read.cash Log in
@Yuuki more from that month

School

Kooku Love Story Chapter 2 Ji Eun's POV Ji Eun: Alex Alex: Hmm? Ji Eun: Kilala mo ba yung lalake nayun? Alex: Sino? Ji Eun: Yung lalaking kakapasok lang kanina Alex: Ah si Jimin, bakit? Ji Eun: Wala lang Alex: Crush mo nuh? Ji Eun: Hindi nuh.. Alex: Eh bat mo tinatanong? Ji Eun: Wala lang Alex: Suss! alam mo ba maraming naghahabol na babae kay Jimin Ji Eun: Talaga? Alex: Ne isa siya sa pinaka gwapo at sikat dito sa campus Ji Eun: Bakit marami pa ba sila sikat at gwapo dito sa campus? Alex: Ne pito sila at alam mo parang magkakapatid ang turingan nila sa isa't isa kasi bata palang magkaibigan na sila Nakikinig lang ako sa sinasabi ni Alex habang tinitingnan ko naman si Jimin kanina ko pa kasi ito naaabutan na tumitingin dito. Alex: Ji Eun nakikinig ka ba? Ji Eun: Huh? ahh Oo naman pagpatuloy mo lang Nagpatuloy na nga sa pagsasalita si Alex nang biglang mag ring ang bell. Alex: Ji Eun una nako sayo huh Ji Eun: Sige Tuluyan na ngang lumabas sa room si Alex hayy may pagka madaldal din ang isang yun nakakatuwa talaga siya. Jimin's POV Pagkatapos ng 2 subjects break time na namin. Tumayo na ako at tumingin muna ako sa kanya nakaupo parin siya hmm wala sigurong balak umalis. Agad na akong lumabas sa room at pumunta sa room nila hyung. Jimin: Hyung! Hoseok: oh Jimin Taehyung: Ang saya mo ngayon hyung ah Jungkook: Oo nga hyung Jimin: Hindi ano kasi uhmm Hoseok: Ano ba yun? Jimin: May bago kaming classmate Taehyung: Talaga? Jimin: Ne at ang ganda niya Hoseok: Jinja? ituro mo naman samin Jimin: Sa tamang panahon hyung Taehyung: Oh tara na puntahan na natin sina Jin at Namjoon hyung Ji Eun's POV Pumunta ako sa comfort room habang hindi pa time. May iba kasi akong nararamdaman kanina pa. Ji Eun: Shit! What the.. bat ngayon pa? My god wala pa naman akong dala napkin Natataranta na ako sa loob ng CR di ko alam ang gagawin ko ng marinig ko ang boses ni Alex. Ji Eun: Teka parang si Alex ata yun Lumabas ako at tiningnan kung si Alex nga yun tsaka lang ako nakahinga ng maluwag ng makita ko si Alex Alex: Oh nandito ka pala Ji Eun: Ne Alex: Hmm time na siguro Tara sabay na tayo Ji Eun: Alex sandali lang Napalingon siya sa'kin Alex: Ano? Ji Eun: M-may napkin ka ba? Nahihiya talaga ako pero bahala na kelangan ko munang babaan ang pride ko ngayon Alex: Ah teka meron ako dito Nakahinga ako ng maluwag ng sabihin yun ni Alex Alex: Here Sabay abot sakin ng napkin at kinuha ko naman ito Ji Eun: Salamat talaga Alex: No problem sige una na ako huh Ji Eun: Ne Tuluyan na nga siyang lumabas sa Comfort room at inayos ko na ang dapat ayusin. Agad na akong bumalik sa classroom namin. Suga's POV Pagkatapos ng English subject namin lunch time na. Taehyung: Tara na mga hyung puntahan na natin sina Jin hyung at Namjoon hyung Jin: Hindi na kailangan Jungkook: Hyung? Namjoon: Bakit? parang nagulat kayo ah Hoseok: Hindi naman sa ganun hyung nagulat lang kami sa biglaan nyong pagsulpot ni Jin hyung Taehyung: Tsss.. teka si Jimin nasan naba? Jimin: I'm here Nagulat ako sa pagsulpot ni Jimin napaka hype niya talaga Jungkook: Hyung naman nakakagulat ka naman eh Jimin: Sorry. Ano Tara na? Jungkook: Sige Taehyung: Teka Suga hyung ano pang ginagawa mo jan? Jin: Tumayo kana jan Suga: Mauna na kayo susunod ako Taehyung: Pero hyung... Suga: Susunod na nga lang ako Hindi ko maiwasang mainis sa mga ito, ang kukulit kasi. Namjoon: Don't force him, basta sumunod ka Suga: Ne Umalis na sila at nagpaiwan naman ako sa room inantok kasi ako sa English time kanina kaya magpapahinga muna ako saglit. Ji Eun's POV Lunch time na kaya lumabas na agad ako. Pumunta ako sa cafeteria sobrang laki at ang daming studyante nakita ko pa si Jimin na may kasama Ji Eun: Hmm siguro sila na ang tinutukoy ni Alex na mga Heart Throb dito sa campus pero anim lang sila. Napatingin sakin ang isa nyang kasama agad naman akong lumabas. Nakayuko lang ako naglalakad sa Hall way nang may mabangga ako Lalake: Tsk! ano bayan miss! Ji Eun: S-sorry di ko sinasadya Lalake: Next time tumingin ka sa dinadaanan mo Grabe siya makatingin sa'kin parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya hmmp. Napangisi lang ako sa kanya at biglang kumunot ang noo niya Ji Eun: Di ko nga sinasadya diba? At isa pa nakayuko ako ikaw diretso lang tapos di ka man lang umiwas tsss Tumalim ang tingin niya sakin hindi naman ako nag patalo siya na ang nag iwas ng tingin. Nagulat ako ng lumapit siya sakin at bumulong sa gilid ng tenga ko Lalake: Kilalanin mo kung sino kinakalaban mo Gumuhit ang kakaibang ngiti sa labi niya at umalis na siya

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.