Hello squads . Ngayun lang nakapag ingay dahil naglaba nanaman ang lola niyo . At gaya ng dati napainit nanaman ni maritess ang ulo ko ..Pano naman kasi kung kelan naka sampay na ako ng labahin saka naman nag sunog .. Napa dabog talaga ako ng beri beri light pinatay ang sunog π€£ ..buti sana kung di papunta ang usok sa labahin ko ..susmiyo Napapa away talaga ako π.
@Zanella in April 2022
Flex ko nga mga ka squads kung saan kami nag tatambay kapag sobrang init ng panahon .. Mababaw lang tamang tama sa mga batang makulit ..minsan dito na rin kami nag lalaba ,at nag pipicnic . Lalo sa mga panahong tag init halos araw araw mga bata dito namamalagi ... Sa taas nian spring or bukal ..malamig
Bagong umaga bagong ani .. Good morning squads . Maagang napabangon dahil maghahanp ako ng sahog sa uulamin namin .Kaya lang mas masarap na yata ang inabraw kaysa sa karne . Baka sakaling may makita pang gulay na pweding isahog..
Arat na mga ka squads may isang pinggang shanghai na .. Kahit yan nalang muna ang balik balikan hindi nakakasawa .. May handaan makikikain kami ha ha charot lang ..birthday ng aking pamangkin ..
Ulan is here ..mabuti nalang tapos na ang salo salo at nag si uwian na mga bisita .. Ilang oras din na masakit sa tainga ang videoke nila eh .saka lang nkaka relax ang tainga kapag select song na .. Ayan mag si tulugan na. Goodnight mga ka squads
Late morning guys ..Happy first Sunday po sa ating lahat .. Napasarap ang tulog kaya tinanghali ng gising kaya almusal kaagad . Sino tulad ko na naglalaro ng ganito habang mainit ang kape .π Pampalipas oras lang . Tower of hanoi must be love .
Nakakaawa nman yung pmilyang na disgrasiya sa Under Construction na tulay sa lugar namin .. Pauwi na raw sila galing outing nung ma aksidenti silang nahulog sa tulay .. Since bata talaga ako taonang kumukuha sa lugar na yun ng buhay .. Lately wala akong nababalitaang kinuha ..kaya ito siguro sinulit .. buong pamilya .. Pero kahit na ganian di natin masasabi kung totoo or kulang sa disiplina sa kalsada ..dahil may involve ng ispirito ng alak .
Meryenda time na mga ka squads .. Isang bilaong biko .. May bisita kasi kami galing manila eh namis daw kumain ng mga kakanin foods .. kaya yan pinag saluhan .. Sabagay hindi naman nakaka sawa kumain niyan eh kasi pwedi pang ikape sa umaga. π
Hindi ako mapagparusang ina ..Gusto ko lang matutunan ng anak kung gaano kahirap maglaba π . At habang bata pa sila matutunan nilang maglaba ng sarili nilang damit .Na hindi lahat ng oras nasa tabi nila ako para ipag laba ko sila .at age of 8 years old kailangan na niyang matuto sa mga gawain ..Para incase of emergency kaya niang pag silbihan ang sarili . Next na ituturo ko mag luto ng kanin ..rice cooker naman kaya ok lang .
Naka kain na po ba ang lahat .. Bitter gourds for dinner.. buti nalang di masiyadong mapait si Ampalaya kaya enjoy ang eating . Walang ngiwee ngiwee kapag kakain π Good evening po sa lahat Tara eats
Good morning ka squads Mansanas ng mahihirap π .Tara kain tayo singkamas .Bigay ng kapit bahay na maraming tanim na singakamas din. Yung amin kasi bata pa kaya wala pang laman . Tas may mga bunga pa kaya ayaw naming bungkalin kasi pwedi pang pakinabangan .. Kaya thanks sa kapit bahay ..nakatikim ulit nito ..
Yay this is it nabiyak na !! Arat na ka squads . Pantagal uhaw sa mainit init na panahon ..Bentang benta taLaga ang pakwan sa ganitong panahon .. Kulay palang nakaka takam na .. Tara kain .
Dahil nakapag laba na ako kahapon pwedi ng bumagsak ang ulan π . Para nman madiligan ang mga natutuyot ng mga halaman .. Makulimlim na at mahangin ulan nalang ang kulang .. Kayo jan kumusta po ingat tayong lahat ..
Good evening Flex ko nga itong bunso ko na Maganat mag color color ngayun .. Kaya lang maka Leni ehh puro Kakampink lahat ng kinulayan niya . Ayaw paturuan π ..ng tamang kulay .. Excited na ako sa pasukan parang to the highest level nanaman ang pagka High ko sa pagtuturo ..π€£π€£
Early morning mga ka squads.. What time it is 1:30am Nasobrahan sa manood sa YouTube .. Luma na . Ewan ko kung san lupalop ako nung enere sa tv. Ito yung kwento ng Precious Heart Romance Present na napalampas ko Ganda din pala nito .. You're mine,only Mine .. Denise Laurel at Will Devaughn ..ang gumanap Buong episode talaga pinanood ko kilig na kilig talaga ako eh bsta PHR. Pero mas kinikilig ako sa sarili kong kwento noh .. Ganda din ng love story ko kasi ako ung Mainβ¦
Linggo ng Palaspas . Ito ang simbolo ng pag asa ..at hudyat ng panimula ng Holy Week .. "Ang matagumpay na pag pasok ni Hesus sa Jerusalem ".. Kahit anu man ang ating paniniwala dapat nating respetuhin ang bawat paniniwala ng ating kapwa .. Happy Sunday everyone
Sabay sabay po tayong mangasim π Kain po tayo mangga . Pinag bigyan lang ang nangangasim na sikmura .. π Masarap naman kahit maasim ..lagyan lang ng asin sapat na π
Kain na mga ka squads .. Hulaan niyo ulam namin .. Siguro nasa isip niyo Lechon Paksiw .. Ay naku sana nga ..tagal nadin akong di naka tikim nun . Pero ang totoo Tulingang Paksiw .. Ang ulam .No to Karne yes to Isda muna tayo .. Isang linggong Gulay at isda .
Sa aabot ang 20 pesos mo .. Sa palengke baka isang tali lang ng saluyot pero dito sa kapit bahay namin .. May talong na may saluyot at kamatis na . Kaya mas maganda na talaga na may tanim sa paligid .. Dagdagan nalang ng sariling tanim .. Yay . Diningding is waving .no to karne muna ..
Hirap nanaman akong makatulog .. Kanina pa gusto kung matulog pero diwa ko gising pa at nag lalakbay .. Mag lalaba pa mandin ako bukas imbes na makapag charge dahil mapapa laban sa labahin eh ayaw makisama . Kaya kain nalang ng nilagang saging hanggang antokin sa busog . Mornight everyone
Dahil Holy weeks Gulay is life .. Ginto na mga isda at Gulay ngayun kaya napa bili na habang may mabili pa . Kanina bumili na rin ako ng bangus ..Pinadaing ko dahil sure ako bukas walang mag titinda ng Pang ulam .. Kaya no worries na ako kahit walang mag iikot na magtitinda .... Gandang gabi sa lhat kayo anung na stock nyung pang ulam ..
Kapag na nanay tayo walang Holiday holiday sa mga gawaing bahay π Katatapos lang sa gawaing bahay kaya ito kahit mahal na araw modules time . Alam niyo na maingay parin mag turo π . Any ways luto na rin while teaching ..para di magutom π
Mounday Thursday Biglang nagutom .Kaya nag kape sa mainit na panahon .. Nagising nalang kasi malakas ng hangin .Yung yero ng kapit bahay maingay parang tinatangay .. Isang hampas ng malakas na hangin baka matanggal na .. Tara kain nalang po
Mag hahating Gabi na pala pero heto nasa lamayan parin kami .. Nagbabantay din Kahit di namin kaano ano pero relatives siya ng Kaibigan ko .. Halos 2weeks din nilang nilalamayan ito dahil naabutan ng Holy weeks .. Sa kapit bahay namin di ako nakakapunta pero ito kahit malayo pinupuntahan namin talaga ..kasi nga malapit na rin sa akin
Daing na bangus for lunch .. Ang sarap ng amoy nakakagutom . Favorite ng kids ko ulamin .. Last na lutuan naubos na ung 3 kilos na binili ko noong Merkules π€£ .. Matakaw kasi kami kapag paksiw or prito ang ulam .. Sana bukas may round na nagtitinda ng isda . At gulay
Biyernes santo na Araw ng pag gawa ng Langis or coconut oil nakagawian na namin dito sa probinsya tuwing pag sapit ng Biyernes santo ay gumagawa sila ng Langis para mas mabisa daw na panghilot . Wala pang batayan pero matagal ng ginagawa ng mataTanda .. Kayo po nakagawa na ba kayo ng langis .
Dahil bawal pa ang karne ngayun At ulam namin kanina ay isda Ginisang Gulay naman ngayun .Kahit wala ng sahog basta masarap ang timpla okey na kami . Busolve nanaman kami nito mamaya ..
Happy easter SUNDAY everyone Ang pag tatapps ng holyweeks . Isang araw yata ako di nkapag ingay .Wala busy kasi kasama ang buong family kaya hindi naka pag ingay . Kamusta kayo kahapon siguro yung mga iba nag enjoy sa outing nila . Yung iba naman nag enjoy nalang sa bahay ..
Gandang gabi po sa lahat .. Last night na lamayan dito kaya makikilamay ulit kami .. bukas makikilibing pa kami kaya di siguro kami makikipag puyatan .. So before going doon kakain muna ako para may lakas maki pag marites esti makilamayπ βοΈ
Arat na mga ka squads .. Manga licious nanaman .tamang tama meryenda time na .. Merun nanamang bunga kaya kami atat ulit nanguha uunahan na ang mga batang mahilig umakyat ng di kanila π
Grabi namang buwan na ito araw araw nalang akong nakakabalita na may nalulunod . Kung hindi Bata teenager maski matanda .. KAhit anung pag ingat talaga natin merun at merung mangyayari . Yung masayang araw sana napalitan ng nakakagimbal na pangyayari . Kaya doble ingat po tayong lahat . Nasa paligid lang talaga si Kamatayan π₯
Good morning ka squads .. Nakapag luto na ba kayo ng Almusal . Mushrooms at ampalaya sapat ng maibsan ang gutom .. Sabaw palang niyan solve na . Mahal ngyaun ng per kilo pero kung matiyagang mag halukay sa masukal tiyak may libre π..
Hapon na nakahanap na ba kayo ng mauulam ngayung Gabi .. Ito tamang tama may nag benta. Fresh na fresh pa pwedi na siguro isahog sa Sardinas poor ako ngayun π . Basta may ulam aarte ka pa ba di ba .walang lugar yan sa kin . Sarap kaya niyan with sardinas .
12:03am Good mornight mga ka squads . Siguradong yung mga iba sa atin nasa kasarapan na ng tulog . Samantalang kami kasarapan palang ng pagkain Ewan ko ba sa mga kasama ko naisipang kumain ng Gabi gabi . Ini enjoy ang kabilugan ng buwan May inaabangan ata .π Busog na ako nasira nanaman diet ko sarap kadi naka hain .. Anyway Happy 11th Monthsary sa tin mga ka NFSFG Ako na unang babati sa atin mga ka squads .. Yeah .. 1 month nalang .
Module time Crying time .. Na high high blood nanaman ako nito basta mathematics . Gusto ko kasi talaga matutunan niyang mabuti para pag dating ng F2F kaya niyang makipag sabayan . Ayuko kasi itulad sa kapitbahay namin na parents ang nag sasagot sa module ng anak nila . Any way Happy 11 monthsary squads ..π
Ginataang saba for meryenda . Bagong harvest lang kanina sa sagingan dahil hinog na yung iba niluto nalang ng gata. Kayo po anung meryenda niyo . More in meryenda na ako less kanin na kasi kinakain ko .. Diet diet kuno kapag masarap ulam jusko di matalunan ng kabayo ang nasa plato π .
Fish Galore .. Dinner time na mga ka squads .. Adobong isda π ..Paksiw na soy ang pinag timpla .. Yung ibang pinaksiw ko prinito ko na kasi mas gusto ng panganay ko . Mas maraming nakakain . Tara kain na baka biglang mag brown out dahil sa ulan .. Kayo musta po panahon niyo diyan?
Before i sleep I would like to thanks Sir #AyaMedel and two #Moderators of this Channels .Sis #Katlyn and Sis #Shellyberry.. Stay strong and more squads to Joins . Happy Happy 11thMonthsary #NFSFG
Climate change.. Yung ang tindi ng init lang kanina pero ngayun ang lakas na ng ulan ,kulog , hangin pati na kidlat .. Senyales na ba ito ng mga sinasabi ng mga scientist. Nasa atin kung paano na ito mapipigilan . Nasa Diyos ang Awa nasa tao ang gawa .mabubuhay tayo ng matagal kung inaalagaan natin ang ating kapaligiran . Ingat po tayong lahat.
Dios mio na mahabagin. Yung kinakatakutan kong nilalang nagpakita na sa akin π± Yung nanahimik na nag gagarden tapos bigla nalang bubulaga . Anak ng ahas mukhang naligaw .Susmeyo ! Lakas maka taas balahibo . Tag init na kaya magsisilabas na sila sa lungga . Kayo anung gagawin niyo kapag may ganito kayong nakita .? Ibalik sa nanay π ng wala ng buhay baka pag lumaki pa siya baka siya na papatay sa amin π
Alas onse na pero yung mga singer na kapit na bahay namin di pantumitigil mag concert . Walang paki sa kapit bahay kung nabubulabog na . May kamag anak ba din kayo na kapag kayo ang maghanhanda eh tinatawag sila .Tapos kapag sila naman eh parang di kayo kilala mas gusto pang pakainin ung di nakaka tulong saknila .. Observe ko na yan noon pa .Halos lahat sila pupunta kapag kainan tapos kapag sila naman .Eh kahit nakita kana di ka pa aluking kumain .. Now i know ! Kilala ko naβ¦
Almusal time na for diet meal. Katatapos lang na nag papawis π Kahit puyat sige parin para maachieve yung gustong fit .. Yung bilbil lang talaga gusto kung mawala .ang sarap kasi kumain . Good morning
Yehey may ulam na mamayang gabi May nahuli na kunti lang naman pero sapat na para ihain sa Hapag . Ganda talaga kapag may kapit bahay na ilog ..Pero nakakatakot naman kapag tag Ulan . Kaya talaga ingatan ang kalikasan . Dahil isa rin ito na ating kayamanan ..
Late meryenda po tayo Bagay sa nag da diet . Kamote at saging na saba na nilaga sapat na . Mukhang kunti nanaman makakain sa dinner Kamusta sainyo Umulan din ba ng malakas ? Mabuti nalang tapos na magbuhos ang mga trabahador at madaling tumigas ung semento dahil mainit kanina .
Mukhang mapapa sardinas ang ulam . Wala akong maisahog eh nag alok si kapit bahay ng bagong harvest na petchay π. Hindi pa schedule ng palengke ko kaya isang bugkos nalang muna binili ko . Atleast di na mag proproblema for lunch
Happy lunch everyone Simpleng ulam ginisang sardinas na may petchay . Sa 35 pesos na halaga may ulam na for lunch. Yummy na kapag timplang timpla . Bawal arte aRte ngayun π
Tara meryenda . Wala ako sa mood lumabas ang init pa .. kaya ito nalaNg muna na sa bahay ang kakainin . Hinog na hinog na eh pangit na kasi lasa nito kapag over ripes na. Bawi nalang next time π
Katatapos lang meeting namin sa school .Malapit ng mag Face To Face daw ng mga bata after ng election entire ng district namin ay dapat mag ftf na .. Kaya todo handa na ang mga Guro sa school dito . Sana nga lang mangyari at mawala na ng tuluyan ang Virus Kaya ito malapit ng maluto For big family π dami kaming visita todayπ€ͺ
Pinaninindigan talaga namin na wag muna ipabakuna ang anak ko na 8 years old . Dahil ayaw ng asawa ko at anak ko .Pero nag bahay bahay yung mga Rhu para isa isahin ang bata na pwedi ng bakunan hinihikayat nila .na magpabakuna Sabi ko kung kinakailangan na bakuhan sila kahit mahaba ang pila ipapabakuna ko basta required . Katatapos lang meeting namin kanina ng mga teacher ng anak ko may bakuna man o wala makakapag ftf sila .. Nung nag desisyon ung anak ko napabakuna na dahilβ¦
Yung gabi na pero heto parin si bunso maganang maglaro . Kung sabagay marami kasing nakain kaya busog nagpapa nadnad pa ng nakain. Musta na po danas nyo siguro yung danas ko ngayun sa noise . Wala akong maview na update post. Anyway kung anu man yang update sana maganda kinalabasan
Good morning squads .. Kumusta na po ang lahat kinabahan din ba tulad ko dahil di nakakapag post . Anu nanaman kaya pakulo .Kinakabahan ako sana makayanan ng lahat ang update . Any way maaga ko today kasi mag lalaba ako Sana lang di umulan sayang effort. Almusal muna
Nag seseparates palang ako ng ilalaba ko from white to colored and short and tsirts.. Pero ayan na umuusok n ang paligid . And very bad timing mukha di maganda ang sikat ng araw today .. Hirap kapag malawak wawalisan π danas ko din yan pero ako tulad nila .
Yung pagod ngang naglaba pag pasok sa bahay Ito madadatnan ..π Nagsilayas na ang kids ng di nag sinop ng laruan . Yung iba kumakain na ako nagluluto palang ngayun ko lang naharap . Kapag nanay talaga wala ng pahinga hinga . Kung anu ung trabaho naka atang ikaw at ikaw lang talaga gagawa .π
My husband sent me a photo recently He said the demonstration is of BFPs was over .. So they took a picture together BFPs trainors. Im happy for my husband .Kasi nakikita ko yung effort niya sa trabaho para umangat .. Na nagmula sa Farmers hanggang nag training ng SG.. Sacrifice talaga na lumayo para sa amin . π Dramatic na ba .time out na nga ..π
Totoo po ba na wala na ang Leefire . Na scam lang sila .Ang dami nag reklamo after ng nag top up ng malaki eh i aannounce na wala na sila . Ang saklap sa mga naniniwala na malaki ang kapalit ng pag top up nila sa apps na yan .buti nalang di ko pinatulan . Anyway di ko sure kung totoo nga yan na balita ..king totoo man hayaan niyo na ang karma ang sumingil .. Goodnight po
Nakahanap ng ulam sa likod ng bahay. Pwedi na itong e atsara or deningdeng . Dagdagan nalang ng dahon ng saluyot or kung anung pwedi . Nakakamiss din mag halungkat ng pang ulam sa tabi tabi π .kapag may pera kasi gusto ung ibang putahi pero pag naubusan na may resback na
Yung bunso ko walang balak matulog ngayun hapon buhay na buhay ang diwa . Tuwing tanghali laging natutulog pero ibeh Nagpupunas ng toys na basa kasi sinama kaninang naligo . Kaya ito mag iingay nalang ako . Habang busy siya . Kayo musta tulog ba chikitings niyo
Simpleng Almusal muna guys bago sumabak sa isang bagong umaga. Para magkaroon ng energy ang katawan sa mga gawaing nag aantay. So ayan na nga tulog pa mga kids kaya ako nalang muna dahil mas makakagalaw ako kapag tahimik pa. So ayan Kain muna .mamaya ulit mag ingay
Anu bang nangyayari sa bunso kong ito nag iba na body clock hirap ng patulogin ngayung tanghali . Puro na laro inaatupag gising na gising nanaman ang diwa ..Parang matanda na naglalaro sa cellphone . Suggest naman po kayo vitamins na nakaka antok.π ..meron ba kaya nun?
Rides ended .. Uwian na may sahog na sa ulam Naka gala na nga may naiuwi paπ May dahon ng malungggay lang naman akong nahingi sa kaibigan ko sakto kasing kumukuha din siya . Kaya yan total malago nman naki hati din .Ha ha syempre di mawawala ang pagka marites . Ayun na nga daming chismis talaga kapag lumalabas . Ayiko na ngang magbike
Hindi pa naman siguro huli para sabihinh Kain na tayo ng lunch . Dahil sa gawa ng gutom eh ayan nong paubos saka naalalang wala pa pala akong post kaya ito nlang naisipan ko π . Ginataang dahon ng kamoteng Kahoy yan na may sahog na dilis .. simple pero napataob ang kaldero π