May Activity si Hipag as a Educ. Kailangan daw ma observe nia si Bunso ko kung kaya niyang tumakbo ng di nadadapaπ Napalayo na kami kaya kung ano anu na pipicturan ko .. Parang nakalabas nga ako sa hawla eh ganda ng Kalsada ngayun dahil nililinisan ng mga Tupad
@Zanella in October 2022
Si bunso na parang ngayun lang naka labas sa hawla . Hindi iniinda ang init , para lang tumakbo sa kalsada . Buti nalang kaunti lang ang dumadaan na sasakyan .. Happy yan its Saturday
Ginaya ko nga pala yung techniques ng isa kaibigan sa noise.app makipag marites muna at nakuha ang kiliti eh biglang hihingi π . Ginawa ko din kanina dahil try ko din magluto ng kanin na may blue ternate kaya lang di siya nag blue baka kulang nailagay ko .. https://noise.app/invite/zqro77pg Sa wala pang noise.app feel free lng po gamitin
Ay bongga naman nito siguradong may mareredeem na ako sa Tuesday kahit sentemos hindi parin masasabing zero .. Matagal na din sa akin ito kahit maliit ang kikitain madali lang naman kumita .. basta aabot ng 10k Satoshi https://bitcoinaliens.com/?ref=3027406&game=7&pf=2 sa mga wala pa try nio
Isang mapag palang Umaga Mga ka squads . Its Sunday ... Nakapag simba na ba ang lahat o yung iba nag eenjoy pa matulog dahil bukas ay busy day ulit. Ngayung week lagi akong maaga nagigising kaya hindi ko nai enjoy matulog , .. Pakiramdam ko lobat na lobat katawang lupa ko π.. Hay sana makabawi na ako ng puyat ..
Peace be with you all. Its sunday , its Family day .. Kaso ako laba day π ,dahil bukas ay Pasukan day ulit ..ang bilis bilis naman ng araw na dumaan parang kailan lang . Kayo anung gawain ang nag aantay sainyo ?
Maging mapanuri sa ating nabibili para sa huli di tayo kawawa .. Friday ko lang ito nabili sa palengke naka balot ng plastic isang atado , di ko na sinuri kasi mukha namang good nung binili .. Yun pala , sa loob ang Bulok ,π₯
Maging mapanuri sa bibilhin sa palengki may mga tindira nang gumagawa ng paraan para kumita ng nanlalamang sa kapwa .. May mga bagay na maganda sa Panlabas na kaanyuan pero nabu bulok na ang kaloob looban ..
Panay ang sipon ko kaya kailangan kong kumain ng citrus fruit, Buti nalang di nawawalan ng bunga ang puno ng lukban namin dito . Kami nalang ang nagsasawang kumaksin in ..its blessed pala na may prutas sa paligid lalo na ang mayaman sa vitamin C .
Kain tayo ng citrus fruits para maka iwas sa sipon at ubo .. Yung puno ng lukba. kasi namin dito di nawawalan ng bunga kaya kapag may ubo at sipon na kami ito na kinakain namin ..
Alas dyes na ma ka squads .. Kaya nadadama kuna ang antok .. Bukas ulit maagang gigising para sa mga studyante natin . Bukas na ako mag iingay ulit.
Natawa ako sa panganay ko Excited pumasok sa school akalain niyo bang alas kwatro palang eh naliligo na siya , alas singko tapos na mag palit , Pero ako na mag prepare ng baon niya nakahilata pa π . Sabi ko sakaniya walang silbi yang Maagang gising kung niluto ko ang babaonin .. π Antok kasi aabutin nia
Good morning Bagong umaga bagong pag asa .. Wag mawalan ng Pag asa kapag walang pumapansin sa Post natin .. Ang importante nag iingay tayo at balang araw mapapansin din tayo ..
Flexing this little one .. Siya pala ung gumagawa sa earning Task ko sa free Bitcoin Cash Akala kasi nia Games ko yun sa cellphone ko . Kabisado niya ginagawa ko ,kaya sia na gumagawa kapag alam kung merun ng available na satoshi. Naka 23,803 satoshi na rin ang naipon niya automatically withdraw Tuwing Tuesday . Basic lang gagawin kaya alam kung kayang kaya niya yan ..
Taas mga uggoy diyan na tulad ko πβπ½ Na mahilig kumain ng saging . Ha ha ha nag baba ng saging si Tatay kaya inattack agad namin .. Sarap naman kasi talaga,
Mongo Guisado Happy Tummy na si Bunso Bukod sa sopas na snack . Yan ang Niluto na feeding sa School Knina ni Bunso ..Inuwi na Namin dahil mag aala una na.. na dapt ang uwi ay 12 Kahit busog sa sopas kamain prin sia ..
Mongo Guisado para da Bunso Bukod kasi sa Sopas na snacks sa school eh nag paluto pa si Teacher na iulamin nila pag uwi .. Overtime naman kasi kami dahil busy sa pag luluto ..
May mahilig din pa sa inyo pakamot sa likod Si bunso Hilig talaga mgpakamut sa likod Tapos pag minsan nasasarapan nyang magpakamot eh nag tatagal .. Kapag ititigil iiyak na π , Tapos yung kati eh naglilipat lipat na ..
May mahilig din ba sa inyo magpakamot ng likod .. Si Bunso ang hilig niyang magpakamot sa sa likod tapos kapag ititigil mo iiyak nalang dahil hindi pa satisfied.. Nag eenjoy na mag pakamot tapos bigla ititigil , ..ha ha ha ..
Tutulog ng maaga para makabawi ng tulog ,antok much na ako. Yung cp nahuhulog na sa kamay ko ng di namamalayan , Mag pupuyat sana ako today kasi walng pasok un dalawa ko ..di kaya ng powers ko. Babagsak na talga ,
Sa may Vuewin Dyan Nakakalungkot namang wala na talaga ang mga ads na pweding pag kuhanan ng tokens .. Babalik daw sila sa MAY 2023 .. Sayang naman may ipon pmandin ako kunting push nalang withdraw na
Teacher Day Anung balak niyo mga momshies teacher day na Bukas sa School.. Anu kayang magandang appreciation Give ang ibibigay .. Wala pa din akong maisipan ..yun sanang mkapag damdamin π..
Teacher day Bukas , Ano kayang magandang appreciation gift ang pweding ibigay sa ating mahal na Guro .. Ang hirap kasing mag isip , Guys pa help naman Baka merun kayong creative ideas. Jan
Hello squads Katatapos lang yung malakas na ulan , mabuti nalang tumigil din pero bongga ang lakas .. Hindi na ako naka pag bike tuloy dahil napasarap ang tulog ni bunso .. Kaya tinamad narin ako bumangon , nakakahiya naman sa pusang ito baka maistorbo ko sa pagkakatulog..
Yung gusto kung gumalaw galaw kaso nakakahiya naman sa nilalang na ito .. Baka maistorbo sa pagkaka idlip , pagod yarn nag sabol ng Butiki nakalampag na mga gamit na pinag tatalunan nia ..
Lumabas lang ako saglit pero parang isang taon akong nawala .. Kalat agad nadatnan ko sa kwarto kung san iniwan si bunso .. Iba talaga kapag bata kasama .. Nagutom kaya nag Nagkalkal siguro ng makakain ..
Saglit lang ako nawala at iniwan si bunso sa kwarto . Pag uwi ko sa bahay kalat agad ang nadatnan ko tapos si bunso kumakain sa kama .. Need ng pagpag dahil maasukal ang kinakain nia ..
Maliwanag ang kwarto ni panganay ngayun dahil gumagawaa siya ng Appreciation card para sa Teacher niya bukas .. Naaninag ni bunso ang liwanag kaya hindi pa makatulog itong bulinggit .. Kung kelan may lakad ako bukas saka naman di matulog ng maaga lalo tuloy silang nagpupuyat ..
Puyat is real , di pa naantok si bunso dahil naaninag pa nia ang ilaw sa kabilang kwarto .. Gumagawa ksi si panganay ng Appreciation gift card , sa teacher nia . Eh kumukuha pa ng ideas sa You tube , kaya natatagagan .
Flex ko nga itong rush kong ginawa para sa Appreciation Gift para sa teacher Day Bukas ni panganay .. Di naman gaanong ka bonga tulad ng bigay ng iba basta nasa mensahi nalang mababasa π. Ayun antok na ako bukas nalang po
Flex ko nga po itong Rush na ginawa kong Appreciation Gift para Sa ating mga huwarang maestra .. Hindi naman ka bonggahan ang gawa basta mensahe nalang ipapadama ang pasasalamat .. Nag message narin ako at bukas nlng si panganay magsuaulat ..pinauna ko na bka mapuyat ..
Day Care Parents Congress Maaga ata kaming nakarating hindi pa ksi nag start.Pero marsmi na ding mga parents ang andito. Wala akong clue kung anong gagawin dito 1st time ko lang kasi dumalo, Siguro discussion about Sa mga anak π .
On going parin ang Congress Parents.. All topic is about Parents / Children Protection and also about Adoption Of Child. Maraming topics aBout abuse sa mga bata at kababaihan , .. Process kung paano maging Foster Parents .. Mga dapat gawin at Requirements para makapag adopt ng Bata. Basta marami pπ
mukhang babagsak na ang ulan dahil biglang dumilim ang maaliwalas na kaninang paligid.. nakauwi na rin kami galing sa parents congress kaya kahit umuulan ay na kasi na ako dahil nasa bahay na. Kayo yan musta ang weather pabagsak na ba ..??
Good evening mga ka squad.. Ito katatapos lang din kumain ni bunso kaya kusa niyang kinuha ang vitamins niya Dahil sa panahon ngayon kailangan natin ng dobleng pag-iingat dahil kapag may sipon at ubo di na makakapasok sa school kaya need ng kids ko mag palakas ng resistensya .. Hugas time na ng pinakainan
Naubos ng kids ang ulam kaya wala akong ipaulam sa pusa . Ayaw naman niyang kainin kapag kanin lang ,kaya pinakain ko nalang ng sitserya. Kada groceries ko merun akong binibiling pweding kainin ng pusa kapag wala siyang makain.. Kayo anung back up foods ng pusa niyo kapag wala ng ulam π
Good morning squads .. Musta na ang lahat siguro tulad ko medyo malulungkot dahil hindi na sagana ang ating refilling .. Kapit lang tayo mga sis, Pag subok lang to sa atin , nagka ganito na tayo dati .. ngayun pa ba tayo susuko .. Ako nga naka ilang post na ako na bokya .. Kapit lang .. Good morning
Good morning Its Thursday ,kapatid ni Friday nangangamoy weekends na mga ka squads .. Makakapag pahinga ulit tayo , nakakamis ung masarap ang tulog yung walang gagawin kundi mag aral lang kakain tutulog .. Ngayun ramdam ko na sakripisyo ng nanay ko nun
Rush diy Flower Para sa teacher day ng aking day Care ..medyo nagmamdali na ako dahil ilang oras nalang pasok na ni bunso at marami pang trabaho sa bahay nag aantay sa akin.. Kkaya pasensya na kung busy ako at di nakakapag maretes sa inyo
Inuwi nalang ni bunso Yung feeding niya sa school dahil hindi siya maka Concentrate kumain sa school. Kaming mga parents ang nag luto nito para sa kids , marami rami din ang nailuto kaya pinauwi ni madam mga di naubus. Kaya yan nalang ang ulam niya dahil di ako nakapag luto , May parents talaga na tamad gumawa gawa kapag lutuan ,pero girls scout kapag take out π
Nagpakuha ako ng papaya para bukas , next menu daw namin is Papaya . Ung dalawa pang ulam namin ung Dalawa gagamitin sa school ..mabuti nalang merun kami sa likod kundi contribution ulit .. Kahit may mga sponsor ang feeding ,gulay kasi di maiistock kaya provide ang kulang na ingredients na wala sa menu
Good morning mga ka squads .. Yeah its Friday Yay .. Last Day na Gigising ngayun weeks pahinga moods by next day nakaready nrin ang baon ng mga papasok ..ako magkakape nalang .. Kaya laba day ako later kapag tapos na school para masulit ang tulog ng walang iniintindi .. Bilis ng Araw noh π
Ito nga pala yung nagamit na damit ni Bunso noong iniwan ko siya isang araw.Dahil dumalo ako sa Congress Educational Parents .. Sobrang dumi nian kanina grabi , kapag ako nag babantay sa anak ko di nadudumihan ang damit nian dahil bantay ko sia .. Kaya iba talaga ang pag babantay ng magulang kaysa sa iba
Kapag walang meryendang mahanap Kumapit sa Kapeng mag papainit ng tyan .. Tinamad ng lumabas kaya nung buhatin ko ang termos ayun legit merun pang mainit na tubig .. Tara kape tayo
Kapag pagod Magpahinga hindi susuko !! Kaya tamang pahinga muna mga bes pagod na nag kalat ng bahay saka isiainop π Wala ang mga kids kaya instead na matulog eh mag lilinis ng bahay para guminhawa naman .. Bukas nalang mag pahinga para mas mahaba ..
Imbes na ako ang mahiga at magpahinga naunahan na ako ng nilalang na ito .. Kakatapos lang mag kidkid ng dumi sa mga sulok ng bahay na na stockan ng dumi dahil hindi nakikita .. Sana nga matapos na Ang kusina para mabawasan ng gamit dito sa Sala .
Panay din ba tawag sa inyo ng asawa /partner / boyfriend kapag di kayo nakukuntak di titigil .. Tatawag sa anak , pra e check ka tapos hindi masasagot ng anak ,may sisigaw nalang sa kabilang bahay ng .. Ate !! Online ka daw sabi ni kuya !!π Ayun sa kapatid nia nag pa rescue .. Sayang di ma upload mahinang nilalang ang aking Net .. Good evening
Yung anak mong ang aga aga eh sinusumpong ng February π Iyak ng iyak eh gustong mag bike kasama ako eh , eh hindi pa ako nag kape kaya hinayaan ko nalang jan Di kasi ako yung tipong nanay na kinukunsenti ang anak kung ano gusto .. Kapag ayaw ko
Oh wow nangangamoy letson.. Merung nag pa lechon sa aking inlaws pero sobrang laki naman kaya medyo hirap lutuin . Naputol pa nga ung Bakal kaya nag remedyo nanaman sila kung paano gawin .. Sana nga lang maluto ang loob , para bumalik ang customers ,sabagay si inlaws kasi pinaka mababang maningil kapag nagpapaluto saknila .. Dami paring walk in na nagpapaluto lalo na kapag Christmas .
Ay naku late ko ng nagisingnitong pusa ng anak ko ..mabuti nalang pwedi pang gisingin ..sayang naman kasi mas malaki ang bigay niang Coins .. Shareit user lang Sakalaman .. Tapos ko nagalaw ang shareit eh kay Shopee kay ako napunta ..Nood ako ng shopee Live para mag claim din ng Coins .. Pang bubudol ko din sakanila sa 10.10 π
Yung anak kong gumawa ng assignment today .. Pero may pa extrang selfie pa , naka video kasi siya whilee doing assignment then send to her Teacher .. So ang ginawa ko edit to fast forward then nilagyan ng music para di marinig ung mga pinagsasabi niya while nag susulat π
Batang ayaw pang matulog , Nakita niya ung nilagay ko sa may pader na na lessons niya last week . Need ko kasing lGi ireminds saknia ung mga ginagawa nila sa school para di makalimutan .. Saka ung ibang topic di ko na din alam dhil nasa labas kami ng class room .. Nagluluto ng feedings.. Sana sa 2nd assessment ung di niya alam dati alam n niya ngayun ..
May bisita ang anak ko .. Ayaw ko sanang papasukin sa bahay dahil may uboat sipon yung bata baka Mahawa sila .. Kahit gaano natin ka protektado talaga mga anak natin kahit araw araw mag vitamins virus na ang pumapasok sa bahay π . Ayaw ko palapitin pero ung bata ang lumalapit π₯.
May nag paparamdam na Pipino kunin ko na raw siya dahil hirap na hirap ng magpapansin dahil wala daw kumukuha π Nag iisa lang kasi at nahiwalay pa sa kasamahan niya .. Naku may araw ka din ..,wala ka png kasama .
Dahil malapit na aNg November Malapit narin ang Halloween's .. Flex ko nga itong Picture ng anak ko na buminta noon dahil sa mala horror niyang Make up .. Nag trick and treat silang mag pipinsan ..and naka 500 pesos siya dahil may tinakot siya na Sobrang natakot talaga π , Paano ba naman nag tago siya sa madilim na parte ng Maraming sagingan .. Buti nga di siya inano ng Tinakot niya , tapos pinauwi na siya binigyang ng pera
Dahil walang pasok bukas si bunso ako muna ang teacher niya.. Recall ko muna yung mga ginawa nila last past few days.Para maimemorize niya kapag may ulit .. Hirap pa siya ibang lines lalo sa zigzag π . Ako pamandin yung tipong Gusto agad matuto ung tinuturuan ko.. Kaya ito na hhb tuloy ako πilang kurot kaya gusto nito
Pasukan nanaman bukas mga ka.squads .. 5 days ulit na gigising ng Maaga para ipaghanda ng almusal ang ating mga anak .. 5 days ulit na mag iisip kung anong ipapabaon sa school para sa lunch .. Gusto ko ng matulog pero inaantay kung mag 10.10 dahil may bibilhin akong importante sa shopee . Kaya rest muna ako at babalik ng 12midnight
Ang aga kung nagising kanina para magluto ng breakfast ni panganay , Pero nag chat ang teacher niya na wala rin sila pasok ..Ang aga pamanding naligo siya , Mabuti nalang di pa ako nakabili ng pang ulam niya .. So bawi ako ng tulog kasi nag 10.10 ako nung midnight sa shopee π
Dahil walang school si Panganay .. Nagbabawas ako ng alaga niya sa buhok dahil napansin ko kahapon na may Kuto siyang nakita .. Kahapon nagsimula na akong sugurin buhok nia mangilan lang naman ang nakuha ko kaya pinag tyagaan ko ngayun na kutuhan siya . Ang haba pa mandin ng buhok at makapal . Dati yan black na black nung di pa siya nakiki shampoo sa gamit ko ngayun wala na .. Nag kaka Brown na .paano kaya ibalik sa dati ..
Nag try akong make upan si Bunso kasi mag pa flower girl siya next next month .. Sinemplehan ko lang kasi pangit naman yung sobrang kapal na halos mabago na ang mukha π. KApag talaga maganda ang model kahit simpleng make up lang nag glow glow up na .. Di ako marunong mag make up sa totoo lang ha ha ha ..
Nakapag linis na ako sa harap na part , Nahiya akong linisisan sa part na nagbubulaklak , parang nasasayangan akong pitasin . masukal na kasi mga sis kaya , nag babalak akong tanggalin . Pero dahil maganda pa ang bulaklak antayin ko nalang na malanta muna bago bunutin ..
Good morning mga k squafs Galaw galaw na mga nanay , mag handa ng breakfast na kakainin ng buong pamilya .. Si panganay maagang naliligo, ang lamig ng Tubig di nag lalagay ng mainit na tubig , sinanay ko .. sayang gasul π Mamaya sunod ako sa school niya .mag gagarden daw support support din siya kasam grading yun eh . Kahit may pasok din si bunso ayun di ko na alam uunahin ko ..
Cereals ang feeding ni bunso sa school nila ngayon pero expect ko na na ayaw niya ng cereals with milk .. Hindi kasi tulad ng ibang bata na mahilig kumain ng may gatas .. Like may panganay ayaw din nila ng milk , Pure breast milk kasi sila dati kaya siguro ayaw nila ng ibang milk π Isang subo lang nia ayaw na niya , nag more on siya sa pan cake and water ..
Good morning squads . Late na akong nagising kaya , nagmamadaling nag saing agad pagkagising .. Paano ba naman kasi Nagising ako kaninang Alas dos ng madaling araw at matagal na di naka tulog .. Kaya namimiss ko kapag Module time sa atin ang oras .. Pero Education parin ng anak ang importante ,makikita din ng mga anak natin ang sacrifice natin ..
Good morning squads Flex ko nga itong dalawang marites na nacaptured ko π. Muning ng kapit bahay namin (black) at muning namin ung Garret . Dati natatakot ako sa pusang itim , dahil sabi nila malas daw kapag nakakasalubong . Pero may nabasa ako kapag may pusang itim ka nagtataboy ng mga bad negatives sa bahay .. Kaya ok na sa akin , ang pusang itim π
Hapon na mga ka squads medyo sobrang init na nga tapos hindi pa maka tulog dahil tapat na tapat ang videoke ng kapit bahay sa kwarto .. Tapos yung singer feel na feel ang pag kanta , mic na ata nahihiya sa boses niya dahil nag cha chuppy na ang voice ng micπ .. Ito atang kapit bahay ang walang paki alam kung nakaka istorbo sila .. Basta sila maka enjoy lang ..
May celebration sa Kapit bahay namin , Kaya pang malakasan ang videoke nila na natapat pa talaga sa Kwarto namin.. Mabuti nalang nakatulog na itong buso ko bago pa sila nag concerts .. At pretty sure na magdamagan ang lashing sa tapat ng kwarto .. Alak ba naman ang iikot tatayo kapa ba ? Buti nalang walang pasok si bunso bukas yun lang si panganay merung pasok
Dahil nag sopas kami sa school kanina , at yung mga di na ubos ay i nuwi namin para may meryenda sila , Nagustuhan ni kids ung timpla ng sopas dahil lasang lasa ang gatas, Sa totoo lang sa school lang ako natutong mag luto , pinapanood ko lang tapos inaaply dito sa bahay π Ang hirap pala kapag si mister ang laging nagluluto ..di natuto ..
Dinner time na pala mga ka squads , malamig ngayun ang panahon dahil umulan ng maaga ,.. Kahit malakas ang ulan ngayun eh , di parin talaga papatinag ang mga lashingo na kapit bahay namin .. Pinalakas pa lalo ang volume ng videok .. Sana di tumigil ang ulan para naman , umalis sa pwesto nila ung videok at umiinom maingay kasi kalapit lang ng kwarto namin ..
Dinner time ng mga squad nagkataon lang na walang ilaw kaya ito kumakain sa dilim isda pa man din ang ulam.. Nag request si bunso nang hot choco kaya yan napatimpla nadin sa akin .. Tulog n si panganay di na nkapag dinner.. Good evening sa lht
MDAS Multiplication Division Addition Subtraction Infearness sumakit batok ko dito sa Mathematics ng anak ko .. Nasa Mdas na Pala sila pero di siya nag sasabi ,medyo nakakakito ito na solutionan . Dahil kung di ituturo ng maigi di maintindihan talaga lalo na kung manong manong solution Basic lang ito kapag gumamit ng Ng calculator. Bumabalik nanaman ako sa pag ka Elementary nito eh π
Nag update palang itong share it ngayun ko lang napansin kasi nung ginising ko kaninang tanghali sa dati palang siya . Anu kaya bago nito sana madagdagan yung task para madaling maka ipon .. Kayo nag update din ba ..? Todo ingat ko ito kasi kunting violations eh wla ng chance bumalik pa
Nagising nalang ng wala sa oras ng May kumanta sa videoke ng Do be do be doo yata yun π£ Ang ingay Gulat kami kasi may pasigaw na parang rockstar na kinanta fully volume pamandin, yung videoke nila na parang walang naii storbo .. Mga aso nga nag si taholan sinung di magigising dis oras na ng gabi may pasok pa ang mga estudyante .. Yung panganay ko nag My Day ng Ganitong. Emoji , friends naman niya yung kapit bahay na maingay . Kaya bato bato nalang sa langit .. Ok lang sanaβ¦
Good morning noise.app Musta na ang lahat Laba day ako today . Ayan naka separate na ang aking labahin , At Medyo marami rami na rin . Nag aalangan pa akong mag laba dahil kadadaan lang ni Bagyong #Maymay kagabi. Wala akong pag sasampayan if ever na umulan kaya half half lang siguro muna
Ayan kumulo na ang aking nilulutong ulam pwedi na naman ulit mag laba ng pang 2nd batch .. Natapos na kasi ung 1st batch ko bago ko hinarap mag luto ng ulam .. Uuwi kasi si panganay ko kaya kailangan nakapag luto na ako para kakain nalang siya pag dating .. Fresh gulay from backyard . Papaya na may bunga ng singkamas at may matching pritong isda .
Sabi nga sa Kanta BILOG ANG MUNDO .. May kamag anak talaga na mas binibusog ang barkada kaysa sa relatives .. Hindi nila na appreciate na mas nakakatulong sa kanila ang kamag anak nila , eh ang barkada kaya ? Kaya din bang silang tulungan kapag nangangailangan sila .. Mabuti nalang hindi kami katulad nila , na hindi kami kakain kapag di nacompleto ang kamag anak kapag may salo salo ..personallyy na kumaktok kami sa bahay bahay nila.. Pero sila anu ? Kaya mula ngayun sabi koβ¦
Good morning Noise.App Laklak muna tayo ng kape bago umpisahan ang umagang kay ganda .. Its Fridayay lapit na mag weekends Makakapag ,pahinga ulit . Tapos na ako nag laba kahapon kaya maglilinis nalang ako gilid ng bahay . Pagkatapos ng gawaing bahay pahinga na .. Laban lang mga mommies
Sana all pahilata hilata nalang π , Nang gigil ako eh kasi inggit na inggit ako sa kanila na walang problema .. Kung pwedi lang sanang ibalik ang pnahon noh .., Prepare muna ng Pang lunch Guys may naisip na ba kayong ulam .?
Mabuti pa itong si Hubby Dumating na ang national Id after 1year ago .. Sana all nalang , kami kaya ng anak ko kelan kaya dadating . Nag sadya narin kami sa philphost para tignan kung merun na sabi wala pa daw .. Kaya marami memes ang nag si labasan dahil sa mabagal na proseso ..
Yung kanin namin madaling mag panis Kagabi lang ito nailuto , ininit ko lang kaninang umaga dahil madaming natira , Hindi na sana ako mag sasaing pa kasi daming natirang kanin ,pagka tingin ko namasa masa na ay ! Dali dali talaga ako nag saing sa rice cooker dahil pauwe na si panganay galing school Anu kaya magandng gawin para di laging napapanisan ..
Project namin sa school , Bumili ako mismo sa junk shop dahil walang gumagamit ng ganito g mineral ang mga kapit bahay ko ..Dahil naka mineral Galloon kaming lahat . Project sa garden ng school.. Hahatiin namin yan at ung sa may takip gagawin namin kurting bulak lak . Pagkatapos bubutasan sa ibaba at lalagyan ng matabang lupa , yung may tae ng baboy π Saka taniman ng gulay
Last night pala ng Kapatid ni Lolo ko ngayun , di na kami nakapunta dahil bukas makiki pag libing nalang kami . Baka hindi maka tulog ng maayos ang kids ko kapag sa ibang bahay sila makikitulog ayuko namang ma stress sila , Maaga nalang kami byahe para bukas
Makikilibing ang kumare niyo squads .. Dala ang aking mga bulingit. Kaya ito ang laman ng aking paboritong bag, Dati parlor ang daladala ngayun Diapers, baby wipes at pamalit ng bulinggit.. Any way good morning
So ayan ganap kaninang libing , Yung dalawa kong anak kinayang maglakad hanggang sa sementeryo .. Ang dami ng nakilibing talagang nag likha ng traffic. Mula sa senior citizen, banda musiko ,pick up ng bulaklak sunod ang saksakyan ng kabaong .tapos yung mga nakilibing na .. Ang pinag lakaran ay main road talaga, grabi ang traffic talaga kanina dahil parang walang kagawad o CVO akong napansin n sana siang mag guide sa mga dumadaan.. Any way successful naman ang lahat
Good morning Noise.app Nag pa burger si Kapatid ,bago kami umuwi sa bahay .sinulit mag libre tag dalawa daw kami para may baon pag dating sa bahay. Kung sinu pa bunso siya pa talaga nag lilibre π ako bihira lang mag bigay saknila alam niyo Mommy na ang kumare niyo .Priority ang anak π, kasi mga kapatid ko mga single pa kaya hala bira sa pag gasta
Bumabagyong hapon So kahit masama ang panahon mga kumare ito papunta parin sa market. Bibili ng pangbaon sa school , naubusan na kasi ng abasto ang kids , Kaya kahit malamig umuulan eh sakrispisyo tayo parinn ganian tayong mga nanay
Nagutom ako mga kumare! Nag burger with egg and cheese at syempre di mawawala ang para sa mga anak ko footlong with cheese naman saknila sana nga mabusog ko sila π Humupa na ang bagyong neneng ,tuloy ang pasok bukas π Kaya tuloy din ang maagang paggising ng tulad kung mga mommy
Puyat nanaman to, Di pa inaantok ang mata ko dilat na dilat, ang malala blanko ...dahil walang maipost kanina pa ako pabalik balik dito nagbabasa ng ibang post. Nahihiyang mag comment dahil walang maibigay , mahina kasi kaya pag pasensyshan nalang ang pa puso .. May pasok pama din bukas .
Good morning mga k squads .. Tapos nanaman ang preparing sa mga bata , maglalaba nga ako saglit kahit mga under wear lang namin para may maisuot ulit sa ngayun Bagong weekπ .. Mga naiwan na kasi sakin eh ung mga Kupong kupong pa kaya need na talaga .. Mamaya nalang ulit mag ingay
Inuna ko ng prenipare itong si bunso ,nag aantay nalang kami ng oras para pumunta sa school .. Mas maganda kasi ung maaga siang paliguin para hindi nag mamadali . Kaya yan habang nag aantay ng oras nanonood muna siya Sa Cp ng ate niya para di siya alis alis.
Tanghalinit mga ka squads Kakauwi lang galing sa school Daycare palang pero ang bongga ng uwian daig pang elementary , Mag aala una na nung erelease .. Ito yung feeding ng anak ko na inuwi nia Kami narin na parents ang nag Luto dalawang putahe yan na snacks .. Mas nakakapagod mag paaral ng Day care
Nakakabagal talaga ng proseso kapag inuna ang pag si cellphone .. Yung labahin ko kanina di ko na naharap dahil kaka scroll ko sa ifbi , nakalimutan ko kung dito sana ako nakipag interaction di sana nag rerefill π . Tinamad na kasi ako , pero lumalaban parin ,
Yung naka idlip na ako tapos naalala kung hindi ko pa pala na pa tulog ang pusa sa shareit.. Kaya kahit inaantok pa pilit tumayo para puntahan sa kwarto ng anak ko ang cellphone niya naka-charge na kasi at tulog narin si panganay. Sayang din naman kapag napalampas
Dito sa school ngayun support support din sa paNganay ko .. Nagpatawag ng parents ang teacher kaya support support din dahil nitong nakaraan naka focus ako sa bunso ko .. Kaya busy at the moment ang kumare nio
Lakad mood tayo mga kumare Dahil di ako marunong mag drive ng tricycle kaya parang nag babalak akong bumili ng E bike , pero medyo kapos ang pera π Pagod much talaga ako nito , basa na kili kili nag uumpisa palang
Meeting nanaman ng Daycare parents .. Kaya lakad nanaman mga kumare , Sesexy naman ako nito kaya fight fight lang para sa anak natin kahit umitim tayo nian
Haggard na ako nung umuwi sa bahay , Medyo ,natagalan ang meeting namin So ayun nga Everyday na ang face to face ang pasok sa daycare hindi na every other day .. Ang sakit naman sa ulo nito ibig sabihin gigising ng maaga si bunso dahil papasok na ng alas otso . Parang ako yung susuko paano na kaya gawaing bahay nito..
Dahil career guidance bukas ng Anak ko , At wala akong skirt na maliit . Nag diy nalang ako π scarf na di naman nagagamit dahil mainit sa pinas . Hindi pweding walang magawa para ito sa performance ng anak . Ok naman ang out come kaya na siguro itawid ang career guidance bukas .. Sa palagay niyo pwedi na ba sa office girl or teacher π
Good morning .. Its Wednesday , 1st day ni Bunso na papasok ng maaga , pero nasa kasarapan parin ng tulog . Sana Maganda ang pasok ngayung araw , kasi medyo gloomy sia today at medyo nag papatak ng ulan .. Si panganay ko naman namamaos na kung kelan nag vitamins saka siya magkakaubo π Ayaw ata ng bitamina, gusto yung anti bodies lang ..
My Accountant /office girl So ayan po successful naman pong naganap ang Career Guidance ng aking panganay ..at naitawid ang diy skirt na katatahi ko lang kagabi at isa pa siya sa napili na may certificate .Dahil akma ang suot niya sa pangarap niyang maging someday
Kahit panay zero tayo laban Parin mga ka squads , Iikot din ang crypto at mag babago ang panahon tulad ng nangyayari dito sa atin .. Alam ko tulad niyo rin nagigipit π Basta keep posting mag ingay lang ng mag ingay , .. lalaban tayo para sa ekonomiya . Kahit zero tayo marami paring Nag heart sa post natin ..
Tanghalinit mga ka squads Imbes na matulog ako , nag pasya nalang ako ng mag laba kahit pakunti kunti dahil bukas ay may pasok na ulit. Medyo na haggard ako today dahil patakbo ako sa elementary para supportahan si panganay tapos takbo ulit sa daycare para tumulong sa feeding foods nila π
Intense ang mga pinag sasabi sa Group chat ng mga Day care .. May isa silang pinatatamaan at kilala ko yun π jus miyo marimar pala away talaga kasi un at di mapigilan ang bunganga kaka dada .. Kapitbahay ko lang kasi siya at kasama sa 1st batch Peace on Earth nalng lahat sana para di magkaproblema si Teacher
Flex ko nalang itong bunga ng talong di ko panaman masasabing tamad mamunga dahil May bunga naman Kulang lang siguro sa aruga kaya ganian ang simula .. Masarap sanang tignan kapag may mga kasama .di pa ba .?
Good morning Noise.appnsquads .. Galaw galaw na mga mommy para makpag prepare na ng foods ng ating mga studyante .. Body clock na talaga natin ang gumising ng umaga , yung dati nag rereklamo tayo ngaun nasasanay na tayo π. Di bale malapit na week end
So ayan im here sa school with my Co parents ..nag luluto ng feeding ng kids . Kaka stress din kasi may nagisa na kasama namin , pero move on na nga para happy ang buhay eskwela . Mahirap ng may kaaway kasi π
Sinong mahilig sa ganitong sili ..? Siling super anghang parang bellpepper lang . Sayang lang di ako mahilig sa maanghang kaya mga kapitbahay ko lang ang makikinabang sa super anghang na sili ito. Ewan ko ba di naman ako mahilig kumain ng sili pero mahilig ako magtanim ng sili interest ko lang kasi iyong dahon para sa tinola π
Warm welcoming to the world of zombie may dearest niece π .. Makikilala mo na ang mga ka marites ng mama mo noong pinag bunbuntis ka .. Sana lumaki kang may takot sa diyos at mabait .. Enjoy mo lang maging baby ..
Maulan na gabi mga ka squads.. Malamig matulog ngayun dahil kanina pa umuulan ,dumating na kaya ang bagyong si #obet ? May pasok kaya bukas π , sana maagang mag announcement para masarap ang tulog , Sabgay di naman kalakasan at walang halong hangin , kalmadong ulan lang .. Pahinga mood na
Good morning mga ka squads Tara gala muna tayo bago pumasok sa school .. Dito kasi kami nag Breakfast mabuti nga maaga din silang nag bubukas, Open na kasi ang Bazaar dito sa amin kaya expect na talaga na maraming kainan . Saka may pasok kaya may income parin sa umaga sa mga di nakapag almusal sa bahay di lang malate pumasok
Happy 17th Monthsary NFSFG at sa ating lahat .. Sa ating mga Mods Bossing @Ayamedel Sis @Katlyn Sis @Shellyberry.. Kahit sinusubok tayo ng panahon kpit lang mga ka squads ..walang susuko at samasama parin tayo .. Mga virtual friends salamat sa inyo dahil di boring ang cp ko laging may maingay π , Pasensya di nakakapag marites palagi busy ang nanay nio sa pag asikaso sa anak .. Stay strong !!
Ilang oras palang akong nawala pero dami na ako UnREAD .. Kakauwi lang kasi galing day care , Kaya sisipagan ko munang mag basa para mapansin ulit ako ni NOise.App Kinikilig ako kapag panay notification ng BitCoin sakin .. Kahit papiso lang eh naiipon dumadami, may pang load na ako kapag pa expired na .
Dito kami ngayun Sa meetingan , proxy ng aking mother inlaws para hindi magka penalty .. Kasi nga busy sila mag house to house para sa covid vaccine BHW kasi Kaya no choice ako kahit walang kasama ang aking anak .
Kapag talaga busy tayo natatabunan tayo ng mga Unread messages at Conversation sa ating mga kapwa Noise.app . Napa busy lang ako saglit may ilan na akong hindi nabasa kaya pag pasensyahan nalang mga hindi ko na haheart . Kakauwi ko lang galing meeting kaya ito nadatnan ko sa bahay sarap ng higa sa mesa kaya pinababa ko agad .. Lokong aso to eh..
Kapag talaga busy tayo nat Napa busy lang ako saglit may ilan na akong hindi nabasa kaya pag pasensyahan nalang mga hindi ko na haheart . Mahina rin ang refill , kaya pag pasensyahan nalang Kakauwi ko lang galing meeting kaya ito nadatnan ko sa bahay sarap ng higa sa mesa kaya pinababa ko agad .. Lokong aso to eh.
Good morning Akala ko makakatulog na ako ng mahimbing kapag walang pasok π . Mas nagising tuloy ako ng maaga , alas kwartro palang gising na ako nasanay na ata , sana mkabalik pa sa tulog . Walang kuryente pala mamaya kaya nag si Charge kami ng mga Cp at mga mini fan .. Pati narin mga ilaw , tambay nanaman kami nito sa kubo kubo dahil nasa ilalim ng puno un at kawayan .malamig khit maaraw
Effective ang vitamins na iniinom ko napapatulog nia ako ng maaga ,.. Pero kapag Shopee deal hindi ako nag tatake ng vitamins lalo marami akong naka add to cart ..at kailangng kailangan ko pa .. 12 hrs palang walang electricity sana di humina ang signal
Ganito din ba brush ng damit niyo π Grabi sa amin tuwing maglaba ng mga towels daming mga buhok natatanggal . Paano na kaya kapag araw araw hundred strands ang natatanggal kumusta na kaya buhok ko after a yearsπ . Anu kayang shampoo dapat gamitin yung mga baby Shampoo nalang kaya ..? Para no harmful ... Last rebond ko noong dalaga pa ako 9 years ago ..pero inaani ko na ung pagkapangit ng buhok kahit matagal ng di nalalagyan ng kemikals
Mag tutupi na ako ng Damit na nilabhan ko 2 days ago π , Paano ba naman kasi laging umuulan kaya yan na stock na lagi ang labahin at laging busy sa school .. Dahil nga everyday ang pasok ng aking bunso .. Kada hapon na ako nag lalaba para hindi matabunan.
Intense nanaman kami ni Bunso may assignment kasi siya kaya pinagagawa ko na para bukas ay maglalaro nalang gagawin nia para ma enjoy ang sunday . Ako kasi gusto ko matutu talaga siya para i case na busy ako marunong na siya. Kasi yung ate nia di na nag daycare yan kasi pasok agad sa kinder .
Tumubo na ng aking sayote na Stock π hindi ko pa kasi mailuto kaya ayan tuloy nag tubo na . Ngayun igigisa ko nlang siya para maluto na at di tuluyang tumubo sayang naman kasi dirin mabubuhay sa lugar namin dahil mainit ang panahon
Gising na at gisingin na rin ang Pusa sa share it ..ang daming Ads ngayun na dapat panoorin at saka mababa na ang per days na makukuha , ilang araw ko din iniipon itong 15 php Yan nlang libangan ko para makakuha ng load , legit na legit kasi .. Good morning sa lahat
Itinuloy ni bunso ung assignment nya na hindi natapos kahapon kasi may pinuntahan akong meeting kaya hindi ko siya naturuan . As a 3 years old kailangan nia talaga ng guide para matuto , Kaya ako tyaga lang para matuto sia
Fresh gulay from the other Bakod π , Yes tama ! Sa bakuran ng aking inlaws ako kumuha ng mga gulay marami kasi kaya humingi ako .. Kaya ayahay ang buhay kapag may tanim na gulay sa kapit bahay π. Pero libre naman kami kumuha kasi nga naman apo nila ang kakain .. Magtatanim din ako ng kamote sa paligid ng bahay ,kapag maytime ako π
Hellow .. Nandito kmi now sa Palayan , nakatambay sa kubo kubo .. Bahay pahingaan ng mag sasaka kapag tapos na gawaing bukid .. Sarap ng hangin sariwang sariwa ..sarap matulog sa gabi dito kaya lang uubusin ka ng lamok .π
Meryenda na tayo mga aka N.A Pinoy meryenda nakakamiss kasing kumain ng ganito , may malagkit kalangbt niyog pwedi ng gawing tupig .. Ang sarap , dati sulit na sulit kapag gumagawa kami ng kakanin ngayun nag si mahalan na kaya medyo di na kami nakaka gawa .. Maraming gastusin na dapat unahin .. Saka nalang kapag nakaluwag luwag
Flex ko nga pala yung nadaanan namin kanina parang ang gandang pag laruan ng mga bata .. Bukod sa fresh na ang hangin eh sariwa pa ang malalanghap na hangin dahil malayo sa polluted area . Maganda dito mag tambay kapag bumaba na ang si haring araw
Ayan nanaman ang sinasabi ko eh , nagkataon ulit na magkasabay ang oras ng patawag ni teacher ni panganay sa pasok ni bunso . Di nanaman ako makakapunta nito , Try ko bukas kung paano ba diskarteπͺ
Ala una ng madaling araw pero di parin ako dinalaw ng antok kung kelan naman may pasok bukas saka nagka insomnia .. Antok na ako ..pero ayaw pumikit ang mata ko ..jusmiyo marimar naman oo !! Haggard na ako nito .wag sanang sirain ng puyat ko ang araw ko bukas .. baka mainit ang ulo nito ..π
Hellow Good morning Alas singko pa sana ako babangon kaya lang itong aking alam clock eh apaka ingay, Nagugutom na yata kaya niya ako pinasok sa kwarto, para iparamdam ung gutom nia, Meow ng meow sa tapat ng mukha ko at higa at baba sa may tyan ko π sinung di magigising diba π
Sarap ng feeding ng kids today ,,.. Butchi at champurado .. Maaga kaming nakaluto para naman pag nag snack na eh malamig na kakain nalang ang aming mga anak , Kasi dagdag oras yung pag ihip nila sa mainit na pagkain na imbes na mag aaral sila eh dun na napunta yung time ..
Hello 66 Unread wait for me at babasahin ko kayong lahat .. Any way Hindi naubos ni bunso yung champurado nia kaya ako nalang uubos pero syempre nag refill muna ako para sulit yung gatas na ilalagay , Isang gatang na malagkit ang ginawang champurado , halos mapuno yung kaldero eh 12 kids lang naman pala kakain kaya no choice inuwi namin ang sobra .
Grabi ilang oras lang naman akong nawala pero tambak na ako ang UNread ko . Marahil naging active na ang mga iba kaya nasisiyahan sila mag post dahil may kapalit naBlessing ang mag ingay ng mag ingay .. Sana ganun ulit sa N.C nakkamiss din .kaya babawi ako now before sleeps , basa basa din after matulog
Good morning mga N.a ang hirap plang may oras na inaantay ano ? Naka alarm ang cp ko ng 4:30 , dahil may iluluto akong white beans , kaya lang mas maaga akong nagising , laging chicheck ang time baka masobrahan ang tulog , Kaya ito mas maaga nalang akong mag prepare para maaga din matapos . Gagamitin kasi namin ito sa feeding ng anak namin . Minatamis n White Beans .. Nag review narin ako sa youbtube kung paano mag luto π.
Ready na baon ni panganay ..kinadgad na Sayote lang yan .. looks and taste like patties .. Gumawa na rin ako ng burger para sa snacks niya may ketchup at cheese yan water nalang kulang.. Yung pabaon ko na ulam nilagyan ko narin ng sawsawan nia para di maumay alam ko kasi favorite nia ang soy n may kalamansi
Bago ko patulogin si Bunso pinagawa ko muna yung assignment niyang big and small Letter C. Sa totoolang di po sia marunong sa pakurba hirap pa siya mga momhies laging Straight ang gawa nia .. Thats why tinuruan ko sia para maging Letter C ung straight nia lagyan lang nia ng medyo Curve sa taas at baba Nagawa naman nia kaya lang sabi ko bakit dikit dikit ? Ang rason nia nag mamarites daw ung letterπ€ͺso ayun hinayaan ko muna basta importante sia gumawa
Sinong may bet ng alukbati , naku kunin nio na lahat hindi ko bet ang lasa nito sa totoo lang mas gusto ko pa yun kamote , kahit nakakarami kami nun lalo kung sinaw saw sa bagoong at kalamansi. Nasasayang din ang yabong yabong pero di ko inuulam , sana kamote nalang ..
Good morning squads maaga ako today kasi nag rereviews ako kung paano mag luto ng Upo burger , Dahil yun ang next feeding ng kids namin sa room nila .. Kahit para incase na di alam ng nag luluto eh maiguide ko π Ako kasi di ako hilig mag luto lalo kapag marami kakain ayuko g majudge π€ͺ
Zanella Alam mo yun akala ko wala ng maulam sa bahay pag open ko sa ref.merun palang mga naiwan kagabi . Parang di ko na gusto ang pagka senior citizen ng memory ko ah . Napapansin ko na madalas na ako may nakakalimutan tuwing nagmamadali
Lahat na ng mga kids nag rereview ..yung anak ko lang ata ang hindi nag review at yun tulog na Jusmiyo maRimar , paano ko sia erereview eh sa module lagi sila nag lelessons .. Di man lang mag take note .. sakit ulo ko tuloy diyan na makikita ang tunay na grades kapg di na tumutulong ang magulang sa anak . Good luck all mga momshies ..panalangulin natin na makayanan nila
Oh my G ..nag clean up ako ng cache sa phone mukhang nadamay na ang noise.app , kaya nag sign up ako bago ako maka pasok ulit .. Naiinis na ako kanina pa ako nag clear naidelete ko na mga importanteng videos at pictures ko dito sa galary . Phone storage parin .. mukhang gusto ng pagbabago ..
Snacks time mga ka N.a Popcorn para sa mga batang tulog pa , nagutom kasi ako kaya nag luto muna ako nito .Kunti lang kasi kinain ko kninang tanghalian . Ang hirap malipasan ng gutom ,baka yan pa ang way para ma ospital , kya ako lalamun ako kapag may foods..kayo anu meryenda nio
Pop corn Meryendang mabilisan gawin , nagutom na ako kaya nauna na akong kumain tulog pa kasi mga kids ko .. Kunti lang kinain ko kaninang tanghali ang importante kasi busog si bunso . Ako ito parang diet pero laging lumalamon π
Hello Good morning Friday.. Last day ng pasok , makakapag pahinga na rin kami ng kids after nito . Ay oo sila lang pala nanay pala ako isang kampuso sa bahay , dahil walang aako sa trabaho kundi tayo lang . Long vacation na !! Maasikaso ko na mga gawaing bahay na di ko magawa kapag may pasok , Mag babawas ako ng kalat sa kwarto dahil tuwing hapon dami ng lamok sa bahay .. Kaya everday akong nag sisindi ng Incense .. Effective naman sia lagapak ang mga lamok pero di tigokβ¦
Inaantay ko nalang matapos si bunso at paliliguan ko nlang siya . Medyo malamig ang simoy ng hangin kaya madalian ko nalang siya paliguan , wala kasing tubig mainit pero kaya niang maligo ng malamig ..nasanay na kasi eh. Medyo magpa late nga kami para naman ung ibang parents ang gagalaw sa kusina .
Pangunahing sangkap para maging masarap ang ginisang monggo .. Ito ang feeding kids namin today kaya magra rice sila today , nag pasya kaming mag 1 menu lang para ubusin naman nila ang foods nila ..
Anak kong maka lolo , Basta nasa labas ng bahay nagpapakalong nalang siya sa lolo niya kaya walang nagagawa ang lolo nia kapag naka atipil na si bunso .. Likas na mabait kasi sa apo si papa kaya yan na eespoiled nia ang mga apo .kapag pinapagalitan ko eh sa lolo agad ang punta ..
Maulan na hapon mga ka marites. Katatapos ko lang nag laba kanina ng nag sunog ang aking paboritong kapit bahay na si marites . Nang gigil ako talaga kanina as in malapit pa kung san ako nag sampay ..Talagang nang aasar .. Jusmiyo marimar ,.Dapat bang ang mas bata ang rumespeto sa nakakatanda .. Nagtitimpi ako mga ses ! Pigilan niyo ako !
Good evening mga ka squads kamusta na tayo rito .. May nakita ako sa aming kapitbahay , at may balak din akong bumili nun kasi bagay sa maulan na panahon . Lalo na sa hapon ako kung mag laba..kailangan isampay sa labas muna
Maulan na morning mga ses . Happy long Vacation mga mommies makakapag pahinga ng ilang araw na walang pasok . Merun din bang Tulad ko kulong sa loob ng bahay dahil masama ang panahon .Hindi makaka gala kung kelan my time magbonding sa kids . Pauwi pa mandin si Hubby dito galing working place niya mukhang di matutuloy. Ikain na nga lang mga effect fail π
Nag Solo na nag almusal ang aking bunso paano ba nman kasi alas singko palang kahapon ay tulog na siya di na nag dinner kkagising lang nia nung alas sais .. Nagutom na siguro kaya nagising na .At nasanay na may pasok ng maaga .. Kaya pinauna ko ng mag breakfast.
Nag hihingalo na ang karga ng aking ref mukhang nag hahanap ng refill , puro na mga sobra ang nasa loob ..wala na kaming ilutong ulam .. Ang masaklap pa wala na nga sa ayus ang karga brown out pa π . Palobat na nga din cp ko ..
Habang nag iisip eh kumakain ng Chicharon na pasalubong ni Asawa. Nagdadalawang isip kasi kmi kung madami ba o kunti lang kukunin naming panghanda ng panganay. Ambon tapos Hihinto ganito ang sitwasyon sa lugar namin .. Hindi naman masiadong nag pipinsala mabait si paeng today hindi ko lang alam bukas . Kaya kahit may signal sa pampanga ay bumayahi ang aking asawa pauwi dito sa amin . And very Appreciated , Birthday Kasi ni Panganay ko kaya di tulad dati na malayo pa bday niaβ¦
Naku naman kinulit ni bunso itong ama nia ayan napasugod sa bazaar , kamalasan umulan pa π€ͺ. Kaya kahit busog eh napakain nalang ng wala sa oras ..
Ayun oh , dumating na si Paeng sa lugar namin , lakas lang ng hangin pero nakakabasang ambon . Birthday ng Aking Panganay ngayun kahit cake lang sana ang merun sa bayan . Buti nalang may mga lulutuin dito na pansit at spaghetti.sahog lang talaga ang wala. Sabagay merun dito sa malapit sa bilihan ..makaka survive nian sa para paraan .. Ingat tayong lahat ..
Good morning mga see , Flex ko nga itong bunso kong palatampo kapag magkatabi at magkayakap kami ni Hubby eh umaalis sa kwarto at pupunta dito sa salas para umiyakπ€£. Ang higpit ng guardia namin di kami maka score . Ibang iba ito sa panganay namin kaya nabuo si Bunsoπ€ͺ .. ayaw ata magroon ng kapatid ulit.
Nanganamoy pansit na .., Pasensya na mga ses busy ang lola niyo today .. Kahit malakas ang hangin pero paambon ambon lang makaka survive din .. Di naman malupet si paeng binigyan lang kami ng free wind ..π€ͺ Busy na kami mag luto ng handa ni panganay kaya di nakaka dalaw .. balik nalng ako para mag puso
Simple celebrating 9th Birthday of my Panganay, Alam mo yun swimming sana kami kaya lang sabi nila Ngayun daw darating si Paeng kaya lang Plan B kami .. Hindi na sana kami maghahanda dahil mag mamall nalang sana kmi . May bisita naman kasi kami kaya no choice kami kundi mag Handa . And thank God nakatulpos din
Good evening mga ses . Im lucky this time , finally di ako tinipid ng seeds finally worth it po yung 180 pesos , ha ha ja .. Maganda lahi ng papaya kasi Malaki na ang bunga pero mababa lang na puno .. Sana nga tumubo lahat yan para maraming kapalit ,
Pahabol na naitumba kagabi, Tig dalawa lang sila ni pinsan ko .dahil mahina si hubby uminom hindi niya nabasan ng ung isa nia .. Hindi talaga sia pala inom ,lalo nung naasawa nia ako ,ayuko din sia uminom bka hanap hanapin nia ang ikot ng baso .. Pinag bibigyan nia lang yung walang kaharap ..
Watcha ulam Mga ses .. Kami ito mga tira tirang Fishda kahapon , na di naubus ng mga bisita , Tama lang para sa buong pamilya , pagsalo saluhan .
Yung pusang di man lang nabigatan sa placard na pinatong ko sa kaniya sarap parin ang tulog .. Busog kasi kaya di na maistorbo , kayo kumusta po update sa lugar niyo . kumain na ba ang lahat ..
Groceries done mga ses Kagagaling lang sa grocery kahit umaabon nung papunta kami nagtuloy tuloy prin kami .. Nag aalangan ako kasi may bigas kaming bibilhin Baka mabasa kaya so happy naman kasi nung pauwi na kmi di umulan kaya safe kaming nakarating .
Its a blessing .. May mabuting nilalang na nag bigay ng ayuda kaswerty lang isa ako sa nabigyan . May isang farm po ksi ng papaya na nasalanta ng bagyong paeng nag situmbahan po daw lahat ng puno kaya hinarvest at pinamigay . Sana maka bawi sila kaagad ..
Good evening mga ses Anu gawa niyo kami ito katatapos lang Gumawa ng simple kakanin na babaonin Bukas sa cementeryo ..
Maaga ako today kasi Pauwi na si Hubby sa working place niya . Ingatan nawa sia sa mga walang disiplina sa kalsada . Lumayo sakania ang kapahamakan , Oh lord Yakapin mo ang asawa ko ngayun sa Kanyang 3hrs na byahe upang siyay ligtas hanggang sa kaniyang paroroonan . Amen .
Sabi ng teacher ng Day Care after daw ng Parade ay mag pe performance daw Ang parents at Anak . Kaya habang maaga pa eh prina paktis ko na si bunso pero ayaw sumunod baka ang ending ako lang sasayaw sa harapanπ