Ako lang ba ang nagpapakapagod para sa mga bisita? Unang araw ng June napagod ako!

0 9
Avatar for Zcharina22
2 years ago

Ang bungad ng unang araw ng Hunyo sa akin ay pagod. Dahil may bisita kami bukas kinailangan kong mag-general cleaning dahil medyo nakakahiya naman kung makikita nilang marumi ang bahay namin.

Karamihan sa atin pinaghahandaan natin ang pagdating ng ating mga bisita dahil ayaw nating mapahiya at majugdge na marumi ang ating bahay. Hindi man maganda na pag isipan na judgemental ang ating mga bisita pero kasi gusto lang nating mag-ingat at hindi mapag usapan ng mga tsismosa.

Naalala ko dati sabi ng teacher namin sa literature " Bakit natin inaayos ang lahat kapag may bisita?Bakit saka lang natin ilalabas ang mga mamahalin at magaganda nating kagamitan kapag may mga panauhin tayo? Bakit natin sila pinaghahandaan ng sobra-sobra? Bakit pag wala yung mga bisita itatago na agad yung mga mamahaling kagamitan? Pero kapag tayo tayo lang okay na yung cheap na kagamitan? Ano bang meron sa mga bisita bakit sila ang unang gagamit sa ating bagong kagamitan?" Lahat kami ng aking mga kaklase ay napatunganga kaming lahat dahil relate na relate kami. Tinanong kami ng aming guro kung bakit at gawin ito in essay form buti na lang ginawang assignement kasi honestly wala akong maisip na sagot that time kaya laking pasalamat ko dahil wala na kaming oras para gawin sa klase kaya ginawang assignement nalang. Nagtanong-tanong ako sa aking pamilya nag-iisa lang kanilang sagot " kailangan daw paghandaan ang bisita para ganun din sila kapag ikaw naman ang dumayo sa kanila". Hindi ako kumbinsido sa sagot nila kaya nag-isip nalang ako ng iba at ganito ang sagot ko tandang tanda ko pa. Sabi ko ay " Minsan ginagawa natin ang lahat para magpa-impress sa mga bisita para wala silang masabi pagkatapos. Pero bakit nga ba sila espesyal na espesyal? Para sa akin dapat silang paghandaan kasi minsan lang silang bumisita hindi mo sila araw-araw na nakikita at nakakasama. Kaya minsan excited akong maglinis at maghanda dahil gusto kong maging comfortable yung aking mga bisita hindi sa nahihiya ako dahil sa karumihan kundi dahil respeto na din sa kanila. Ginagawa ko ang lahat para ibigay ang mga pangangailangan nila para ipakita na welcome na welcome sila sa aming bahay. Oo minsan talaga nakakapagod dahil nga wala ka ng ginawa kundi pagserbihan sila pero wala namang sigurong bisita na darating sa bahay niyo na ikaw mismo ang pagserbihan kaya tinawag silang bisita kasi mga panauhin sila na kailangang asikasuhin." Yan ang naging sagot ko dati nakakuha naman ako ng 90/100 na score . Feeling ko naman medyo tama yung sagot ko kasi mataas-taas naman young score ko lol.

Ngayong araw na to naging doble yung pagod ko kasi nagkasabay-sabay yung kailangan kong tapusin. Una nagbalot ako ng regalo para sa ate kong ikakasal after that general cleaning na. Kinailangan kong siguraduhin na malinis talaga ang bahay namin para bukas para maging comfortable yung mga daraing bukas. Minsan kasi may bisita tayong maaarte hindi naman talaga yan naiiwasan kaya paghandaan nalang.

After kong maglinis nagrocery naman ako. Napagod talaga katawan at isip ko ngayong araw. After ko kasing nakapagpahinga ng isang oras nagsulat ako ng article at yun sulit naman kasi na-upvote naman na siya.

Gusto ko lang sabihin na ang paglilinis sa bahay ay araw-araw dapat para maging ligtas sa maraming sakit at para always ready kapag may unexpected na bisita. Huwag natin silang itreat na "bwisita" short term for bwisit na bisita kundi bigyan sila ng respeto dahil pumunta sila para ikaw ay kamustahin..

"Antok na Antok na ako Siao"

Salamat kong binasa mo itong lahat!

1
$ 0.34
$ 0.34 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Zcharina22
empty
empty
empty
Avatar for Zcharina22
2 years ago

Comments