read.cash Log in
@Zcharina22 more from that month

You moved me Ayana!

Its tagalog time po today kase okay na ako hehe. Thanks God for healing me akala ko forever na akong bitter hindi pala choice ko lang pala iyon. Yes, sobra kase akong nainspire sa babaeng walang ibang pinagdasal gabi-gabi kundi ang huwag ng gumising kinaumagahan pero araw-araw naman siyang nagigising. Dahil buhay pa siya ginagawa niya pa rin iyong responsibility niya sa buhay. Dahil diyan walang nakakaalam na may pinagdadaanan siya deep inside. Isang araw umiyak siya ng umiyak sa panginoon at tinatanong siya kung bakit hindi niya tinutupad iyong panalangin niya gayong ayaw na niyang mabuhay. Feeling niya kase masama siyang tao. Ayaw na niya ng makapanakit ng tao sa paligid niya not physically but verbally. Aminado siya na sobra iyong bunganga niya minsan lalo na sa nanay niya. Hindi naman niya gusto iyong ginagawa niya pero nakecarried away nalang siya sa sitwasyon minsan. Napagtanto niya na siguro ganun na iyong nature ng nanay niya. Tanggapin nalang niya na wala siyang magagawa sa ugali ng nanay niya. Pero kasi feeling hindi niya deserved na icursed ng sarili niyang nanay. Dahil nag-iisa siyang anak nangarap siyang muli para sa kanyang nanay . Gusto niyang patunayan na may pakinabang din siya sa kanyang ina. Binago niya ang kanyang panalangin gabi-gabi instead na hindi na siya magising kinaumagahan panalangin niyang mabuhay pa siya ng matagal para gawin ang purpose niya sa buhay. Ang purpose niya sa buhay is to love and understand her mother more. She need to live for her mom. Binago niya pananaw niya sa buhay hanggang sa hindi niya namamalayan nagbabago na din ang kanyang ina and they said sorry to each other. Siguro for me kailangan ko na ding baguhin iyong life ko just like Ayana. Thanks Ayana I feel you and thank you for your story🙂

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.