Mama! Hindi Ako Madamot, Sadyang Hindi kasya budget ko ngayon!
Minsan sa aking Buhay kakasabi ko ng deserve kong makakain ng masarap, makabili ng branded na gamit, and everything Hindi ko namalayan naubos ipon ko. I am questioning myself if my pagsisisi ba Ako, parang nasa gitna iyong feelings ko na nagsisisi na Hindi, Kasi kahit papano naging Masaya Naman Ako at naramdaman iyong feelings na gusto Kong naramdaman Nung Bata pa Ako. Nagsisisi ng konti Kasi feeling ko naging impulsive Ako without thinking the negative side of it. Ngayon na nagbabayad na Ako ng bills kailangan ko na talagang I budget ng mabuti Ang sahod ko. By the way every week Ang sahuran namin. Ngayon every cents counted na, naglalaan na Ako ng para sa kuryente(500 every sahod kasi nasa 2k din every month Ang binabayaran namin sa kuryente), 500 para sa groceries dinagdagan ko nalang iyong budget ni ate, 135 para sa gazul after 3months sakto ng 1000 sakto ng paubos Ang gazul namin. 1000 para sa emergency funds ko eto talaga iyong para sa sarili ko. 10percent para sa mga luho ko which is 300 din(dito ko kinukuha Pambili ng needs ko pangpasyal-pasyal Kasi Minsan o madalas nag aaya mga katrabaho Kong lumabas after work, kaya madalas ay nasasaid iyong ipon ko dito), 50pesos sa tights and offering, 20 pesos sa load para pagdating ng December sakto ng 1000 doon na din Kasi mag expire Ang load ko na pang one year. 250 sa bunso namin in one month may 1k na siya 500 para sa allowance ko. 50 pesos sa pang birthday para kapag may magbibirthday may ambag Ako kahit konti la ng. Iyong 500 na allowance ko Hindi ko iyon nagagastos iniipon ko nalang para pampadala sa probinsiya at Minsan hinahati ko iyon para Naman sa mga Kapatid Kong mabilis mautusan at siyempre Hindi ko nakakalimutan na madalas tinatamad na akong Gawin iyong responsibilities sa bahay pampalubag loob sa kanila pero Hindi lagi Wala akong pinaggastusan kaya Hindi ganun kalaki iyong naibibigay ko sa kanila. Upa ng bahay, tubig, internet ay sa iba ko ng Kapatid. Ngayon Hindi na Ako Basta-basta nakakabili ng gusto ko talaga kahit deserve ko Naman at may budget ay pinigilan ko na sarili ko. Kailangan ko ng disiplinahin Ang sarili ko. Para kapag Marami na akong naipon at pwede na pang negosyo ay magnenegosyo Ako someday. Ngayon si Mama may gustong bilhin mga gamit sa kusina at humihingi sa akin ng Pambili. Sabi ko "Mama next time nalang masisira budget ko, pagiipunan ko pa kung magkano iyon gagastusin mo diyan, Buti nalang Kapatid ko iyong nagtitinda kinokonsensya ko siyang huwag ng pabayaran. Deep inside masakit sa akin na ganun Ang word ko Kay Mama, pumayag Naman iyong Kapatid namin na nagtitinda, sa Dami ng kinuha ni Mama pinabayaran sa kin iyong iba kahit iyong puhunan nalang daw ibigay ko. Okay na iyon hulugan ko nalang haha. Kase kung pipilitin Kong bayaran iyon Hindi ko mabubudgetan iyong mga pinag iipunan ko balak ko pa Naman bumili ng slacks at shoes. Akala naman nila sa akin sobra ko ng kuripot halos Wala na ngang natitira para sa sarili ko. Kaya need ko talaga ng extra income nag-aafiliate Ako sa shoppee pero iyong sa payment method Ang hirap ipaaprove Ang tagal aabutin ng months tapos iyong profile ko sa Facebook nagkaroon ng issues kaya Hindi na din nag eearn. Binabalak ko ng mag abroad konting ipon nalang. Buti nalang Wala pa akong boyfriend kundi mahihirapan pa Ako Lalo. Tama talaga desisyon Kong idecline iyong mga nanligaw sa kin dati. Okay na sa akin na maramdaman kung ano feelings ng liniligawan. Kahit pakiramdam kong naiwanan na Ako sa mga kaederan Kong may pamilya na ay Masaya Naman Ako bilang single, Kasi kung tutuusin Marami pa akong dapat matutunan sa Buhay Hindi iyong ganito na parang pabebe pa sa Buhay at Marami pa akong dapat ayusin sa sarili ko. Thankful Ako Kasi kahit papano nakakaraos na sa Buhay Hindi tulad Nung Bata kami na Todo kayod kaming lahat sa bundok, bukid, o sa ilog para lang makakain kami ng tatlong beses sa Isang Araw! Well this is my life now and then! Thank you Lord Hindi niyo kami pinabayaan along the way!
3 comments
This was reallu inspi
This was really inspiring. Thanks for sharering
Thank you also for your time reading my story