"Murang Load" Payday Sale na pala mamaya sa Shopee mga katambay. Sayang nga at hindi ako nakapag cash in kanina kasi 36 lang balance ko sa Shopeepay Wallet ko. Hindi tuloy ako makapag avail ng free shipping kahit na tig piso o ang tig 9 pesos lang yung target ko sa Flash Deals. Kaya ito ngayon, load nalang muna bibilhin ko. Pahinga muna ako sa pag order kasi hindi pa dumarating ang mga na order ko nung 9.9 sale haha. Nga pala mga katambay, alam niyo ba na sa halagang 20 pesos niyo makakapag load na kayo ng halos 80 pesos? Tignan niyo po sa screenshot ko sa ilalim. Nakapag avail ako ng 20 pesos load for only 5 pesos. Diba ang sulit? Kaya ano pang hinihintay niyo, mag avail na din po kayo. Mag avail na kayo ng murang load ni Shopee.
No comments yet