Isang maulan na umaga sa lahat. Minsan ba naranasan nyo na bigla nalang matitrigger yung anxiety nyo dahil sa may nasabi Lang yung ibang tao o kaya may ginawa kahit hindi naman nila intention Yun? Kagabi kasi ramdam na ramdam ko yung pagod tapos inasar pa ko ng asawa ko , mga ilang sandali bigla nalang akong umiyak habang pinakakain ko yung anak ko. Basta bigla nalang tumulo yung luha ko at naisip kung gaano kalungkot yung buhay ko sa apat na sulok ng bahay namin. Yung feeling na awang awang ako sa sarili ko pero wala naman akong choice kasi dinala na ako ng sitwasyon dito . Ako na yung umako sa lahat ng tungkulin ng nanay ko dito sa bahay , pag aalaga sa pamangkin ko at pangangamusta kay Papa. Yung gumising ka isang araw na kailangan mo ng gampanan yon lahat kahit hindi ka naman ready kasi wala ka naman choice. Iniisip ko nalang na hindi naman to forever at dadating din sa point na maaasikaso kong mabuti yung sarili ko pamilya kapag nakabukod na kami. Hayssss
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet