Sa imahinasyon/// a reverse poetry
Totoo ka Dahil hindi totoong Nabubuhay ka lamang sa aking isipan Ang katotohanan ay Nasa realidad kita Di makatotohanan na Kathang-isip ka, Imahinasyon lamang kita o Di ka nabubuhay Dahil alam kong Hindi ako nananaginip Pero, Higit pa sa buhay ko Ang pagsinta ko sayo, Mahal na mahal kita Hanggang sa pagtanda Kasama mo ako. Dahil Napapangiti ako Sa sobrang ganda mo Ikaw ang dahilan kung bakit Buo ang araw hanggang gabi ko Lalakbayin natin ang mundo Magkahawak-kamay pa tayo Totoo na Buhay ka at Walang katotohanang Di ka totoo. @Zanvin
No comments yet