Asal bata kaming lahat ngayon hehe!

2 18
Avatar for Zcharina22
1 year ago

Sabado, ika 14th ng Mayo. Ito iyong araw na bumalik kami sa pagkabata pagdating sa pagkain particularlay sa merienda namin ngayong araw. Walang pasok ngayon kaya kumpleto kaming lahat.

Ang ipinahanda nilang meryenda today sa akin ay iyong palitaw at siomai. Madali lang namang lutuin kaya kahit walang tumulong sa akin ay okay lang. Mga 30 minutes lang naman. Gamayin lang iyong glutinous rice sapat para makabuo ng small circles tapos papakuluin lang hanggang maluto tapos bubudburan lang ng niyog at asukal ready to eat na. Iyong siomai steam lang kaya madali lang.

Ng oras ng kainan hindi ko naman akalain na patay gutom kaming lahat. Para walang lamangan nagtanungan kaming lahat kung ilan na ang nakain ng bawat isa hahah. Tapos iyong natira hinati nalang ng patas walang malamangan haha tapos panay pa kami tawa ng tawa kasi hindi kami makapaniwala na naging asal bata kaming lahat ngayon haha.

Kung kahapon maiyak-iyak ako dahil sa kwento nilang scam ngayon naman naiiyak ako sa tuwa hehe. Ang sarap balikan iyong mga asal bata namin dati pagdating sa pagkain iyong mapapaway ka kasi gusto mo solo mo iyong pagkain tapos may pasumbong-sumbong pa sa nanay haha. Anways im so happy today I hope all of you are too like me..

2
$ 0.78
$ 0.78 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty

Comments

Takot akong tumanda. Gusto ko palaging asal bata Hindi isip bata. Hehehehe

$ 0.00
1 year ago

Haha true po🙂

$ 0.00
1 year ago