I feel lazy pero kinailangan kong maglaba!
What a lazy day today! The bed is calling me all day because of the rainy cold weather ganun pa man hindi naman pwedeng hindi bumangon dahil kailangan ko pa ding magluto ng pagkain. Nakakatamad talaga kapag maulan ang panahon. Nakakatakot din dahil baka bumaha ng wala sa oras. Buti nalang active ang mga officials dito inaabisuhan agad ang mga tao kung posibleng bumaha. Hindi nga kataka-taka na bumaha dahil sa lakas ng ulan. Laking salamat sa Diyos dahil hindi umapaw ang mga kanal dahil kung sakali mahihirapan kami ng todo dahil nasa first floor kami.
Kahit ganito ang panahon naglaba pa rin ako ng damit ng pamangkin ko dahil binabad ko kahapon kinailangan kong labhan dahil baka ito ay bumaho kapag hindi ko labhan ngayon. Pinagalitan nga ako ng ate ko dahil bakit daw linalabhan ko ng damit iyong pamangkin ko eh may nanay naman siya. Okay lang naman sa akin pero kay ate ay hindi ayon sa kanya tinuturuan ko daw iyong kapatid naming maging lazy. Siguro sa susunod ay hindi na ako maglalaba. Maglalaba lang ako kapag alam kong hindi na niya magawa.
I don't know may ugali kasi akong kahit hindi sabihin ay ginagawa ko. Feeling ko mali iyon lalo na kong pinapagalitan na ako ng ate ko. Pero mali nga ba gusto ko lang naman makatulong. Hayst bakit ba kasi naglaba ako ngayon eh tinatamad ako hehe. Natapos ko naman kahit iyon man lang iyong magawa ko today maliban sa magluto at maglinis. Actually hindi nakakapagod ngayong araw, nakakabagot lang hehe. Siguro dahil wala iyong pamangkin namin kaya ganito na naman ang araw namin hehe.
Sana lahat tayo ay naging ligtas sa maulan na panahon ngayon. Malamig pero kaya yan ng kape hehe. Magandang gabi po sa inyong lahat.
Yoko tlga mglaba pg umuulan kasi di matutuyo. Nkktamad din mg mglaba pg umuulan.