read.cash Log in
@Zcharina22 more from that month

Different People, Different perspective in life!

Different people, different perspective in life! Tuwing ayuda time nag oobserve ako ng mga tao sa paligid ko. Sabi ni mama sa akin huwag gahaman sa tulong na binibigay ng gobiyerno para lahat maabutan ng tulong. Simula noong nagkaroon ng pandemya halos sa ayuda ng gobiyerno umaasa karamihan ng mga mamamayan dito sa Pilipinas. Dahil sa mga pinapatupad na lockdowns marami ang nawalan ng trabaho at nanatili na lamang sa bahay for safety purposes pero paano nga naman mabubuhay kung walang trabaho at nasa loob lang ng bahay? Tuwing may ayuda sa barangay siksikan at agawan na dahil nga lahat ay takot na maubusan. Marami ang nagrereklamo tuwing hindi sila naabutan ng tulong. Sa aking palagay marami ang hindi naabutan ng tulong dahil may mga taong gahaman. Halimbawa na lamang iyong nakita kong eksena kanina na ginagamit pa ang mga bata para pumila at bigyan ng ticket then after that bibigyan nalang ng 20 pesos iyong bata as suhol after niyang maclaim iyong ayuda. See? Instead na maibigay iyong ticket sa kada family ng barangay ay napupunta lang din sa kawani ng gobyierno. Sa pagakakaalam ko bilang iyong per family ng barangay eh tapos kung ilan ang bilang ng may pamilya iyon lang din ang ibibigay na ticket. Kaya nagulat iyong Mayor kanina dahil marami ang hindi nabigyan gayong may sobra pa iyong pinarepak niyang tulong sa barangay. Anyways iba-iba man ang perspective natin sa buhay, ay sana matuto pa rin tayong mapagkumbaba at gawin kung ano ang tama. Hindi ko po linalahat pero nangyayari po talaga ito in real life.

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.