Part II: A fiction story
**PART II: A NOT SO PROUD OF MYSELF** #**Galit ako kay Mama** Mula sa aking pagmulat ng aking mga mata bumungad sa akin ang aking napakagandang anti na siyang nag-papaaral sa akin ng high school. " **Anak gising ka na its Sunday gusto mo bang sumama sa ate mo para magsimba?"** Napaisip ako mabait si Ate Nea pero hindi naman kami close. Trinatry naman niya akong kausapin pero nahihiya talaga ako sa kanya. Si ate Nea ay nasa 2nd year college na kumukuha ng teacher habang ako naman ay 2nd year high school palang. Kinuha nila ako para may makakasama si anti araw-araw. Hindi na ako humindi dahil sa dami naming magkakapatid hindi kakayanin ni Nanay na pag-aralin kaming lahat and beside hindi kami okay ni Mama everyday banganyan pag nandoon ako kaya minabuti kong lumayo nalang. "**What are you thinking Anak"** sabi sa akin ni anti dahil siguro nakita niyang malalim ang aking iniisip. "**Anti huwag na po medyo nahihiya ako sa kanya"** pag amin ko. Nakita ko siyang nalungkot pero anong magagawa ko ayokong sumama pag hindi ako comfortable sa isang tao. "**Okay ikaw ang bahala"** sabi nala lamang ni anti. Dahil Sunday ngayon sa online mass nalang ako nagsimba. Masama man ako sa aking mga magulang may takot naman ako sa Diyos kahit papano naiibsan ang aking kalungkutan tuwing nagprepray ako. Sabi ni Father Seb "**Alam niyo ba kung saan kayo mahina?"** Napaisip ako saan ba ako mahina?Parang lahat nalang ng bagay mahina ako pero Mahina ako sa communication kaya namuhay akong introvert. Hindi ako sanay sa mga tao kaya sinasarili ko nalang ang aking mga problema sa buhay. Nagpatuloy si Father "**Kung mahina kayo sa tukso, sa mga vices, sa mga pagsubok sa buhay ipasa Diyos ang lahat dahil sa kanya walang mahina kundi lahat ay matapang. Pupunan niya ang ating pagkukulang at tutulungan niya tayong maging matatag sa buhay. Dahil ang bininbigay niya ay pag-asa hindi pasakit. Bastat ika'y mananalig sa kanya bibigyan ka niya ng pag-asang higit pa sa hinahanap mo"** Buti nalang malakas ang signal ngayon dahil klarong-klaro sa aking isipan iyong binitawang salita ni father. Mahina din ako kay Mama dahil tuwing nakikita ko siyang umiiyak dahil sa akin doble ang sakit noon sa akin. "**Sorry Mama one day magkakaayos din tayo"** Isa ito sa hiniling ko kay Lord na tulungan niya akong intindihin pa si Mama. Pagkatapos ng simba pumasyal ako sa aming bahay kahit naman magkagalit kami ni Mama mahal ko pa din siya. By the way bakit ba ako galit kay Mama? Mababaw lang ba ang pagintindi ko sa kanya? Iniintindi ko naman siya pero the more na iniintindi ko siya the more na nag-aaway kami. Ayaw ko kasi sa sinungaling na tao masakit isipin na isa si mama doon at doon ako nagagalit.
4 comments
It's true. God will fill our inadequacies! Sya lang ang kokompleto sa akin. Also be friend with your mom na, time is precious. We should be spending it with them.
Sera said maybe in time hehe
Indeed our shortcomings are being fulfilled by someone who knows our deepest sentiment. We all know him. It is God who can so that.
Very true po😊