Alam mo ba last year naiscam Ako ng 50k sa telegram. Grabe nasaid lahat ng wallet ko, akala ko talaga tutubo Ako ng malaki Buti nalang Hindi ko ginamit pera ng gf ng Kapatid ko na 25K. Lagi akong humihiling sa Diyos na bigyan Ako ng sign and everytime na nagpapacash in Ako nun offline, pangitain na pala iyon. Doon ko napagtanto na matigas ang ulo ko and maybe sobra akong desperate that time. Nawalan na din Ako ng ganang mabuhay nun Kasi feeling ko Wala na akong magawang maganda until now Hindi ko pa din mapatawad sarili ko sa nagawa ko alam mo iyon send lang lang Ako ng send ng pera nasilaw Ako sa easy money kaya iyon naeasy money nga talaga Ako. Ngayon natuto na akong huwag Basta Basta masisilaw sa easy money dahil kalokohan Yan. Hindi ko pinaalam sa pamilya ko dahil alam Kong magagalit sila ng Todo sa akin ngayon nagtataka sila bakit Wala pa akong ipon Hanggang ngayon, akala nila Magastos ako Hindi nila alam Ang pera ko nasa mga scammer. Sakit heart sobra!
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet