read.cash Log in
@Zcharina22 more from that month

Kakalma ka ba or magagalit ka?

I have a question kapag ba nakagawa ka ng mali tanga ka na or lutang ka lang? Lumabas ako sa aming bahay dahil mainit sa loob ng bahay. Mayroong mag-inang nagpapaligo ng bata I think nasa 7-8 months na iyong baby. Ang pinangliguan nila is iyong malaking planggana umupo at nanood ako sa kanila. Pinahawak ng ina ang baby sa kanyang anak na babae na apat na taong gulang para masabunan ng maayos ang baby. Parang nabigla iyong bata sa paghatak ng kanyang ina sa paa habang sinasabunan nadulas ang kamay ng bata at ayun medyo napayuko ang baby. Natakot din iyong bata nakita ko iyong gulat sa kanyang mga mukha. Akala ko magagalit ang kanyang ina hindi pala pinagsabihan lang ang bata na ayusin ang pagkakahawak para walang masaktan o madisgrasya. Parang ako iyong nagalit sa bata lol. Noong ako nga same experience nabitawan ko iyong bata habang sinasabunan ang anak ng kamag-anak ko sinabihan akong tanga-tanga daw at laging lutang. Medyo napahiya ako siyempre natakot din ng kaunti para sa baby buti nalang walang nangyaring masama kung hindi double guilty ako. Compare sa napanood ko kaninang umaga mas kalma ang ina ng bata ng kapitbahay namin kaysa sa kamag-anak ko. Nagkaroon ako ng chance na makausap ang kapitbahay namin at tinanong ko siya kung bakit hindi siya nagalit sa anak niya ibang tao kasi nagmumura na eh. Sabi niya nagalit daw siya pero dahil bata pa ang kanyang anak siguradong matatakot na iyon sa susunod na humawak ng bata. **Paano kung hindi bata ang pinahawak mo, papagalitan mo ba? Halimbawa ako iyong humawak ng baby at nabitawan ko? Papagalitan mo ba ako? tanong ko sa kanya. Sabi niya "Oo papagalitan kita kase matanda ka na" sabay tawa "hindi joke lang kung alam kong hindi sinasadya bakit ako magagalit katulad sa reaksiyon ko sa anak ko kanina magpapasensiya ako dahil kung nagalit ako baka iba pa ang kinalabasan at pagsisihan ko pa sa huli."** Wala akong nagawa kundi palakpakan siya Wow mabuhay ang katulad niyang ina. Doon sa kamag-anak ko naman ang tinanong ko kung bakit nagalit siya sa akin agad sabi niya nagulat lang daw siya at natakot sa kaligtasan ng bata which is acceptable naman for me at naiintindihan ko naman siya.

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.