Dahil may sanib pwersang bagyo na paparating , Buong lakas akong mag lalaba ngayung araw na ito . Pero Dahil anung oras na nagluto muna ako para sa lunch dahil pauwi na itong si Panganay galing school . Mamaya ko munang balikan itong labahin ko kapag tapos na mag luto . Di bali naka sampay na yung iba ,ung iba andun palang inaantay ako π
@Zanella in September 2022
Gandang hapon na mga ka squads Sayang wala akong nabudol kahapon sa Shopee .. Merun akong payong na balak bilhin kaya lang di lumitaw ung free shipping niya . Tag ulan pa mandin ngayun at yung payong na bagong labas ko sa aparador ayun sa kamay lang ni bunso nasira . Kaya yun nalang bibilhin ko sa 9.9 sale ng shopee .
May foot rug pala akong nabili kanina kaya lang ayaw isuot ng anak ko kasi ayaw daw nilang mag linis π . Akala ko pa mandin makaka lusot na ako sa kids ko para maka tulong sa cleanliness ng bahay , Mukhang di tatalab , kaya nagustuhan ni mader earth palitan nalang daw ng sleepers ng kids π. Lola talaga ayaw mapagod ang apo
Good morning mga ka squads . Gising na ng maaga dahil brigada naman ng day care ngayun . Medyo masama ang panahon dahil umaabon, at parang malelate na lumitaw ang araw. Nagpaparamdam ang Bagyo . Apaka wrong timing naman ni Teacher magpalinis , Antay lang muna ng chat ni teacher if matutuloy ..while luto ng foods ng papasok sa school.
Dahil Cancel ang brigada sa day care Naghanap nalang ako ng magagawa sa loob ng bahay . Ayan na nga Nag sulsi nalang ko ng Damit ng kids ko na natanggal ang pagkaka tahi . At itong muningning naman eh nagpakalong nanaman kaya itong paa ko di ko magalaw galaw . Kahit anung taboy ayaw umalis feel n feel mahiga , naol nalang patulog tulogπ
Ang boring talaga ang buhay ng anak ko kapag umuulan, nasa loob lang kwarto nanonood , Kapag andito si ate niya mas boring siya wala sakaniya ang phone dahil si ate niya ang naka hawak . Ang hirap kapag maulan walang magawa sa labas ng bahay kahit mag walis ng dahon na nahulog .Ang kalat tignan .π
Iniwan ni Hubby itong mini Speaker . At may kasamang Mic pa. Kanta daw kami kapag walang ginagawa lalo na kapag boring . Ako naman nahihiya mag videoke , kaya ginagawa ko tuwing umuulan ng malakas saka lang ako kumakanta π . Para wala masiadong makarinig sa boses kong maka basag pinggan .. Ha ha ha ..thanks sa hubby
Nag suspension pala ng klase si Mayor Both Private or Public School From Elementary to High School hereby declared on 2 Septemberr effective in 1:00 in afternoon. Dahil sa bagyong parating agad nag abiso ang City maYor sa mga paaralan na wag ng pumasok dahil sa pag hahanda ng pag dating ng bagyong HenryPh . Parang nakakaba naman talaga ang bagyong ito bukod sa kakaiba , sana walang mapinsala at umalis na agad ito sa bansa. Mag ingat nalang po tayo lahat sa bagyong daratingβ¦
Ulan is here na nagparamdam na si Henry tulad ng pag paparamdam ni Jose Mari Chan . Grabing gulat factor ng hangin kung humampas . Buti hindi pa malalakas ang kulog at kidlat ,,Mas nakakatakot tapos sabayan pa ng kung anu anung pag salanta ng kalikasan .. Ingat nalang po tayong lahat .
Good morning mga ka squads Ilang oras din pla akong di nakapag paramdam ah . Kamusta tayong lahat mga k squads , sana ligtas sa hagupit ni Henryph. May pa ambon effect pa dito kaya dito ulit sa loob ng bahay nkakulong , Katatapos lang ng almusal pra ma energy kahot nasa bahay lang .. Ingat po tayong lahat mga kasquads
Infear nes malapit ng sumakit batok ko at nahihilo na mukhang magkaka diabetes na ako . Di ko namalayan malapit ko na palang maubos itong stik-o ni bunso π Hindi kasi mapigilan kumain lalo nat nakaka adik ang sarap .
Share ko nga pala panaginip ko kagabi , Parang sasabog kasi ako wala akong pag kwentuhan , Pumunta daw kami ni hubby sa isang beach with kamag anak , noong una happy panaman Until iniwan ako sa cottage walang kasama pag balik may kasama na siyang dalawang babae, Off course selos attack agad ako kahit di ko pa alam kung sino sila , pero iba eh madikit sila sa asawa ko tapos nadinig ko na nilibre ni hubby itong dalawa .. Tapos yung tingin sa kin ng dalawa parang nang iinis ungβ¦
Mukhang matatapos ang isang araw na di man lang maka apak sa labas π . Dahil nga sa maulan nasa loob lang kami ng bahay ng kids ko. Magluluto ulit ng Pang dinner at mag iisip kung anung ulam ang merun na pweding lutuin. Masabaw sana para may mahigop, Kayo sis anung balak niyong lutuin pakopya nga bka merun sa kusin πβοΈ
Nag aawitan Na ang mga Palaka sa palayan palakasan na . Katatapos lang din ang ulan , at nakahilata na rin tapos ko na kasing turuan si Bunso . May assessment kasi siya sa teacher nia pero di pa sinabi schedule kung kelan kasi by 5 lang daw e asses and Thursday at friday lang . Good luck nalang sa kids ko ,kahit puro sia laro may natutunan din siya sa akin . Good night squads
Nag sindi ako ng katol para hindi na gumamit ng electric fan dahil malamig na ang gabi. Pero napansin ko naman itong si bunso nagpapawis kaya no choice binuksan ko nalang electric fan . Kaya ako ito na mamaluktot dahil kahit may kumot at naka medyas pumapasok pa rin ang lamig. Kaya mamaya nito siguro baka patayin ko na rin ung e-fan kasi hindi ko talaga kaya ang lamig, tulo na rin ang sipon ko hehehe mahinang nilalang talaga ako pagdating sa taglamig
Good morning mga ka squads Ika apat Ng Buwan ng Setyembre. Sunday Ang bilis na ng araw baka next na nito kinsenas na he he .Kamusta ang tulog siguro ung iba naka pag simba na. Nagising ako na may nag aaway sa labas na mga aso , ayun love triangle pala , at isa sa aso namin ang inaaway Si panganay to da rescue pinapasok agad sa bahay . Yung aso nalang palagi nanggigising sa amin tuwing umaga dahil nga laging kumakatok ng pintuan kapag gusto na lumabas at pumasok .
Sitting pretty , Nakikimarites lang naman , marami na palang ganap mula ng di ako lumalabas sa bahay . Daming chikka , ako ito walang paki alam sa mga issues ng iba . Basta ako pakape kape lang sa bahay .. Di na kasi ako lumalabas ng bahay mula ng may pasok ang kids , walis walis lang sa gilid ng bahay , saka pasok ulit .. Dati kasi nakiki pag chikka pa ako sa mga inalws ko π ngayun hindi na . Dito nalang ako sa noise mag iingay diba kumikita p ..
10hrs of being quite , Namis ko mag ingay .. Nakakainis pala kapag hindi mang lang maka pag ingay dahilnwalang signal .. Napasyal lang naman kami sa bahay ni mader earth ..Nagpasama kasi itong sis Kapatid na bumili ng Foam ,di daw siya marunong kumilatis ng Totoong Uratex , Sa city sana kami pupunta kaya lang ayaw ko ng byahi naay kasamang kids na makulit tingin muna kmi kako dito sa nag iisang bilihan liban sa savemore branch. So ayan parang nakawala ang mga kids ko kungβ¦
Pinapatulog na ako ni hubby pero sabi ko , bawi muna ako saglit mag ingay kasi Halos sampong oras din akong nawala .. Malalim na mga tulog ng kids ko dahil napagod silang gumala kanina .. Sasabay sana ako matulog pero naisip ko may mga earnings site pa akong di nagagalaw ..saya g naman .. Pero maya tutulog na din
Good morning squads .. Galaw galaw na mga mommy dahil Lunes pasok ulit ng mga bulilits .. Sa totoo lang po hindi po ako naka tulog kagabinparang may nag kukuwento sa akin .. Ala una pa ako ng madaling araw last check to na time ..parang timang nga eh .. Kung may sleeping pills sana nilaklak ko na kagabi para maka tulog lang .. Pero kahit puyat need parin gumalaw ,babawi nalang ako mamayang gabi π₯
Kakatapos lang nagpirma pirma para sa assessment ni Bunso sa Thursday. Kinakabahan ako π , 1st time lang kasing sumabak sa ganito si Bunso . Sa Thursday palang siya masasalang . Tiwala lang pinasok ko talaga siya para ma improve nia ang social development niya. Dahil yun naman ang kailangan ng nag uumpisa . Sana matapos niya ang isang taon . Para mabawasan ang laro at maka focus sa study.
Iniwan niya sa akin ni Hubby yung MDR nia ng Phil health niya Yan na din kasi isa sa pinak importante na hawak mo lalo na kapag papasok sa hospital Ngayun ko lang review at bigla akong nanlata sa nakita ko. From indegent to Direct Contribution . Sayang naman free na sana ito kahit wala siyang trabaho magagamit nia parin itong phil health. Pero ngayung direct contribution na siya what if nga wala na siya work nian , nakakalungkot , na nakakainis . 3 years na ata kasingβ¦
Good morning squads , 15hrs na di nkapg ingay .. Sa totoo lng wala kasing bago sa routine ko kaya wal din masiadong macontent .. Bukod sa lagi lang sa bahay at walang nagagawa kundi mga gawaing bahay , . Nauubusan din ako ng sasabihin , kaya di nakkapag ingay kayo anung ganap sainyo .. Makulimlim ang panahon ,
Halata sa Aso namin Kung gaano kaalinsangan kahit hindi litaw ang araw .nakapundo pa tubug nian kulang nalang lagyan ng ice π Kahit nakahiga pa yan sa Tiles di pa naibsan ung init , kaya babad kami ngayun ni kids maligo para mapawi ng kunti ang init at ng maka tulog ng maayos.. Ang dali ng oras π kanina last tingin ko sa orasan Alas onse :onse ngayun Ala una : onse , wow ..
Dumaan ako kanina sa Garden of Sacrifice , May napansin akong bunga na ng talong sabi ko sa nag babantay ng garden bilhin ko na yung talong na pwedi ng pitasin , Pero sabi saiin na Kuha na raw ako at wag ko na raw bayaran , Ay ang blessed kasi may libre ng mauulam , sakto sa isang kainan , favorite ng kids ko ung prito. Bait talaga sila parang community pantry ung garden , kapag nangangailangan ka punta ka lang dun matutulungan ka wag lang araw arawin π
Pagabi na mga ka squads pero maliwanag parin ang paligid. Tapos na rin ako nakapag walis sa harap ng bahay , sunog na rin ang mga tuyong dahon ng kapit bahay. Yung puno ng Narra nila nag lalagas ng dahon , panay ako walis . Ang kalat naman kapag pinabayaan nalang. Tara prepare na for dinner
Dinner time mga ka squads Simpleng ulam ngayong gabi ,Tinapa at Pritong Talong .. Naku mapapa rami nanaman ako nito ng kain dahil masarap ang sawsawang artem at toyo. Sige na mamaya nlang po . Tara kain
Malalim na ang gabi mga kasquads , kailangan ng matulog para bukas maaga ulit. Kanina pa ako antok pero si bunso sinusumpong ng hyper. Kanina ko pa pinapatulog di nakikinig ,kalaro niya mga stuff toy's nia . Buti sana kong patulugin ako ginigising namn ako ..
Good morning squads , Gumagalaw na ba ang lahat sa kanya kanyang gawain .. Start a new day with smile . Sinamahan ko itong si pnganay sa pag prepare ng kailangan nia kasi Nagpa secondose siya kahapon , Hindi niya maiangat ang kamy nia pero gusto parin pumasok kasi ayaw daw niya mapag iwanan ng topic .. Kahit nahihirapan sige parin siya .. Bilib din ako sa batang. To eh
Naka redeem na pala ako ulit ng Load via Share it apps. Malaking tulong padin ito para sa mga nangangailangan ng load , Sa kunting minutos lang na pag gawa ng task nakaka ipon ng kunti sa isang araw hanggang sa mabuo at pwedi ng redeem. Naka ilan na din po kami dito kaya legit na legit talaga . Kaya kayo po bsta may share it apps at mag regs gamit ang fb acc.or gmail . Take note masilan po yan isang violation lang di kana makaka redeem.
Tanghali na mga k squads Pero ako ito parang bata ginagaya yung nasa tiktok reel na art craft. Aminin natin mga momshies malaking tulong ang panonood para mahasa din ang pagiging creative natin .. Nag try lang muna ako kung kaya ko so ayan ang results ng gawa ko , ang cute niya . Gumawa ako ng small big and biggest para bunso ko para mahasa siya , ma identify ang small big and biggest. Try niyo din mga momshies
Sinong di mapapatingin sa nakaka akit na mga gulay na ito. Grabi mukha silang masarap dahil malulusog at organic ang ginamit na pataba . Benta po ng garden of sacrifice yan ,bumili ako ng sitaw dahil yun naman ang gusto ng kids lalo kapag adobo ang luto . Yan May pang dinner na kami .. Katatapos lang pala ng ulan dito kayo ba jn nadaanan ng Ulan ?
Malamig ang gabi dahil sa katatapos na ulan kanina , Biglaan lang ang buhos ng ulan na halos hindi pa nga nasunog ung mga winalis kong dahon kaninang morning naulanan na . Another waiting ulit para matuyo . Ang kalat pamanding tignan yung mga dahon , Kinakalat ng mga manok . Bukas hayaan ko munang mabilad bago ko walisin para madaling masunog
Inay ko po , malapit nanaman mag alas onse pero dilat parin ang mata . Body clock na talaga na matulog ng hating gabi at gigising ng maaga . Nag aalala na ako sa katawang lupa ko baka bumagsak ang resistensya .. Anung vitamins na nakaka antok pero di nakakataba π π
Good morning Thursdays .. Bagong umaga bagong Pag asa .. Tara na kape kape naman . Habang nag iingay ,preparing ke panganay going to school. Ako naman Prepared din going to day care Center for helping the teacher , to clean the class room .at mag paint daw ng arrow aRrow , evaluation na kasi tomorrow . Na cancel tuloy ung assessment ng kids ko .
Basa ang kili kili ko nito pagnaka rating sa school since maaga pa naman nagpasya na lang ako maglakad. Papunta na pala ako sa school ng anak ko maglinis kami. Naiwan si bunso na cellphone sa bahay binilin ko na sa lolo niya.. Di naman siguro pababayaan
Pauwi na me galing sa school ,kaya chineck ko si Bunso if ano ginagawa . So ayun nga umiiyak siya ,nagsusumbong kinukuha daw nila yung phone niya .. Kaya bumili nalang ako ng pasalubong niyang banana que .. Sakto preparing for Lunch na ulit mother roles
Akala ko kanina hindi aabot ang niluluto kung ulam , kasi pasado alas onse na nung nag umpisa ako sa pag Gayat ng papaya . Nakalimutan kong matrabaho pala ang ulam namin ngayun , nag gadget pa kasi kanina nakalimutan ang oras , Wala pa si panganay kaya sakto lang .Luto na rin ang ulam .kakain nalang ang kulang . Kayo kumain na siguro , enjoy lang
Sinusitis attack , Hindi naman masiadong maalikabok ung nilinisan namin room kanina , Nag lakad lang naman ako papuntang achool at balik sa bahay . Pag uwi ko na natamaan na ako ng sipon , or sinusitis na kasi tulo na talaga sipon ko .. Grabing katawang lupa ko ayaw na ata mapagod .. Sakit na ng ilong ko kakapunas .
Alas singko na , pwedi .na ulit mag prepare ng Pang dinner . Sakto kanin nalang ang lulutuin dahil merun pa ung ulam kaninang tanghali , nakakatipid kapag kunti lang na kumakain . Dadamihan ko nalang tapos pang dalawahang kainan na ..
Good morning squads , pang Last day Na gigising ng maaga dahil FridAYAY , , Makaka pahinga ulit ,Lumabas na ba ang araw sainyo ? Balak ko kasing maglaba today para bukas ay pahiga higa nalang ang gagawin . Dito kasi wala pang ebedinsya na lilitaw ang araw dahil Gloomy .. Hintayin ko nalang
I spotted My bunso eating Papaya , na sinahog sa Tinola ,. Left over namin yan kagabi, kasi ganado siya kumain kapag may papaya Kaya yan always naming ulam yung may papaya . Ngayun nag iisip ulit ng maaulam ngayung Tanghali .. Gloomy day pero kahit na antok na antok ang feeling ko kasabay ng panahon need ko tlga mag laba ..
Mama Mary Visit our Home .. Today.. Taonan na talaga na may dumadalaw sa bahay minsan sa bahay pa nag over night, salamat sa Pagdalaw .. Kahit lumaki pa Ako ng ibang religious ginagalang ko parin ang nakalakihang religious na nakagisnan ng aking asawa ko . Tanging hiling ko lang pagalingin kami sa aming mga karamdaman ,.at e blessed ang tahanang ito .
Our Guard in charge.. Sanay na bukas ang front door namin kasi may dalawa kaming tagabantay. Kapag may dumaan tatahol yan lalo na kapag di kilala. , Dati sila nagbabantay sa kids ko kpag nasa duyan si bunso at my ginagawa ako doon sa silong ng duyan sia nka tambay .... Nakakaaliw ang may kasamang hayop Man best friends
Ito nga pala yung guard na pinag sasabi ko kanina . Akala ko kasi na upload , ko na bago ko pinost .na excite lang kasi ako .anjan lang maghapon yan saka lang aalis kapag wala ako sa bahay. Saka maalinsangan kasi gusto ni fresh air .. Rest mood ,noise time
Nag babalak ako ng tortang Papaya ,kaya lang tinamad akong mag gadgad , siguro bukas nalang kapag sinaniban ng kasipagan . Nag iisip pa ako kung anong ulam ang madalung lutuin medyo nag tumatalab na sa akin ang citirizine na tinake ko kanina. Dahil panay tulo ang sipon ko kailangan ko sana ng pahinga pero hindi pwedi .. Kung di ako gagalaw wala mag aasikaso sa kids .. Mothers. Duty wlang day off
Good evening mga ka squads Ngayun lang nakapag ingay Pano ba naman Kasi nag collect ako ng coins ni shopee para may pang budol ulit ako saknia π . Nakapag bawas na rin ng 6 item sa cart pero parang di parin nabawasan ung 99+ na naka add Cart. Kailangan talaga ng malaking budget para ma clear ang Cart. Halos nasa cart ko ay sleeping pills disidido na talaga ako para maka relax need ng pampatulog . Basa muna ako ng reviews para sure ung mabibili
Good morning mga ka squads Kung ang mga bata excited sa Monday to Friday ako naman excited sa Saturday at Sunday.. Makakapagpahinga tayong mga nanay .Walang alalahaning oras na maaga . Pero ako hindi parin dahil merun si bunso naaagang nag paasikaso . Kaya pala tulog tayo ng tulog nung ng bubuntis tayo dahil pag labas ng baby di na tayo patutulugin ng mahimbing ..
Gusto ko lang ng pahinga ngayung araw pero di parin talaga magawa , gigisingin ka parin ng kids para ipagawa ang mga bagay na takot silang gawin .. Tulad ng pag painit ng kanin at ulam , tapos tawag pa ng tawag si mister for checking kung nag almusal na kami .. Tapos asot pusa pa ung dalawa ko .. Wala talaga pahinga .. Mamaya mapipilitan ulit na bumangon para magluto ng ulam at kanin .. Parang antok na antok talaga pakiramdam ko ..
So ayan guys kaka tapos ko lang isunop ang mga damit ni panganay ,.. Dami na pla niyang kasya na damit ko nung dalaginding pa ako .. From damit to Leggings .. halos mga tinago ko noon naiususot na niya ngayun , di na ako bumibili ng bagong damit niya marami kasing nag aantay saknia na damit . Pangarap ko talaga nung nagbubuntis ako na babae ang magiging anak ko para may gagamit sa damit ko. Kaya ayan sunod sunod na ngang babae , pero kung mag buntis man ako sana sunod lalakiβ¦
Galaw galaw na mga ka squads . Pagpatak ng alas singko Preparing ulit ng Makakain. Hindi ulit natuloy yung tortang papaya , tinamad ulit . Mag iisip nlang ng iba ung pang madalian lang Katatapos lang pala ng ulan dito sa amim kaya basa ang lupa di nakapag sunog ng makalat na tuyong dahon .. Musta lagay ng panahon jan
Dahil uso ang white Van Naiinganyo akong Gumawa ng DiY spray For Protection purposes. Maanghang daw ito na sili kaya bagay sa gagawing spray. Sili Suka ,ang ingredients may sawsawan kana iste may Pang self defense kana .. Ingat nalang po sa susubok na gagawa baka maikamut sa maseselang bahagi . Bawal ito sa mga batang below 10 years old . Baka ma spray sa mata nila . Kaya ingat po tayo lahat
Mag aalas onse nanaman mga ka squads puyat nanaman tayo para sa econoniya . Gising nanaman ang diwa ,di ulit makatulog ng maaga , sakit sa ulo kapag puyat nalang palagi . Kailangan ko tlaga ng sleeping pills para sa Masarap na tulog ..
Good morning Sunday . Maaga akong nagising parang di napuyat kagabi ..grabing body clock talaga ang merun ako daig pang nag ooffice, Naka pag simba po ba ang lahat ? Ako hindi parin pero may pumunta dito na pastor kahapon pinag pray naman kami .. Malayo kasi ang bahay sambahan dito kaya bihira lang kami makapag simba kapag merung matyagang mag drive sa sasakyan namin . Pray lang lagi at laging magpasalamat sa anu mang biyayang natanggap , dont forget ding humingi ngβ¦
Sobrang nerbyus ko kanina mga ka squads .. Alam niyo ba yung feeling na hindi mag charge ang cellphone. Kahit anong charger ang gamitin, sa una baka hindi compatible pero nung charge ko na sa mismong charger ko ayaw talaga ,. Namutla ako dun mga ka squads ..kasi andito lahat ng earnings ko .. Paano na kaya kung pinagawa ko na ito siguradong bura lahat ng application ko. Buti nalang Pwedi na .. Nagpanic talaga ako dun
Ayan sinapian ng kunting kasipagan .. Naghanap ng papaya na aking pinag lilihian Tortang Papaya, aking ihahain Sa sikmurang ngayun lang makakain . Hindi kasi kmi nag almusal kaninang morning Cafe mocha lang ang inom tapos tinapy ayan gutom na ang tyan . Tara kain na wala ng mahabang sasabihin ..
Flex ko nga pala yung taniman ng kalamansi namin dito sa may likod bahay .. Ang sukal noh , pero di naman malapit sa bahay yan sa bungad kasi kami at sa bandang likod na to dead ends . Kahit madaming kambing ang kumakain jan iba naman ang inaataki nilang kainin un namang mismong pananim namin. Okey lang sana may kambing para malinisan kaso wala eh sakit ulo lang dulot nila .. Anu pa kayang pananim ang bagay sa mainit ,
Arak singko na π (Alak singko na) Kapag tayong mga nanay aligaga sa kusina ang mga tatay naman nagtutuma na .. Ha ha as in Papa ko ah hindi asawa kasi hubby nasa work gumagawa ng Pera .. Alak na talaga pag dating ng alas singko ang mga manginginom dito .. Di sila makapakali kapag walang tuma sa isang araw .. Buti nalang di sila tulad ng asawa ko ,saka lang iinom ung kapag may gathering ,.. Ako never pang uminom ng alak
Good evening mga ka squads Nanguha pala ako ng kalamansi sa may taniman ng kalamansihan .. At ito talaga yung nakapag attract sa akin Kambal kalamansi .. Dahil ako buena mano pinag pray ko na sanay gumaling ako sa na ngangating lalamunan ko . Kalamansi Juice taYo mg kasquads , buti nalang may libre pa π
Good morning mga ka squads .. Yung anak mong excited pumasok , Pero pala delicion sa Buhay. Ayan naiwan Ng service , na naghahatid sa Panganay ko . Naiinis lang ako ,yung sinusuotan ko siya ng damit na eh ayaw niya ,kontra siy sia daw mamili , pati sa sapatos din niya sia pipili. Kaya naiirita ako sa batang paladesisyon sa buhay kaya hinayaan ko sia. Hindi ko tinotolorate yung ganiang attitude,
Maulan na Umaga mga ka squads Ang ganda ng init kanina pero bigla ulit umulan .. May bagyo namang paparating . At ito na nagpaparamdam nanaman sa amin . Mabuti nalang nakapasok na ang mga bata , safe n sila sa school sana nga lang bukas hindi umulan pra hindi macancel ung pasok ni bunso..
Dumating na pala itong si Panganay galing sa school hinubad agad Uniform at nag palit , Mainit na daw , Ginamit na isa sa legging ko noong time na sexy pa ako π Panay ang palit niya ng damit ,tapos minsan puro leggings ang sinusuot at kung sa bahay naman naka pajama ,, Mag 9 years old palang yan pero malapit na ako abutan .. short lang talaga ako π
Malakas ang Hangin kaya Signal ko nawawala nag off data muna at naki Wifi π . Grabi di ako maka upload ng picture sayang naman flex ko lang sana yung tumubo ng mga Kamote na bigay ng feeding school noon Kung maalala niyo yung post ko noon. Marami na siyang dahon today since noong tinanim ko ..Later ko nalang iappload kapag okey na ang signal ko .. Pahirapan kasi ngaYun ang comonnect di nga rin ako ma VC sa messenger.. Try ko later
Hapon naga ka squads Ito nga po yung pinag sasabi ko kanina na hindi ma apload upload kanina mabuti naka tyamba . Tama lang pala na hindi namin niluto may purpose pala yung katamaran ko noon .. Mas marami kaming maani ngayun , Sana hindi makain ng kambing
Good evening squads Ayan maaga kaming matutulog today kasi tuloy na talaga ang assessment ni bunso sa school.. Kelan pa ito puro re schedule ,tapos kami sana ung 1st batch eh may nauna na ,mas excited ,kung magpapatawag si madam na mag brigada wala naman sila .. Good luck sa bunso ko ..
Good morning squads Napaaga ata ang gising ko , alas kwatro palang pala .. Nagbilin kasi si panganay na gusto daw niang almusal ay yung dahon ng kamote .. Sabi ko dapat maaga siyang magising kasi matagal yun kainin lalo pa marami , favorite kasi nia yun napaparami siya ng kanin kapag ganun ang ulam .. Wala pang liwanag sa labas kaya back to sleep again , later nalang pag may liwanag na ang langit angnpag kuha ng dahon ng kamote
Mula nung pag kagising ko ng alas kwatro di na ako naka tulog .. Nanood nalang ako ng live sa shopee para mka kuha ng Coins .para pang budol din saknila . Nakaipon na ako ng 12 pesos dadagan ko nalang mamaya pgkauwi namin ni bunso galing sa school .. Naghanda na rin ako ng almusal namin , pra sakto mamaya kakain Nalang ,
Kararating lang galing school mga ka squads . So ayun hindi namin alam yung mga ganap sa loob ng room dahil nasa labas kaming mga parents . Sumbong ng teachert Yung anak ko daw palaging tayo ng tayo sa upuan nia pero pay attention naman ,may stars pa sa kamay at magaling daw sa colors . Ang di pa nia alam ung mag tali ng kirdon ng sapatos at mag buttones ng damitπ Hindi nia talaga alam kasi mga damit nia puro mga suot nalang . Kaya dapat daw alam na ng bata daw un incase ofβ¦
Adobong sitaw para nag aapura, Tara gisa gisa lang ng sitaw para madali, bago makauwi si panganay may ulam na sia .. Wala ng sahog sahog yan basta may oysters sauce ayus na ..
Happy Today Iyak Later Ganyan ang eksena ni Bunso kanina pag katapos Mag assessment . Dahil pag katapos ng School nila ay deritso kami sa Vaccination center kung saan babakunahan ang 9mos. To 5 years old ng Booster measles or Anti Measles. Happy pang nag lakad at walang kamuwang muwang na tutusukin siya today .. Noong andun na kami pina nood ko sia sa cellphone ko para di nia makita yung mga batang nagiiyaka palabas ng center π . Nung time na siya na ang Tusukin nag pumiglasβ¦
Ang Bilis ng oras , .. Malapit nanaman ang uwian ng mga studyante . Parang kanina lang yung kumakain sila ng pananghalian . Ngayun meryenda na At sayang nga wala si Panganay di nakaabot . Biglang sumakit ang ulo ko sa halo halo ang init kasi tapos biglang kakain ng malamig . Kaya naka focus sa french fries
Flex ko nga itong si Pinsan Ganda ng upo sa taniman niyang Pipino .. Mamaya nga niyan pagkatapos kung picturan bibiruin ko nga para akoy bigyan .. Dapat daw para hindi pumait ang lasa ng pipino wag tuyuan ang lupa ng tubig .. Ay kaya pala dun siya nag tanim para mas malago ..
Ito na nga pala yung pinag hirapan kung hingin π .. Hindi joke lang bigay talaga sakin yan pero may kahati ako , saka mga reject naman yung pinili ko para naman ung mga good eh mabenta niya . Binalatan na agad para habang bagong pitas para fresh kainin .. Tara lets
Good morning squads .. The Sun is Coming .. Nakapag luto na ba ang lahat ng almusal Tapos na ba mga bata asikasuhin .? Ang ganda sana mag laba today kaya lang may lakad kasi kami ni bunso .. Re schedule nalang total marami pang Damit si panganay, na susuotin puntang school. Tara kape na
Habang nag lilinis ng paligid ay kumikita .. Ito talaga kagandahan ng Flatform ng Noise.Cash kahit nasan man tayo basta may malakas man o mahinang internet . Nagkakaroon tayo ng mga Makabuluhang post kapag may ginagawa . Sipag lang mga Ka squads
Dear noise im sorry for being quiet For 8hrs .. Pumunta kasi ako sa market at bumili ng mga kailangan namin for 15 days .. As usual yung perang hawak ko naging Resibo naman ,..Baon ni panganay , baon ni Bunso at abasto namin iba pa mga gulay at rekado .. Ganyan talaga ang buhay , Kung marunong tayong mag tipid hindi mararanasan ang kagipitan , pero Kung maluho tayo ay alam muna .. Makakasurvive na kami niyan kahit walang hawak na pera..
Good evening squads Damo man sayong paningin Pero may benefits sa kalusugan .. Share ko lang itong Pansit pansitan na karaniwanag nakikita sa mga paso ng halaman natin . Ginagawa kong drink tea ngayun ,Parang lasang pinakaluan lang ng kamote tops , pero ang pinaka maganda dito ay ang benepisyo. Epekbo ito sa may arthritis , uti , Gout , ung matataas ang cholesterol at high blood ay naku bagay sainyo to .. Libre ito dahil pakat kalat lang sa paso o lupa na malapit saβ¦
May gising pa ba ?. Ako ito buhay pa ang diwa , gusto ng matulog pero di pa antokin. Pansin niyo ba kapag hawak niyo ang cp niyo buhay na buhay ang diwa niyo . Pero try nyong patayin ang cellphone niyo , makakatulog kayo ng maaga. Ginagawa ko yan kapag may pupuntahan kami kinaumagahan ..,pero dahil bukas ay free to sleep to sawa , okey lang msg puyat .. Waiting for 9.15 shopee deals π
Early bird Good morning mga ka squads May gising na ba dito .. Napaaga lang gising ko kasi nagpabudol ako kay shopee ,... Nag bawas lang ng 5 0ut of 100 + items sa Shopee Cart ko, .. Need ko na din kasi sila , kaya chenick out kuna , next time nalang ulit ung iba kapag pakikinabangan na . Sige back to sleep again baka sakali maka idlip pa
Good morning squads , Marami akong nakalinyang gawain ngayun sa bahay, Dahil maaliwalas ang kapaligiran maglalaba ako today . Pero amoy sunog na ang kapiligiran kasi may maagang nag walis at nag sunog ng winalisan si Kapit bahay . Kaya nag dadalawang isip akong maglaba ..
Tanghalinit mga ka squads .. Katatapos lang kumain si Bunso inaantay ko para maka pag hugas na at makaligo na rin. Pagkatapos maligo Patutulugin ko muna bago ko harapin ulit ang pag lalaba na naiwan ko kanina ,. Kapagod naman ..ngayung araw
Ilang minuto nalang Good evening na .. Nakapag luto na ba ng Dinner . Merun na bang ulam na naluto ? Ako nag iisip pa kasi nakakasawa ung stocks namin. Paulit ulit nalang na ulam wala ksing nagtitinda ng isda ngayun hapon , Bukas sana maka timing para naman maiba , Tara na
Our Simpleng ulam tonight Malunggay ,saluyot , at bunga ng singkamas . Inabraw na this .. Kunting kulo kulo lang pwedi ng kumain ..
Gusto ko ng pumikit , Pero itong bunso ko nagpapa antok pa , Naglalaro siya ng mga Stufftoys nia .. Habang nag aantay , mag iingay muna ako dito para naman maging active , mejo madaming oras ang nasayang . Nag eenjoy nalang akong pinapanood siya habang nag lalaro mag isa ..
Good evening squads Tulog na si Bunso napagod ding naglaro mag isa ..pwedi naring mag pahinga , Bukas maaga ulit gigising dahil may PTA meeting daw ..kaya bukas pupunta ako sa school .. Sagad sagadin na dahil malapit na ulit ang week ends ..
Good Morning ka squads .. Ramdam ko ngayun na parang napapasarap na ang aking tulog .. Masaya ako sa ganitong set up ng pg tulog yung walang abala ..nakaka relax yung mind ko .. Hindi katulad nun na stressed ako di ako maka tulog kahit anung gawin ko ..dahil nauubo ako at may sipon .. kaya nagpasya na akong mag take ng Vitamin C everyday para maprotektahan ang health.
Nag ru rush akong mag luto ng Pananghalian dahil aalis ako ng bahay today . Para pag uwi namin mamaya kakain nalang , Alas nueve ang meeting sa school pero di pa ako prepared .. Omg , anyari ..filipino timeπ πΆ
Musta na mga ka-NFSFG Samahan niyo nga ako pauwi Mejo malayo layo pa lalakarin ko nito from school to Bahay .. Basa kili kili nanaman nito mamaya π maba bawasan ng gramo ang timbang ko . Kaya umpisahan na para makarating sa bahay agad ..
Musta na mga ka-NFSFG Ang init ng panahon ngayun nakakatamad gumalaw .. Hindi p nakapag hugas ng Pinggang pinagkainan . Si bunso andun naka babad sa batya π , ayaw pa umahon .. Kayo jan musta panahon ?
Musta na mga ka-NFSFGπ Dahil di talaga maka tulog ng Hapon , Pinalitan ko nalang yung sirang Zipper ng Uniform ni Panganay. Bago palang yun agad na nasira , siguro old stock yung nabili namin kaya sira agad . .. Anyway mabuti nalang marunong akong mag tahi tahi ng mga sira , Pangarap ko kaya magkaroon ng sariling makina pang Tahi ..
KaMusta na mga ka-NFSFGπ Tamang hilata muna ako habang nag aantay ng dinner time . Luto na kasi lahat ng kakainin namin , marami kasing natira kaninang tanghali . Mamaya ko nalang sila iinit para mainit init kapag ihahain .. Dahil Feel free na bukas ang gumising ng Late .. Enjoy the Week end
Good evening. mga ka-NFSFGπ Di pa pala ako ligtas ,maaga parin pala ako gigising bukas , Nagkataon namang bibisita ang aking tita bukas kasama si Arabo ,wala daw Kuryenti sa Lugar nila kaya dito mamamasyaln, Mag lilinis ako bukas ng bahay para naman presentable mag pabisita ng dayuhan π .
Good morning mga ka-NFSFGπ Ang swerty ko naman ngayung araw umaambon ng Gulay . Sunod sunod silang nag bibigay makita lang ako , parang maganda ang awra ko ngayun ah .. Katatapos ko lang mag linis , ngayun dahil nga may bisita akong dayuhan ..
Good morning. mga ka-NFSFGπ Late coffee breaks , dahil late ng nagising ang kids , nakisabay na din ako saknila dahil di pa ako nag aalmusal. Maaga akong nagising kanina para maglinis ng bahay .. tapos nung nagising tong dalawa bumalik sa dati . Habang wala pa ang bisita lamon muna
Musta na mga ka-NFSFGπ Nagkikita nanaman ang mag pipinsan , kaya panay ang laro nila . Panay naman mga saway ko sakanila , dahil ang iingay nila .. Minsan minsan lang kasi sila nagkakasama kaya yan todo todo na kakulitan di masaway tapos may umiiyak na dahil nasasagi sa pag gagantil nila ..
Good evening mga ka-NFSFGπ Im sorry for 7 hrs quiet because i have visitors today ,,im busy to entertain them. Pak ganern ! π Saka Pinahawak ko kasi sa anak ko ung cellphone ko para tumahimik siya sa isang lugar , .. Kaya hindi ako naging active today .. Nakikinstoryahe sa bisita, alam niyo marites marites ganern ,, diba ganun naman talaga kapag matagal di nag kita naiipon ang kwento..
Good evening mga ka-FSFGπ Ang bilis ng oras , alas onse na pala parang kakapost ko lang kanina ,pero yung last post ko 2hrs ago na pala. Need narin ng pahinga para makapag relax ng isip at katawan. Thank you lord sa mga blessing today. Amen
Good morning mga ka-FSFG Flex ko nga pala itong free rides namin kahapon sumakay lang kami sa topdown na tricycle .. Gustong gusto ng mga bata sumakay .. At nag pwesto pa sila sa likod ng kulong kulong .. Natyamba pa na hindi na mainit nung nag byahi kami .. Dami ko pa sanang picture natatakot ako baka mahulog fon ko ..wala kasing hawakan sa likod..
Hapon na mga ka squads .. Flex ko nga itong bunga ng singkamas na di nagsasawang mamunga , Kahit araw arawin mong mag ulam di nawawalan , kaya blessed ang merung tanim . Dahon ng saluyot, at malunggay nalang may inabraw kana
Yung bunso kong nag tatampo. Gusto kasi mag cellphone , Eh schedule ng ate nia Saturday to Sunday . Kaya di ko pinabigyan , kasi saknia ang cp kapag may pasok ang ate niya .. eh mas marami pa saknia . Kaya yan dabog kapag nakikita ako . Syempre ako ayukong nakukuha lahat ang Gusto nila . Paminsan minsan pag sabihan din , Di kasi ako ung tipong nanay na mapgbigay agad ang hiling ng anak para lang tumigil .. Naghahawak din ako ng pamalo pag ayaw tumigil ..π
Good evening mga ka squads .. Antok much na ako.pero si bunso hindi nakiki ayon, Maaga pa mandin kaming nag dinner para maka sleep ng maaga dahil may pasok ang kids .. Umpisa narin ng pasok ni Bunso niya bukas , kaya maagang mag prepare ng breakfast at pang Lunch kasi 10:30 to 11:45 ang pasok ni bunso. Kakapusin ng oras kapag sa retira ni bunso pa mag luluto , uwian din ng elementary yun .. Kaya luto ng maaga para kapag uwian na kakain nalang gagawin
Good morning squads ,.. Nagising na si Panganay nakapag almusal na at kasalukuyang naliligo na .. While inaantay siya mag iingay muna ako dahil mamaya mananahimik ulit ako dahil sa school ni bunso walang signal .. ..grabing Location yun , Tm at globe lang malakas signal..
Flexing this little Kid , New Stage of being Kids .. Selfie nia bago pumasok sa school .. Bawal naman ang parents sa room kaya i have no idea if anung ginawa nilaπ . Basta nung natapos na sila may pinakita sa akin na stars sa kamay .. Wala akong idea If anung pinag gagawa nila , tiwala naman ako na merung matutunan pag labas .. @3 years old , puro laro lang sila pero happy na ako kapag nakiki operate siya sa teacher nia .
Ayan busy daw kanwari . Dahil bukas na daw ang Due Date nitong modules nila . Naumpisahan ko na kanina natigil lang nung pinatulog ko si bunso . Kaya uumpisahan ulit para matapos na at makapag relax ang utak sa pag iisip ..
Good evening squads .. Kaganapan kanina kaya hindi ako naka pag post ng ilang oras ,nagpakabusy ako sa pag tanim sa garden ,. Mabuti nalang makulimlim kaya okey lang mag pakapagod . Baka bukas nalang ako makiki gulo dahil antok much na ako .
Good morning squads .. Napa gising ng maaga dahil may naramdaman akong Basa sa paanan ko .. Tinignan ko Ay Dios mio Marimar Tae ng nilalang na ito .. Napatayo ako agad at pinag papalit ko mga kumot at bed sheet ng dis oras .. Mula nagising ako ng alas dosdina ako maka tulog ..
Good morning squads Kahit Tamad lumabas si haring Araw di parin niya ako napigilang mag Laba . Sa ngayun di pa ako tapos mag laba isang basket pa, dahil bukas busy ulit .. ayuko namang matabunan ng labahin .. Sana nga di umulan ng maaga ..
Natapos na ako sa labahin kaya pwedi ng pahila hilata at mag ingay narin .. Napakain ko na rin si panganay kami nalang susunod na kakain ni bunso , Mahirap tawaging kumain si bunso dahil nanonood ng cellphone . Pero pag pinatayan ko ng wifi agad agad na susunod ..
Hapon na squads .. Medyo may naririnig na akong dagundong nagbabadyang uulan na . Kaya ipapasok ko na ang mga sinampay ko para di maabutan .. Marami rami pamandin .. , yung iba natuyo nanyung iba hindinpa kaya sa loob na ng bahay isampay
Maulan na gabi mganka squadsn,,.. Agree ba kayo sa Paniniwalang Kung anung puno siyang bunga "? Ganito kasi yun, Noong nabubuhay pa ama nila ,nagkakatay siya ng manok na hindi sakniya ,.may manok siya pero ibang manok ang kinakatay nia may ari ng kapit bahay nian.. Ganito din kasi ugali ng Anak , nagkakatay sila ng di nila pag mamay ari .. Kaya Tuwing may bisita itong kapit bahay namin kinukulong na namin mga alagang hayop .. Tignan ko pa bukas kapag di na nag pakita meansβ¦
Good morning mga ka squads Una sa Lahat happy happy 16thMonthsary Sa channel na ito NFSFG, Thanks God until now andito parin ako khit sinusubok ng panahon .. Salamat sa mga Bossing natin dito na laging sumosuporta sa Channel .At sa mga reql Members dito ..Sa mga virtual friends ko sa tg ..thank u .. support support lang tayo .. Happy Wednesday
Maaga kami today naalis sa bahay ,pupunta kami sa Bahay ng mag bibirthday. Wala kasing ibang gagawa sa handa ng bata eh .Yung mother niya nasa abroad yung papa War sila .. So parang malapit na sa broken family, pero sana magkaayus pa sila . Mahirap talaga sa family yung hindi nagkakasundo ang magulang apektado pati na mga anak .. Nakakalungkot lang ..
So ayan tapos na ang Set up .. Ng birthday Girl. Simple lang naman Pwedi ng mag selfie dahil mamaya tapyas na ako may meeting kami ng Parents sa Day care ko .. Ha ha h pagkauwi sakto tapos na mag luto kakain na lang π€£
After sa pagkabusy sa ibang bata , Si anak naman ngayun ang aking inasikaso Nagpatulong naman siyang mag solve ng divide , .. ,pero di naman na nia ako kailangan Pina check lang nia kung tama yung gawa .. Salamat at madali siyang matuto .. ..
happy16thmonthsaryNFSFG Last post ko ngayung araw .. Gusto kung bumawi sana dahil Hindi ako naging active lately .. Antok na kasi ako need narin ng maagang matulog dahil bukas maaga ulit gigising , May pasok pala si Bunso ko bukas ,kaya tahimik ulit dahil walang kasignal signal sa school. #happy16thmonthsaryNFSFG
Good morning squads, napaaga nanaman ang gising .. Alas singko palang madaling araw , di n mkatulog .. Ang excited nmn ng mata ko mag prepared ng break fast Baka kung pumikit pa ako maenjoy ko matulog,π
Sa dami damj ng resibo na naitago ko ni hindi ko man lang na isave ung resibo ng rice cooker na nabili ni Hubby .. Sad to say sira na agad yung rice cooker namin sayang may 6 months warranty pamandin ito ..dahil sa mall binili .. Maingat naman ako sa gamit bakit sira agad .. Paano na yan di na ako makaka pag reklamo π₯ Mabuti pa nga nakaluto pa bago nag shut down ..
Meryenda ko fresh cacao from backyard .. Inunahan ko na mga kids mag harvest ng bunga ng cacao ,tikman ko rin yung lagi kung winawalisan ang dahon . Yung pinaka maliit lang nman ang kinuha ko π ..naunang hinog kasi libreng prutas ..
Ang hirap din pala kapag malawak ang lupaing nasasakupan .. Hindi mawawala ang inggitan , at away tungkol sa lupa . Yung pinaka kuya walang manang lupa kaya pinag aaway away ang may lupa . Kami naman panatag na kasi titulado na ang lupang inaapakan namin. Kaya walang magagawa ang kuya , kaHit anung gawin , mananatili kaming kalma at panatag .. Nangangamoy war lang .. π₯π₯
Good morning squads Flex ko nga itong Pinaka magandang Bulaklak na makikita sa Likod bahay.. Yan yung tipong bulaklak na Bubusugin ka pag dating ng araw dahil magiging Bunga na siya ng singkamas . Ang ya yabong na ng dahon, kaya masipag mamunga ..
Busy ang aming maestra na gumagawa ng thesis nia . Habang ako , busy na nag kakape ng kapeng barako with Kamoteng kahoy .. Tamang nood lang kung anung pinag gagawa π
Hala anyari Philippines , Anung pina gagawa ko bakit natahimik ako ng 9hours dito.. Laking hinayang ko sa time na nawala ..π₯ Sayang yung oras na di ako naka pag ingay .. Babawi ako ngayun ..
Hindi ako makakabawi ng absent ko dito tulog na lahat ng kasama ko.. Medyo inaantok na rin ako at malapit ng pumikit ang mata.. Bukas nalang ako mag ingay ng magiiingay ,, mahina kasi ngayon ang refill ko ..
Good morning mga ka squads.. Week ends pero may pahabol na gawain sa school. Imbes na matutulog pa eh ,may hinahabol tuloy na oras .. Maglalaba sana ako today kasi may nag wawarning na papasok na dito ang Bagyong #Karding .. Pero yung teacher ng Daycare may pahabol na trabaho sa amin na parents ..
Harvest muna ng pang ulam mamaya para mag luluto nalang gagawin .. Marami rami rami na kung nakuhang bunga ng singkamas. Hanap na lang ulit ako ng ibang sahog nito para solve na ang isang kainan. Saluyot na lang siguro at malunggay pwedeng iluto for lunch
Yung madatnan mo yung bahay na magulo .. Ayayay !! Galit na galit ang inang pagod π Gusto kong mamalo kaya lang naawa nlang ako , mas okey na yung andito sa loob sila ng bahay kaysa nasa labas .. Mag sisinop nalang ako mamaya kapag tulog na sila .. Kaggaling ko lng kasi sa school nag patawag ang teacher ng Daycare ko ..
Nag order na pala ako ng panambak para sa kusina na ginagawa.. Pangalawang tambak na ito pero hindi pa rin nakuha ang tamang level kung gaano kataas yung flooring,.. Iba talaga kapag malawak ang kusina mapapagastos pala ng bongga. Pero ayos lang kakayanin tapusin para lang matapos... Go for goal!!
Kinuha ko na yung sim card ni Panganay at yung sim ko binagay ko saknia .. Yung sim kasi nia na tnt ay may Unli all site for 299 good for 30 days .. Yung akin naman kasi 300 unli fb Unli call n tx for 30 days din ..kung di naka vpn di rin makaka accesa sa ibang site. Roblox lang naman pinag kakaabalahan niya kaya kinuha ko nalang .. Kaya lang mahina ata signal sa akin kasi di ako maka upload ng Picturesπ₯
Ang laki ng hinayang ko Hindi ko pala na galaw kahapon yung Vuewin ko ..sayang yung Chips na di ko nakuha .. 500 chips pa sana yun .. Kayo merun na din ba kayo nito nirecommend lang to ng Kaibigan nmin sa Tg ..trinay ko kaya yun naka ilang pay out na din 5th times na yata na tag 120 gcash .. Kahit matagal ang pag ipon ng chips legit na legit naman po at naka dependi sa Gusto mong eredeem , Pang extra ko din ito kasi libangang kumikita
Good evening mga ka squads .. So ayan si bunso hindi maka concentrate gumawa ng assignment kasi may kinakaing apple .. Bigay yan ng teacher nila for feeding , 6 apples , 1 pearas And 8 eggs .. 1 day palang naka 3 apples na siya at 1 pearas .. naka 2 eggs na din siya .. Mabubusog sila school tuwing snacks time
Good morning squads .. Yey its Sunday nabusog ako ng tulog dahil feel free magising ng Late . Walang oras na hinahabol ..ang sarap matulog kapag solve na solve ang gising di ba mga mommy .. Bukas nanaman ay maaga tayo para sa ating students ..
Ayan dahil panay ang warning ng ating Pddrmo , tungkol sa bagyong KardingPh. Nag linis na ako sa gilid gilid ng bahay para malinis na bagyohin π .. Ito nga pala ung alaga naming Pato yung kapatid nian Kinursunada ng kapit bahay namin. . Tuwing nag hahappy happy yang mga yan kasama barkada kinakabahan na kami kasi baka mga alagang hayop ang ipapulutan .. Nagmana sa ama raw mga yan..
Ayun sa Ndrrmc signal # 3 na daw kami dito Pero sadyang mabait ang panginoon sa amin dahil di namin ramdam ang Ang hagupit ni Kardingph .. Kahit di litaw si haring araw , di parin umuulan , Thanks God ..sana ilihis ang bagyo at di maminsala sa inang bayan .. Mag ingat po tayong lahat
Ayan na ang ulan mga ka squads . Mahinahon pa sa sangayun . Pero sana wag ng palakasin lalo na ngayun ilang oras nalang malapitt na mag dilim .. Noong last year , kasarapan ng tulog nung bumaha ng mataas dahil nag pakawala pala ang Dam ... Daming na baha , mabuti nalang mataas ang bahay namin kaya di napasukan .. Ingat nalang tayo mga ka squads
Good evening na pala mga ka squads .. Anlamig na sa labas , dahil sa ma ulan ngayun mabuti nalang hindi gaanong kalakas ,. Ilang oras na din pala akong naka hilata kaya di nmalayan ang oras na lumipas ,.. Naka luto na ba kayo ? Ako iinit nalang ang kkainin namin.dahil maraming natirang kanin at ulam kninang tanghali.
Tamang higa na kami ni Bunso , Kapwa naka pajama dahil malamig na panahon . Pero pansin ko Maiksi na suot na pajama ni Bunso ..Napaghahalatang lumalaki na talaga siya .. Yung ibang pajama na nag resign nadin saknia kasi di na nag kasya .. Di pa makatulog kahit may bagyo ay nag vivideok ang kapit bahay namin . Wala talaga makakapigil pagdating sa inoman
Mukhang hindi ako panatag ngayong gabi dahil malakas ang hangin sa labas kahit na walang ulan . Nagsasayaw ang mga puno ng kawayan at manga sa taas parang nakakatakot na magsitumbahan. Yung puno ng narra ng kapitbahay namin ang kinaka takot ko dahil malapit ito sa bahay baka mabuwal nang di namamalayan. Keep safe po tayong lahat ..
Good morning squad Ito na ang resulta ng malakas na hangin kagabi, Natumba na ang ibang kawayan Mabuti na lang at hindi nag si putol ang mga punong nasa paligid ng bahay .. Makalat ang paligid ng mga dahon nahulog. Sa ngayon hindi na gaanong malakas ang hangin. Kaya jan kamusta na ..
Ayan Gumawa ako ulit ng tortang Papaya .. Ang sarap po promise .. Isang bunga lang yan pero solve na isa or dalawang kainan kapag maliit na pamilya Ginadgad ang papaya lagyan ng Pampalasa asin ,paminta at kunting magic magic π chop na bawang at sibuyas ...wait itlog pa pala at Harina .. Mapapakain na ang anak ng gulay .. Try nio po ..
Yung dalawa nag P PE raw pero parang Tanga Tawang tawa sa pinaggagawa . Kung ano anong exercise ginagawa lamon naman ng lamon. π Ay naku sarap kaya kumain dinadamay pa ako sa pinag gagawa ....
Yung nag pP.E kanina walang mabuo buong exercise kaya nung umulan bigla nalang silang lumabas at naligo sa ulan Yung tipong disidido ng maligo sa ulan pero tumigil lng din .. Naka pajaMa pa mandin
Sa ibang lugar May pasok na bukas dahil wala na ang bagyo sa lugar , pero sa ubang lugar na sinasalanta pa ingat padin . Back to normal again , gigising ng maaga ang mga nanay .. At papasok ang mga bata sa school . Sana nga maka tulog tayo ng maaga ngayung gabi.
Good morning squads .. Ayan Flex ko nga itong amplaya na madamot mag pakuha , ..nasa taas na kailangan pang pumatong sa upuan para makuha ang fresh na dahon .. Pa chillax na dahil tapos nang asikasuhin studyante
Wallet Bigay ng tita ko yan na long wallet , kahit di talaga ako mahilig mag wallet lalo na kung kapos din sa budget π . May kasamang anib na dollar diba sabi nila kung mag bigay ka ng wallet dapt my pera sa loob kahit piso para swertihin ang bagong mag mamay ari . Swerti naman siya sa akin dahil nakaka ipon ako sa wallet na yan . .kaya lang sinusubok talaga tayo ng tadhana kaya minsan napapaisip nalang ako na ipapalit sa money changer para maging pera ng pinas ,kahit kuntiβ¦
Mabuti nalang nag laba ako kahit gloomy ang sumalubong sa akin kaninang umaga , .. Nung tapos na ako nag sampay kanina saka naman umambon , kaya di ko nalang kinuha kasi basa pa naman .. Tapos ayan na sumunod eksena , biglang sikat ng araw ..
Flexing the most memorable birthday of my mother Earth.. Yan yung time na wala siyang alam na may bisita siya na mag bibigay ng Money Cake. The most happiest in the world na siya noon ng makita niya mga kaptid niyang matagal ng di nakikita dahil pare parehas ng may pamilya .... At syempre exciting part ung humila ng Pera ..awss nakaka inggit din π
Itlog at Mansanas. GanYan nalang pinapameryenda ko sa kids tuwing nagugutom sila . Kaysa bibili pa ako sa tindahan ng kung ano-ano mabuti na lang may stock. Habang bata pa sila pakainin na sila ng masustansyang pagkain dahil iba na ang panahon ngayon maraming nag kaka sakit dahil sa pagkain..
Unang task ng Anak noong unang pasok niya sa Day Care .. Happy ako kasi nagawa niang mag drawing with out help daw sabi ni teacher .Alam na din nia mga colors .. Saka hindi daw siya pasaway sa room, nakikinig sa teacher at matakaw ng foods ..π Bilang nanay be proud na tayo sa achievement ng ng anak small thing man ito .. Syempre tayo ang nanay eh
PAANO NGA BA MAGING MABUTING TAO ? Kapag ba laging tumutulong sa nangangailangan ..o debuto sa mga santo . Sabi nga nila ang Pagiging mabuting tao ay di nakikita kung anong natapos o anung relihiyon mo .. Nakikita ito kung Paano mo erespito ang kapwa mo .. KΓHIT DI TAYO EDUKADO BASTA MARUNONG RUMISPETO isa na tayo sa mabuting tao . Napaisip tuloy ako kung mabuti nga ba akong tao π Dahil kinulang ako sa respeto . Naku taas ang kamay ang mabuting tao dito π
Biglang nagising Nasa kasarapan na ako tulog kaninang biglang nalang na nagising. Mahigit isang oras sigurong nag pe play ang pinapanood ko videos para maka kuha ng reward. Antok na antok na kasi ako hindi ko talaga namalayan na nakatulog na ako .. Balik narin ako sa tulog
good morning Ang aga mo gumising ngayon dahil matrabaho ang aking lulutuin. Tortang puso ng saging simpleng ulam pero mapapa dami ka ng kain. hindi pa gaano ka gastos lalo na kung sa tanim mo galing . sa ganitong paraan lang talaga mapapakain ng gulay ang mga bata. tayong mga nanay dapat mag explore ng pagkain magugustuhan ng anak..
So ayan na Guys ung Tortang Puso ng saging na pinag kaabalahan ko kanina pa .. Dapat talaga eh , maagang mag proseso para maka abot sa oras ng kainan lalo na kung wala kasama π .. Tara tikman na natin kung masherep π
Tanghali na pero nag mamilo pa si Bunso late na kasing nagising yan napasarap ata ang tulog . Mabuti nga lang wala siyang pasok today .. Kundi absent na sia kahit 10:30 to 12:00 ang pasok nila .. Pampabagal lang talaga kapag nag cecell phone habang kumakain .
Si Bunso ko na bagong gising naghahanap agad ng maiinom na milo mabuti na lang wala siyang pasok ngayon. Umiba na ang kanyang wake up time sa Morning .. dati kasi nakikisabay siya sa paggising sa kanyang ate. Ngayon halos tanghali na siyang gumising.. sana nga lang bukas maaga siya ng gigising dahil may pasok siya..
Akala ko sulit na ako sa baby shampoo na ito para sa kids ko dahil Malaki na .. Laking hinayang ko lang dahil ang lagkit nia sa buhok kapag pinag sha shampoo parang bath soap lang ang peg . Sana nag baby Johnson Shampoo nalang ako . Nagiging dry na kasi ang buhok ng mga kids ko Guys ..yung dating Black nilang buhok nagiging blond na..Naawa ako sa buhok nila .. Harmful sa buhok nila na ginagamit nating adults , . Anu kayang magndang shampoo para sa kids na makapag babalikβ¦
Na scam ako ng product na ito tiwala akong maganda para sa buhok ng bata pero di siya talaga maganda . Malagkit sa buhok at di mashadong mabula , di gaano g kabango. Akala ko kasi kasing quality ng Baby Johnson hindi pala .. Mas maganda talaga bumili sa groceries dahil nakaka sigurong quality.
Sinung My Vuewin sainyo Parang nakaka lungkot naman mga Public announcement nila . Ilang days nalang magiging offline na sila at babalik sa May 2o23, ang tagal naman .. Sayang yung ipon ko 6k nlang sana pwedi ng ipalit ng 60 pesos Gcash ..
Flex ko nga pala yung kanina Sobrang lakas ng Ulan ,nagpawala ng Kuryente kanina kaya nawalan ng signal Parang bagyo , napabaha sa harap ng bahay..kung kelan wala na yung bagyo saka naman nakakaranas . Kaya di ako takot sa signal#5 mas takot ako sa walang signal dahil mas malakas ang tama nito .
Ang sarap maging bata noh walang problema maglalaro na lang hanggang gusto. Ang obligasyon lang nila yung mapasaya tayong mga magulang. Yung iba gusto ng bumalik sa pagkabata dahil na itataguyod at makukuha nila ang gusto nila sa mga magulang nila noon . pero alam ko may mga iba na ayoko ng bumalik sa pagkabata dahil ayaw na nilang maranasan ang mga hindi dapat nararanasan ng isang bata. Yung pilit mong tinaguyod para di maranasan ng mga anak.π
Preparing baon done pwedi ng Bumawi sa ilang oras na di nag ingay .. Si panganay nag ppalit na ng damit ,dahil maaga ang pasok while my bunso ayun tulog na tulog pa .. Naka prepared na rin ang snacks nia , ung Apple and egg ..dahil feeding nila today kaya baon daw sila ng egg para sa Arrouzcaldo nila lulutuin ..
Simple Snacks ni Bunso Pasok na sia mamaya sa school sabi kasi ni teacher wag na daw sila Magdala ng snacks dahil mag luluto daw ng arrouzcaldo . Bring your own eggs nalang daw ..pinabaonan ko parin ng Apple kasi favorite nia..
Dito ngayun sa Day care Center schedule ni Bunso .. Kahit kanina sabi niya ayaw niya mag school dahil dumating si Hubby kanina . Buti nalang nagbago isip ..
Mabuti nalang nakauwi na kami at nakapag pahinga bago pa bumuhos ang ulan .. Yung balak naming mamalengke sana mukhang postpone dahil naunahan kami ng ulan . Saka kasarapan na ng tulog ni hubby kaya baka bukas lang siguro
Maliban sa pag aaral ng mga tracing Tinuturuan din silang manalangin sa mga biyayang ipinagkaloob saknila lalo na sa pag kain .. Feeding time nila kaya naka pasok kami sa room kami kasi mag seserve sa foods ng kid namin ..
Basta cellphone na talaga ang nauna , hindi na matawag tawag itong dalawa .. Patayan muna ng wifi bago sumunod , kaya kapag may pupuntahan kami di ko pinapahawakan ng cp dagdag kasi tagal gumalaw .. Ayaw pa matulog enjoy nanonood kaya pinatayan ko ng wifi para magsitulog na para paraan lang yan π
Good morning squads , Maaga today kahit si Mister na ang nag sasaing hindi kasi nia alam kung san naka lagay mga gagamitin nia sa pag luluto niya kaya ang ending maaga rin akong gising π . Akala ko makaka lusot na
Naku naman nag kalikot nanaman itong Kamay ni Hubby kung ano anu na ginagawa sa rice cooker ko .. Siguraduhin sanang magawa nia ung isa para di ako kawawa. Yung isa kasi nasunog napabayaan kong nakasaksak kahit wala ung kaldero tapos ung isa naman nag automatic na nawalan ng ilaw at di nag iinit ..
Asawa kung Siramiko π .. Inaayos niya ung rice cooker ko kasi ung bagong bili bigla nalang nawalan ng light at di nag iinit .. Kinuha nia ung pwesa niya sa unang bili ko , kasi ung isa nasunog ko pero pwedi pa namang gamitin .. Sana successful ang transferring ng pwesa
Gumana yung kinakalikot ni Hubby na rice cooker .. Bali trinansfer lang ni Hubby ung Fuse or yung thermostat ay ewan basta di ko alam ang name ..π Di na ako bibili ng bago , .. save money sana magtagal ..kundi bibili nalang ako ung item na pinalitan..
Yehey gumana ung Kinalikot ni hubby na rice cooker kanina .. Mabuti nalang pwedi p yung pwesa ng isang ricecooker .. Kung alin pa ung bagong at sa mall pa nabili un pa ang madaling masira , samantalang yung nabili ko sa online nagtatagal
Ready na sumabak ulit sa susunod na 15 days .. May stock na ulit ang kids ko pati baon na rin .. Ang dali talaga maubos ang pera kapag tumapak na sa palengke ung di pa dapat bilhin nabibili ..di ko na pinicturan yung iba tinamad na ako halungkatin π Mas maganda talaga yung sobra kaysa kulang ..salamat lord ..sa blessings today ..
Hindi natuloy ang pag pasyal namin sana sa plaza dahil umulan last off pamandin ni Hubby today pauwi nanaman siya sa working place nia bukas ng madaling araw. Kaya itong si panganay medyo medyo bwesit sa ulan .. Very wrong timing daw ang kalikasan ..π
Tampo si panganay dahil di natuloy yung pag pasyal namin sana sa plaza .. Bigla ksing umulan kaya purnada ang lakad .akala kasi nia makaka bonding na nia papa niya dahil lagi siya sa school.. kapag gabi tulog papa niya dahil binabawi ang puyat sa duty .. Sabi ko bawi nalang next time .. umulan eh kawawa si papa nia na mag dadrive mababasa. Baka ikasakit pa
Good morning squads.. Ito na nga yung time na babalik ulit si Hubby sa working place nia , Maaga akong nagising para prepare mga gagamitin niya .. Last time kasi dami niang naiwan di kasi kami ginising nung time na uuwi siya .. Tanging hiling ko lang na Ingatan siya Kanyang byahe, ilayo sa mga walang disiplena sa kalsada at safe mka balik Amen
Maaga ako today na gumising kasi sasamahan ko si hubby na mag prepare ng kaniyang mga dadalhin pauwi.. Last time kasing umuwi siya marami siyang naiwang gamit sa bahay .π
Mula alas tres ng magising ako para samahan si hubby na nag prepared ng gamit niya hindi na ako na nakatulog pa . Inaantay po pa kasi Chat ni Hubby if nakarating na or di pa .parang di kasi ako panatag matulog while nasa byahe siya . While nag papa antok eh ginalaw ko muna itong pusa ng anak ko para maka redeem ng load ulit kabado kasi ako na log out ang shareit niya . Baka tulad namin di na siya mka redeem thanks God naman pwedi p .
Good morning 1st 0f October Please be good to Us and blessed again . Antok na ako pero pigil paring matulog , Inaantay ko kasi chat ni hubby if nakarating na siya sa working place niya .. Kaya while waiting ginalaw ko muna itong share it ni Anak para mamaya wala na siyang gagawin sayang din kasi ito kapag napabayaan .. Ung akin at kay hubby di maka redeem may nadetect dw na violations. Sayang talaga ..