Its too early para magmarites hehe

7 13
Avatar for Zcharina22
2 years ago

Yesterday we visited ate's farm. Its been 3 years mula ng makabili siya ng lupa and it's only now na makabisita ako sa bukid. Kung hindi pa niya papabisita hindi ko maaalalang bisitahin. Medyo nagtampo siya ng sabihin kong hindi ko alam kung saang banda hehe. At gusto niya taniman namin ng prutas pero ang problema wala pang seedling. Imagine 3 years na ganun lang nakatengga kaya ayun patuloy na siyang nagtampo sa amin. Kakadating ko lang naman dito noong dec. kaya wala akong kasalanan pero okay lang naman na magalit siya para matauhan kaming lahat dito hehe.

Sobrang blessed namin na mayroon kaming ateng ganun mabilis humupa ang kanyang galit. Kaya ng husgahan siya ng tao na siya ay masungit at madamot ipinagtatanggol namin dahil hindi naman nila kilala personally si ate. I don't know kung saan nanggagaling iyong tsismis gayong hindi nila nakakasama si Ate.

Pinag-aaral nga niya iyong dalawa naming kapatid sa kolehiyo. Diyan palang mabait na siya. Hindi naman siya basta nagagalit eh. Kung magalit man siya ay may rason at normal lang magalit minsan ang isang tao.

Dahil sa maling pagkakalinlan sa kanya maraming tao ang natakot sa kanya. Pero hindi naman nababahala si ate bagkus tumatawa pa siya. Sabi niya matagal ng ganun ang tingin sa kanya at wala siyang panahong iplease ang tao.

Minsan may isang kamag-anak ang lumapit sa kanya ng pautangin siya ni ate nabigla siya dahil hindi niya akalaing madali lang kausapin si ate. Doon na din siya nagkwento tungkol sa mga nasasagap niyang kwento tungkol kay Ate. Sabi ni Ate hayaan nalang dahil alam niyang hindi totoo iyon.

Bakit kaya karamihan sa mga tao ngayon madali ng naniniwala sa mga marites. Imbes na magtrabaho nalang andoon sila sa kalsada nagmamarites ng kung ano-ano wala namang basehan.

Umagang-umaga dinig na dinig sa loob ng bahay. Hayst kaya ayaw kong lumabas dahil maraming marites ang nakaantabay sa labas.

7
$ 2.77
$ 2.70 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Expelliarmus30
$ 0.02 from @jasglaybam
+ 1
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty

Comments

Hayaan nyo na lang po yang nga marites na yan, wala naman po silang mapapala sa kakachismis nila. Hindi naman po sila yayaman doon. Pero siguro nga po dapat ng mataniman yung lupa ng sister nyo para mapagkuhanan nyo din po ng income kapag may mga tumubo na sa itatanim nyo po.

$ 0.00
2 years ago

Ewan ko ba hahaha. Ang daming marites sa bawat kanto ngayon hahah. walag magawa sa buhay kundi manira ng kapwa. Swerte kayu sa ate nyu.

$ 0.00
2 years ago

Sadyang ganyan ang trabaho ng mga.marites mga makialam sa buhay ng iba

$ 0.00
2 years ago

Ganyan ang iba sis basta walang magawa sa buhay, yung buhay ng ibang tao ang pinagkaabalahan kahit wala namang basehan basta ba May ma itopic lang. Parang iiyak yung araw nila basta walang ma e chismis

$ 0.00
2 years ago

May ganyan talaga sis napakajudmental na mga tao di pa nga nila kilala ng lubusan kahit ano-ano na sinabi. Di natin maiiwasan yan sis. Super bait nga ng ate mo sis at napahanga ako sa kanya sa magandang kabutihan na nagawa niya.

$ 0.00
2 years ago

Hehe positive thinking lang siya

$ 0.00
2 years ago

Oo sis at yun maganda.

$ 0.00
2 years ago