Hi Readcash Fam! Hows life here?

2 7
Avatar for Zcharina22
2 years ago

Hi! Grabe ang tagal ko ding nawala dito sa readcash almost 1 week. Don't get me wrong this is not Zcahrina its me again. I hope I still welcome here at readcash community.

Well, just wanted to share how my days went this past few days. Grabe gusto kong pagsabayin ang work, pag-aaral at readcash pero hindi ko kinaya super pagod, sa work palang bibigay na katawan ko heheh how much more kung magrereadcash pa ako. Pero now hindi pa ako makatulog kaya magpapaantok muna ako dito.

This past few days my mom got worried about me for not having communication with them. Sa dami kasi ng ginagawa ko hindi ko na sila mareplayan hindi sa ayaw ko silang makausap wala lang talaga akong time. Naalala ko, minsan kapag hindi mo pinansin ang isang tao nag-ooveracting na sinasabing suplada ka na pero hindi nila alam lutang ka lang haha kaya hindi mo na sila naririnig o ano pa man. Buti nalang hindi ganun si mama naiintindihan niya ako. Kayo ba napagkamalang suplada na rin dahil lang lutang ka? Hehe ako dalawang beses na pero kahit anong explain ko hindi na mabubura sa isipan nila na ako ay suplada. Hayaan ko nalang sila haha bahala sila sa buhay nila hehe.

Pakiramdam ko hindi ko na matatapos itong mga gawain ko. Hayst forever na bang ganito na kahit magsuklay ng buhok ay hindi ko na magawa buti nalang walang masyadong bisita. Mga tao kasi dito mga Marites haha kapag kasi nasa bahay lang ako hindi talaga ako nagsusuklay ng buhok maghapon haha. Ganun din ba kayo or ako lang?

Kahit gaano kahectic ang schedule huwag nating kalimutang mag unwind pero ako nakalimutan ko na ata hehe.. Joke lang sa katunayan kapag wala na akong work lumalabas ako hehe kahit mag-isa lang ako. Minsan hindi ko na namamalayan malayo na pala ako sa bahay namin hehe.

Iyon lang naman iyong gusto kong ishare for today.. Inaantok na ako! Goodnight!

4
$ 1.02
$ 0.98 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @jasglaybam
$ 0.02 from @BCH_LOVER
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty

Comments

Nice to hear from you again sis. Minsan 1 week ako di nakakapagsuklay. The perks of being a mom lol.

$ 0.00
2 years ago

Ay naol mom na hehe joke lang🙂

$ 0.00
2 years ago