Normal na Araw! Parang may humihigop sa mga crypto ngayon na pababa sila ng pababa. Nakakadis appoint naman but anyway crypto currency is not stable so we need accept the fact na hindi sa lahat ng pagkakataon ay aayon sa ating kagustuhan. Huwag lang namang maging zero. Walang masyadong ganap sa akin today kasi medyo nababagot ako kumilos-kilos ngayon, but I made sure naman na nagawa ko iyong basic na gawain sa bahay. Sumaya lang ang araw ko ng bumisita ang aking kamag-anak sa taas. Pinilit pa nila akong lumabas ng bahay kaya ayun napagastos ako ng wala sa oras. Napansin ko sa mall marami na ang nambubudol iyong aakayin ka nila sa pwesto nila kwekwentuhan ka nila hanggang sa hindi mo napapansin napa oo kana lang sa mga sinasabi nila. May isang ginang kasi nagreklamo inayusan siya ng kilay akala niya libre iyon pala hindi hehe. Napabili pa tuloy siya ng mga products na hindi naman niya alam gamitin. Para lubayan na siya bumili nalang siya pero infairness gumanda naman siya sa ayos ng kilay niya hehe. Kami naman kumain lang kami ng siomai at naglibot-libot sa mall. Wala sa planong bibili ako ng cream para sa mukha ko napabili tuloy ako kasi iyong sales lady mapilit hehe. Try ko ngang gamitin iyong biotin na sinasabi niya next time daw may frebies na. Pero duda ako dito kasi baka wala na siya pagdating ko hehe.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Ako dala sa ganyan kya NO agad
Ako kasi minsan po nabubudol po ako diyan hehe