Halos puro patungkol sa ECQ yung balita sa 24 oras. Nakakalungkot kasi isang taon na yung nakaraan ngunit parang bumalik ulit tayo sa dati. Dito sa amin wala pa naman announcement na ECQ pero nabasa ko kanina na binabantayan na yung mga boundaries ng Nueva Ecija papunta ng mga kapitbahay namin probinsya tulad ng Pampanga at Tarlac. Kawawa na naman yung mga apektado ng ECQ , yung mga mawawalan na naman ng trabaho kasi hindi naman essential yung trabaho nila tulad nung brother in-law ko na nagwowork as lawn tennis trainer. Sana matapos na to no? Hindi man natin alam kung ano yung plano ng Lord , ugaliin padin natin ng manalangin at magtiwala sa kanya.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Oo nga po eh, halos lahat tayo umaasa na matapos na agad itong pandemya. Pero hindi lang naman po tayo ang bumabalik sa lock down dahil mukhang halos lahat ata ng mga bansa sa mundo bumabalik din sa dati.