Panalo na ang kulay Pula!
Hello readcash fam! Its been a while na hindi ako active dito at Grabe tapos na ang eleksyon may nanalo na haha. Siyempre im so happy na nanalo na sina BBM, Sara hehe. Actually sumali ako sa rally nila noong sabado sa MOA na ginanap sa Solaire. Grabe ang daming tao ang hirap makipagsiksikan tapos ang hirap pang huminga. Parang mas sikat pa sila kaysa sa mga artista hehe. Lahat ba dito nakapagboto kahapon? Kamusta naman po ang experience niyo? Kami kase 3hours kaming pumila makapagboto lang. Sulit naman ang pagod kasi maayos kaming nakapagboto at walang aberya thanks GOD. Dito sa amin bahay may isang sumuporta kay Lenie kaya todo asaran kami noong counting na haha. Ang maganda dito sa amin walang pilitan kung sino ang dapat botohan dahil rights daw namin na piliin iyong napupusuan namin. Hindi naman pikon iyong ate namin dahil nga inaasar namin siya nakikitawa nga siya sa amin hindi siya nagagalit hehe. Nagkatotoo nga ang sabi ni Andrew E. na landslide ang laban and amoy na amoy na ang tagumpay. Sana lang magkaroon na tayo ng pagbabago sa ating bansa very hopeful kami sa leadership nina BBM-Sara. Congrats po sa inyo.. Magbunyi tayong mga Ka BBM-Sara sana tuloy-tuloy na ang pagbabago sa ating bansa. Hindi pa man tapos totally ang counting pero amoy na panalo hehe.
1 comment
Magbunyi na sis hehe, sana lng tlga for better ang pinas not for worst, pero tayo din naman gagawa nun kya srlf discipline din ang need