Munting regalo

0 4
Avatar for Yha
Written by
4 years ago

Bilang isang nanay,lahat gagawin natin para sa ating mga anak.

Kaya ang kapatid ko ay nag tiyaga at nangibang bansa para may maipang tustos sakanyang dalawang anak na kasalukuyang nag aaral.Hindi man nya ito parating nakikita ay pinaparamdam nya naman sa mga ito na hindi nya ito pinababayaan kahit nasa malayo sya araw araw nya itong tinatawagan sa telepono.

At ngayong may covid 19 hindi pa man natatapos ang kanilang 4th grading period ay itinigil na ng mga klase ng dalawa. Kaya kahit mahirap dahil nasa malayo ang mga magulang ng dalawa dagdag pasakit pa ang kawalan ng baon nila dulot ng hindi makapag padala ang mga magulang dahil sa lockdown ay ipinakita naman nila na hindi nila ito bibiguin at ngayon lamang a 15 ng buwan ng hunyo ay nakuha na ang kanilang report card at laking tuwa ng mga magulang nila na achiever ang kanilang anak at matataas ang mga grado na nakuha ng mga ito. Kaya kahit nasa malayo ang mga magulang na nangungulila ay pinili nilang ipagpatuloy ang pagtatrabaho para sa kanilang mga anak, at dahil narin sa munting regalong ito, labis nilang napasaya ang kanilang mga magulang pinatunayan ng kanilang mga anak na sulit ang hirap at pangungulila ng kanilang mga magulang at ang mga medalyang ito at mga sertipika ang patunay.

1
$ 0.00

Comments