Simpleng Almusal muna tayo bago lumarga .Mag lalaba sana ako today kaya lang ang lungkot ng panahon parang hindi makaka pag tuyo ng damit . Umaaligid na mga kandidato dito humihingi ng supporta π . Talamak na kaya maging wais nalang sa pag pili ..
@Zanella in May 2022
Ohhh no .. wala na talagang ligtas pati talaga sa mga pagkain merun na ring banta . Nakakatakot kumain ng isda ngayun Kaya di ako muna bumibili ng isda kasi alam ko may mga ganian na di maiiwasan . Mas maganda na talaga yung nanggaling na sa garden para mas safe . That time pa nga noon bumili kami ng isda buti nalang salmon tas prito pa .sabi nila mas mas safe kapag paksiw pangluto dahil lalabass daw ang toxic ..di ka masyadong affected sa lason .. Ang pinaka affected dwβ¦
Yey pinagluto kami ni tita ng meryenda . Mukhang hindi ordinaryong pansit lang parang masarap . Akala ko nga spaghetti ang lulutuin kasi nga may hotdog kanina .pero na wow mali ako . Ang lasa ng pansit manamis π naku naman itong tita kong kagagaling sa abroad .Panlasa ng amo niya ata ang niluto . Di pa naman ako sanay sa kakibang lasa d'best parin ang lutong pinoy talaga π Tara kain nalang
Salamat Lord Ginising mo parin ako .Sakabila ng nangyari sa akin kagabi . Grabe talaga naranasan ko para akong lasing na umiikot na paningin ko .Kalako lumilindol . Yung bunso ko kasi gusto maligo sa poso /tubig gripo sinabihan kong wag na kasi malamig pero di mapigilan . Yumuko ako para paliguan siya don nag umpisa na umiikot na paningin na naduduwal .Hindi pa ako kumain nian that time . Sa Cp namn ayaw ng mata ko yung maliwanag ayun maaga tuloy nakatulog . Para makapagβ¦
Fresh sitaw on hand . Mabuti nalang may nagbenta sa amin kanina agad na ako kumuha kasi Gusto ko today gulay . Sa halagang 30 petot only may isang tali na ako . Adobo or dinengdeng ang luto . Pweding hatiin kasi marami , tatlo lang naman kami kakain . MagluLuto na ako squads seeyounlater ulit .
May pa ayuda si tita .Biniyak at hinati hati na niya yung langka na nangangamoy hinog na . Bless naman ako dahil isa ako sa nabigyan sa dami ng nagkakagusto . of course relatives eh Matamis kasi yung langka kaya dami nagkaka gusto. Masarap din igata yung mga di pa matigas na bunga .
Anung ulam natin diyan mga ka squads . Kami po imbutido lang bagong gawa lang daw ito pero parang puro anu lang π Negosyo nga naman pero ok naman ang lasa pasok na sa bituka . Prito ko lang muna ng kaunti para mas masarap . Bet naman ng kids kahit papaano . Maya ulit po
Napadaan sa may bukid . Tanda parin na umulan kagabi ng magdamag mabuti na ngalang naka ani na sila dito sa part na to .kundi siguradong yuko ang mga palay . Malakas din ang ulan at hangin na dumaan kagabi kaya yung may gulayan na di naabot ng patubig siguradong nagpapa salamat sa may kapal ..
Kamusta na kumain na ba ang lahat .kami late ng dumating dahil naki orientation pa kami sa school dahil sa darating na ftf ng mga bata . Ito nga pala yung ulam Deningdeng na labong namay okra at saluyot . Kapag Buhay probinsya nka magsasawa ka .nakakain ng ganitong luto .libre lang ito dahil nakukuha lang sa paligid .basta may tanim . Eat na squads
Sayang naman naka tulog ako kaninang madaling araw 5.5 pala ngayun . Merun sanang 30% discount . Napasarap ng tulog nagising lang ngayun alas tres na ng madaling araw . Binawasan ko lang ng 5 items yumg 99+ na naka add to cart.π Ha ja ja saka nalang siguro yung iba hindi naman magagamit ngayung panahon eh..kaya next nalang sila.
Mag almusal muna bago makipila sa ayuda π . Simpleng ulam lang muna para sa almusal dahil anung oras na nung nagising . Kamusta naman kaya kami kapag Face to face na π Suzmiyo Alas syeti pamandin ang arrival makaka yanan kaya namin un π ng mas maaga kung nasanay ng magising ng lates
Gandang hapon na mga ka squads kumusta na lahat .Sayang naman yung ipopost ko kanina di ko pala na ipost . Na cancel ko pala . Anyway may gulay nanaman kami nakuha sa bukid . Anu nanaman kayang pang luto nito deningdeng nanaman kaya . Sana may mabiling kuros para malasa kahit abraw nalang na luto .
Kain tayo ng buto ng kamansi bagong laga lang kaya mainit init pa . Masarap parang mani para sa akin. Tamang tama kapag nanonood ng tv may pinapapak . Hindi mabobored manood Anung oras na pero gising pa kids paniguradong late nanamang magising .
Kakatapos ko lang nag laba ..pero habang nag lalaba ako iniisip ko kung anu kaya talent or gagawin ko sa 1st Anniversary ng Channel ng NFSFG π at nung natapos na ako nag laba may nabuo sa isip ko sa mga poster ng kandidato π .. Nag tanggal nalang ako ng poster sa bakod sayang basa rin sa ulan .. Sana nga lumakas loob ko para makasali .. Kaya sa tulad ko lakas lang ng loob walang talo po dito basta importante masaya tayo sa ginagawa natin .
Tulog na kids ko makakapag isip nanaman ako ng plano about sa anniversary ng Channel . Makulit kasi sila kapag gising hindi ako nakaka kilos ng maayos di gumagana yung creativity ko π . So ayan yung isang pinag kaa balahan ko medyo lakas ng loob iniipon ko na ..
Maulang gabi mga ka squads .. Kamusta ang panahon sa lugar ninyo . Nag evaporated nanaman siguro kaya bumagsak ang ulan ang tindi kasi ng init kanina . Habang tumatagal yung init ng panahon nagiiba . Madali na nakaka tuyo ng damit di tulad noon . Si bunso nag eenjoy pa maglaro .di yata gutom
Good morning squads ...Try try until you die π€£ ayan thanks sa supporting ng aking anak sinamahan niya ako sa hamon . Pwedi ko ng isend yung video naghahanap ng lang tiempo .Anak ko lang nagdala sa sayaw sarry na di talaga marunong . Happy 1st anniversary NFSFG
Meryenda na mga ka squads .. Avocado ..hindi ko pa hiniwa dahil iniisip ko kung anung gagawin ko diyan .kakainin nalang ba or i shake nalangπ ..diba matabang kapag shake need ng milk or sugar . Ha ha ha .. Kaya Lagyan ko nalang ng milk powders ok na yun pasok na sa bituka . Walang ng etcheburitshe
Dinner time na kumusta na ang lahat. Tara na kain na tayo naka luto na ng ulam . Luto ng mother inlaws ko di ko kabisado kung anung klasing putahi ito pero masarap . Bago lang naman sa panlasa ko . Tara lets eat na
Una po sa lahat happy Mother's Day sa mga Nanay,Mama,Mommy ,Ina Na Ama , basta mga ilaw ng tahanan na katulad ko di man tayo perpecKto saluduhan parin natin ang ating mga sarili .. Since nanay na ako talaga yung hirap ng mama ko noon nararanasan ko na ngayun ng doble .Tama nga si mama mahirap maging ina May mga bagay na hindi mo magagawa dahil naka focus kana sa anak . bilang isang ina marami man responsibility .. kasayahan ng anak ay kasayahan mo na rin ..
#happymothersday2022 Sabi nga nila ang pagiging ina ay isang sinungaling na tao. Nakahit nahihirapan na patuloy parin na kinakaya ang hirap at problema dahil Hindi lang isang taon ang gagampanan kundi habang nabubuhay . Ang pagiging ina ay hindi pinaparamdam sa mga anak kung gaano nahihirapan .. Ang pag mamahal ng isang ina ay buo kahit nadudurog na ang puso . Kaya mga anak ko mahal na mahal ko kayo di man ako perpekto na ina niyo ..
Ayan yung matagal ko nang gustong ulamin mauulam ko na today π . Natyambahan ko ung nagtitinda ng pang barbieque .. Paa sana ng manok ang bibilhin ko since ubos na kaya ulo at isaw nalang ..sulit na sulit .. Tagal na rin di nakakain ng barbeque mahal na kasi ngayun .noong ako nag titinda 3 peso palang noon mas sulit pa kaysa tag lima peso . Malapit na luto . Wala ng diet nito eh
Nag lilista na ako ng kodigo ko sa darating na Halalan .Sabi ng asawa ko kung ano na daw yung iboboto ko sya na rin daw ang iboboto niya dahil alam kasi niya na kinikilatis ko muna yung mga tumatakbo . Saka Yung iba nagtanong tanong ako kung may naitulong na ba sa bayan . Lahat naman may pabaon pero pili ko nalang talaga yung karapat dapat .Kasi yang mga pinabaon nila mababawi din nila sa campaignfun yan . Vote wisely squads bukas na !
PakPako salad tayo kanwari sosyal walang kaninπ Nagutom akong nakahilata ha ha ha Kaya kain na muna ito na yung meryenda ko may kinaros yan na mangga at kunting bagoong .. Tara kain.bago mag luto ng pang dinner
Di akk makatulog dahil panay kasi ang tahol ng mga aso sa daanan .dati natatakot kami kapag may tao sa labas pero ngayun parang naeexcite ako π βοΈ Paubos na yung pansit na niluto kanina para sa Motherss day . After nito tulog na ako .. Good night squads
Good morning squads .. Kararating lang ni Hubby from working place . Happy naman ako kasi nakarating ng ligtas . Voting place is officially open kaya paunahin na muna ang mga iba para hindi nag aantay ng matagal .. Kain muna para may lakas may shades ..π Vote wisely
Still preparing Ulam for lunch π I haven't finished voting yet .. Pina una ko nalang muna ung mga senior ang hirap mag hintay .. Tapos ang init pa ng panahon thats why
#ElectionDay2022 Para sa Future ng mga anak ko i vote wisely kahit palakihan ng pabaon . Gumising ako ng maaga hindi bumoto gumising ako dahil ipag hahanda ko ng agahan ung parating na asawa ko dahil uuwi siya para bumoto .. Pinag usapan na namin na huwag kami maagang pumunta dahil siguradong mahaba na ang pila at mainit na sa may waiting area Maaga nalang kaming nagtanghalian dahil 11:45am pumunta na kami sa school para ipabilang ang mga napusuan naming kandidato . Dahil saβ¦
Gandang tanghali mga ka squads .. Sa dami ng pinag uutos ng hari ng tahanan ayan ngayun lang naharap mag ingay . Uligaga sa kakaasikaso yung di pa tapos yung isa merun nanamang nag aantay . Kaya para tumahimik nalang mga bata binumbahan ko nalang yung portable swimming pool nila at dun na sila mag babad total ang init ng panahon.. Ngayung tapos na ang election makakapag relax na rin ang utak .
Tamang tama may ulam na for dinner hashtag Pagod ang lola niyo kaya di nakapg ingay .. Kanina sobrang busy dahil namalengki kami ng pang Handa ng aking Father in laws ko .. Saka ang sad naman kasi hindi namin nabili yung Bike ng bunso ko .Yun pa mandin yung purpose namin kaya nag punta kami sa Bayan . Ang mahal naman kasi kaya nag dalawang isip ako .kaya instead na bumili eh saka nalang .
Tandaan Guys Ganito ang lamesa , salas ,at kwarto kapag walang nanay sa Bahay . Saglit lang nawala pero parang isang lingo na ako nawala nabagyo na bahay .. Kaya tandaan niyo mahalaga ang nanay sa bahay .Kasi hindi lang siya nanay ..yaya at katulong niyo narin π Papa lang kasama pero papa nila ayun motor lang nililinisan π yung tricycle ginawa nanaman single π€ͺ Later nalang muna linis muna ako
Malapit na din pla ang Simulation ng Mga bata bilang pag hahanda sa Face to Face sa paaralan .. Bakit naman kasi kung kelan malapit na ftf ng panganay saka naman siya nag kaubo . Eh ayun sa health protocol Kapag ang bata may UBo,sipon ,or nagtatae hindi na siya papasukin para sa ikakabuti ng ibang makakasama .. How so sad naman start palang ng Klasi sa May 16 di na siya makaka attend .. Yun lang goodnight
Good morning squads . Almusal na dahil maagang mag lalaba sana today kaya lang tinamad ako kasi nakikita ko palang yung isang basket feeling ko mauubos na oras ko ..kung di ko naman lalabhan sinu gagawa π maslalo akong matatabunan . Umuwi na kasi si hubby sa working place niya balik ulit siya sa day off ..thanks sa 3 days na kasama namin siya .. Naging masaya yung kids ko .
Hinihintay kong antukin itong batang ito .Katatapos lang nagbabad sa portable swimming pool saka naglaro sa may isang badyang tubig.Di para inantok busing busy Saka Ang alinsangan sa loob ng kwarto kasi parang nasa oven .Damang dama yung mainit na buga ng Electricfan..Parang mas lalong mainit .. Antokin pa kaya to kung ganito kaalinsangan .namis ko tuloy yung punong mangga malapit sa bahay .Dati di ramdam yung ganitong kainit eh kasi na natatakpan kami ng mayabong sanga .β¦
Flex ko nga po itong binili ko sa shopee na tela . Gagawin kong bed sheets at kurtina ni panganay pero kanina pa ako Nakatunganga parang wala pa sa mood yung creativity ko π . Iniisip ko pa kung mag gugunting na ako or manonood nalang muna sa youtube kung paano gumawa ..Baka magkamali sayang yung pera at tela ..
Nilagang saging para sa taong gising . Hindi pa makatulog dahil maalinsangan . Pero mas gusto ko nang ganito kaysa sa tag ulan hindi panatag ang loob na matulog twing bumubuhos ang ulan . Mas nakakatakot .yun lang goodnight all
Malunggay good for the health .. Manok nalang kulang or sardinas pasok ng Ulam . Kailangan ng kids ko dahil nauubo sila kahit yung sabaw lang para naman maibsan kaunti . Hindi na nakapasok ngayun sa simulation nila dahil inuubo siya . Sana nga by Monday ok na sila .ang Higpit ng new normal ngayun .. Good morning squad
Are you Craving ?? Because i am craving too.! balatan ko na raw lahat ng mag isa ko lang sasamahan nalang daw nila akong kakain . Mga anu sila eh !, sila kaya balatan ko at ng malaman nila . Ako naman while nag babalat kumakain ng mangga sila sinuswerti , kahit maubos atleast nakakain na . Sige at ng makarami ako
Kain tayo lettuce nagpabli pa ng Sawsawan para mas masarap .Sakto lang sya masarap di tulad ng iba na may mapait. Tips lang po sa mga naka bili ng lettuce na mapait .Kaya po mapait yan baka sobra na sa araw or stress at kulang sa tubig . Para mawala ang pait ibabad sa tubig na may ice para mawala ang pait. Good morning squads
Ampalaya is real π€ͺ..pait pait naman nito kahit nilamas na ng asin .. Matinding pighati yata nararamdaman nung nag tanim kaya mapait ang benta π Anyways baka ako lang ang bitter kaya mapait luto ko βοΈ. Ha ha ja
Sa sobrang init sinabayan ko narin ng banana que at chips na mainit init din. Tubig na malamig nalang ang kulang para sakto na sa meryenda .Yun nga di pa gising mga kids ko .Kaya mamaya na ako mag meryenda sabayan ko nalang . Parang hawak nila yung bituka ko di ako gutom kapag di sila kaharap kumain π .
May bisita kami mga batang makukulit .Pero yung bunso ko nag malmaldita ayaw ipalaro yung mga laruan niya . Kaya ang ending yung bisita nag stay sa loob ng bahay si bunso ipinunta ko sa Lolo nia . Yung mama kasi ng kids eh nasa abroad so walang nag aasikaso .Yung father busy naman kaya ihatid dito para may kalaro at di mabored. Hirap ng walang nanay na mag aalaga sa anak .
Rain is coming after many days na di nagparamdam .Panay kulog na pero di pa din bumabagsak ang ulan . Kawawa mga halaman sa bukid tuyot na umulan sana kahit saglit lang para mabasa naman ang lupa na sonrang tuyot na kahit ilang beses na diligan eh madaling maabsorb ng lupa .. Kahit ngayun lang sana bumuhos ang ulan.
1st day of school . New Normal para sa mga bata .Mahigpit narin sa school di tulad noon na kahit may sipon at ubo eh nakakapasok parin basta nakakapag concentrate mag aral . Ngayun maraming mga bata ang hindi makakapasok dahil merun silang sipon at ubo .Hindi rin noon naka Simulation anak ko kasi may ubo pa may 2 days ako para agapan ubo niya kaya finally ok na siya .. Blessed Monday everyone
Natawa talaga ako sa sarili ko nung lumabas ito sa feeds ko ..Mother stage na ako pero di ko talaga kabisado Kung sinu sinu yung mag ka sunod sunod na presidente ng Pilipinas. Namulat ang kaisipan ko noong Si Marcos Sr. Na ika 10 na president may mga issues na naalala ko noon tungkol sa kaniya pero bilang talaga .Naranasan ko noon kumain ung mais na giniling ata yun na binibigay ng simbahan . Mura pa bilihin .. Grade1 ata ako noon Eh 32yo na ako ngaYun π ibang iba talagaβ¦
Binatog kayo riyan π .ay wala palang niyog yan naliligo lang sa gatas . Bagay sa maulan na panahon .tamang tama meryenda ng mga bolinggit na makukulit . Sana hindi sila masuya sa tamis . Nakalimutan ko i upload yung Picture π Imagine nalang mais na magatas
Ang mag asawa dapat di naglilihiman kahit anu pa man yan .Kasi mas masakit kapag nalaman pa sa iba . Hindi naman OA reakyon kapag may nalaman na pinag lihiman ka diba ang nakakainis lang talaga yung parang ginawa kang tanga .. Dahil ayaw kong magalit siya ako pa tuloy magpakumbaba ..oo responsible siyang asawa wala akong masasabi .malihim lang talaga . Gusto ko tuloy kumita ng sariling pera para naman di nakakahiya sakaniya . π₯π₯
Happy morning every One .. Have a great Wednesday .. Breathing in Breathing out .. Sana ganun nalang kadali humupa yung emosyon na nararamdaman . Pero Life must go an kahit plastik na nakakasalamuha ha ha ..oh diba Any ways flex may bunso and here New kids Bike ..Like while ago nagpost ako noon na gusto kung bilhan yung anak ko pero controlled lang pera .Kaya di ako nakabili and Tyaraan " KAPAG PURSIGIDO TALAGA MAGAGAWA ANG GUSTO .." GANYAN ANG NANAY NA MAGALING MAG BUDGET π
Nagising nalang ako ng may Nagkiss sakin .Alis na daw siya byahe na daw siya pauwi sa working Place niya . Alam ko may hinanakit sya sa akin nung nakaraang araw . Pinilit ko lang baliwalain yung feelings na yun Dahil ayaw kung may tampuhan kami kasi 2 days lang off niya . Ako dapat magalit kasi nga nag lihim sila sa akin .Di sila maingat sa bibig nya mismo lumabas kaya narinig nung ko nag iba agad ang mood ko . Yan yung tinatawag na "walang lihim na di nabubunyag " Kayaβ¦
Habang nag lalakad naakit ang mata ko sa mga Gabi na nakita ko parang masarap mag gata kapag tag ulan . Napansin ko marami pa banda roon . Yung may ari nito uncle ko ito lang yung libangan niya kapag walang ginagawa sa bukid .Minsan dito rin kami bumibili ng gulay na sahog kapag kailangan. Dahil tag ulan nitong nakaraan mayabong na sila ngayun ..Yun ang kagandahan ng ulan sa mga farmers
On Going parin po ang public viewing ng mga kalahok sa 1st Anniversary ng Channel ng NFSFG .. https://www.youtube.com/channel/UChIN4AyUYAGJg8dDUNezWGQ Sa totoo lang nung 1st na nagpacontest Sila bosing laking sisi ko kasi di ako sumali . Mahiyain pa kasi ako noon at kinikilala pa ng lubusan Ang ka squads . Dahil nakapalagayan ko na ng loob winaksi ko na ang hiya hiya ..Nilakasan ko na rin ang loob ko kahit.parehong kaliwaang paa ko ..
Good morning squads .. House chores muna gagawin ko pagkatapos nito ay Stay tuned ulit ako sa YouTube ..π Grabi ang gagaling ng may entry sa 1st Anniversary ng NFSFG .. Consolations Price Palang panalo na ..Kaya sayang yung mga hindi sumali .Naipakita mo sana rin yung talents at nag enjoy ka pa. . So bawi po kayo next ,kapag magpapa contest ulit si Sir #Ayamedel at Sis #Shellyberry at sis #Katlyn .. Advice lang po Maging active lang po kayo dito sa channel . On going parinβ¦
Flex ko nga pong itong uulamin namin mamaya π nakuryenti ni papa sa ilog Bigay niya sa bunso ko ginawa niyang laruan tuwang tuwa kasi buhay pa . Hindi pa kami kumain kasi busog pa kami sa mangang kinain namin . Blessed talaga kapag malapit din sa ilog may pagkukuhanan ng mauulam kapag sawa na sa karne ..
Katatapos lang talaga naming kumain at ito na nga prinirito kuna yung nagmamakaawang isda . Tinago ko sa anak ko yung pag lilinis sa isda kasi baka pag makita eh mag lumpisak sa lupa . Saka nakakaawa din palang mag siksik ng isda kapag gumagalaw pa . Naalala ko tuloy yung isang picture na . Yung tatay namimingwit ng isda para sa mga anak na umaasa sa kaniya tapos yung tatay ng mga isda na inaasahan ng mga anak ;
Maulang Gabi mga ka squads . Patapos palang kumain at dahil umuulan bukas na mag hugas ng pinggan. Katamad talaga gumalaw kapag maulang panahon . Kumain kami sa loob ng kwarto. Chinese styleπ
Have a blessed Saturday everyone squad's This is it The big day of our Channel NFSFG Happy1st Anniversary π€β₯οΈ Una po sa lahat Maraming salamat po sir @Ayamedel at sa Moderators nating sina @Shellyberry @Katlyn na bumubuo ng Channel. Ang bilis ng panahon nakabuo tayo ng frienship kahit na nasa ibat ibang panig ng mundo . For good and Bad andiyan kayo para makinig sa mga kadramahan or katatawanan na kwento . Kaya sa mga members squads na nakasama ko dito at naka chikkahan koβ¦
Dahil maulan dito sa amin ito na ang disenyo ng bahay namin Daming damit na nakasampay na akala mo nag titinda ng ukay ukay . Nilabhan ko yan kahapon maagang naulan kaya ang ending .Eto Sampay dito sampay doon ganito lagi ang sonata twing umuulan . Tag araw nalang sana π
Mahaba habang lakaran ito gumanda na panahon at ito nga excited ang batang to na mamasyal sa labas .. Parang di umulan ang daling Natuyo ang daanan sa kalsada . Sa totoo lang ngayun lang ulit nakalabas at nakakapag lakad .Lagi kasing nasa bahay gu magawa ng gawaing bahay. Yun lang ayaw umuwi sa bahay π₯
Katatapos lang nag Lunch pero heto nanaman ulit kami Lamon ulit ng langka . Kahit malapit na akong datnan hala sige parin naman ako sa katakawan ng langka . Wag lang makasalubong kundi malaking pagkakamali ang kumain ng langka kapag malapit ng magka redtide . Probinsyana lang ata nakaka alam ng pinag sasabi ko π€π
Meyenda na po tayo . Tambay sa labas dahil maaraw ngayun sarap gumala ... Maraming bata ngayun sa kalsada nagpapalipad ng saranggola . Mahangin din kasi feelin ko di uulan today .
Habang nag kakape napapa smile nalang ako dahil may ulam na kami mamaya . Dahil nga sa tag ulan na ang panahon tag sibol na ang mga labong .Ganito ding panahon ang gusto ng mga saluyot .Kaya paunahan nalang sa pag kuha dahil marami din nagkaka interest .
Ang happy naman araw na ito flood ang blessing galing sa mga bosing ng channel . Sobrang nakaka excite ang awardings ceremony.. Congrats sa mga nanalo at sa nabigyan ng blessing ngayung 1st Anniversary ng channel .. Stay Active squads
Fish galore kami today sawa na daw sa Gulay kaya palit dish . Iba iba talaga mood ng Stomach noh kapag nagsasawa din sa mga pagkain . Eh paksiw ko muna bago ko iprito kapag may natira para hindi madaling masira .. Sili sanang panigang para mas masarap ang amoy.
Habang inaantay ang Nilulutong ulam kain muna tayo mangga .. Malapit ng mahinog kaya kahit wala ng sawsawan pwedi na . Napa time out sa gawain lumamon muna. Hindi pala ako nakapag simba Sunday na pala .ang Dali ng araw .
Kahapon pala yan nangyari habang sinamahan ko yung anak ko na nag bike . Sa patag na daanan pag uwi namin sa bahay Nabuwal daw yung puno ng atis . Pinag kabitan ng sampayan yan nabigatan sa huling nag sampay kahapon kaya ayun hinugasan ulit ung damit. Yan problema ko wala akong sampayan eh lakas pamandin ng init sa part na yan
May bisita nanaman si Bunso Kalat nanaman everywhere. Ang daling magsawa sa laruan kapag nag away yang dalawa pustahan mag silayasan yan. Ang ending ako na mag liligpit Anung oras na dapat nakaligo na kami pero ito inaantay paring matapos ang pag lalaro . Merun pa man ding ubo itong bisita nia π₯
I was worried because i saw my Bunso with bleeding nose , I was Shock and panic .Over the years, months and day my children not experienced this .. As in ngayun lang talaga nangyari sa anak ko .. Katatapos lang niyang maligo akala ko nga pinag laruan lang niya yung ketchup . Pero nung tinignan kung mabuti omg shock talaga ako ..Nag nonose Bleed siya .kaya dali nalang ako kumuha ng damit saka ko binasa at pinunasan ilong niya ... Buti nalang di malala ang bleeding pagkataposβ¦
Oh kay malas naman ng araw ng Bunso ko kanina nag Bleeding ang ilong tapos ngayun naman Ginupitan niya ang buhok niya π€.. May kausap kasi ako kanina habang nagtatakip ako ng butas ng swimming pool . Saka ko nalang napansin nung may nahulog na buhok .. Kaya napasigaw ako pero huli na kanina pa pala siya nag gugupit ng buhok niya .. Dapat talaga doble tutok ..
Good evening po squads She's My bunso in her own haircut style .. Ito nga po pala ang resulta ng kapabayaan ko sa anak ko . Kung titingnan naman sa malayo ok naman ang gupit pero kung titignang mabuti ay di pantay .. Nagmukha siyang lalaki ngayun sa ginawa nia mabuti nalang na ponytail ko ng Ganian bago niya ginunting buhok niya kundi mas pangit ang resulta .. Sa huling pic naman kapag hindi naka ponytail di halata ginunting .. Tignan Ko bukas kung anung remedyo need nitoβ¦
Yung alagang baboy ni papa Ang lonely wala na kasi yung mga anak naibenta na .. Mahal ngayun ang Native na baboy dahil dito sa amin kunti nalang ang nag aalaga dahil bukod sa mahal na ang pagkain parang lugi ka rin kapag di tabain .. Gandang tanghali . Lunch time na
So ayan na nga yung nakakaba eh noong Elections pa walang Covid- patient ang binabalita . Paano naman kasi kung san ang mga Candidato andun sila nakikipag siksikan . Na para bang wala ng virus . So ito na ngayun ang kabilaan na nakikita ko sa news na Tumataas nanaman ang case ng Covid .. Napapansin ko din dito May mga ubo at nilalagnat narin sila nakakatakot lumabas . Mag ingat po tayong lahat .sumisikat na ulit ang virus
Dinner time mga ka squads Bagay ito sa maulang Gabi tinolang Manok na nilagyan maraming dahon ng malungay at talbos ng sili . Sarili naming Manok yan .Mahirap na kasing bumili ng Manok sa merkado may kumakalat ng birdFlue . Ingat nalang po sa mahilig bumili ng manok kilatising mabuti kung san ito nanggaling . Yun lang happy dinner squads
11:10 pm na pala na enjoy magtambay sa Tg nakikimaritess dami ko tawa doon . Hindi na naka pag ingay dahil nawala na sa isip ko ..Mas na enjoy kong may ka chat chat at sa tg. Pamtanggal stress ang mag tambay sa tg sa totoo lang lalo na kung relate na relate sa mga pinag uusapan .. Malalim na ang gabi maaga pa pala bukas gigising dahill face to fae na anak ko . Goodnight squads
Ang babaw na ng ilog ngayun kahit maulan sa hapon. Parang ang sarap manghuli ng isda kasi malinaw ngayun. Kapit bahay namin yang ilog kaya natatakot kami kapag masama ang panahon kasi Karugtong din yan ng San Roque Dam .. Dito sa baba ang kawawa kapag nag release ang Dam .
Flex this location π₯ Ang lawak pero damo lang nakikinabang . Diyan kami dati nag tanim ng Talong then since tindi ng init noon nangamatay na yung talong . Hindi na rin naasikaso sayang yung lote Saka ang pesti kasi dati sa talongan namin mga kambing ng kapit bahay .. Kaya mag diwang na mga kambing dahil mayabong na mga Damo ngayong tag ulan .at walang mapeperwesyo
Hindi pp tumpok ng basura yang nkikita niyo . Mga bunga po ng Langka yan na binalot ng sako . Para hindi mainsecto or makain ng mga pesti . Ang baba naman po kasi ng bunga kaya pwedi magalaw ng mga pesti . Malalaki na kaya araw nalang ang bibilangin pwedu ng i harvest . Sayang naman kasi kung mabulok .ang sarap paman din ng nian
Yung maritess ang nanay mas namamarites din pala yung anak dahil nauna ng pumunta sa mga amegang kapwa bata . Sinundan ko nalang para tignan pasaway kasi kapag nasa kalsada . Lalo na kasama mga batang pasaway ..
At age of 3 tinuturuan ko na talaga mag hawak ng lapis itong bunso ko .Kasi may time talaga na ayaw niya mag sulat . Medyo pasaway na tinuturuan ito mas magaling pa sa akin kung mag utos. Kaya sana may matutunan Sa akin kahit papaano kasi isasabak ko sa day Care 1 ..Dapat makasabay sa mga kaklase soon .. Good evening squads
Hindi ako gumising para ipag luto ang anak ko sa kanyang makakain dahil walang siyang face-to-face ngayun . Gumising ako para maglaba ng mga bedsheet at punda ng unan dahil maganda ang sikat ng araw ngayon. Dahil tag-ulan na mag aamoy kulob na ang mga gamit sa kwarto .
Nag over the bakod nanaman ang mga Kambing ng kapit bahay . Dinadayo ngayun yung Mga nahulog na mangga sa likod bahay . Kung bakit naman need pang dumayo eh ang daming damo sa loteng dinaanan nila . MABUTI NALANG naka bakodnung mga panananim namin Dito sa bahay.
Umakyat sa puno ng manga SI Papa , kinuha niya lahat ng hinog sa taas kasi nakaka bulabog ng tulog kapag nag si hulog sa bubong ng kubo ng baboy ang ingay ng lagapak . Nakakasira ng yero at ilaw .kaya inakyat na ni papa . Gumamit siya ng mataas na hagdan at panungkit na may sabitan na.. Dalawa lang kinuha ko medyo sawa narin kasi sa manga .
Almost done na sa pag wawalis . Naeengganyo lang akong mag cellphone dahil may nagpaparamdam sa notification ko .. Di nanaman ako matatapos nito dahil naumpisahan ko nanaman mag cellphone ..Napaka demonyo tlaga nito kapag naharap na π .. Oh tukso may trabaho pa akong dapat tapusin .π
Avocado for meryenda Naka chamba ng tatlong bunga .Pahirapan pang kunin dahil ang taas ng puno . Mabuti nalang nahinog na pwedi ng kainin .. Ung iba di pa hinog kaya di pa kinuha mas matamis kapag sa puno pahinogin ng kunti ..
Ang boring ng life ng isang taong bahay lang .. Kung walang ginagawa andiyan nalang pa cp cp . Minsan nahuhusgahan ng mga matang pamanuri . Para pantAnggal bagot yung telang binili ko sa shopee pinag kakaabalahan kong tahiin gawing kurtina sa kwarto ni panganay. Natapos ko yung bed sheet niya kaya next naman ito .. Tahing kamay lang wala pa kasing makina eh π hindi ko pa gamay.
Good morning squads .. Sino po dito ang tulad kung nag claim sa Share it ng Points para maka kuha ng free load .. Ang sad naman yung akin May violation daw na nagawa Kaya di maka redeem . Mabuti pa yung sa anak ko naka redeem na ..Sayang naman ung ipon ko sapalagay niyo continue ko parin ba or stop ko nalang to sayang kasi data kung walang mapapala .
Only girls Can relates this Problem. Pills ay isang paraan para hindi mabuntis ang babae . Pinipigilan nito ang pag ovulation kya hindii nakaka punta ang itlog ng babae sa lugar kung san maari itong maabot ng sperm cell ng lalake.pinapalapot din ng pill ang likido ng na naka balot sa bukana ng matris at syang pumipigil sa pag pasok ng semilya. Kaya saludo tayo sa mga nanay na Kayang mag take nito para di masundan agad ang bunso . Although maraming tutol sa pag take ng mgaβ¦
Oh ayan kahit my ulam kami bumili parin ako ng Sikat na ulam ..Bakit sikat ?? Kasi laging nasa Dyaryo π walang iba kundi TINAPA ! Minsan lang kasi bumisita si tita my bentang tinapa . KAYA grab ko na bumili ..sa halagang 40 lang yan sa iba kasi mahal na . Ang sarap ng amoy ..nakakagutom .
Good morning Saturday Be nice to me and i will be nice too ..π Ikain nalang ang stress para magka lakas ulit na harapin ang problema . Kamusta na ang lahat . Squads .Still same problem parin ..ok lang yan masusolutionan din yan one day . Ako ito problema ko di pa ako nadatnan kahit nasa brown pakete na ako π€£ mag ppt na ba ako nito or antayin ko pa .di naman ako palya at kung palya man wala naman si husband eh . Sa time na nagpalya sa pag inom . Ayuko pa kasi magbuntis di paβ¦
Nag linis ng Daanan ng patubig si Tito Nads sobrang kapal na kasi ng dumi at putik marami naring mga basura ang natrap kaya humihina ang andar ng tubig . Hinarangan muna niya sa taas para di dumaloy ang tubig para malinisan kasi mahaba haba rin . Surprised lang kasi may isda rin pala sa patubigan nia .. Bigay ng kalikasan . Yun lang happy lunch sa mga nag lunch na
Brown out ngayun sa amin kaya nagtitiis sa maliit ng portable fan Mabuti nalang kahit walang electric fan eh nakaka tulog parin si bunso . Ang init pa mandin sa loob ng kwarto . Kahit naka efan eh kulang parin .Kaya ito paminsan minsan nag papaypay .
Nakakatuwa naman mga ibang users mabuti sila nakuha na mga pendings nila . Still waiting parin naman ako sana nga dumating. Na rin para di ako kabado . Tara meryenda muna tayo fresh Pineapple ..mas masarap kesa sa Pineapple Juice na pampatamis daw ng anu .π According to Researchers namin sa TG . Mabuti nalang umulan dito nakisama sa Brown out ..
Kalma lang Po di ako mag titinola Mag luluto lang ako ng monggo. May laban pa yan kaya relax lang muna sila diyan kapag talo paramihin sa kawali Charr .. I hope po lahat nakamit na ang mga pendings .. sa mga wala pa hintay hintay lang po ..
Good morning squads Kanina pa ako nag scroll at nag rereply sa mga comments . Di pa pala ako nakapag ingay. Flex ko nga pala itong lilinisan kung ulo ng manok na uulamin namim mamaya π ..bagong gising pa ako nian Good morning start na ako para di maabutan ng Tanghali β€οΈ
Tanghalinit na mga squads .. Ayan malapit ng maluto ang aking adobong ulo ng manok . Favorite ng dalawa kung kids Kwento ko lang squads dati talaga di ako marunong magluto ng ulam Since dalaga ako kanin lang niluluto ko . Asawa ko lagi taga luto nasanay ako na sia taga luto kaya wala akong alam sa pag luluto . Hanggang sa mag work sya malayo sa min .Ha ha ayun nga bawat galaw sa kusina inaaral ko na hanggang sa matuto π .. Ang hirap ng walang alam sa kusina naka dependi saβ¦
Flex ko nga itong bagong ampon ko 2days pala g ata nila dito pero nagpapakitang Gilas na . 2days ko na rin silang tri netrain tumae sa labas para di ako mahirapang linisin eh sa sulok pamandin Ang baho kasi ng pupo nila .kaya dapat matrain . Madali namang mka catch up . Kaya happy naman ako kasi di ako binibigyan ng problema. Need namin ng pusa since malapit kami sa talahiban .. baka may ahas na maka pasok sa bahay nakakatakot di naman yan nawawala eh lalo n kapag may mgaβ¦
Yung akala ko katapusan na bukas my pa 31 pa pala .. Ganito talagA kapag di nag tratrabaho di tumitingin sa Calendaryo walang inaantay na sahod . May naki suyo kasi e Place order ko daw yung gusto niya sa shopee eh gusto niya may pa free shipping kaya aantayin ko sana maMayNg alas dose .. Merun palang 31 ngayung buwan kaya bukas nalang ako magpupuyat . Goodnight
Lunes Malinis kaya laba Day Lumabas si Haring araw kaya nagba kasakaling makakapag tuyo ng labahin kaya agahan ang pag lalaba para di maabutan ng ulan sa Hapon . Ilang araw na. Rin kasing Napapaaga ang Pag patak ng ulan . Kaya habang maliit pa labahin eh labhan na . Good morning squads
Ang batang pasaway Bow. Hindi mapigilan ang batang to na kumain ng laman Ng Niyog . Mabuti nalang malambot pa ang laman nito kaya hinayaan nalang Umakyat sila sa puno ng niyog kasi may gagawing Kakanin bukas . Kaya sagana sa sabaw ng niyog kami ngayun.
May bagong pisa nanaman ang aming alagang Pato . Kabado ako kasi tag ulan n ngayun wala pa silang masisilongang maayos . Nababaha sa parting pinag pwe pwestuhan nila .Saka isa or dalawa lang natitira kapag Nag tagal kasi namamatay sila kung kelan malalaki na sila .. Kaya yan sana nga mabuhay silang lahat .
Late Fiesta mga ka squads April talaga ang Fiesta sa Bayan namin nag taka nalang kami kung bakit nagpa fiesta sila After ng Election . Dami ding rides at peryahan Bukod sa mga nag titinda ng kung anu ano merun ding mga pweding Pagkainan kapag gutom na . Enjoy lang sana di makasalamuha si Virus
Ganito pa ang gawaing ng Mababait kapag gabi noh . Yung tayo ang Nagtanim pero sila yung marami ang kakainin at sila pa busog ng di napapagod . Bukod sa kambing pesti din sa bukid ang mga Daga . Wala ng matinong itanim na di napepesti. Good morning squads
Yung inataki ng katamaran si Bunso ayan walang magagawa at matutunan pag ganiyan lagi ang bata π . Kung ga u kasipag ung Ate niya sa pag aaral iba nman itong bunso ko sa katamaran . Dami dahilan para di mag modules di ko tuloy alam kung ipapasok ko ehπ
Dahil sa lakas ng ulan kahapon naputol pala yung Sanga ng malunggay . May mga ibang naputol din at nag si laglagan pa ang bunga . Yung malunggay sayang naman hihingi pa sana ako pang sahog . Antay ulit mag ka dahon .hingin nlang ung naputol saka itanim
Gandang hapon mga ka squads . Kumusta na medyo tahimik ang buhay natin ah .. Dati dati dami kung mababasa sa notification ko na mga kwento pero ngayun kunti nalang . Ito tara ere ready na ang ating lulutuin for dinner . Gulay is life happy Evening