Lutang Moment!

12 15
Avatar for Zcharina22
2 years ago

Oh my gosh! Hindi ata magandang manood ng horror movies sa gabi. Nakakatakot na parang konting ingay lang nagugulat at natatakot na ako. Its my fault kasi its my idea na manood ng horror movie ngayon. Dati ang tapang-tapang ko namimis ko iyong thril pag sa gabi manood ng horror together with my friends. Bakit ngayon hindi kona kayang manood ng horror.

Hindi ko na pinatapos iyong movie dahil ang laki ng impact sa akin naprapraning na ako. Sa tanghali okay lang manood ng horror parang wala lang pero pag gabi parang may dating eh na iba eh hehe.

Maiba lang ako, nalutang ata ako today dahil alam kong may pera ako sa wallet na 2k pambili ng 1 sack rice namin. Pagdating ko sa tindahan wala na iyong pera. Diyos ko marimar nakatatak talaga sa isipan ko na may pambili ako kasi bigay pa iyon ni mama last week eh. Nabebang na ako hanap ako ng hanap wala talaga. Nakakabaliw na ewan. Umuwi ulit ako kasi wala na akong pambili siguradong papagalitan ako ni mama nito.

Sa aking pag-uwi nasa bahay si bessy may inaabot siyang 2k. Nagulat naman ako dahil para saan iyon wala naman akong natatandaang utang o ano paman. Sabi niya bayad niya daw inutang niya daw sa akin noong nakaraang araw at nagpromise daw siyang ibibigay niya ngayon bago ako pumunta sa bayan pero iyon nga hindi niya na naiabot bago ako pumunta sa bayan.

Pinagtatawanan niya ako dahil nakalimutan kong inutang niya pala iyong pambili ng bigas namin. Wala talaga sa isipan ko na pinautang ko iyong pera kung hindi kusang nagbayad si bessy hindi ko malalaman na may pautang ako. Aakalain kong nawala ko o may kumuha sa aking wallet. Sobra na akong nagwoworry kanina kasi medyo malaki-laki din iyon ang hirap kayang hanapin iyon.

Buti nalang kusang nagbayad si bessy parang natanggal iyong tinik sa aking isipan kakaisip kung saan ko nawala.

Kung minsan hindi natin maalala iyong ginagawa nati kaya maiging isulat natin iyong ganap na importanteng isulat para hindi tayo malito araw-araw. Kasi kagaya ng cellphone ang ating memory na nakastored ng messages.

6
$ 1.38
$ 1.15 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @ARTicLEE
$ 0.05 from @Bloghound
+ 3
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
2 years ago

Comments

Uy pautang nga? haha!

Buti na lang at mabait ung kaibigan mo.

$ 0.00
2 years ago

Cge po ipon muna ako ng bch hehe.. Thank you po🙂

$ 0.00
2 years ago

Mahilig ako sa horror movies since bta pa ako pero nasanay na ako manood kahit gabi na. Baka duedate na nya kaya nagkusa na mgbyad hehehe. Ang aga mo nagka memory gap ah, dami mo ksi iniisip na prblma no?

$ 0.00
2 years ago

Hehe wala naman po sadyang nKimutan ko lang po😊

$ 0.00
2 years ago

Buti honest si bessy at nagkusang nagbayad...Hehe ayoko talaga manoon ng horror movies sa gabi, mapaparanoid akong mag isip ng mga di magandang bagay, haha

$ 0.00
2 years ago

Hehe same po tayo.. Namimis ko lang iyong thrill gabi kaya lang hindi ko na pala kayang manood ng horror movies sa gabi😂

$ 0.00
2 years ago

Haha pag gabi kasi dami pumapasok ng di maganda sa utak kaya parang paranoid tayo, haha

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha hala ka. Kung hindi pa nagbayad si bessy hindi mo malalaman na pinautang mo pala. Thank you na lang sana yun

$ 0.00
2 years ago

Hahaha iyon nga eh sa susunod isusulat ko na hehe

$ 0.00
2 years ago

Hehe dapat may kasama kang manood, ding!

$ 0.00
2 years ago

May kasama po kaya lang bakla mas takot pa sa akin hehe

$ 0.00
2 years ago

hehe eh di mas masaya, ding

$ 0.00
2 years ago