read.cash Log in
@Yen more from that month

Naranasan nyo naba na gusto mo ng umalis sa kwentuhan dahil may gagawin kapa pero nahihiya ka naman dahil mukang hindi lulubay yung kakwentuhan mo hanggat hindi ka nagpapaalam 😂 Habang nililibot ko yung mga bata , napakat ako sa bidahan..bigla kasing lumapit yung Isa naming kapitbahay na senior tapos nag start na magkwento. Dahil madalang magkwentuhan kasi nga madalang ako lumabas ayun napakat na ako haha. Gusto ko ng magpaalam kaso nahihiya naman ako. Buti nalang , nangulit ang anak ko at nag aya umuwi kaya may dahilan ako para magpaalam. Good job anak 😂😂😂 Hindi kasi ako sanay makipagkwentuhan kasi diko alam kung yung mga kwento ko ba e magagamit against me.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.