Salamat sa tubig ulan, Laking biyaya sa bayan ng Caloocan!
Unang araw ng Abril nagbigay kasiyahan ang araw na ito para sa mga taong naputulan ng tubig o walang tubig dahil sa panandaliang malakas na ulan. Marami ang nagbunyi dahil sa hatid na patubig ng langit kahit saglit lang maraming naipon na tubig. Ang mga halaman na hindi nadidiligan ay talagang inilabas nila para lang ito'y maambunan ng tubig. Kanya-kanyang labas ng malalaking timba at planggana sa labas at talagang sinusulit ang bawat patak ng ulan. Pwede itong gamitin na pangbuhos sa Cr, panghugas ng pinggan, panglaba at panligo Mga bata nagsisilabasan at inenjoy ang ulan o ang libreng tubig na mula sa langit. Tumagal lamang ng isang oras ang ulan pero ito ay napakahalaga sa bayan ng caloocan, kung saan ilan sa mga barangay ay naputulan ng tubig mula pa kahapon. Kaya naman ng umulan ay laking pasasalamat ng mga residente. Samantala, naging lesson naman ito sa karamihan sa mga mamamayan na mag-ipon pa rin ng tubig para sa emergencing pagpuputol ng tubig at huwag itong sayangin ng basta-basta. Sa pagsisiyasat ng mga residente, napag-alaman na may nasirang tubo sa high-way dahil sa sinasagawang widening of the road. Ayon sa mga nag-aayos ng tubo hanggang bukas pa bago matapos. Isang mapagpalang hapon sa ating lahat at mapagpalang buwan ng April.
Mga ulang hindi nasalo lol!
2 comments
Buti pa jan umulan dito sa Cavite di talaga eh sobrang init pa ng panahon...Salamat sa Diyos at nagka tubig din kayo
Bihira pa la umulan jan? Dito sa amin palagi na lang umuulan