Naiyak sa scam na kwento! Umiiyak ang aking puso sa kwento ng isang babaeng nanghihingi ng kapatawaran sa kanyang mga magulang dahil pakiramdam niya wala na siyang magagawa sa kanyang mga pangarap sa buhay. Pangarap para sa kanyang mga magulang, at pangarap para sa kanyang sarili. Nawalan na siya ng pag-asang matutupad pa ang kanyang mga pangarap sa buhay. Maraming rason kung bakit nakakaramdam siya ng matinding depression kung saan araw-araw panalangin niya sa maykapal ay sana mamatay na daw siya. Masaya naman siyang tignan sa labas siya nga may pinakamalakas ang tawa at boses tuwing nag-aasaran sila ng kanyang mga kaibigan. Iyon ngalang pagdating ng gabi hindi na naman niya alam ang purpose niya sa buhay. Pumipikit man siya pero kalungkutan lang ang kanyang nakikita sa kanyang imahinasyon. Tinatanong niya ang kanyang sarili bakit siya nagkaganun iyong biglang nawawalan ka nalang ng huwisyo sa buhay. Iyong isang araw wala ka ng goal sa buhay. Iyong isang araw na pabigat ka nalang. Paano ba ulit siya magkakaroon ng buhay iyong wala ng saysay ang mga salitang naririnig niya na ultimo mga salita Diyos ay iniiwasan na niya. Natatandaan niya iyong mga panahong siya ang nangunguna o nanghihikayat sa mga kaibigan niyang magsamba sa panginoon. Inaalala niya iyong mga panahon may saysay iyong mga motivational words sa kanya. Anong nangyari sa buhay niya, nawala siya sa ng w track ng kanyang buhay. Hanggang ngayon hindi pa bumabalik ang katinuan niya. Note: Scam pala iyong kwentong ito ng paiyak na ako tinawanan lang ako kasi ang dali ko daw manila sa mag kaibigan kong palabiro..
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
3 comments
Nakakaiyak talaga Ang ganoong pangyayari.
Hehe buti nalang po hindi totoo hehe
Nalito ako bgla🤣