Pasensiya na pamangkin lutang lang si Tita! Haha

6 16
Avatar for Zcharina22
1 year ago

Ang sakit sa ulo at nakakapagod magligpit ng mga laruan ng pamangkin at kamag-anak namin ngayon. Wala ako sa sarili today kasi puyat ako dahil sa mga alarm clock na hindi pinapatay on time. Late akong natulog kagabi dahil may mga tinatapos akong gawain tapos kaninang madaling araw ang daming alarm clock na tumutunog ng pagkalakas-lakas tapos nakakairita iyong tunog. Tatlo iyong umaalis ng maaga tapos bawat isa may alarm clock juice ko Lord. Kalabit ako ng kalabit sa katabi ko kasi iyong alarm niya ang lakas pinapatay naman tapos mayat-maya meron na naman nananadya na ito. Hindi na ako nakatulog kanina dahil ang maaga ding gumising iyong pamangkin namin. Wala na akong choice kundi alagaan siya napatulog ko naman kaya lang ayaw niyang maibaba tapos iyong utak ko lutang nagtimpla ako ng gatas niya ang nailagay kong gatas ay iyong cerelac. Ewan ko din sa mama niya parang natatawa siya na nagagalit haha. Pero sayang iyong cerelac hehe ang ending hindi masarap iyong gatas at hindi na niya inubos kase walang lasa haha. Umiyak pa siya ng malakas ng ipilit ko siyang ubusin iyong gatas niya at nagalit pa ako kasi ayaw sayang naman iyon pala walang lasa hehe.

Sa hapon minadali ko na iyong Mama niyang patulugin iyong anak niyang walang ginawa kundi magkalat ng libro, sapatos, damit. Ayaw niya kasing laruin iyong mga laruan niya iba naman iyong gusto mas gusto niya iyong mga saksakan at extension delikado pa naman niyan. Tapos kapag andiyan na iyong mga kalaro niya sa taas doon na siya umaagaw ng laruan tapos kapag wala siyang kasama tinatapon lang. Diyos ko nakakapagod na din siyang alagaan hehe pero okay lang naman kasi kapag wala siya hinahanap namin siya haha.. Minsan ang hirap ding intindihin sarili ko hehe.

Tapos schedule ko pa sa kusina today huhu kaya pa yan self. Iyong mga kapatid ko pinilit ko na silang kumain ng maaga para malinisan ko iyong kusina ng maaga dami pa namang nagamit na kitchen utensils para kaming nagpakain ng maraming tao hehe. Gusto ko na kasing matulog medyo sumasakit na din kasi ulo ko hehe.

Kayo po kamusta naman po araw niyo today. Mostly kapag Monday tinatamad ako pero dahil sa pamangkin ko naging attentive ako kasi baka mapahamak siya kapag nalingat ako malikot pa naman siya.

3
$ 0.75
$ 0.74 from @TheRandomRewarder
$ 0.01 from @TeacherLynlyn
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
1 year ago

Comments

Ses tawang tawa ako HAHAHAHAHA. pero naririnig ko yung nanay ko nung sinabi mong i is ka sa susunod sunod na alarm tapos di naman babangon hqhahhaaha. Makakabawi ka din ng sleep

$ 0.00
1 year ago

hehehheh super lutang ka po. Kawawa namn si baby, nakakatuwa po kapag naiimagine ko hehe. You need some rest po and sleep :)

$ 0.00
1 year ago

Haha parehas kasi iyong kulay nalitona hehe

$ 0.00
1 year ago

Same tayo sis wala din akong tulog. Ang aga ko gumising dahil may duty partner ko naghanda ako ng uniform niya. Rest ka din sis. Kailangan ka matulog din.

$ 0.00
1 year ago

Yes sis okay naman feeling ko ngayon hindi na lutang hehe

$ 0.00
1 year ago

Oo sis. Kailangan talaga natin mag relax din sis. Have a nice day sis. ❤️

$ 0.00
1 year ago