Ella's Lesson:Friendship wont grow without acceptance and forgiveness

0 26
Avatar for Zcharina22
2 years ago
Topics: Free

Greetings!

Hows everyone today? I hope your day went well and happy because for me my Sunday is very happy for we had a lots of bonding with my family and friends. I hope this will always happen so that we are all updated to each other.

Since I am a filipino citizen I'm going to write on my own language.

Ang pagkakaroon ng matalik na kaibigan ay pana-panahon yan. Hindi yan darating sa gusto nating oras at panahon kusa yan dadating sa tamang panahon. Huwag mong pilitin ang isang tao kung ayaw niyang makipagkaibigan sayo at kung ayaw ka niyang kilalanin isa lang ang ibig sabihin noon ayaw ka niyang maging kaibigan sa madaling salita wala siyang pakialam sayo.

May pagkakataon din na natagpuan mo na ang matalik mong kaibigan kaso mayroon itong hangganan dahil hindi sa lahat ng panahon ay aayon sa iyong kagustuhan. Bihira lang yung taong nakakahanap ng forever friends. Ating kilalanin ang dalawang matalik na magkaibigan ng ilang taon na naging magkaaway at naging stranger na sa isat isa.

Si Ella at Nina

Ako si Ella at matalik na kaibigan ni Nina ng maraming taon. Nagsimula ang pagkakaibigan namin noong nasa elementarya pa lang kami.Yun yong mga araw at taon na naramdaman kong kami ay iisa.Iisa ang aming hangarin at gusto sa buhay. Gusto naming maging guro at maglibot sa Korea at New York. Tandang tanda ko palang noong nagpinky promise kami sa isat isa na walang iwanan kahit anong mangyari na lagi kaming magtutulungan sa hirap at sa ginhawa. Alam kong mga bata palang kami noon pero doon ko naramdaman na sa wakas nakatagpo na din ako ng matalik na kaibigan. Kasi naman iba si Nina sa lahat ng aking kaibigan. Siya ay nag iisa sa aking puso kasi ramdam ko yung pagiging totoo niya sa akin. Siya yong kaibigan kong pinakamabait, pinakamapagbigay, maaalahanin at higit sa lahat mapagmahal siyang kaibigan. Daig pa niya ang aking mga kapatid kung mag-alala. Sabi ko nga kung lalaki lang ako jojowain ko siya. Huwag niyo akong husgahan dahil hindi po ako tomboy totoong babae po ako. Kasi para sa akin perfect siyang maging kasintahan at asawa. Wala ka nang hahanapin sa kanya dahil nasa kanya na ang lahat.

Pero para akong nanaginip na wala sa oras dahil sa isang iglap inaway niya ako sa hindi ko alam kung bakit. Si Nina ay nagkaroon ng boyfriend noong 2nd year high school kami. Hindi ko gusto yong naging boyfriend niya dahil nararadaman kong may pagkabastos siyang tao pero hindi ako nakialam sa relasyon niya sa kanyang boyfriend dahil private life niya yun at kagustuhan niya yun. Wala akong karapatang makialam o hadlangan ang kanilang relasyon dahil may sarili siyang desisyon at nararamdaman at nirerespeto ko yun. Kung kailangan niya ako nandito lang ako, yun lang yong kaya kong gawin yung suportahan siya at kung saan siya masaya susuportahan ko siya.

Ni minsan hindi ako kinausap yung boyfriend niya na kahit kinakausap ko siya tinitignan niya lang ako na parang isang kasalanan ang kausapin siya. Gusto kong sabihin kay Nina yung napapansin ko siya boyfriend niya kaya lang baka masamain niya. Napapansin ko kasing iba na siya ewan ko parang may mali. Iba na kasi siyang tumingin at makiusap sa akin. Lagi na niya akong sinasagot ng pabalang na hindi naman dati. Naprapraning na ako kung bakit ganun na siya makitungo sa akin. Yong mabait, maaalahanin, mapagbigay at mapagmahal kong kaibigan ay nawala na. Hinayaan ko muna siya dahil baka may pinagdadaanan siya at may problema siyang di niya muna masabi sabi sa akin.

Dumating ang aming graduation at doon lalo nangangalaiti ang aking kaibigan dahil nawala siya sa trono ng pagiging top one o valedictorian sa aming klase. Si Nina ang lagi naming top one at ako ay nasa top 2 or top 3 diyan lang ako naglalaro dahil si Nina ay likas na magaling at palaban talaga siya wala akong masasabi doon. Kahit sumasayaw siya balanse ang kanyang oras sa pagsasayaw at pag-aaral. Magaling siya sa time management. LKahit ako wala talaga akong laban sa kanya alam ko sarili kong siya talaga ang pinakamagaling sa aming klase. Pero nagimbal ang lahat ng malaman kung sino ang pumalit sa kanya sa pagiging top one at guest kung sino yon walang iba kundi ako. Hindi ako makapaniwala na ganon ang nangyari wala wala talaga akong ka ide-ideya na malalagpasan ko siya. Gusto kong magsaya kasi malaking achievement yun sa akin pero diko magawang magsaya dahil iniisip ko ang nararamdaman ng aking matalik na kaibigan simula noong mga bata pa lamang kami. At ayun nangyari nga ang kinakatakutan ko sinisi niya ako at tinawag niya akong traydor. Ano daw klase akong kaibigan sa kanya naging ahas daw ako sa kanya ng patalikod.

Napakasakit isipin na ganun pala ang tingin niya sa akin. Gusto kong ibigay yung karangalan sa kanya kasi mas importante sa akin yung pagkakaibigan namin. Kaya kinausap ko yung aming guro na ibigay nalang sa kanya yung karangalan kay Nina. Kaya lang hindi na daw pwedeng baguhin yun kasi naipasa na daw sa Division office yung pangalan namin at napasabi nadaw sa aming mga magulang. Sabi ng aking guro na deserving daw ako para sa top one bakit ko daw ibibigay sa iba yung pinaghirapan ko. Hayaan ko muna daw si Nina palamigin ko daw muna ang kanyang ulo. Kaya lang hindi ako mapakali kasi kaibigan ko yun nalulungkot ako para sa kanya sa amin baka maging dahilan pa ito para iwasan niya ako.

Totoo nga simula nong nalaman ni Nina na ako ang pumalit sa kanya sa pagiging top 1 hindi na niya ako kinausap at tinawagan. Sa katunayan hindi na siya umatend sa graduation. Hindi na niya narinig ang aking Validictory Address tungkol yun lahat sa aming dalawa. Nalulungkot ako dahil sa nangyari imbes na magsaya ako pinili kong mapag isa wala ng party o handaang naganap dahil wala na yung kwenta dahil hindi ko naman magawang sumaya.

Pumunta ako sa kanilang bahay nagbabasakali akong makausap siya kaya lang wala na daw siya lumuwas na daw siya ng Maynila. Pati pala mga pamilya niya ay traydor ang tingin nila sa akin. Pati pamilya namin nag-aaway na. Ano bang nangyayari bakit napunta ito sa ganito. Ganun ba kalaki yung kasalanan ko. Kung alam ko lang na hahantong ito sa ganitong sitwasyon hindi ko na lang sana ginalingan at hindi nalang sana ako pumasok araw-araw. Dumagdag pa yung boyfriend ni Nina sinisisi niya ako kung bakit wala na siya sa aming bayan. Magbabayad daw ako sa kanya. Sobrang nakakaistress yung nangyari imbes na magsaya ako wala kalungkutan at problema ang sumalubong sa akin. Sana naman sa kolehiyo walang ganitong magaganap. Sana maging masaya ang journey ko sa kolehiyo.

Dahil sa nangyari noong high school ako naging mailap na ako sa ibang tao. Umiiwas na ako sa aking mga kaklase hindi na ako nakikipagkaibigan dahil baka makahanap na naman ako ng katulad ni Nina na hindi naging masaya sa achievement ko.Kaya lang mahirap pala ang walang kaibigan sa school tinatawag nila akong magaling pero suplada daw ako. Hindi ko sila masisisi dahil totoo naman pero sa magaling na sabi nila ay medyo nangilabot ako dahil kasi diyan nasira ang aming samahan ni Nina. Pero ginawa ko pa rin ang best ko atleast this time wala akong matalik na kaibigan na mang aaway sa akin kung sakaling magtatapos ako ng may honor o top. Gusto ko kasing grumadweyt this time na masaya at may handaan hindi katulad noong high school ako na problema at kadramahan ang naganap after yung graduation namin noon.

Hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang pinky promise namin ni Nina dati na walang iwanan kahit anong mangyari at sabay kaming magtuturo at libutin ang Korea at New York. Gusto kong matupad yun kahit di na kami magkaibigan dahil yun talaga ang pangarap ko sa buhay. At talagang gumawa ang Diyos ng paraan para makapunta ako ng walang kahirap hirap sa New York naging best thesis yung thesis ko at required ko yung ipresent sa New York. At sa hindi ko inaasahang pangyayari nakita ko si Nina hindi ako pwedeng magkamali siya yun kilalang kilala ko siya at batid kong nakita niya rin ako kaya lang nakakalungkot dahil hindi manlang niya ako pinansin kahit nagwave at ngumiti ako sa kanya. Gusto ko siyang habulin at kausapin kung kamusta na siya. Bakit kaya siya nandito sa New York gusto niya rin bang matupad yung promise namin sa isa't isa kahit hindi na kami magkasama? Paano kaya siya nakapunta dito? Simula noong lumuwas siya wala na akong balita sa kanya.

Naging succesful naman yung presentation ko sa thesis. Hindi na kami nakapaglibot dahil may hinahabol si Sir na miting sa school at urgent daw yun. Ayaw naman niya akong iwan dahil responsibilidad niya daw ako.Medyo nalungkot ako dahil hindi ako nakapaglibot-libot pero okay na rin dahil sabik akong makibalita kay Nina sa bayan namin.

Nalaman ko na hindi daw nag-aral si Nina ng college. Imbes daw na mag-aral siya naging dance leader pala siya at sikat na sila ngayon. Baka yun yung dahilan kung bakit nasa New York siya. Masaya na ako sa kanya atleast ngayon masaya na siya at may successful siyang career. Hindi man niya natupad ang pangarap namin noon na maging guro okay na rin yun para na din siyang guro dahil nagtuturo siya kung paano sumayaw.

Ako naman masaya na rin ako dahil grumadweyt akong cumlaude. At ayun natupad yung pangarap kong maging masaya sa araw ng graduation ko sa college. At wala din yung bakas ng kahapon sa wakas natapos na yung issue namin dati. Nagkabati na ang aming mga magulang ni Nina kami nalang ni Nina ang hindi pa bati dahil wala pa kaming closure sa isat-isa.

Ang pagkakaroon ng kaibigan pana-panahon talaga. May panahon talaga na hindi sumasang ayon ang tadhana kahit gaano pa katibay ang samahan kung walang acceptance and forgiveness relationship wont grow. Yan yung natutunan ko sa relationship namin Nina as friends. Medyo natakot ako at medyo natrauma ng konti pero hindi yun ang dahilan para hindi ako maging succesful sa buhay. Ginawa ko parin ang best ko kahit wala na si Nina sa aking tabi at sa awa ng Diyos nagbunga naman yung paghihirap ko.

Natakot akong makipagkaibigan dahil nga sa nangyari sa amin ni Nina dahil baka maulit lang ang nangyari. Pero narealize kong hindi pare pareho ang tao doon ko binuksan ulit ang aking sariling makipagkaibigan maloko man ulit o hindi atleast nagtry pa rin. At kung mangyari man ulit yun hindi na siguro ganun kasakit dahil alam ko na kung paano mag adjust at ihandle yung sitwasyon. Nagpapasalamat pa rin ako kay Nina dahil sa karanasan ko sa kanya naging independent ako at naging matatag ako sa pagaubok na dumating sa aking buhay. Malaki ang naging parte ni Nina sa pagtupad sa aking mga pangarap sa buhay. Hindi man kami bati hanggang ngayon pero masaya na akong nakikita ko siyang masaya sa kanyang career ngayon.

Thank you for reading!

1
$ 0.34
$ 0.34 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
2 years ago
Topics: Free

Comments