Tama na, ako'y nasasaktan na!
Tama na, ako'y nasasaktan na! Alam Kong magaling ka noon pa man, Iniidolo nga kita, Kasi Ang galing mong magpasaya ng tao. Pero bakit ginawa mo akong katatawanan sa harap ng iba? Alam mo bang habang nakikinig sa Inyo, ako'y nasasaktan? Alam Kong Hindi mo ramdam iyon Kasi Masaya kayo habang ako'y umiiyak sa Isang tabi, Gusto ko ng kumawala sa iyong tabi, Pagkakamali bang pinili Kong sumama sa iyo? Akala ko noong una, saya Ang hatid mo sa aking buhay, Ngunit ng lumaon ay Isa ng bangungot, Hindi ko na nanaisin na mapansin mo Ako, sapagkat Isa lang itong ilusyon. Ayoko na, ayoko na, Ang Mundo ko dati'y Hindi maaliwalas, Ngunit naging mas madilim ng makasama kita, Patawad Kong Hindi Ako katulad ng iniisip mong magaling. Patawad Kong isa akong bobo, katulad ng lagi mong sinasambit. Pero bakit Hindi mo Makita Ang hirap ko, Bakit sa kabila ng pagod ay may kasamang pananakit ng damdamin, Sa mga salita mong mabigat sa dibdib. Bakit Ang saya-saya mo sa iba Ngunit kung Ako na Ang Kasama mo, Ang tahimik mo na Parang kapag Tayo nalang Ang magkasama, Lagi akong nangangapa kung kilala ba talaga kita Gusto ko ng lumayo, Pero paano? Ang Hina ng aking damdamin, Parang ayokong malaman mo, Na ako'y nasasaktan, Pakiramdam ko Kasi kinokompara mo Ako para ako'y mamulat Na may dapat akong matutunan Pero Ang sakit palang pakinggan, Galing sayo mismo. Oo sige na alam Kong Wala akong, kalaban laban Pero huwag mo Naman akong sagadin, Natatakot Ako, kapag ako'y sumabog, Magugulat ka nalang na Isa pala akong tigreng Magalit. Kaya please lang, tama na, tama na Ang pagkwewento at pagkukumpara, Hatid nito sa akin ay sakit at kalungkutan. Sana'y Alam mo ito at intindihin Ako, sapagkat lahat ng tao ay may iba't ibang kalakasan.
No comments yet