharina22
1 year ago

Ang mensaheng gusto kong ibahagi sa isang taong malapit sa aking puso ay "Prove Them Wrong". This phrase is very meaningful to me because ito iyong nagbigay sa akin ng lakas at tiwala sa aking sarili.

May isang taong gusto kong pagsabihan niyan kasi nakikita kong kailangan niya iyong phrase na iyon gaya kung paano ko ito nagamit. Bakit ko nasabing kailangan niya iyon? Gaya sa akin noon na nagpalamon ako sa mga sinasabi ng tao sa akin kumbaga ang hirap paniwalaan iyong pinaniniwalaan ko dati sa sarili ko. Parang pinatunayan kong tama sila at mali ako.

Ng narinig kong sinasabi ng taong iyon ang mga katagang "Tama sila bobo ako, wala nga akong alam, walang saysay ang aking buhay kasi nga bobo ako, wala akong kayang gawin, at wala akong mapapatunayan habang buhay". Parang nakikita ko iyong sarili ko sa kanya dati at wala akong nagawa kundi umiyak na din kasi relate ako sa kanya before. Wala akong nasabi kundi napayakap nalang ako sa kanya. Ayokong maging emotional pero hindi ko napigilan. Feeling ko masyado akong dramatic lol.

Sabi niya sa akin nahihirapan na siyang dinggin iyong mga advise na kanyang naririnig parang nahihirapan na siyang maniwala na kaya niya.

Minsan sa ating buhay dumarating talaga iyong puntong nagiging sarado ang ating utak. Iyong tipong wala ng saysay iyong mga sinasabi nila sayo. Siguro dahil inaalagaan natin iyong sakit at ayaw nating magletgo sa mga masasakit na salita o pangyayari sa ating buhay. Akala ko nga dati ako lang iyong nakakaranas ng ganun eh hindi pala.

Mahirap mag let go oo pero mas mahirap mag stay sa sakit na unti-unting sumisira sa iyong buhay.

I hope na iyong phrase na "prove them wrong" can help my friend a lot!

2
$ 0.00
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
1 year ago

Comments

Totoo sis minsan parang naging manhid nalang dahil sa paulit ulit na nangyayari at naririnig ang mga bagay na masasakit.

$ 0.00
1 year ago

Napalaking ngaeh iyong puro negative iyong naririnig.

$ 0.00
1 year ago

Oo sis sa paulit ulit mo naririnig parang masasanay kana at parang wala ng effect sayo.

$ 0.00
1 year ago