Mukha lang akong Loka loka pero may pangarap din ako sa buhay Noh!

13 23
Avatar for Zcharina22
2 years ago

Marami akong gustong gawin sa buhay pero hindi ko alam kung paano siya iaachive. Nag-aaral palang ako pero ang laki ng responsibilidad na bilin nila Mama't papa sa akin. Kailangan ko daw bilisang mag-aral dahil pag-aaralin ko pa ang aking nakakabatang kapatid. Haaay Diyos ko Lord hindi ba pwededng pag-aaral muna atupagin ko hehe ang aga-aga iniistress nila ako.

Alam kong karapatan kong tumulong pero huwag naman nila akong istressin masyado hehe. Hindi naman ako nakakalimot sa mga habilin eh. Sana lang matupad ko hehe. Mayroon din akong sariling pangarap sa buhay ang magkaroon ako ng sariling bahay at malawak na lupain. Gusto kong napapaligiran ang aking bahay ng maraming fruit trees like rambutan, mangga, dalandan, dragon fruit, atis at marami pang iba.

Lagi akong nangangarap na sana magkaroon ako niyan. Sa panahon kasi ngayon wala ng libre kaya gusto kong gawin iyong mga libre para sa akin. Kung may sarili akong pananim may libreng pagkain di ba. Tumataya na din ako sa lotto sa kasamaang palad walang tumatama haha. Naimpluwensiyahan kase ako ni Zcarina dati eh pero siya tumigil na siya nasasayangan na siya sa 20 pesos everyday ako pinagpatuloy ko siya dalawang taon na din pero sa kasamaang palad walang tumama huhu. Panahon na siguro para itigil ko na din haha. Sayang di eh haha.

Malapit na ang Christmas kamusta naman earnings niyo. Pinag-iipunan ko na ngayon iyong mga regalong para sa mga inaanak ko. 2 years din akong hindi nakapagbigay ah ngayon hopefully makaipon haha. Sana pagpalain ako ng magandang trabaho in the future. Pero alam niyo kinakatukatan ko? just like Zcharina maliit siya sa kanyang edad dati umiiyak siya tuwing napagkakamalan siyang grade 6 or 12 years old kasi hindi pinapapasok sa mga malls haha. Sobrang dami kong tawa dito kasi kahit may dala siyang ID hindi naniniwala ang mga guard haha. Dati naasar siya kapag napapag-usapan siya pero ngayon tinatawanan nalang din siya haha. Kaasar din kasi mga mamang guard eh ayaw maniwala haha.

Yun nga kinatakutan ko baka walang tatanggap sa akin pagkamalan din akong bata haha. Huwag naman sana gusto kong tupadin mga pangarap ko eh. Siguro ang saya sa pakiramdam pag marami kang naachieve sa buhay yung magiging proud magulang ko sa akin, at siguro magiging proud din ako sa sarili ko kung matupad ko mga pangarap ko plus sariling kotse diva. Mangarap nalang muna ako ng gising malay niyo di ba magkatotoo din. Gusto kong makita yung mga magulang kong umiiyak dahil masaya sila dahil sa sobra silang proud sa akin. Mukha lang akong loka loka pero may maganda naman akong pangarap sa buhay. Mukha lang akong hindi nagsesersyo sa minsan pero mayroon naman akong magandang hangarin sa buhay. Forget ko muna ang pakikipagrelasyon natruma na ako sa Best frien kong boy na pinaasa ako. Erase erase muna ang mga crushes at realsyon ngayon mga pangarap ko muna ang iisipin ko.Tulungan nawa ako ng Diyos. Amen!

Goodmornig mga madlang ReadCash Users! Godbless!

4
$ 1.93
$ 1.87 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Expelliarmus30
$ 0.02 from @Adrielle1214
+ 1
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
2 years ago

Comments

Wag kang mag alala matutupad mo rin ang mga pangarap mo soon. Kapit lang at wag kalimutan ang nasa taas. Wag naman ganyan ang mga parents mo... How bad, dapat hindi ka pinepressure. Take it easy lang ha... Isipin mo na lang na sirang cd player ang nagsasalita pag ganyan ang topic pero diretso ang goal mo.

$ 0.00
2 years ago

Hi! Yes thank you🙂

$ 0.00
2 years ago

Tama..future muna..may time para sa pag aasawa.

$ 0.00
2 years ago

Tama🙂

$ 0.00
2 years ago

Tama araw muna sis para sa future

$ 0.00
2 years ago

Yes po🙂

$ 0.00
2 years ago

Matutupad nyo rin po yang mga pangarap nyo at magiging proud sa inyo ang magulang nyo. Ako din po eh minsan napagkakamalan na hindi nagseseryoso pero marami din po akong pangarap sa buhay.

$ 0.00
2 years ago

Nice good to know good luck sa atin

$ 0.00
2 years ago

Opo good luck po sa atin. At maraming salamat po.

$ 0.00
2 years ago

Eto ung nakasanayan ng pilipino parents, ung ipasa ung responsibilidad na mapagaral ang mga anak sa unang magkakatrabaho na anak. I'm not against it or something, I know dn naman yung hirap ng magulang ko and even got to a point na we needed to work while studying. Kaya mo yan gorl!

$ 0.00
2 years ago

Thank you. I hope so!

$ 0.00
2 years ago

Kaya mo yan, ako nga calendar age na may madami pa rin pangarap

$ 0.00
2 years ago

Thanks hayst sana ngapo🙂

$ 0.00
2 years ago