Welcome July Thank you very much God kasi naka lampas na kami sa kalahating taon dito sa lupa . Naway makatagal pa kami para magampanan ang mission namin dito sa lupa at sa mga mahal namin .. Naway e blessed ulit tayo ni lord ngayung buwan , sana walang matinding sakit at problemang mabigat ang ipapa atang sa atin .. Amen.. Simpleng almusal lang po kami today . Pansit canton angd coffee .. Dahil maulan at walang masiadong nagtitinda ng ulam ..
@Zanella in July 2022
Flexing this Little bunso .. Writing her names before going out side for playing .. Sa totoo lang po ang tamad niyang masulat 😅 ..ayaw daw niya mag aral like ate ..hate daw nia mag sulat ..color lang daw .. Naku paano ko ba mauumpisahang turuan ito mas magaling pa sa akin kung mag dikta .... Kung yung ate nia kinder na eh marunong mag sulat ng name ito daycare palang eh tinamad na. Mahaba habang pasensiya ata need ko para sa bunso ko .
Alam mo yun yung Bagong gising yan pero ang ganda ng smile ..parang ngiting tagumpay eh san kaya ito humugot ng saya ..Sana all nalang masarap ang tulog kanina .. Bakit kaya di ako makatulog ng tanghali ..Daig ko pa security Guard kung gising .. Nakakainggit maging bata. Sana nga inenjoy ko noon ang pagiging bata . Pero syempre kahit anong gawin natin di na maibabalik ang kahapon ..mag focus nalang tayo sa anak natin sila nalang mag enjoy ..
Good evening squads .. Gabi nanaman antay ulit na antukin . Need palang maaga bukas na magising ..dahil Magiging photographer ako bukas dahil graduation with honor.ng aking sister in law . Dapat 7:30 andun na kami kasi maaga ang martsa ..at para narin makapag picture taking sa stage dahil kapag nag start na wala ng pagkakataon makapagpa pictures .. Kaya dapat advance lang .sa time . Goodnight all squads
Im attending Grade 12 Graduation of my sister in Law .. Dahil siya din ang photographer namin noong Recognition ng anak ko ..Babawi daw ako today ..Kuhanan ko din daw siya ng Litrato ngayung speacial day nia .. Di naman mabigat na gagawin kaya Go lang .. Iiwan ko muna sa inlaws ko 2 kids ko
Sobrang napagod ako sa Moving up ng sister inlaws ko kahit photographer lang mas nakakapagod pala ang Kumuha ng kumuha ng litrato .. Takbo dito takbo doon para maka kuha ng magandang anggulo .. Halos mukha nalang nila ang nakuhanan halos fully Memory na nga . Ganun kasi ako kasigasig magkuha ng pictures every moments na pweding kuhanan talagang kinukuhanan ko ..Ganun kasi kaimpprtante ang event na yun para sa akin .. Sana nga e upload lahat sa Facebook niya para may memories…
Dahil nagutom ako naala ko merun pala ako nito sa bag ko ..tinago ko sa kids ko dahil over kain na sila sa chocolate .. Ako di ko maharap dahil may mga schedule akong pupuntahan .. Nakakaano kasi ang chocolate kaya hinay hinay lang muna .biglang nag crave ng matamis ..tulog ang kids kya patago lang 😅
Simple Food trip lang for dinner Graduation treat ni sister in Law . Mas gusto kasi namin yung kami na magluluto kaysa mag fast food chain .. Mas maganda sama samang mag celebrate.Kahit puno ng problema nakaraos din. Tummy is waving na 😊
Busog much na talaga kung kanina ay nagutom ngayun naman ay sulit kumain .. Antok na ako kailangan ng matulog ng maaga dahil bukas may pupuntahan kami.. Beauty rest muna ..para di haggard bukas. Good night squads
Good morning squads .. Maagang nag si bangon ang kids ko dahil isasama sila now papunta beach .. Nagpaiwan muna ako dahil antay ko si Hubby day off niya today .. Nasa kanya din kung susunod kami sa pinuntahan ng kids namin or pahinga nalang siya dito sa house .. Excited pa sana ako 😅 ngayun nanaman makakapag vitamin Sea .. Waiting ...... sleep muna ako
Hindi nakapag ingay ng ilang oras dahil mahina ang signal sa lugar na pinuntahan namin .. Flex ko nga pala itong Dagat ng San Fabian .. Isa din na dinadayo ng karamihan maliban sa Lingayen beach or boracay .. High tide din kaya nag enjoy ang iba sa patalon talon kapag may alon .. At syempre Isa na din ako sa nag enjoy .. Di na ako nag babad masiado kasi kahit kunting oras lang nag rered na mukha ko ..ampangit tignan 🤣 Kaya nag sefie sefie nalang ako sa sa tabi ng dagat…
Good morning squads .. Monday day malinis sana kaya lang bukas nalang ako mag laba para hindi maubos ang oras ko ,kasi andito si Hubby kaya sila nlang muna asikasuhin ko. Bukas na ako magpapakapagod . Para fulltime ako sa family ko paminsan minsan lang naman mamaya nian kasi uuwi nanaman siya .
Lunch break na po mga ka squads.. Kagagaling lang namin namalengki at kanin lang ang iluluto namin madalian lang naman dahil rice cooker .. Adobong pusit naman ang naisipang ulam dahil mahal ang mga isda lalo na yung galunggong wala daw makuha . May ginataang Aba din kami bigay ni inlaws .. Kunti lang nakain dahil busog sa meryenda
Malapit na palang bumalik sa working place si Hubby kami nanamang tattlo ng mga bata ..ilang days nanaman siyang mawawala . Mamimis ulit namin siya Ang kunti lang talaga ung time niya .Mabuti nalang nagkakaroon na sila ng Day off ..dati wala man lang ka day off day off halos masanay na kidss ko noon na wala siya . Kapag nakakauwi siya noon kids ko ayaw lumapit sakaniya mabuti nlang ngayun mas excited sila tuwing pauwi siya .. Gabayan siya ni Lord sa Pag uwi nia ..Ilayo sa…
Time flies kanina pa si Hubby umalis , nag chat ako sa kanya na mag chat sia kapag naka rating na sa apartment nia Dahil nakalimutan kung sinabi kanina .. Pero after chat yun tumawag sia if umuulan daw dito sa amin ..Sabi ko naman eh hindi pero doon daw na naabutan na siya .. Magpapaalam nalang daw siya sa head nila dahil di rin makaka abot sa Duty nia mayang 9 ..bukas nalang daw sia mag duty uwi siya dito uli dahil basa na siya .. Drive Safe dahil madulas ang daanan
Patanghali na mga ka squads pero hindi pa pala ako naka pag ingay paano naman kasi busy busy sa pag asikaso sa mag ama .. Ngayun lang talaga na fulltime mom...dahil kasama si hubby ..Mas marami palang gagawin kapag andito siya 🤣.. Any way meryenda daw muna ..ayaw pa pakuha ng pic ..magalaw
Tanghalinit sa Ilog .. Kung ano ano napag iisipang gawin itong si hubby eh ..Ang daming bubuhatin sa balak niyang picnic sa ilog 😅. So ayan naligo muna bago kumain ang init kasi ng panahon tapos biglang kulimlim .. Sabagay minsan lang naman na bonding moments ..Mamaya uuwi na siya at mamimis ulit kakulitan niya with kids.. #Ilovethismoment
Ulan is here .. Maagang umalis si Hubby going to working place ..Kasi napansin niyang maitim na ang ulap sa kalangitan so before talaga bumagsak ang ulan Agad na siyang umalis .. Ura urada nga eh ayaw niya kasing maunahan siya ng ulan , hindi nanaman siya makaka alis baka ang ending absent ulit .. Sayang daw yung sahod . Saka ayaw nia ng walang ginagawa baka tamarin na siyang mag work ..kaya kahit ayaw pa ng kids Umalis siya .. Gabayan nawa siya ng Panginoon sa kanyang Pag…
Flex ko nga pala yung Family picture nung nasa Beach kami.. Pauwi na kami niyan sana Kaya lang yung Mag boy friend at girl friend na nag settled ng Outing eh gusto mag ka roon ng Group Pictures .. Mula sa Family ng boy at kami yun at family ni girl yung mga naka compress .. Nag settle sila kasi gusto nung dalawa magkakilala both sides .. para getting know each other ..If ever sila na nga yung naka tadhana eh hindi na mahirap pakisamahan . Mababait naman sila .At enentairtain…
Goodmorning squads.. Wala ang papa niya kaya sa kin na kumalinga peronung andito halos di ako lapitan ..ha ha ha pabor naman sa akin kasi makakapag pahinga ako .. Tapos may nakiki siksik din na little kitten ..namimiss na siguro nanay nito .. Tuwing nakabukas ang pinto ng kwarto pumapasok para makihiga .. naku namam dito inubo kids ko eh ..
Tanghalinit mga ka squads.. Katatapos lang Nag laba at buti nalang deri deritso ang pag lalaba walang nag papa asikaso .. Any way laba while cooking Ulam pala ginawa ko kanina ..Adobong ulo ng manok eh ma process ang pag lilinis kaya late na naka pag umpisa ..Pero nong ginisa na at antay lang kumulo yun inumpisahan sa pag laba .. Binigay ko naman cp sa bunso ,alagaan nalang muna niya self niya para di sia paasikaso 😅.. Kanin nalang antay namin para makakain na
Ulan is coming .. thunderstorm is warning .. Sampay is waving because haring araw is hiding .. So ayan na nga kahit may kunting basa basa pa yung sinampay ko eh kinuha ko na at transfer sa loob ng bahay .. Makulimlim na nga at baka umulan na sana nga di na ituloy kahit 2 days na si umulan kasi may balak ako mag pa deliver ng panambak Yung dadaanan kasi ng track malambot .. Sakto sana kapag nakapag deliver eh pag umulan na sisidsid pa ..
Advice sa mga momshies na may toddler Na makulit at mahilig mag explore sa mga bagay na hindi nila nakaka harm sakanila .. Ito si Bunso may nakita siyang naka supot na suka ng lumpia ..Nilagay sa misa at kinuha naman nia para laruin lagi namin sinasabi na wag niyang gagalawin at iinumin, Sa curiosity niya siguro or sa di sinasadyang nabiyak niyaa yung nakasupot na suka at deritso sa lalamunan niya . Nanerbyus na ako kasi parang di siya maka hinga na parang may pumipigil na…
So anu na mga abangers tulad ko din ba nag aantay ng 7.7 Sale sa shopee. Balak ko din sanang bawasan ang 99+ na naka add to cart . Pero may kumukontra Sa isip ko unahin ko muna daw mag ipon para sa materyales .😅Grabi naman . Anyway balak ko kasing bumili ng salamin sa mata na Photochromicc + anti radiation at anti radiotion naman for kids sa mall ng shopee kasi babad din sa cellphone si panganay .. Puro 5stars naman ang rating at lahat naman nag sasabing legits .. Need ko…
Happy Thursday morning squads .. So ngayun kahit napa agang gumising still same time parin ,late parin na mag start na mag laba .. Yes laba ulit ! Second batch nauna na kahapon yung mga puti at damit ng mga kids .. Ngayun mga Damit na malalaki at de color na mga pang ibaba .. May 3rd batch pa yan Bukas ..mga sapin sa kama at mga kumot, kurtina na ang naka schedule bukas .. Magpaka busy tayo habang may haring araw ..baka kasi umulan na ng deri deritso
Katatapos ko lang nag sampay .. Pagkatapos eh nag pahinga na muna , Napsulyap sa bigay ni Bayaw na galing daw sa box ng girlfriend niyang balik bayan bigay ito para sa kids ko .. akala ko kape kaya di ko pinansin 😅 Saka yung pangalan kasi CIGARGU akala ko pa pang cigarettes.. Pero na prank ako sa panlabas na anyo niya .. Apaka sakarap pala sa loob niya . Real chocolate roll pala na binalutan ng malutong na mas masarap pa sa stick o .... Kaya naniniwala na ako sa Don't Judge…
Alam mo yun , maagang umulan tapos tutok pa sa electric fan ,tas ang lamig na ng hapon dahil maagang ulan Sarap sanang matulog kaya lang panay naman ang ihi , istorbo naman Di mapigilan Pang ilang ihi na ba ito eh ,😅 pero nakaka relax naman kapag naerelease . Sarap sanang may kayakap ..
Good evening squads Lets go dagdagan na ang Coins Mag shopee Shake na .. Lakasan ang shake para may additional points .. Timing naman na ako pinaka maraming na shake Kakabukas ko lang nakita ko agad kaya nag try ako .. hindi sana ako mag cellphone dahil masakit ulo ko na over use na ata sa kaka cp ..sakit sa mata .. Kaya need ko na ata magpatingin sa eye center ..may kakaiba na na akong narardaman sa.mata
ALas singko na pero antaas parin ng araw Pumunta kami dito sa parts ng taninaman masukal mang kung tignan wag kasi maraming makakain jan Kapag nag tyagang mag bungkal .. Una takot kasi masukal baka magising ang natutulog na anaconda ..Pero swerty naman dahil himbing siguro sa pagkaka tulog dahil malamig ang panahon kaya tamad lumabas ang taga bantay .. Pero Sulit ang pagod nakarami din kami Pang 3 days na pang meryenda ..
Laban lang kahit di kapansin pansin ang post .. Mag ingay lang ng mag ingay kahit dinadaanan lang .. Ang importante masaya sa ginagawa at merung tayong pinagsasabihan .Kahit silent reader lang yan at least may nakaka alam sa nangyayari sa buhay mo kahit papaano. Salamat sa mga mapag bigay sa mga nag cocoment ..kahit nabobopols na talaga ako sa mga flex ko. Mother stage kasi sa loob lang ng bahay walang ibang maiflex kundi mga niluto nilabhan at kung anu ano pa .. 🤣 Ayan good…
Maagang lumabas si bunso sa kwarto .. Naboring nanaman hindi ko kasi pinapansin inaantok pa ako eh .. Kaya lumabas nalang hinanap si lolo niya tiyak yun magpapakalong nanaman mabuti pa nga si lolo nia di nag sasawang kalungin si bunso kapag nagpapa bebe.. Kaya swerty mga anak ko sa lolo nila .Apakabait ng sobra , mabuti natanggal na niya ang sigarilyo ..alak nalang problema saknia ..Pero di tulad ng iba na liko na daan pag uwi ..pampaantok lang ika nga niya ..Natural lang di…
Natatawa naman ako sa Alaga naming aso parang tao na nag mamakaawa na papasukin sa loob ng bahay kasi nakaharang ako sa pintuan.. Sinabihan kong jan muna sia labas ,pero kinalabit ako na parang nagmamakaawa na .. Katuwa talaga pag may kasamang alaga ..hindi boring kasi para silang tao na kinakausap 😅..parang tanga pero totoo .. di po ba kinakausap natin sila kasi nakakaintindin rin sila
Ay naku naman ngayun lang bumisita sa bahay ang batang ito eh . Nadamage pa ng Bunso ko . Humarang daw sa daanan ni bunso kaya tinulak niya buti nalang di gaanong kataas . Pero sa bato ang bagsak kaya may sugat . Sobrang kabado ko ..di naman nag bleeding nabukulan lang Halata nga eh ..lagot ako sa nanay nito eh .. explain ko nalang mabuti ..di ko rin napansin mabilis ang pngyayari Disgrasya talaga pasulpot sulpot ..
Minatamis na kamoteng Kahoy ang nasa lamesa para sa gutom na katawang lupa .. Hindi pa nAman huli para mag meryenda mga ka squads kaya yung mga di nag meryenda habol lang . Kahit Ang init ng panahon pero mas gusto ko ito kaysa sa tag ulan .. Tara kain
Pahinga time na . Bukas ulit mag kulitan mga ka squads Pahinga na din para may energy para na harapin ang umaga . Hindi pa Siguro lahat tulog na ..Congrats sa gising pa mga dakilang zombie .. Naabutan na naman ng alas onse pang ilang days na to .. Kaya tulog na goodnight squads
Katatapos lang nag linis sa paligid ng bahay Grabi isang push Cart ang ipon ko na dumi. Sabagay ilang araw naman kasing maulan kaya naipon na ang mga dahon sa paligid .. Ngayun lang naman naganahan mag linis linis dahil makulimlim pa at mukhang di lalabas si haring araw . Maglalaba pa naman ako today ng mga kurtina at punda sa sofa.. Kaya rush coffee laklak nalang kahit mainit ..
Ayan sapalaran nalang na kahit lulubog lilitaw ang araw eh kailangan ilaba yung binabad ko kagabi na mga kurtina .. Ang dali lang naman kasi medyo tanggal na mga dumi . Kaya kusot kusot lang sa part na may mantsa .. ..Ganda mag laba laba kasi unli tubig walang babayaran kahit paulit ulit sa pag banlaw ..
Lunch time na Ang mahal ng isda kaya yung 10 pesos nalang na repolyo ang binili ko ha ha .. Tipid pero di naman halata 😅 Sakto may cornbeef na stock gisa gisa lang tapos na .. Yung crunchy pa yung repolyo para mas yummy at healthy .. So ayan lamon na mga ka squads bawi pag di na nagtitipid
Natatawa ako ..ha ha ja . Wala mababaw lang talaga tawa ko pag pasensyahan niyo na .. Flex ko lang tong ka video call ko na parang tanga ,ay kami pala yun ni Hubby .. Pinag usap ang dalawang pusa ..Nagkakaintindihan din kaya sila ha ha kung ano ano pinag gagawa para di maboring eh Ganun kami hubby para may pag usapan ..minsan kasi tahimik lang kami basta naka VC ,wala kasi maopen topic lalo na kung oras oras minu minuto namang nag vvC .. Be happy lang kasi nag iisa sya sa…
Good evening squads Yung mga kapit bahay ng 711 arat na kayo mamayang 12 dahil naka 50% off sale daw sila bukas .. Sent yan sa akin ni Hubby ..as if naman makaka sugod ako sa 711 eh layo namin .. Abangers din kasi siya ..Malaking tulong kapag yung mga gusto niya eh naka 50%off .. Baka tinago na or out of stock 😅 good luck nalang sa hubby ..
Alas kwatro na pero feeling ko di pa ako naka tulog ng maayos Ang hirap naman ng ganito yung tipong nakahiga ka lang pero naglalabay yung isip kung san san . Pang ilang araw na ito ah .baka bumigay na health ko kakapuyat ..Any tips nga po yung vitamins na inomin .. Hindi pa ako nakaka tulog sa tanghali 😥. Hay buhay ..pinapaiksi ko na ata buhay ko 😅
Mag lalaga ulit ng kamoteng kahoy ,Para sa meryenda ..pag iisipan ko muna kung minatamis or ganian nalang . Sa unang luto ko kasi naubos kasi nagbigay ako sa kapit bahay namin ..para may kasabayang kumain kids ko masmagana kasi silang kumain .. Start palang na mag balat nito while cooking Ulam for lunch ..
Cat spotted Yung pusang busy sa pag aaral.😅 Oh naghahanap ng kaaway .. L For Lion akala niya kalaban ha ha kinalabit pa kung totoo .. na prank lang pala .. Ang kyut sanang picturan ng malapitan kulit naman kasi si bunso eh ayun umalis na tuloy nung nalamannna walang laban saknia si Lion ..
Meryenda time .. Sweet boiled Kamoteng kahoy .. Ngayun lang namin nameryenda dahil tagal pinakuluan Gusto ng kids ko ung medyo lusak na 😂 ayaw ng hard to eat sa dirty kitchen ako nag luto para tipid sa gasul yun lang mausok ..di bale pantanggal narin ng lamok Plus pambawi sa pag papausok ni marites sa labahin ko kahapon .Nauna akong nag luto ng kahoy bago siya naki sampay Bahala siya jan .. Anyway tara eat na
Flex ko nga si ante na 67 years old na eh Kaya pang umakyat sa puno ng kalamansi.. Walang katakot takot na kumuha ng mga hinog na kalamansi, matataas na kasi yung mga iba kaya para di masayang inakyat nalang .. Kabisado naman niya daw dahil dati din niang inaakyat yun noon matanda na kasi ung punong kalamansi kaya medyo kabado na rin ako baka magkamali .. Glad safe namang nakababa
Kape ulit at Nilagang kamoteng kahoy bigay ng Kapit bahay , tanggihan ko sana kasi merun pa yung niluto ko kahapon kaya lang wag na ngayun lang nag offer eh ..Pandagdag busog.. Maagang umulan kaya sana di na umulan mamaya . Para maka tuyo ng labahin . So good morning ..
Nabusy kaya ngayun lang nag ingay . Tapos nag chat din si Mother in law may meeting daw sila ako nalang muna Makiki meeting kaya no choice .. Iniwan ko yung dalawa kong anak dahil nga makakaltasan siya kapag walang makiki meeting .. So sige later nalang po tayo mag iingay
Hapon na mga ka squads . So ayan mag ingat po tayo sa mga nakokopya ng ating mga anak minsan ginagaya niya yung mga madalas na nkikita niya sa mga matatanda .. Lagi kasi niyang nakakasama si lolo nia ,na nag gagawa ng kulungan ng manok at kung anu ano po na gamit ang martelyo at pako. Baka mag mistake siya sa pag palo kamay niya mapitpit ..o di kaya tumalsik yung pako ..
Morning squads .. Apaka daya talaga ni Haring araw kung kelang maglalaba ako saka siya aambon .. Samantalang noong wala pang maruming damit tindi ng init .. May bagyo ba ngayun .. di na ako nakakabalita ng ulat panahon wala akong time eh 😅 Bahing na ako ng bahing ..coldy morning na kasi ..
Dahil malamig ang panahon at wala si haring Araw akoy Pinag PALA ngayun 😅.. Nakakalungkot lang dahil naabutan kami ng pag mahal ng pangtambak .. 3 load pamandin ang needs ko para tumaas ang level ng floor pero dahil nga nagmahal na baka gawin nalang naming underground ipa taas sa bandang intrance or pintuan para di maka pasok ang tubig .. At dahil di naman nagmamadali ako nalang mag transfer ..baka sakaling matanggal ang bilbil dahil sa pinag papawisan 😅 .. exercise din para…
Hapon na pala squads. Magpapa ka busy muna sa pag susulat para matapos na din at wala ng alalahanin . Total di rin makatulog ng maayos , gawin ko nalang pinapagawa ng mother inlaw sa akin na gawainn nila sa Center 😅 . Re write lang naman. Mabuti nalang naka tulog itong dalawa kong kids makakapag sulat ako ng walang mag aabala .. Umpisahan ko na..
Wala talaga ka orga organize yung taniman namin ng gulay .. Kukunti lang tanim namin dahil kinakain ng kambing ng kapit bahay. Sobrang hirap kasi sa part na ito malayo ang tubig, saka lang nakakaginhawa kapag maulan . Napag kukuhanan din naman ng dahon dahon kapag kailangan .. pero sana soon makapag tanim .
good morning squads .. Thursday nanaman malapit na ang kalahating buwan .May nagawa na ba ,na achieve na ba ang goals. Ako ito paunti unti muna hanggang sa makuha at mabili mga needs .. Any way punta ako sa market today kukunin ko yung pinadala ni hubby ..Di daw siya makakauwi , may audit kasi sila kaya sa katapusan nalang daw .
Alam mo yun yung inutusan kalang pero ikaw na ginawang representative ng barangay niyo para umattend sa Gawain ng ng Kalipi ..naku naman iniwan ko pamandin ang aking anak Sa play ground .. Baka mapano pa naman anak ko dun .. Hirap namang tanggihan ..
Yung isinama mo yung anak sa grocery para maituro ang gusto .. Pero na attract siya kulay pink na hello kitty na candy na to . .Macapuno ata ito na parang gummy . Neh hindi na binitiwan at di na tumingin sa iba .plus yung Chuckie na 10pc for 110 ..dati lang 100 pesos .. may abasto na siya . Gusto din ng toys kaya lang sadya talaga na di kami dumAAN sa mga nagtitinda ..syempre iwas gastos madali lang siyang magsawa .sayang ang pambili Kaya sa pagkain nalang ..
Tanong lang po ..okey lang ba mag ultrasound ng 3 beses ang bunstis sa isang buwan ? Kasi yung buntis namin dito 3 beses pina ultra sound request ng Dr. Nia Ang due date nia .. Jul 9 , Jul19 ,last ultra aug 4 daw ..alin ba talaga ang masusunod .. Sa totoo lang ang OA niya mag buntis , porket masakit na tyan eh lalabas na di ba pweding tatae lang 😅.Saka baka sa kakaen nia ng peanut butter na palaman tapos reklamo nia hindi siya napopo 😅, eh mahilig namangnkumain ng apple…
O kay Ganda ng Umaga , Parang ang gandang maglaba .. Kahit masakit ang likod sige parin sa gawaing bahay , dahil kapag natambakan tayo rin ang kawawa .. Kaya Pagkatapos mag laklak ng kape diretso na sa paglalaba .para di abutan ng ulan .. Good morning squads
Hapon na mga ka squads.. Here we go again sa isang seminar kung san nag tuturo sila kung paano mag tanim sa tubig o soil Less.. Marami akong kasama,di ko masiadong rinig ang sinasabi ng instructorat kung ano nilalagay para di mabulok yung stem na pina paroots .. Di pweding malapit para may social distancing daw ..makikinig nalang ako sa president na nasa harapan .. ituturo din damin nian mamaya
Gabi na mga ka squads Nakakalungkot naman ng mga binabalita ng News caster na malapit sa amin .. Alam niyo ba na dati ang fine feature niang mga balita ay yung mga ahas na nakapatay ng tao , tapos mga taong tinamaan ng kidlat nguyon naman mga namamatay dahil sa nakuryente at nakaka lungkot pa mga bata pa ang biktima tulad ulit nito . Dahil sa nakalaylay ng kable ng kuryente .ang dahilan , siguro hindi naman akalain ng bata na may boltahe pala at pati sa huli sinamahan din…
Lets Go ride .. Nasa likod kami ng Truck ..wala naki join lang para maka pasyal naman sa lugar ng ante .. Pero saglit lang naman kasi malapit lang ,may nag aantay kasi akong anak . Titingin lang kasi ako ng halaman sa bahay nia para makahingi 😅 sabi naman niya kasi kanina na sama raw ako saknia baka may kursuda ako sa tanim niya nag babawas na kasi .. Malamok na daw
Hapon na squads Tara kain nalang tayo ng guyabano , Maliit mang tignan mabubusog ka rin .. At siguradong siksik din sa bitamina . Ang tamis mga lodi tamang tama sa hinog .. Buti nalang nasulyapan ko .kundi sayang nanaman lupa ang kakain .. Baka maubos ko nga ito dahil walang kaasim asim ..
Saludo na talaga ako sa mga magaling mag prito na monshie specially sa mga daddy na marunong sa kusina. . Kahit anung gawin di parin ma perfect kahit painitin ang palayok at pakulo ang mantika wala parin kahit ngayung may asawa ganito parin pinag prito ko ha ha Ulam namin ito kaninang lunch ,paksiw prinito ko pero ganito parun kalabasan Siguro more praktis parin mapeperfect din 😅
Nag pasugod ulit si Buntis sa Dr. Niya masakit nanaman daw ang tiyan ..Pero ne refer na siya sa public hospital , kasi mas kumpleto ang gamit .gamit dun . Kabwanan na niya Sa mga ultra sound nia na petsang July 9,19 at aug.4 di na nila alam kung alin jan ang masusunod .. Nagpapanic nanaman kaya ayan sinamahan siya ni Mother in law kanina ,pero kalaunan umuwi na din siya dahil tinawagan nia yung nanay ni Buntis .. 2cm palang si buntis .. di namin alam kung mangangak na or…
Ang cute mag tampo 😅 tapos kapag hindi ko pinapansin siya ang nagpapansin .. Ako naka cp lang sa gilid , loko loko kasi gusto niya naka attention ako sakniya .. May ginagawa din kasi ako ayuko ng may nang iistorbo ..bawi siya later kapag Free time ko .. Tampurorot ..
Its babad time .. Basta maligo kami ni Bunso siya nalang lagi nag occupied sa isang batya ..Guto kasi nia naglalaro habang naliligo .. Buti nga lang Tag isa kami ng batya , kahit mag babad eh meeun din kaming gagamitin ni panganay . Sa panahon ngayun kahit malamig ang tubig gustong gusto ni bunso maligo ,nasanay na kasi siyang maligo ng malamig kahit sa gabi imbes hilamos lang gusto ligo pa di katulad ni panganay tamad maligo sa gabi kasi cp lang ng cp Ligo time na ..
6th Months na pala si Shada ang bilis ng panahon .Shitzu ni tita yan pero ang alam ko ang may ari ung tita ko na nasa Canada kasi sakin inooffer na mag alaga daw sana ako ng ganiyang aso ,kaya lang tinanggihan ko kasi yayamanin yan 😅 baka mas mahal p ang turok niya kesa sa anak ko saka foods .. Nong wala p akong anak nag try na din ako mag alaga niyan , sobrang nakakagiliw talaga ang mag alaga ng aso ,nakakawala ng stress.. Pero ngayun naka focus na ksi ako sa kids ko ..baka…
Yung ante mong walang inuurungan makuha lang ang puso ni Saging, Ang tindi ng fighting spirit ang lakas ng loob umaakyat . Ako nga yung inuutusan eh ay naku takot ako sa mataas nangangatog nga tuhod ko hanggang dalawang baitang nga lang ako eh akala ko mataas na ako .. Mag gagata raw ng ng puso ng saging , nalang ako nalang maglilinis saka mag hihiwa ,..
Good evening squads Ang matawa papaluin ko sa pwet , Tinawag ko si ante kasi kakain na , Galing kasi siya sa kwarto niya .. Pag labas niya aba 😅 kakulay ng cover ng upuan sabi niya Merun daw sobra kaya ginawang bestida , merun pa daw isa akin nalang daw 😁 ..wag lang daw ako dadalaw sa bahay nila kapag suot ko yun .. Lalo na pag may kainan. Anyway later na
Goodmorning squads .. Tayo ay kumuha ng Bigay ng kalikasan , ulam ng taga probinsya . LABONG. Tag ulan ang paboritong pag tubo ng labong dahil malambot ang lupa .. Kaya tuwing tag ulan magsasawa ka talaga na mag ulam ..minsan nga hinahayaan nalang na lumaki para may kawayan nalang .
Her we go again .. Everyday yan na pinapasulat ko .. Kahit papaano bumibilis narin siya sa pag sulat kasi nakakabisado na niya mga lines Unlike noon na halos talaga ayaw niya mag hawak ng Lapis .. Pero very good na siya kasi kapag sinabi kong sulat siya name niya . Kahit Isa lang kako tatapusin nia agad para maka pag laro siya . Pero syempre merun siyang guildlines ..di pa niya kabisado magsulat ng walang guides.
Happy 9th Anniversary sa aking Beloved Hubby .. Simple celebrate lang naman kasi wala si Hubby ..Wala akong ganang mag luto ng marami.. Bawi nalang kami kapag merun siya nagkataon kasi na 4 Days Audit nila sa pinag tratrabahuhan nila .Kaya sadly di ko siya kasama ngayun .. Nakakamis din siya sa ganitong pagkakataon na dapat kasama namin siya.
Good morning squads .. Simple almusal noodles with mushrooms ..bigay ng kalikasan.. Apaka blessed naman ng lupa ni papa maraming mushrooms na nag si tubo .. Ang galing nga eh dito kinukuha lang dito yan samantalanh kapag nasa city ka binibili ng npakamahal .. Mamaya bungkal ulit kami para sa lunch naman
Lunch time mga ka squads .. Nanguha ulit kami ng Mushrooms for lunch with my pamangkin ...Kanina maliliit pa kaya di p namain kinuha ..pinalaki pa namin para naman sulit talaga .. Bigay ng kalikasan , napaka buti talaga ng may kapal ..tapos my labong pa pero di na kinuha kasi kaka ulam kahapon . Yung ampalaya nakukuha rin yan sa paligid , tinatawag na balang " kusang tumutubo .. Bukas merun ulit yan ..magsasawa talaga .
Video call with mother Earth .. Matagal tagal na rin siyang di nag vivideo call sa akin .. Malapit na kasi ang birthday niya kaya yan nag paparamdam siya Ask ko kung anong ipalakain niya amin sa birth day niya . Ang dami niyang sinabi pero sabi ko wag na siyang mag handa kasi di kami makakapunta 😅 Pero hindi nia alam isusurprise nalang namin siya ..oh di ba .kami na magluluto rito tas ipupunta nalang namin doon sa bahay niya..
Good morning squads Na amaze lang ako dito It's so strange That even experts can't explain it ! You check out and see if it's 2022 will appear.. Everyone's age today is 2022 Did you know your age + the year you're born is the same here as we are today and the coming years? Example: I am 33 years old. I was born in 1989. So 33+1989 = 2022 Really amaze diba .. Try it and see the results .. Use your age during this year.
Dumating na pala yung order ko sa shopee na Photo chromic Eyeglasses with anti radiation at kay baby naman ay anti radiation bagay ito sa palagiang nag use ng Cellphone.. Overseas kaya matagal din dumating pero buti nalang okey siya walang sira . Photochromic nag discoloration kapag natapat sa sinag ng araw , ganda din kahit maraming bad feeds back .. Swertihan lang siguro o dahil 5 star ako sa shopee .. May pang aura na kmi ni bunso
Mga kambing na masarap ibalibag sa barangay 😅. Eh mga pasaway na kambing ng kapitbahay , kinakain ang nanaman ang mga nag uumpisang tanim .. Kinuhanan ko ng evidensya para walang masabi ang may ari na mapagbintang kami😁 So ayan malinaw na nga dumayo pa talaga eh .
Good morning squads Happy 14th Monthsary every one Here we Go again .. celebrating our 1st and 2nd month congrats sa mga nag stay ... Thanks God still andito parin ako he he he Actually dami ng pinag daanan natin kaya walang susuko .. Bless Thursday mga Squads ..
Ito talaga ang Gustong gusto ko kapag nakakalabas ako ng bahay eh yung merun kang babalikan na ganap na minsan lang mangyari .. Yung di ka maboboring kasi puro kingkong ang kasama ..kahit alam mong gutom kana Tatawa nalang para mawala .. Ha ha ha ..sayang di ma upload yung picture Nakauwi na ako kaya lamon agad .buti may tirang ulam .
Congratulations nga pala sa amin Garden of sacrifice over all champion .. Kaya ito lahat ang papremyo namin .. Pang gardening ..At food package .. Pero mostly talaga mga heavy duty na makakapag bilis sa pag bubungkal ng lupa .. Kitang kita talaga ang sacrifice ng lahat mapaganda lang ang Ganden .
Flexing this little girl na Sent sakin ng tita niya a while ago Habang nasa awarding kami kanina .. Naku kapag kikay talaga ang nag aalaga sa anak mo asahan mo anak mo kikay din .. Actually damit ng tita niya pero very fit naman kaya binigay sa anak ko .. So ayan ..pak na pak ang aura .
May pang ulam na for lunch fresh isda from yamang tubig .. sobrang bless naman kapag may katabing ilog kapag matyaga lang sa pag hanap. Off day ni Hubby kaya nagpasya na mag pana ng isda kasi marami siyang nakita kanina habang nagkkape . Kaya , tatlo nlang muna daw palakihin p yung iba para sulit tama na daw yan sa amin 😊
Tawa tawa .. Sa iba Damo kung ituring pero sa di nakaka alam at di nakakakilala ang tawa tawa ay isang halamang gamot na pweding panlaban sa dengue, ashma bronchitis, tumor , high fevet at severe diahrea.. Kumuha lamang ng isang bugkus ng tawatawa kasama ang ugat ..linisan at Pakuluan ng 15 minutes .. Take a 1 glass per hour until fever subsides.. Kaya ako ,hindi ko tinatanggal yan sa paligid ng bahay ko kasi incase na kailangan ko ng Halamang gamot merun akong Kukunin ..
Good evening mga ka squads . Hindi makatulog dahil may nag iinuman sa kalapit bahay ..mga babae maaiingay mag kwentuhan . Buti nalang tulog na si bunso ..hindi na mapupuyat .kaya sarili ko nalang intindihin ko . After siguro ako mag ingay dito pahinga narin ako pilitin nalang kesa mapuyat pa
Good morning squads .. Busy day dahil sasamahan ko si Mudra n mag putol putol nitong dahon ng saging . Assignment daw nila sa Garden of Sacrifice nila para makapag tanim sila ng Kabute .. Marami rami din ito na bundle ,para daw sa 2 plots.. Pag hahanda yan dahil nakiki competent sila .. Per municipality nag hahanda na kaya good luck nalang sa amin Barangay dahil nga kami nakasungkit kaya dapat puspusan din ang pag hahanda .. Sa gabay ng ibat ibang barangay at LGUs .. Salamat…
Preparing For Lunch Musta na merun na ba kayong ulam na maiiluto .. Sakin Good luck nalang talaga sa pag prito ko mamaya 😅.. Sana ngalang ngayun maperfect ko wag matigas or durog durog .. Pero naniniwala parin ako na try try until You succeed /perfect 😁..oh diba . Ha ha ..
Lunch time mga ka squads After 21 years of waiting Nakpag Prito ng tilapia ng maayos.. Mabuti nalang nasundan ko payo niyo sa tamang pag priprito ng isda .Hindi siya durog or matigas today.. sa wakas nakapag prito ng maayos .. Sana maaply ko ulit by next . Tara lets eat Ayan buti nag upload si tortel net 😅
Good morning squads.. Feel na feel ko yung parang mukha ng saging alam niyo yun 17 hrs yata na di ako naka pag ingay .. Ang lungkot pala kapag tortel net noh ,di man lang maka pasok sa site, nanghihinayang yung kikitain mabuti nalang naremedyuhan .. Nakakamis mag ingay . Kaya susulitin .. Happy Sunday everyone
Kumusta mga ka squads Merun na ba kayong napusuang ulam kami Hanap ng Labong for lunch Wala ng maisip na ulam dahil walang naglako today kasi Siguro rest day ng mga tindero . Nakarami na rin kami ng kuha enough na ito sa small family .. thanks God may kawayan pang pag kukuhanan for emergency .. Time to clean it
Hapon na mga ka squads habang ang iba ay mga meryenda ang laman ng kanilang post . Kami naman dito ay kahit tubig ay wala , Nag lakad ng malayo para maka punta sa bahay na nakikita niyo .. Baka pag tapak ko palang sa damuhan nanginginig na tuhod ko ..pano ba naman kasi baka may ahas .. Di lang ako sanay sa madamo .duwag ako kaya sabi ko sila nalang lumapit antay ko nalang sila ..pati yung right of way nila ang sukal din kasi .
Good evening squads . Its time to take a rest ..para merun tayong energy bukas na bumangon .. Kailangang kumpleto ang tulog natin para makapagpahinga ang katawang lupa .. So ayan maaga akong matutulog today kasi bukas birthday ni Mader earth ..wala p akong naisip na pa birthday sa kaniya . Bahala na bukas 😅good nit all
Good morning squads So ayan kahit pangit ang bungad sa kin ng umaga dahil nawalan ako ng net para maka pasok sa site .. tuloy tuloy parin ang ligaya .. Nilodan ko yung phone ng anak ko at ako ngayun ang makiki connect .. mabuti nalang Merun 299 all site for 1 month yung sim ng anak ko .mas nakaka tipid kaysa sa akin na plan . Ngayun ang ending ako ang makiki hotspot . Sana magawa para naman kahit nasan ako nakakapag ingay prin
Done cooking Pansit .. Yeah maagang nakapg prepare para after lunch is Gora na sa bahay ni Mudra for surprise kuno .. Hindi kasi alam ni mama na pupunta kami with foods ..at syempre kasama mga apo niang makukulit at masungit na tulad niya .. Next naman yung spaghetti na iluluto para after that eh mag liligo na kami ..
Time so fast .. So ayan natapos din ang Galaan with kids and hipag .. Pagkatapos kumain sa Bahay nag aya na ang mga bata na mag bike sa plaza ..minsan lang kasi nakakalabas kaya susulitin daw .. Hanggang sa mag agaw ang liwanag sa dilim hindi parin sila pagod kakatakbo . Kahit ako na bubuntot sa kanila eh pagod na marami kasi mga motorcycle at bike na dumadaan . Pero ayus lang dahil napasaya naman sila sa simpleng bagay ..
Good evening squads Natamaan ako ng sipon , eto na ata epekto ng naambunan kanina kaka habol sa bunso ko, Kahit umaabon sige parin sa pag takbo ako naman na panatag eh wala man lang pananggalang sa ulo , binigay ko kasi sa 2 kids ko panyo ko di bale na ako , wag lang sila magkasakit.. Tortel net attack .. Kaya di maka upload 😥
Tanghalinit na na mga ka squads .. Im sorry for being not Active this past few hours .. This day really busy , nag bantay kasi ako ng mga batang makukulit .. isa na dun si Bunso . Dumalaw kasi yung teacher ng mga batang papasok palang sa Day Care . Ang daming tanong ng teacher na di nasagot ng mga bata . Kasi nasa pag lalaro stage palang ang mind set nila . Marami din akong napansin na may umiiyak , excuse na naiihi , nag aaway dahil sa upuan , Nag Story telling , kumanta…
Patapos na ang galaan , Kaya nagutom itong pabebe namin Mag pa burger daw muna ako bago umuwi Kaya dito ang takbuhan ko . Bata palang ako merun ng ganito ang mura pa noon pero di parin namin afford .. Syempre respect nalang natin ang parents natin kapag di tayo ibilhan nito .. Mas gusto nilang kumain tayo ng mas nakakabusog .. Kaya wag nating paranas sa anak natin yung narasanasan natin noon .. Gawin natin ang lahat para di sila matulad sa atin .
Good morning mga ka squads .. Gising na ba ang lahat tara ibang papawis ito Nakakatulong sa paglilinis ng paligid .😅 Yeah dahil nga nakakabalita ako ng mga ahas need ng mag linis linis , nakakatakot lalo na yung mga Philippines cobra . Weakness ko talaga mga ahas .sobrang takot ko kaya para di makakita need mag linis linis at mag tanim ng halaman na ayaw nila .. Anu nga bang halaman ang ayw nila pa Suggest naman ..
Kumusta mga ka squads Late na akong mag kumustahin Lalo sa parts na center ng Lindol Sa Vigan City.Sana walang landslide na nangyari lalo sa kalapit lugar nila Baguio city Kami dito sa Pangasinan malakas din talagang nag si sayawan ang mga puno at poste ng Kuryente . Ako na nag luluto ng sinangag para sa almusal biglang takbo sa labas .hinila ko anak kung naliligo naka bra at panty lang pala saka ko na napansin 😅 ..buti nalang walang tao nasa bukid sila . Yung tubig nga na…
1st dose Recieved.. So ayan si Panganay katatapos lang nag Vaccine para sa anti covid.Ngayun lang kasi naging handa yung katawan nia .. Walang ubo walang sipon .. Saka ayaw ng asawa ko paturukan sana siya .actually di niya alam to. Takot siya sa injection ..after tusok niya umiyak siya pinagtawanan nga siya ng ibang bata 😅 kaya tumigil siya pag iyak .. noong grade 1 ata huling turok niya kaya yan pa OA .. Saka kunti lang pila kasi dito sa school ginanap .. Pero at least…
Good evening squads Natamaan nanaman ng pag Ka tortol net kaya ito , wala munang Pictures na maapload .. Kumain na ba ang lahat ..sana makakain parin tayo kahit sinubok ulit tayo ng Panginoon sa pinag daanan natin kaninang umaga , kung nag babasa Ka ngayun pasalamat tayo sa diyos nakaligtas tayo , pero ipag pray natin yung mga nawalan ng ari arian at sana walang namatay .. Tumatak nanaman sa atin ang araw na ito dahil maraming napinsalang mga ari arian .. Nakakalungkot…
Dear Lord Sana sa patulog na namin maging matahimik ang paligid .. Naway maka tulog kami ng mahimbing ng walang pangamba sa amung pusonat isip n huwag sanang mag kabiglaang sakuna habang kami ay tulog.. Iligtas nawa kami sa lupit ng panahon
Good afternoon mga ka squads .. Ang Pinaka importante na pagkain ay ang Bigas ..Kailangan natin ito para ang katawan ay lumakas . Tayong mga pinoy hindi tayo nabubusog kapag walang kanin .. Dahil Sa katapusan pa ang uwi ni Hubby at busy ang aming Driver . No choice ako kundi bumili sa Sari store ng per kilo .. Sabi ng tindera " Oh bat ng per kilo kana ngayun " pero 1 libo pera mo . Sabi ko busy mga driver hindi kami maka punta sa palengki . Lahat ng makakita nagtataka bakit…
Hapon na mga ka squads .. Kapag ang ahas pumasok na sa ating tahanan may kamandag man o wala ibang usapan na. May tamang lugar para sa kanila.. kahit sino naman makakita ng ahas talagang mapa pahawak ka nang pamalo..at makakapatay madami kasi kung mag react yung iba feeling close sila ng ahas wala daw kamandag at bakit daw pinatay para sa iba mas mahalaga pa ang buhay ng ahas kaysa sa buhay ng tao. Simply lang naman ang gusto ko wag silang lalagpas sa teritoryo ko at wag…
Patulog na mga squads .. Piliting maka tulog nga maga para katawang lupa makapag pahinga din . Simula noong nanganak ako lagi nalang late king matulog ,minsan bitin bitin pa . Kaya ngayun bumabawi na ako .. Kapg mahimbing si bunso himbing din tulog ko .. Kaya sleep well sa mga matutulog n .. goodnight all squads
Tanghalinit na mga ka squads .. Nakaka lungkot nga naman kailangan ko na talaga mag hotspot sa Phone ng anak ko .. Wala akong data 😂 Ako pa naman yung naka plan , ayuko namang magpakabit ng Wifi di kasi madadala kapag gumala walang connection .. Di nakakapag ingay ng masiado .. Ayuko namang kunin yung sim ng anak ko siya naman tong mababagot ..kaya Hotspot hotspot nlng ako .. ..kain na mga ka squads..
Hapon na mga ka squads .. Ang hirap maging ina sa totoo lang kapag napalo mo anak mo ,masama kana agad sa paningin nila .. Yung kabutihan mong ibili sila ng luho, bihisan ,pakainin tapos sa isang palo burado na lahat 🙄.. Drama attack kanina .. inatake nanaman siguro ako ng high blood/anxiety kaya isang mistake palo .. Mga kalaro kasi ng anak ko mga magulang busy sa trabaho nila kaya inshort walang nag aalaga kunti mga tito na di naman tutok sa knila . Anak ko naman maging…
Gabi na squads .. Sa mga antok na congrats sana ako din maka tulog ng maaga ..pero wag maka limot magpasalamat dahil safe tayo ngayung araw. Ipagdasal din sana natin na tayo y gisingin ulit bukas para sa ating mga anak at ituloy ang hamon ng buhay .. Sana sa pagkahimbing natin tahimik din ang kaoaligiran .. Nag tatanong ako sa self ko what if kaya gabi nangyari yung pag yanig yung tipong himbing sa pagkakatulog .. Mas kunti kaya ang nawala o mas madami ang nawala ..😥.. Pero…
Good morning squads .. Busy at the moment ..helping my tita cutting here mulberry tree. Mataas na daw kaya trim lang ng kunti sa taas ..tapos linis linis kunti sa bakuran para daw di mag ala gubat na .. So ayan isang kilong pawis din .tamang exercise ang pag buhat at lakad lakad .. Feeling busy lang .. Anyway kain na ng breakfast squads
lunch time mga ka squads Early lunch dahil Foods is life Birth day ng aming butihing uncle blessed kasi may uncle kaming mabait at matulungin .. Ininvite kami lahat na mag pipinsan gusto daw niyang makita kami sama sama . Sabi niya Kahit anu man ang status ng buhay naming mag pipinsan nakapg aral man o hindi may anak man o wala malayo man o malapit wag daw kakalimutang mag Get together .. Dahil ito ang mag magiging tulay pag mamalasakit sa kapwa .hindi maglalayo ang kalooban…
May na received na pala ako message mula sa SMART Yan bayad na ng postpaid ko .. Dahil yan kay noise apaka blessed talaga ang site na ito . Dahil di siya nag sasawang magbigay .at syempre ang mga mababait din na mapagbigay na kaibigan natin dito .. Sana di magsasawa ang ftatform na ito dahil kunti nakakatulong din ..
Ang lakas ng ulan 😥 Yung tipong malakas na nga ang ulan tapos ang lakas pa ng hangin ..nakaka nerbyus Yung kabado ko sa mga punong nakapaligid sa bahay feeling ko mabubuwal sila .. Yung lagapak talaga ng ulan sa yero eh daig mo pang nalindol ..napapa what if nanaman ako nito eh .. What if nga ba Biglang lumindol .. tapos anlakas ng ulan ..parang nasa pelikula na tayo nito sana wag mangyari ..Pray nalang ..
Dinner time .. Katatapos lang ang malakas na ulan kaya nag sisigawan na ang mga palaka .. Sarap sana mag ulam ng palaka ..kaya lang lasing yung taga kuha may dumayo kasi sakania . Matagal tagal na rin akong di naka ulam nun ..nakakamiss yung lasa niya .. Kayo kumakain ba kayo ng palaka ?😁
The moment like this .. Nag under time si hubby para lang maka uwi dito sa amin at maka bonding mga kids .. Cancel day off kasi sila by august kaya sasaglit lang siya Uuwi din lang mamayang Madaling umaga .. Ang hirap namang humingi ng time sa kaniya nagkataon talaga na walang day off dahil kulang daw sila ng tauhan ngayun .. At ako dito sa baba ..
Oh ayan kahit mlakas ang ulan at hangin tuloy parin ang Lafang iste shibugan .. Birth day ni pamangkin kaya may kainan simple lang naman mairaos lang ang KanyangKaarawan . Thamk God may handa kahit gipit .
Ghost Month July 28- Aug.26 2022. Ito ang panahong tag hirap .. Hindi tayo chinese pero karamihan sa atin naniniwala ghost month.. kaya't hindi tayo dapat maingay at ipagyabang ang ating mga materyal na pakinabang at dapat tayo manahimik at igalang ang kanilang presensa. Ito ang dapat na iwasan sa panahon ng ghost month .. 1. Iwasan ang paglangoy. 2. Iwasa manatili sa labas kapag gabi. 3. Iwasan iwasan ang ating mga labahan for damit na nakasabit sa labas . 4. Walang kasalan…
Treat him like a King then they treat you too like a Queen.. Ventosa para sa pagod na katawang lupa ni Hubby . .. Actually di ko pa kabisado itong gamitin kung ilang minutong dapat na ka intact ..pero ang alam ko 15 to 20 minutes eh dapat ..tapos kapag bata 3 to 5 minutes .. Ibang lenguahe kasi ang nakasulat kaya bahala na . Good evening po da lahat