Ang Awit 2 ay paalala na ang tunay na kapangyarihan ay nasa Diyos at sa Kaniyang Pinili. Maaaring maghimagsik ang mga tao o lider ng mundo, ngunit si Yahweh ang tunay na naghahari. Ang pagpapasakop sa Kanya ay hindi kahinaan, kundi karunungan. Mapalad ang nagtitiwala at nanganganlong sa Anak ng Diyos. --- 🙏 Maikling Panalangin: Panginoon, itinataas ko ang aking puso sa Iyo. Nais kong Ikaw ang maghari sa aking buhay. Ilayo mo ako sa pagmamataas at palalimin ang aking tiwala sa Iyong Anak, na siyang aking tagapagligtas. Amen. Keep safe everyone Goodnight! God is with us always!
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet