read.cash Log in
@Zcharina22 more from that month

Si Aling Zeny at Andrea! Isang bata hindi nahimasa sa mga libreng binibigay ng mga tao sa kanya. Kilalanin natin si Andrea sampung taong gulang na kabilang sa mahirap na pamilya. Marami ang tumutulong sa kanilang pamilya at isa na dito si Aling Zeny. Si Aling Zeny ay isang Barangay Health Worker or BHW sa kanilang Barangay. Mahilig siyang mamasyal tuwing araw ng linggo. May dalawang Apo parehas na hindi pa maisama-sama sa mga outing dahil sila ay mga baby pa lamang. Dahil diyan si Andrea ang sinasama niya tuwing linggo. Pabor naman dito ang mga magulang ni Andrea dahil pagkakataon iyon para siya ay makapamasyal sa ibang lugar na hindi nila kayang ibigay kay Andrea. Linilibre ni Aling Zeny si Andrea ng pamasahe, pagkain at may pasalubong pa siyang binibili tuwing sila ay uuwi na. Minsan isang araw nagtanong si Andrea kung masyado na ba siyang mamimihasa dahil receive lang siya ng receive na wala naman siyang binibigay na kapalit. Kaya nagpresenta siyang maghugas ng pinggan at maglinis ng bahay nila Aling Zeny tuwing araw ng sabado. Agad na tinanggihan ito ni Aling Zeny dahil para sa kanya kakaibang saya ang hatid ni Andrea sa kanya na walang makakapantay. At bukal sa loob niyang ipinapasyal-pasyal si Andrea kaya hindi dapat mahiya si Andrea dahil itinuturing siyang anak ni Aling Zeny. Nahihiya man si Andrea ay tumango na lamang siya kay Aling Zeny at nagpasalamat ng buong puso.

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.