read.cash Log in
@Zanella

@Zanella in September 2021

@Zanella

Quality Time Creating good memories and spending quality time with family and friends will be my all time favoriteπŸ’•nothing that can makes me happier when i’ve seen people gathered together having a good time Coz good memories will linger in my heart till in my old and gray times..and even in my last breath😘 Pero ngayung Pandemic paminsan minsan nalang kami nkaka pamasyal at ito Na nga sinulit ng mga Kids ko kasama ang Papa nila .. Good evening po Eat dinner na po

@Zanella

17 Variety of Mayana bounds to Pampanga By Tommorow .. Dadalhin ni Hubby Sa Work niya request ng CRS ng Pinag tratrabahuhan niya ..Pinag day off kasi siya samantalang yung ibang ka work mate kniya kinancel ang day off nila ..mabuti nalang nakalusot at malakas sa bossing itong si Hubby ..Kaya naka bonding nmin sia nG isang araw lang . .Bukas pag gising ng mga bata wala nanaman siya πŸ˜₯ monitor nanaman ang kausap.Pero tanggap ko na dahil para naman sa future namin yun ..

@Zanella

Good Morning NFSFG , Happy Thursday!! I pray that you have a safe, happy and blessed day..

@Zanella

.. Late na po kami kakain eh .. Magluluto palang ng Diningding for lunch guys .. Sinasanay ko yung mga anak ko sa gulay para pag laki nila d sila maarte sa ulam 😊😊 una na po kayong kumain ..malapit ng Kumulo ito at susunod nalang kami Happy healthy Lunch

@Zanella

Dinner is Coming up Mag luluto pa lng po Ako ng mOnggo πŸ˜… Kunti lang ang bigay ng kalikasan na Mushrooms dahil maraming kaagaw .. Madali lang itong maluto dahil sa pressure cooker ko iluluto pra po Madaling. Lumambot ang monggo .. Maganda Gabi po sa Lahat ..

@Zanella

Thursday NFSFG Ayan rest mood na po kami pwedi ng mag ingay Pero sa araw na ito sobrang nakaka stress may awayan nanaman patungkol sa lupain ..iba talaga dulot ng may lupAin noh πŸ˜₯ Nakikilala ng pamilya ang tunay na kakampi ..at maraming mga nagpapanggap din na kakampi Pamilya mo nlang talaga msasandalan mo s pagkakataong ito..

@Zanella

Late dinner na po Kararating lang from Lolas House .Super pagod sa byahe kahit nKa upo lang πŸ˜… Saka walang signal sa lugar nila only Globe 😩 kya now lang mag iingay .. ginataang balinghoy with tulingan ang naabutang ulam sarap din nito . na mis ko'to hindi ko na matandaan kung kelan ako huli nakapag ulam nito. kain po tau ☺️ Gikd evening all

@Zanella

Friday NFSFG Yay ..Ang dali na ng Panahon mga kaibigan mamaya niyan Christmas na talagA . Sabagay kahit hindi pa Christmas eh umuulan n ng Pa blessing sa ating Admin at Moderator Thanks sa Walang sawang Paambon 😁 ❀️❀️❀️

@Zanella

Good morning every one Start to Eat Breakfast to keep you Hunger in Whole day πŸ˜… dahil dito tayo Huhugot ng lakas para lumaban sa buhay ❀️ Kapag may tanim sa bakuran Gulay is life talaga ..

@Zanella

Flex ko lang naman itong nagpa gising ng diwa ko kanina ang laking gagamba malapit na sa aming tinutulugan ..sarap sanang hampasin pero naawa nalang ako ..nakipag laban siguro ito sa butiki kaya kulang ang paa nia nakain πŸ˜…

@Zanella

Saturday Kain na mga KFSFG Nagluto ako ng fresh Talong na may cornbeef ,Eggs bawang at sibuyas .. Talong patis πŸ˜… favorite ng mga kids kasi kaya palagi din prito ko ..

@Zanella

Yung Ang sakit na ng Ngipin mo pero hindi pa ubos pasalubong sayo ng Husband .. Hindi mo alam kung sweet ba matatawag sakniya ikaw ba naman tinabakan ng Sweets 😩 Nakaka diabetes wala pa jan yung 3 supot ng Choconuts , at barnuts 😣😣 yung iba nga pinamigay ko na .. Sinung may Gusto kuha na πŸ˜…

@Zanella

Good Morning Have a bless Sunday .. Nag luluto ako ng Garlic Longanisa for Breakfast... Kailangan natin kumuha ng lakas sa ating kakainin para makapag trabaho ng maayos ang ating Katawan ..

@Zanella

Happy Sunday NFSFG Unity commands a blessing! Basta may pagkakaisa ang biyaya ay automatic na. Pero hindi ito pagkakaisa sa mga bagay na walang kwenta. Ito ay ang pagtitipon sa bagay na napakahalaga at 'yan ay ang pagdarasal ng sama-sama lalo na sa banal na eukaristiya. Salamat kay father Joseph Fidel Roura kahit online lang na nabusog nananman ang aming kaluluwa 😁

@Zanella

Long Hair to short Hair Sabi ng Panganay ko ..Ipagupit ko na daw yung Buhok nia .. Kasi gusto na daw nia masuklay ng deritso kasi nahihirapan daw sia ..Sabi ko nasasayangan ako kasi gusto ko i donate yan gawing weg ng may Cancer ..sayang naman kasi Virgin Hair pa yan at sama mahaba ..alaga ko din yan inaalisan ng Lisa at Kuto ..Kung ipapaputol ko walang makikinabang . Ipagupit ko nalang o trim nalang

@Zanella

Tubig is Life Ang pagpapanatiling hydrated ay mahalaga para sa kalusugan at kagalingan, ngunit maraming tao ang hindi umiinom ng sapat na tubig araw-araw. Hindi mo gugustuhing kumain ng 13 kutsaritang asukal. Kaya bakit mo iinumin ang mga ito? Piliing magtubig, para magandang kalusugan ay mananatili ..Wala mang epekto ito ngayon pero baka balang araw mararanasan mo din ..Kaya Drink 8 glasses of water a day .. Ingatan po natin ang ating kalusugan dahil ito ang ating Puhunan…

@Zanella

Sunday Joke *pumara ng trycicle" driver :. sasakay ka? - hindi, hahabulin kita, andar kana. 🀭 Attitude din noh πŸ˜‚

@Zanella

Good morning Monday Start Again a new Weeks .. Lets Create a Good positive chapters of life Have bless simple Breakfast in the morning everyone .. Kain po tayo

@Zanella

I wanna share din yung Shinare din sakin ng Kapwa ko Plantita Ito yung homemade insecticides dahil marami po ngayon insekto lalo na pag tagulan sinisira ang ating mga halaman mas maganda pa rin organic fertilizer libre pa at di harmful iyong mga gulay na ating kakainin. Blend Lang po ang oregano at isala sa cotton at pwede mo na spray maganda mag spray sa hapon po! Sana makatulong ito sa inyo ng mga tanim Saka may nabasa din ako na Ayaw din ng lamok ang amoy ng oregano…

@Zanella

Monday Musta na mga Ka NFSFG Lakas na ng Ulan at kulog dito sa amin .. Hindi nanaman nasunog ang mga basura may sampay kasi ako at biglaan ang buhos ng ulan bukas nalang siguro ..sarap kasi humilata kapag pagod knina πŸ˜… time na para Mag Luto dahil baka mawalan nanaman ng kuryenti ..

@Zanella

Good evening guys its not late to take a dinner my family's favorite dish, my Ginataang kalabasa, sitaw and shrimp, This dish are composed of kalabasa and shrimp cooked in coconut milk or coconut cream. Everytime I cook this shrimp recipe. I make sure to cook an extra cup of rice because the wonderful flavor of this dish always increases my appetite .. Unli rice is waving

@Zanella

magandang gabi po sa lahat.....sino po nakakilala ng gulay na ito? so yummy and healthy....gamot sa taong may saltik....ay maliπŸ€­πŸ€¦β€β™€οΈπŸ€£βœŒβœŒβœŒ taong lasing pala hehe tara po lets eat🍽 #buhayprobinsya

@Zanella

Good morning Tuesday MaAga kami pumunta sa talongan ng Bayaw ko nakakawala ng stress pag nakikita mo ang napaka dami bunga at sariwa dami nila ani grabe na eexcited ako makapagtanim ng ganyan kadami.. Kaya minsan dami naming abastong talong dahil maraming bunga πŸ˜…πŸ˜… Magkanu per kilo niu na jan ng Talong ..

@Zanella

Late lunch Alugbati salad. Mura po ngayon ang alugbati. Samantalahin natin ang sustansiya nito. Ingredients: boiled alugbati, sliced salted egg, sliced black olives (optional), sliced white onion, sliced tomato. Dressing: ihalo lang ang calamansi at asin Good afternoon

@Zanella

Tuesday NFSFG Lafang din tayo ng pipino Guys Galing din ito sa bakod ng aking bayaw everyday yan na nag haharvest pang kain lang namin ..Minsan pinamimigay sa kapit bahay din kapag marami .. Anyways ..ingat po tayong lahat sa Bagyong Jolina ..medyo sumungit siya dahil may pahangin kasi taob na naman ang aking halamanan nito eh .. Sa Green nandun ang mga talong sitaw, sili at pipino na pananim..

@Zanella

Dahil maulan kahapon pa lumambot na ang Lupa . Tumingin tingin ka sa paligid.at May makukuha kang grasya tuwing umaga at sa hapon,nililibot ko ang tanim naming kawayan at saging, sulit naman ang pagod ko nakita ko na sila may pang ulam na, 😊😊😊 salamat sa grasya πŸ™

@Zanella

Yung Tipong hindi ka pa nakaka move On kay Jolina ..Pero paparating nanaman si Kiko .. JOLINA SLAMS LUZON; KIKO ENTERS PAR #WeatherAdvisory SEVERE TROPICAL STORM β€œJOLINA” and TYPHOON "KIKO" Issued at 5:00 AM, 8 September 2021 Plus starting today LATEST UPDATE:Inanunsyo ng MalacaΓ±ang ngayong Lunes na isasailalim ang National Capital Region (NCR) sa General Community Quarantine (GCQ) mula Miyerkules, Setyembre 8 hanggang Setyembre 30. Keep safe po sa ating lahat .. Rainy…

@Zanella

Habang maaga pa Mag umpisa na kong magikot ikot sa bakuran,kinuha ko na ang mga pwede pa sa pininsala ng bagyong Jolina. Matibay ang sitaw nabagsakan ang balag ng puno ng saging laban padin.

@Zanella

Good evening alam ko dumaranas tayo ng maulan na panahon at marami ang nasalantang mga pananim Isa din sa Itinumba ang malunggay kaya ang ginawa ko para di masayang tortang malunggay ang ulam namin paborito Nang mga kiddos ko kasi sabi nila burger steak daw sa jollibee okie na ito masustancya na pagkain galing sa garden ng kapit bahay na hinagupit ni Jolina πŸ˜… taas ang kamay ang naka kain na ng ganitong luto πŸ˜… Probensyana

@Zanella

Good Morning Every one Bless Thursday At dahil kay Jolina May mga naitumba siyang mga branches ng Talong Kaya nag force Harvest ulit kami .Mabuti nalang maganda na ang panahon makakabawi din kami ..

@Zanella

Sa totoo lang po sa buong buhay ko at sa tagal na di namin pinapansin ang Bunga ng Tibig dah sabi nga nila Lason daw po ito pero hindi pala Natutuwa ako sa mga nadidiskubre ko dito na mga pwede pala makain o useful na dati akala ko damo lang o pagkain ng hayop. At sa mga fruitful gardens nyo! 😍 Marami pwede makunan ng ideya dito. Hope kami rin madevelop na rin namin ang property namin dito sa probinsya sa mga susunod na buwan. Tibig - dito ko nalaman nakakain pala ito! FIG…

@Zanella

Good evening po sa ating lahat siguro naman po busy tayong lahat na magluto ng ating makakain Ginataang Gabi para nagyung Gabj partneran ng pritong hawot, kanin na lang ang kulang..Ganito kasimple buhay sa probinsiya,basta may tanim ka..kung gusto mo ng dagdag na pangulam ikot ikot ka lang sa Garden at my masarap na gulay ka na..basta sipagan mo lng din ang pagluluto... Sana hindi kumuntra sa tyan πŸ˜… mahina pamandin ako nian pero masarap eh Puro nalang muna kami sa Gulay para…

@Zanella

Good evening NFSFG Kapag isinuko mo na sa Diyos ang buhay mo, siguradohin mong mahigpit ang kapit mo, dahil siguradong mamamangha ka sa lahat ng mga biyayang ibibigay Niya sa'yo. Basta mag tiwala lamang tayo sakniya hindi tayo pababayaan .

@Zanella

9.9 na sa shopee ..Gusto kong mag order pero parang may pumipigil sa kin ..Damit ng 2 kids ko sana ang kukunin ko pero inuunahan ako Na Wag daw muna ako Gumastos dahil hindi natin alam kung may biglaang emergency .Ang laki pa mandin sana ng discount ko ..Lugi sa akin si Shopee eh .. Hanggang 12 lang ang promo ..πŸ˜… ang hirap naman Kalabanin ang "whaT if? 😁

@Zanella

Goodmorning Pilipinas Ganda ng Panahon ngayun umAyon sa aking Lakad Sana nga maghapon na ito dahil naka Schedule ako ngayun Sa National ID ..sana nga matuloy na para matapos na .. Next nlang problemahin yung schedule ng Vaccines para sa Covid.. Pero bago ang lahat Tara mag almusal muna tayo para may Lakas tayong Pipila ..

@Zanella

National ID done .. Thanks God na tapos din after ng pagkahaba habang pila sabagay Mobile Registration of National I'd kaya malapit lang naman sa amin dito sa barangay namin . Mabuti nalang at may Mobile registration time less para sa may anak na hindi maiwan at maka punta PSA para mag paregistro.Hindi maka pag ingay dahil walang signal ang Subscription ko dun πŸ˜…πŸ˜… pero di ako naboring kasi Kapwa ko taga sa min lang ang kasama namin parang nasa kalye lang kung makipag biruan…

@Zanella

Kapag talaga ang nanay tinamad sa Pag luluto ng ulam ..Meatloaf with egg lang Muna daw ang ulam namin ..Kids requested Ang hirap kasi araw araw mag iisip ng mauulam πŸ˜… Lalo pa nabubutas na ang Bulsa ... Maulan po kasi kaya tinamad pumunta sa may taniman ng gulay ..Pero ok naman nakaraos parin .. Happy Dinnertime Guys

@Zanella

Good evening ka NFSFG Patulog n ang kids ko dahil kakatapos lang mag tiktok ..Natawa ako ang daming take bago maperfect ng bunso ko ..aliw na aliw siya sa filter ng tiktok .. pinililit niyang sumayaw kahit di pa marunong kakatuwa lang kasi na eempluwensyahan na siya ng mg tiktokerist ..

@Zanella

Kaya ka naghihirap magtrabaho kasi ayaw mong maranasan ng mga anak mo ang hirap na napagdaanan mo. Nag-iipon ka ng mga bagay na materyal para sa iyong paglisan ay meron kang maiiwan. Sana ganun din sa aspeto na espiritwal kasi mas mahalaga itong pamana para sa kanila. Sikapin mong hindi maranasan ng mga anak mo ang hirap dulot ng kasalanan o walang pananampalataya.

@Zanella

Maulang umaga ... Kumusta po tayo sa ating mga lokasyon tulad po ba namin na maulan din at Maitim ang kalangitan.Past 8 na nung may kumatok sa Pintuan ng bahay ..Magbibigay ng Lugaw .nakakatuwa talaga si Father in Law ko kahit naka separate na kami saknila nag bibigay parin sila ng foods sa amin ..1st apo kasi kaya alaga sila since birth din wala akong masabi talaga sa kabaitan niya ..

@Zanella

Tara na kain na po tayo ng Lunch Mamaya ko nalang kau babalikan Adobong sitaw para sa ulan n umaapaw πŸ˜… Galing ito sa taninamn namin fresh na fresh manamis namis pag bagong pitas Nagpakuha nalang ako dahil di ko rin maiwan si bunso mag isa .. Happy eating

@Zanella

Good afternoon NFSFG Meryenda is waving .. Hindi parin tumigil ang ulan ..sana nga umalis na ang Bagyong kiko para wala ng Tanim na mabubuwal .. Kawawa naman mga Palay na pausbong pa lang baka masira ..

@Zanella

Hindi pa huli para mag alok ng Dinner dahil tulad namin kakain pang kami πŸ˜…..Isa sa mga paboritong ulam ng Pamilya Tinadtad na langka na may monggo, gata at daing na tuyo plus malunggay mula sa aming garden . Tara Dinner na po tayo πŸ™‚ Good evening sa lahat

@Zanella

πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡ Lahat tayo ay may karapatang magbago kahit ano pang sabihin ng ibang tao tungkol sa'yo. Hayaan mo sila sa kanilang opinyon. Ang responsibilidad mo ay baguhin ang 'yong direksyon. Goodnight everyone Have a bless evening

@Zanella

Sa Umagang Maulan ItsFun Sunday masarap kumain pag sama sama ang pamilya hindi man kumpleto dahil may trabaho hindi hadlang para lahat di magsalo salo .. Maulan sa labas tinamad ng lumabas kaya kung ano food stock yun nalang.. Good morning at mag ingat po tayong lahat kay bagyong Kiko ..hindi man malakas pero nakaka pinsala naman ang patuloy na pag ulan niya ..

@Zanella

Nandiyan ka na eh. Malapit kana sa success mo. Magpapahila ka pa ba sa iba? Oo, masasaktan ka pero hindi mo dapat hinahayaang maapektuhan ka at masayang ang lahat ng mga pinaghirapan mo dahil lang naniniwala ka sa taong nag dadown sayu. Bangon kapag nadapa. Kung 10x ka nadapa 11x ka babangon! Ngiti kapag nagwagi.πŸ€— malakas ka at magaling ka at deserve mo umasenso. Ang sitwasyon mo ngayun hindi pa yan ang destinasyon mo. Marami pang success ba nag aantay sayu. Kaya laban para…

@Zanella

Kumusta na po huminto na ang Ulan sana mag tuloy tuloy na ito para wala ng masalantA pa Ito nga pala Ulam pangmahirap.. Kabute na may miswa at malunggay Milyong salmat po sa Dios..dahil kahit kmi'y mahirap meron paring pang ulam n mkukuha lng sa paligid

@Zanella

Sunday NFSFG Kailangan natin magtrabaho upang ang ating mga pangarap ay magkakatotoo. Walang libre sa mundong ito! Kinakailangan nating magbanat ng buto upang makuha natin ang ating mga gusto at makamtan ang buhay na pinapangarap para sa'yo at sa pamilya mo. Salamat Father Roura nabusog nanaman kami sa pangaral mo ..

@Zanella

Hello po kamusta this monday is my reproductive days ..Dahil maaraw po kanina maraming ginawa .. this is the Another batch ng aking sibuyas scrap wag niyo consume lahat ng sibuyas itira po iyong May ugat, para may magamit uli di niyo pansin nabubuo na po siya uli,at magkadahon,si panganay ang taga tanim ng sibuyas super Happy siya pag nakikita niya nasibol mga sibuyas niya. Train up a child in the way he should go and when he is old,he will not depart from it.

@Zanella

In India , Queen of the Night is called"IRULADAVARE IN KANNADA" meaning "Night Lotus" It is believed that the wishes of people who pray to God while the flower is blooming will be fulfilled. No harm in trying🀭😁since blooming ulit ang aking "Queen of the Night"matry nga if effective tlga☺️ Praying for good health to everyon Like the viral my Queen is blooming again😍 Mabukadkad na gabi po sa lahat ha ha ha

@Zanella

Sa taong ayaw na talaga, kahit 'yong maliliit na problema, palalakihin niya. Pero sa taong gusto pa at nagmamahal talaga, kahit 'yong malalaking problema, paliliitin niya magkaroon lamang ng pagkakaisa at bagong pag-asa. Goodnight everyone

@Zanella

Umagang kay Ganda tara na libot sa kapaligiran kuha ng panungkit at tayo ay manunungkit ng rambutan sarap kahit green pa.. matamis na.. salamat may natira pa... talaga naman .. sisipag, manungkit sa hindi naman nila tanim.. lagi nalang tira tira nakukuha hindi na makahinog ng husto...pwersahan ang Harvest baka maunahan ulit.

@Zanella

Good morning.NFSFG Tama ang kasabihang, "Libre ang mangarap!". Pero hindi libre ang pag-abot sa pangarap. Para maabot mo ang pinapangarap mong buhay at 'yong buhay na gusto ng Diyos para sa'yo dapat magsumikap ka at huwag sukuan ang problema. Kaya start na trabaho para pangarap ay maabot

@Zanella

Time check for meryenda ..its rainy afternoon lugaw/arrozcaldo po tau... with lots of ginger and leeks fresh from da backyard sawa na sa mga nabibili kaya luto nalang total completos rekados na ..magluluto nalang ang gagawin 😁 Kain po tayo Buhay probinsyana 🎊

@Zanella

Buong Taon ngayun ko lang nanaman nararamdamang makati ang lalamunan ..Para bang nag babadyang Gustong umubo ng umubo ..susmeyo naman pinakahate ko pa man ding ang umubo hindi ako pinapatulog kasi nito ..Wag naman sanang mauwi sa ubo ito .. ang hirap pamandin ngayun dahil pandemic baka sabihin kung ano na ito ..πŸ˜₯πŸ˜₯try ko luya baka sakaling guminhawa ..any suggestions lang kung anu pa mabisang gamot sa makating lalamunan ..

@Zanella

Ang Biyaya nasa Paligid lang yan kung alam mong diskartihan at hanapin πŸ˜… Isang mapagpalang Umaga mga kaingay Maagang naglibot baka sakaling may bigay ng kalikasan dahil naulan kahapon lumambot nanaman ang Lupa ..at di ako binigo ..may ulam ulit na masustansiya .. Kahit maka Sampo lang pwedi na sa sabawan ..ulam ng mahirap buhay probinsyana 🎊

@Zanella

Good afternoon po sa lahat kumain napo ba kayong lahat .. Tara po pasyal po tayo sa Garden para naman mabisita din ang mga pananim Everyday jan kami kumukuha ng pang ulam Diyan din kami ikinabubuhay .. kapag ang tao may tyaga sa pag tatanim at pag aalaga sa mga Gulay aasahan natin na may kapalit ito balang araw .. Proud Buhay Probinsyana 😁

@Zanella

At because of Noise.Cash Mapapasalamat shopee nalang talaga ako and i bought it in 9.9 shopee day in received it kahapong ng morning ..Nilabhan ko na agad para maisuot kinagabihan and thanks God lahat naman ok Good quality, color ,and sizing ay puro tugma sa inorder ko .. Happy nanaman two kids ko dahil may new Pajama Attire nanaman sila 😁 Saka sulit ito dahil nalugi ko si Shopee ..🀣 practikal Nanays here ..

@Zanella

Anung ulm natin mga NFSFG Musta na ang lahat dito .. Talong at isda nalang muna tas prito sawsaw toyo calamansi ..o paksiw mother choice or kids choiceπŸ˜… Medyo madalim na ang kapaligiran hindi naman tuloy ang ulan hindi tuloy nadiligan ang mga pananim ..

@Zanella

Magandang Gabi mga kaigan May naka pag sabi sa akin nito lang at ngayun ko lang nalaman talaga ...alam nyo po bang may prutas na kapag kinain nyo sya lahat ng kasunod na pagkain o inuming alak o gamot ay hindi nyo malalasahan ang tunay na lasa? magic fruit po ang tawag dito.. maghanap na po kayo nyan at magtanim sa inyong hardin, promise po kahit lasa ng gin matamis πŸ˜…

@Zanella

Cornbeef Panandaliang luto para sa kumakalam na sikmura wala mang maidudulot na sustansya basta maibsan ang Gutom . Humugot sa pagkain Para gawain ay magampanan .. Good morning po sa lahat maaga akong maglalaba ngayun para maaga din ako matapos .Mejo hindi pa litaw c haring araw pero sana nga mag hapon sia umaraw . Bless Thursday

@Zanella

Dahil ang nanay ay sinipag nag luto ako ng Lumpia πŸ˜… ..pweding pang ulam na rin to ..may meryenda kami The version of chicken lumpiang shanghai... Natutunan ko ang dish na to sa mga nakikita ko sa fb.. very thankful aq masarap pla tlga.. pwede nio rin po itry.. meryenda na po tayo😊

@Zanella

Gulay is real ! Minsan kailangang bumili ng ibang gulay para maenjoy ang ulam dahil sa mahal talaga ang gulay kapag binibili nman yung nasa paligid nalang nauulam 😁. Diningdeng na malunggay, kamote okra at sitaw at pritong tilapia, gg para sa Dinner time Pumapatak na naman ang ulan ..sana lumamig ang paligid at ng mapahimbing ang tulog

@Zanella

Kumusta NFSFG Nauubo ako 😩😩 Ito na nga yung kinakatakutan ko eh tuwing mahihiga ako nauubo ako ..nakikiliti ung lalamunan ko kapag gumagawa naman ng gawaing bahay ayaus nalang ko ..ang hirap pa mandin ang nauubo ..lalo pa bukas may lakad ako baka pag tinginan ako nito eh ..

@Zanella

May nabiktima nanaman ang Venemous Cobra ..Buwan buwan na yatang may ibinabalitang may kinagat ng Cobra ..sobrang nakaka stress kapag ganito ang ibinabalita hindi na natin alam baka nasa bahay narin natin sila πŸ˜₯ saka may haka haka na baka may nagpakawala ng mga Cobra para tulungan ang covid 19 na maubos ang mga tao Diyos ko na mahabagin ..ilayo kami sa ganitong.problema 😩😩 https://www.facebook.com/156404404558970/posts/1856126321253428/

@Zanella

Ang haba ng pila .. Tiis tiis lang muna Para makuha ang Ayuda from beloving asawa πŸ˜… .. ha ha ha saSahod na ang isang may taong bahay .πŸ˜…βœŒοΈ Kada kinsenas katapusan Kasi nagbibigay sa akin ng ayuda dahil hindi siya maka uwi ngayun at dahil diyan padala nalang nakakasad kasi di siya makakasama ng Kids .. Sana Next month bumalik na para maka uwi na siya ..

@Zanella

Meryenda time na po tayo... Pano ba naman, pumunta ako sa palengke kaninang umaga at isang tray yung itlog na binili ko, kaso ewan ba, bigla ko nabitawan yung kahon ng itlog, kaya yun, yung isang tray 13 pcs na lang ang natira. Pero yung iba, cracked lang naman. Kaya kesa masayang,ginawa ko na lang omelette. Hahaha ..sayang naman kasi kung itatapon lang naman ..parang nag tapon lang ng pera 😩

@Zanella

Sa totoo lang po kanina pa ako naii-stress sa bagong update ni noise.. kaya e kinain ko na lang muna bago ko ulit problemahin dahil bukod pa diyan Meron pa ako ng isang ginagawa dahil isa din ito sa nagpapa stress sa akin .. malapit nang lumalim ang gabi wala pa akong natatapos .. kumain na lang natapos ko goodnight na po sa mga matutulog at sa naii-stress tulad ko dahil sa update laban lang wag tayong susuko

@Zanella

Magandang umaga po sa lahat .. Lugaw nalang muna ang kakaininng yung umaga .. Para mamayang tangahli saka mangungublema ng ulam ulit ... Naiistress ako kagabi kay noise eh sana hindi ko nalang ginalaw yung wallet para deretso parin kay cph .

@Zanella

Happy weekend everyone! Kumusta na nakakain na po ba ang lahat For today's lunch: SINUAM na mais sa giniling at malunggay, Tas Pritong GG. Sino sa inyo ang tulad ko na mas gusto yung ganito kaliliit tapos ipiprito ng malutong. Yun bang pati tinik at ulo walang tapon😊

@Zanella

Its time for Spaghetti time requested by kids Gusto daw kasi nila sa Jollibee 🀣 pandemic kako bawal bata sa labas baka magalit pulis ka gawa nalang less Gastos pa kahit half kilo lang mapag bigyan itong mga batang naglilihi .😁 Carbonara din sana gusto ko pero wala ako ingredients saka di kabisado ayaw din ng panganay ko kasi magatas dw πŸ˜†

@Zanella

Magandang Gabi kaigan Tara na kain na ng dinner para maagang makapag relax Ulam pra sa mga kulang sa budget at hindi maarteng katulad ko Patola at talbos kamote pinitas sa bakuran Miswa na may ksamang pancit bicol Presong isda pansahog Busolve na ang bituka namin

@Zanella

Kamusta mga ka NFSFG Bukas Sunday No Movement Day namin sa loob lang daw kami ng Bahay pati sa palengki at maliliit na sari sari store natamaan ng Protocols ng aming Lalawigan.. Kung isa ito para maiwasan ang hawaan why not pero paano na kaya yung kailangang kumita para matugan ang needs nila para bukas .. Anyways ingat nalang po tayong lahat God bless

@Zanella

Sa totoo lang, we don't need too much right now. Yung nagising ka na ay isang biyaya lalo na kung may panlasa, pang-amoy, nakakahinga ng maluwag ay tunay na pagpapasalamat na sa Panginoon . Huwag nang maghanap pa ng kung ano-ano sa buhay, magdasal at patuloy na magpasalamat. Good night all

@Zanella

Good Morning Sunday.. Pork & beans ,peanut butter and slice bread ang nasa aming hapag dahil No movement day kmi ngayun ayun sa Protocol ng aming province stay home lang daw kami ..Sa online lang din kami nakinig ng pangaral ng ating Lumikha .. Peace be with you all

@Zanella

Maaga akong mag luluto ng Pananghalian dahil may gagawin ako mamaya Sinubukan ko po ulit😊 Pritong labong o tortang Labong dahil maraming Labong na nakuha sa may kakawayanan .. Habang naluluto nauubos naman ng junakis meryenda daw nila Tipid sana ulit sa ulam kung di mauubos eh πŸ˜‹

@Zanella

Lunch time na po Guys Kinain ng kambing yung Nag tumpok ng bulaklak ko ang ganda na sana ng pagkayabong nia Sa tagal na nakatanim ngayung buwan lang namulaklak ng Madami akala ko tao lang nagagandahan nito pati pala Kambing ..back to zero ulit tignan ko kung Mabubuhay .. Pero ulam namin ngayun karne ng Kambing πŸ˜…πŸ˜… dahil naubos yung tortang labong kanina

@Zanella

Dahil hindi makatulog ito nalang aatupagin ko ayusin ang batiya na nabasag ng Anak ko pinag swimmingan nia kasi hindi nia napansin may bato pala sa ilalim kaya yan sira kaya tatapalan para mapakinabangan pa sayang naman kasi bago pa lang yan ..

@Zanella

Sweet avocado and Papaya in Bed nagising sa pagkaka Idlip dahil nakabukas pa ang tv samantalang nakatulog .ang mga nanonood .. kaya napabangon para patayin .. Check cp fullcharge na kaya mag iingay na ulit habang nagpapak ng Avocado and papaya .. Good evening all

@Zanella

Breakfast is on the Table .. Pansit Canton and fried slice bread na nilagyan ng Itlog At corn beefsa loob .. Ito nalng muna ang kakainin huhugot lang ng kunting lakas para makapag laba dahil tirik ang araw ngayun ..Pero yung kapit bahay ko busy sa pg sunog ng basura nia .πŸ˜…πŸ˜…

@Zanella

Gandang Evening sa atin lahat Dinner is ready Gulay uli tayo ngayong hapunan. Wag na daw magprito ng isda at isda na kagabi at kanina. PAKBET TAGALOG naman tayo ngayun .. Gulay is life Happy eating everyone

@Zanella

A small "ATIS" bow! Harvest from the yard πŸ˜‹ Kumain tayo ng atis dahil marami itong benefits sa ating katawan pampalinaw ito ng mata at panlaban sa sakit ng puso ..( pag nag break kayo ng jowa mo ito ang ibato mo ha ha ha charrr) .. mayaman ito sa antioxidant at higit sa lahat anti Cancer din ..sa totoo lang marami talagang benifits ang atis ..kaya ok lang ng lumamon ng lumamon nito ..

@Zanella

Beware beware !!! All Noise.Cash wallet Expecting na may $1.11 na ako sa noise wallet ko pero pag check ko sa Noise.wallet ko i have 0 balance .. It seems unfair someone takes a bch wallet without working hard we don’t realize we have been robbed.. Nung Sept 18,2021 lang ako ng sent from noise wallet to coin.ph wala ng sumunod pero sa transaction ko may Sept 19 ,2021 at nakuha na lahat ng bch ko Yan ung bch acc.nia at 61 noise acc ang nakuhanan just in 1 day ingat po tayong…

@Zanella

Do not rush, because everyone may have the right time. Things that are easy to get are something that are also easy to lose. Happy 4th Monthsary NFSFG Good morning .. puyat isnreal ako nito dahil sa trouble na nangyari sa noise wallet ko .. na.Fix ko naman pero sana mag working at ng dina maulit ang nangyari ..thanks kay Sir @Jeoff tinulungan ako .. inantay kung ma ka minimum pay out ako para naman .sent ko agad sa Cph ..mahirap na daming kawatan ..

@Zanella

Good morning BreakFast is already... Bangus na Sinigang para sa Puyat na katulad ko .. Na Stress ako kagabi dahil sa Noisewallet ko .. pero sana nga na fix na at di na mauulit ..Sayang talaga yung dalawang araw na pinaghirapan ko ..but anyway God is Good All the time ..at di siya natutulog ..

@Zanella

Happy Lunch every one Pasok sa panlasang Probinsyana "Inabbraw" version ng ilokano hindi ito ginisa basta binagoongan lang no Sagpaw(sahog na karne or isda ) πŸ˜… Sitaw ,saluyot ,singkamas at pallang Gulay is life galing ito sa Likod bahay fresh pitas 😁 mapaparami nanaman ako nito ng kain .. Kain po

@Zanella

#4thmothNFSFGchallenge Heres my Entry sir Aya Excited kids ko na kinulayan yung Funsign ko kaya help nila ako tas pinakita ko saknila na mga naka post dito sa group with fansign kaya naki effort din silang mag papicture .. Hagard lang ang lola niyo kakatapos yarn maglaba πŸ˜…πŸ˜… Happy Happy NFSFGSary !!

@Zanella

Happy 2nd birthday to my beloved pamangkin πŸ˜… Naki salo sa munting handaan Kami kami lang naman dahil sa GCQ kami at malapit kami sa Kalsada baka biglang mag ronda ang Kapitanang nanampal πŸ˜… ..

@Zanella

Good evening po sa lahat ng andito Isang araw na naman ang papatapos Punong puno ng excitement ang araw na ito dahil sa Pa challenge Ng Aming bossing @Aya at moderstor sina SIS @Katlyn @Shellyberry.. More Pagsasama to come God bless

@Zanella

Good afternoon noon Freshly squeezed dalandan juice🍹 Para sa lalamunang Makati at pakahol kahol πŸ˜… Dios mio marimar kailangan na tin ng Vitamin C sa dami ng Nagkakasakit sa Paligid natin ang hirap ng may ubo at sipon sa panahon ngayun hindi mo alam kung ordinary lang o carrier kana ng virus .. Pero una sa lahat palakas tayo ng resistensya para maka laban tayo sa sakit

@Zanella

Someday , everything will make perfect sense ... so for now just laugh at the confusion, smile through the tears , and keep reminding yourself that everything happens for a reason ... Bless Wednesday

@Zanella

Gandang Gabi Abangan po natin Bukas daw ay magaganap ang "Autumnal Equinox" ito daw ay halos magkasing-haba ang araw at gabi. At Pagkatapos nito,ay unti-unti nang hahaba ang gabi kaysa sa araw sa mga bansang nasa Northern Hemisphere tulad ng Pilipinas. Hahaba na ang pahinga natin sa Gabi at Hudyat din ito na nalalapit na ang Amihan season sa bansa. Ilabas na ang Jacket πŸ˜… Source: Pagasa

@Zanella

Tamang Gatas at kain ng Kamoteng kahoy para sa puyat .Biglang nagutom sa pagkakahiga bumangon at nag timpla ng mainit na Gatas Antok dalawin mo muna ako namimiss na kita πŸ˜… ..Nangangati nanaman kasi lalamunan ko naglagay ako sa leeg ng tela para di malamigan ang lalamunan ang hirap ng may ubo lalong di nakakatulog ..

@Zanella

Green day Kami ulit ngayun Pananghalian Namitas sa likod ng bahay fresh bunga ng singkamas at Sigarillas ginisa nalang sa sardinas at nilagyan ng Malunggay para lubos lubos ang ang sustansya na dulot .. Solve na naman kami ..Mamayang hapon anu nanaman kaya mauulam πŸ˜…

@Zanella

Gabi nanaman mga kaigan Yung 15 pesos noon na binili mong talbos ng kamote sa palengke tinanim ko yung matigas na stem. At yan nakapagharvest na ako ng pang ulam. Almusal dapat to eh. Pero mas masarap pag fresh kaya iluluto ko na for dinner ...Bagoong nalang solve na .

@Zanella

Pag alam mong tama ang gagawin mo kahit may alinlangan ka pa, ituloy mo! Pero 'pag alam mong mali ang gagawin mo kahit kalmado ka pa, itigil mo nalang .. Goodnight NFSFG .. Bed rest na

@Zanella

Dahil may tinumbang puno ng saging ang ulan kahapon na napakalakas ..naka pag Banana que rin sa wakas .. Para sa Meryenda .. hindi pa masiadong hinog pero carry lang lalambot din yan pag nanguya na 🀣 .kayo po musta kayo nakapag meryenda na po ba ang lahat ..

@Zanella

This time Chicken bufallo wings but not at all wings πŸ˜… is our Dinner for tonight .. Busolve kami dahil napa extra rice .. Ngayun lang ako nag luto ulit nian mostly kami tinola nalang saka adobo πŸ˜… .. dahil kompletos rekados subukan ulit at ng maka ulam naman ng ibang lasa .. Good evening everyone .. Have bless friday

@Zanella

May people who are hardworking in the beginning but eventually laziness is prevalent You can't blame them because sometimes they also get tired especially when what they do is not appreciated. But let us remember that God always sees that He will reveal and reward us for the good we do. Goodnight NFSFG

@Zanella

Kahit anung gawin mo talaga kapag tinamaan ka ng sakit tatamaan ka talaga ..Mga kapit bahay namin sunod sunod sila na nag kaka ubo,sipon ,lagnat .. kahit anung tago po namin sa loob ng bahay namin kung sila naman pupunta sa bahay mo wala parin matatamaan ka parin ng virus kung anu man ang meron sila.πŸ˜₯ Ang hirap namag ipagtabuyan ..kung umubo pa sa harap ng anak ko di man lang naka face mask ..mahina pamandin.resistensya ko dahil di ako nag tetake ng vitamins .. Mga anak ko…

@Zanella

Hapon na mga kaigan its time to cook for dinner bale Yan po ang na harvest ko sa aking mga tanim may pang ulam na kami iisipin ko muna kung anu pa pweding isahog at anung luto πŸ˜…πŸ˜….. may sitaw pa pero kaka sitaw lang kasi namin kanina ..baka bumigay ang tuhod ko niyan eh πŸ˜…

@Zanella

Dahil maaga kaming kumain ng dinner nagutom ulit at papaya ang nahalungkat ..Ito yung papaya na nas likod bahay namin hindi pinapasin kasi maliliit ang. BUnga pero matamis naman ..Pag bukas ko naka social distancing ang dadalawang BUto πŸ˜… madamot ayaw magparami .. .Anyways ingat tayong lahat uso na trangkaso ngayun ..ako makating lalamunan palang pero sana gumaling na kaagad nahihirapann akong matulog ..

@Zanella

Prayers are so powerful. May mga biyaya tayong natatanggap sa buhay hindi lamang dahil sa mga dasal natin kundi dahil din sa mga taong tayo ay isinama sa kanilang mga panalangin. Good evening NFSFG

@Zanella

No Movement Day kami Ngayun . Family Bonding sa loob ng Bahay . Pati ang barangay naki trending narin sa Squid Game .. malaki ang pataw na parusa kapag may nakitang pagala gala sa kalsada .no second chances kaya stay Home lang ..Pero ang aga palang may mga bata na nag babasket ball sa kapit bahay .. ..bahala na sila jan ..tas may mga magulang na naririnig ko lakas ang aga aga armalite ang bunganga pati kaming kpit bahay nakakarinig .

@Zanella

Bago kami naligo kanina nagluto muna ako ng Milk.Jelly with Oreo para habang naliligo eh tumigas na at di na mainit ... Pang meryenda ng kids ko pag ka gising .. di ko na nilagay sa ref bawal muna kami sa malamig dahil inuubo pa kami ..First time ko lang Gumawa nian kasi may stock na ingredients .. isa na yan siguro sa ihahanda ko sa Bday ng panganay ko..

@Zanella

Pipino Para sa nangangati kong lalamunan ..masarap isaw saw sa maasim na suka kinuha ko lang sa taniman namin .. hindi nakakasawang kainin kahit araw arawin .. Kain po tayo pampatanggal ng gutom 😁

@Zanella

Yung kabit bahay mong may extension ang birthday ..No moving Day pero may paalak c kapit bahay kundi mayaman ... May utang naman na babayaran sa katapusan ..Bat ka pa ba mag cecelebrate ng bonggA eh di naman kaya ng budget mo .. ayan tuloy nangutang sa Lending .. goodluck nalang Wag tayong mangutang para mag mukha tayong mayaman para sa huli di Tayo mahirapan ..

@Zanella

Kapag tayo ay nasaktan ng kapwa, unang pumapasok sa puso at isipan natin ay ang paghihiganti. Ganyan tayo eh! Pero hindi natin pwedeng ilagay sa ating mga kamay ang bagay na 'yan. Tandaan po sana natin, sabi ng Panginoon, "Vengeance is not yours. It is mine." Kaya hayaan na lang nating Siya ang maghiganti sa pamamagitan ng Kanyang dakilang paraan. Good night NFSFG

@Zanella

Sabi nga nila Kapag malinis ang bahay at masinop ang kagamitan .. Siguradong walang bata sa Loob ng bahay ..πŸ˜… ako halatang may bata sa bahay kapag iniiwan ko kids ko ganito nalang ganap πŸ˜₯ bunso ko galing ng mag sulat pero sa Pader πŸ˜… .. kaya ako todo linis sa Kalat noon pero nung nasanay na ako ..pinag sasawa ko muna silang mag laro

@Zanella

Mag English vegetables naman tayo ngayun lπŸ˜… wag naman daw puro Filipino Vegetables like pang pakbet πŸ˜† anakis ko dami alam na tawag Jusko pagbigyan naman natin sila ..gusto ata kumain ng chapsuey eh .. mas mahal kaysa sa Bahay kubo ..isahog ko nalang ata sa pansit busolve pa

@Zanella

Squid Game Anu ano nga ba ang dapat na matutunan natin dito . .Ang nakuha kung lesson sa game na ito ay ang mga sumusunod: -TEAMWORK -STRATEGY -PLANNING -GOAL -DON'T TRUST ANYBODY AT THE END..... GAMBLING IS NOT GOOD TO ANYONE..LALO NA TO KILL PEOPLE TO WIN THE GAME? PLAY SAFE WITHOUT HARMING ANYBODY..

@Zanella

Hellow musta mga NFSFG musta ang Day ako ito naubo parin .. Ganyan talaga ang buhay parang life, minsan ay sometimes, kaya matuto tayong tumanggap ng acceptance. Halimbawa for example ang baby ay sanggol. kung hindi mo maintindihan you don't understand. basta kaibigan lagi mong tandaan, wherever you are, you are there. at the end of day ay gabi. Ha ha ha Sorry na Magulo ba ..antok lang siguro to 🀣 Kaya goodnight na po

@Zanella

Na shock ako nung dumaan ito sa News feeds ko ..Ngayun ko lang napanood grabi ang kalikasan kung magalit Sa Tinublan Cebu daw ito Actual Drone footage ...kalma ang panahon pero bigla rumagasa ang tubig ...Sana ung gumgamit ng drone Na detect namn sana niya na lumalakas na ang tubig para mabigyan ng babala ang mga dayo .. rest in paradise sa mga nangamatay CONDOLENCE SA FAMILY

@Zanella

Ayun oh nabawasan ng 1/4 na taba πŸ˜… dahil wala ang aming sasakyan at busy silang Lahat nag bike nalang ako papuntang School para kumuha at magbalik ulit ng Module ng aking anakis .. Hindi pa ako sanay mag bike dahil takot ako sa daanan lalo na kung may makakasalubong ... Buti nalang nakayanan πŸ˜… para sa module ng anak

@Zanella

Casava chips for Meryenda daming dinala dito sa bahay galing sa tanim nila .nag sawa na daw kaya binigay na sa akin Gawa ni mudrang Mahirap gawin pero sulit naman kapag na tikman .. .pweding pang papak habang nanonood ng pelikula πŸ˜…

@Zanella

Kapag nagkasala sa'yo ang isang tao, kausapin mo muna sana ito ng personal. Huwag mo munang ipagsasabi sa iba kasi baka ikakasira niyo pa. Spread love not hate. Good afternoon NFSFG

@Zanella

Isang mapag palang gabi ulit sa ating lahat ..Heto ang aming magiging ulam ..Sayote na may itlog ..mejo matrabaho dahil sa pag gayat palang kailangan na ng minuto para magawa ..πŸ˜…ito pero pag katapos nman siguro nito eh madali na ang next ..anyways ginagayat na nila yung sayote ..uumpisahan ko palang itong isaπŸ˜…

@Zanella

My order in Shopee is coming up . .. na modus ko nanaman si Shopee Laking tulong talaga ang voucher plus ung Bunos coins na pinamimigay .. School Supplies para sa kids ko since yun ang gusto nia .. Actually guys nagiisip ako na Bigyan sia ng 8 gives since she's coming 8th year old this coming Oct. Mag iisip pa ako kung anu ano pa pweding Egive saknia .. .May Five pa kasi 3 na ung gift nia good luck smin sana maibigay ang kaniang hiling

@Zanella

Maaga palang naka hanap na po ako ng mauulam para sa dinner namin mamaya. Best in innabraw muna kami since wala akong nabiling isda or pan sahog ..Di bale sa Timplahan nalang magkaka alamanan ... Luto muna ako Guys

@Zanella

Yung tipong tuwang tuwa kana sana kasi nakaipon na ng pambayad kay Judith .. Pero dahil di nag tanong at di pala alam ang mag pasa ng COins.ph to coins.ph Nawala ang pinag hirapan ... Cph kasi ng asawa ko ang naka kakarecieve dahil sia complete ids ..eh ako taongg bahay lang kasi .so ayun na nga Instead sa cph to cph nauwi sa Load eh di ko pa mandin kailangan ng load :( dahil naka plan ito.. Nakaka HB talaga :( sayang

@Zanella

Native na Luya bow MaUna ko munang gamitin ung leaves kesa sa laman...para naman hindi mabawasan at d masukal sa garden Nagagamit po ung dahon same as sa health benefits ng laman.. ..less gastos rekados na 😁

@Zanella

Habang gumagawa ako ng gawaing bahay .. i check my little one nagpapa ka busy sa Bagong learning toy nia ..kakarating lang yan kahapon at pinalaro ko na para maka asikaso ako ng ibang trabaho .. Para hindi puro nlang gadget ang pinag kaka busy han nia .. ..

@Zanella

Late meryenda po tayo my home maid Pizza kakagawa ko lang naman po yan ..walang masiadong toppings dahil yan nalng muna nakayanan .. at yan lang din gusto ng kids 1st try lang naman kung masarap ang home made

@Zanella

Atis ulit ang aking midnight snack sarap ito manamis namis ..galing sa sariling puno ng ating ..iipunin ko ang buto nito ..para maparami ang aakyatin ng mga susunod na henerasyon ..

@Zanella

Hindi maiiwasan sa tahanan ang hindi pagkakaintindihan na minsan humahantong sa bangayan. Mas mabuti sana kung maaayos agad bago ito lumaki pa. Malaking bagay kasi para sa mahal mo na nagkakaintindihan at nagmamahalan kayo. Good morning NFSFG

@Zanella

Nagising nalang ako dahil oras na pala para byahe ulit ni Hubby pauwing Work locations niya . Kakauwi lang nung Alas 3 ng kahapon tas uuwi nanaman siya ngayun 12 hrs lang ..Ang short time lang nakasama ng kids ko pero kahit papapaano naging happy ung dalawa ko at dahil wala daw silang day off di sila pweding umabsent dahil kulang sila sa Tao. Cctv Operator sia sa isang Mall (SG) pang umaga na siya ngayun hahabulin nia Pang alas nueve n duty ..Naghatid lang ng budgets namin…