read.cash Log in
@Zcharina22 more from that month

Tuesday the nakakabagot day!

Tuesday the nakakabagot day! Hindi ko alam kung may bagyo o wala basta ang alam ko lang ay maulan ngayon maghapon kaya ang ending malamig ang panahon. Malamig o mainit ang panahon mga marites sa labas tuloy pa rin huhu. Well walang masyadong ganap today kasi nga mga tao nababagot kaya ang ending nagkulong lang sa kani-kanilang room. Pero may kakilala ako na malamig o mainit walang kapaguran ang pamamasyal. Kung may lakad hindi pwedeng postpone yan tuloy-tuloy yan. Like my Mom in Ilocos namiss ko tuloy siya. Imbes na matulog I called my mom and guest what kahit umuulan may lakad siya. Hindi daw pwedeng hindi siya pumunta sa bukid ngayon lalo nat may tubig-ulan. Ganun daw sa probinsiya walang day-off, day-off. Sa pagkakaalam ko mangunguha na naman siya ng malunggay at dahon ng kamote favorite niyang ulam. Mga nanay talaga all around ang trabaho ayaw magpahinga kahit sa tuwing umuulan man lang sana ay kalimutan nila ang trabaho sa bukid. May nagtanong sa akin kung anong gusto kong ulam, wala akong maisip kahit ano nalang basta makain hehe at siguro basta may sabaw! Ma'am @Lhes thank you for the sponsorship. Godbless po always.!

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.