Sinampalukang manok na walang gulay for lunch π Kagabi may nakita ako sa Facebook na nagtitinda ng manok , nagtanong ako kung free delivery at oo naman daw. Umorder ako ng isa para sana hindi na ako mamroblema sa ulam. So kaninang umaga tiningnan ko yung chat ko hindi naman naka seen. Edi inassume ko na baka hindi madedeliver kaya bumili nalang ako ng pusit sa nagrorolling dito tapos pamaya maya may tinatawag sa bahay at ayun nga deniliver yung manok. Tapos ang epic talaga kasi goodcul pala yung manok. Haha Yung matigas at need pa I pressure cooker π Ako pa ang nagkatay tapos ayun nga niluto ko ng sinampalukan para may sabaw mga bata. Yung pusit pinaref ko muna saka yung kalahati ng chicken kasi dalawa Lang kami ng kapatid ko e. Di namin mauubos yung isang buong manok π
2 comments
Namiss ko kumain ng ganito. Huhu
Hala naman, masyadong matrabho pala ang na-order mo, buti marunong kng magkatayπ€£π€£