read.cash Log in Sign up

Just got home 🙂 Finally nakalabas narin ako ng bahay at pumunta sa MALL.. Christmas is in the air na nga, nakita kona naman ang giant Christmas tree ng " Robinson NAga ," May halong tuwa at lungkot ang aking naramdaman. Tuwa kc malapit naman nating ipagdiwang ang pasko. Lungkot kc dati kapag ganitong buwan, katulad dito sa mall, makikita mo ang daming tao, specially mga bata na naglalaro sa mall, maiingay, takbo dito, takbo dun. Mga taong naguumpokan , kahit saan na part ng Mall.. Kabilaan ng mga show ng mga artista. Ngayon wala na.. sobrang tahimik. Nawala na ang dating maingay at masayang lugar. Sana bumalik na sa dati ang buhay natin. Yung malaya kang makagalaw kahit saan mo gustong pumunta. Sana sa sunod ng taon, maranasan muli ng mga bata ang masaya at malayang nakakapaglaro dito sa Mall.. Nalungkot ako para sa pamangkin ko kanina. Miss nya daw ang pumunta sa Mall. Kaya nakiusap kay mommy nya na sumama samin. Pero ng nagtanong kami sa guard kung pwedi ng pumasok anf bata. Ang sabi ng guard, hindi daw pwedi. Kaya ayon balik na lang sa car yung pamangkin ko at isa kung kapatid. Umiyak daw ang pamangkin ko.Bad daw ang guard. Haha! Hindi daw sya pinapasok 😂 Kaya no choice, kundi magstay sila sa car at hintayin kaming lumabas sa Mall. #RandomThoughts

7 comments

Log in Sign up Free places are open right now.